Hagdan
Tungo sa Pangarap
Ni Apolinario Villalobos
Pangarap -
Pangarap na hinahabi
Hinahabi at sana ay mangyari
Mangyari at matupad na mga inaasam
Inaasam at tinatanaw nang may agam-agam
Agam-agam na nagbibigay din ng mga
alalahanin
Alalahaning baka hindi mapagtagumpayang mga
mithiin
Mga mithiin ito na nagbibigay ng lakas at
sa atin ay nagtutulak
Nagtutulak sa ating likuran at lakas na sa
harap pa rin ay humahatak!
No comments:
Post a Comment