0

Huwag Batikusin si Gov. Pax Mangudadatu Dahil sa Ginawang Kasalanan ng Anak

Posted on Tuesday, 24 April 2018


Huwag Batikusin si Gov. Pax Mangudadatu Dahil sa Ginawang Kasalanan ng Anak
Ni Apolinario Villalobos


Simula nang pumutok ang balitang may pinatay ang isang anak ni Governor Pax ay nagtanung-tanong ako tungkol sa anak niyang ito. Lahat ng mga taga-Lutayang lehitimong taga-roon na mga Muslim ay nagsabing hindi daw talaga maganda ang ugali ng anak ni Governor Pax, kaya hindi na sila nagulat sa nagawa nitong krimen. Pinuntahan ng nakakatandang anak ni Governor Pax ang namatayang pamilya at ayon sa kuwento ng kasama niyang malapit sa akin, wala raw tigil ito sa pag-iyak dahil sa awa sa mga namatayan. Ang payo ko sa iba, hintayin na lang ang resulta ng ginawang aksiyon laban sa anak na ito ni Governor Pax….na maaaring ikakabigla natin.

Hindi maiiwasang magkaroon ng isa o mas higit pang “black sheep” sa isang pamilya. Ang mga magulang ay halos mabuwang sa pag-isip ng paraan upang sila ay mapagbago. Posible ring may mga magulang na naging pabaya kaya naka-develop ng masamang ugali o nagkaroon ng masamang bisyo ang ilang anak nila.

Kahit sa isang samahan ay mayroon ding “black sheep” at ang pinakasikat na samahang mayroon nito ay ang kay Hesus. Si Hudas ang itinuturing na tupang itim dahil sa pagkakanulo niya kay Hesus, kapalit ng ilang pirasong pilak.

Simula nang magdesisyon akong magsulat tungkol kay Gov. Pax Mangudadatu kahit noong sa Manila ako at hindi ko siya kilala ay nagsaliksik na ako tungkol sa kanya at mula nang maging magkaibigan na kami ay lalo ko pa siyang nasubaybayan. Nakakagulat ang mga sinasabi niya, tulad ng mga sumusunod:

  • Sinabihan niya ang isang opisyal sa Capitol na nag papirma ng dokumento para sa isang project ng “….ayaw ko niyan kung walang makikinabang na Christians diyan…dapat pantay ang turing sa mga makikinabang na mga Muslim at Christians….pakipalitan mo yan”.

  • Sa mga kinder pupils ng isang Methodist Prep School ng Esperanza, “kayong mga bata…simulan na ninyong gumawa ng mabuti dahil kung matanda na kayo, mahirap nang baguhin ang masamang ugali…”

  • Sa lumapit na isang Muslim na gustong tumakbong barangay Chairman at bumulong na kailangan “sana” niya ng financial na tulong, sinabi niyang, “…kung tatakbo kang opisyal, huwag kang mamigay ng pera, dahil kung matatalo ka magsisisi ka….at kung manalo ka ay siguradong magnanakaw ka ng pera sa gobyerno para mabawi ang nagasto mo…”

  • Sa isa pang opisyal na may papapirmahang dokumento tungkol sa expense, pinaalalahanan niyang, “…sa mga bagay na ito dapat ay maging transparent dahil ang ginagastos ay pera ng tao…kaya, lahat ay dapat totoo…”.

Narinig ko ang lahat ng mga sinabi niya dahil halos magkatabi kami…nasa harap din niya ang ilang pang naghihintay ng kanilang pagkakataon upang makausap siya at magpapirma. Ang hindi ko makalimutan ay ang hindi niya pagkain ng kanyang tanghalian hangga’t hindi nabigyan ang lahat ng nasa loob ng Capitol Gym ng Jollibee lunch pack…saka pa lang siya bumalik sa presidential table sa stage upang kainin ang simple niyang lunch. Nagsalita pa siya noon sa microphone upang pakiusapan ang mga Jollibee representatives na nagdi-distribute ng packed lunches na, “please lang….baka pwedeng bilisan lang ang pamimigay ng pagkain dahil pasado tanghali na at siguradong gutom na ang mga kasama natin….”. Nangyari yan noong Kalimudan Festival.

May popular ding kuwento tungkol sa pagiging matulungin ni Governor Pax. May dumating daw na constituent sa kanyang opisina at humihingi ng tulong panggastos sa ospital. Walang pera si Governor Pax noon kaya ang ginawa ay hinubad ang suot niyang mamahaling relo at sinabihan ang humihingi ng tulong na isangla niya ito pero ibigay sa kanya ang resibo para matubos niya pag may pera na siya.

Bilang panghuli, pinapakiusap ko na sana ay huwag batikusin si Governor Pax dahil sa kagagawan ng anak. Nasa Bibliya yata nanggaling ang kasabihang, “ang kasalanan ng ama ay hindi kasalanan ng anak” …ibig sabihin, ang kasalanan ng isang miyembro ng pamilya ay hindi dapat ituring na kasalanan ng buong pamilya.

Marami pang anecdotes akong ilalabas tungkol sa magandang ugali ni Governor Pax….






Discussion

Leave a response