Madam GUIARAYA M. KUDA...naging barangay chairperson at mayor ng Pandag, Maguindanao, at nag-araro ng bukid nang mabiyuda
Posted on Tuesday, 25 June 2019
MADAM GUIARIYA M. KUDA….NAGING BARANGAY CHAIRPERSON AT MAYOR NG PANDAG, MAGUINDANAO, AT NAG-ARARO NG
BUKID NANG MAGING BIYUDA
Ni Apolinario Villalobos
Para akong nakahukay ng ginto ng makilala ko si Madam
Guiariya sa terminal ng mga multi-cab na nagbibiyahe sa Datu Paglas at Buluan.
Ang unang nakatawag ng aking pansin ay ang kanyang damit at mukha na kahit may
mga kulubot ay nakikitaan pa rin ng ganda. Malaki ang pasasalamat ko nang
pumayag siyang makunan ko ng larawan at nakipag-usap pa sa akin.
Noon ko nalaman na dati pala siyang barangay chairperson ng
Pandag, Maguindanao at naging mayor nito nang mai-angat sa pagiging bayan.
Dating barangay ng Buluan, Maguindanao ang Pandag. Sa pag-uusap namin ay
nabanggit niyang nadanasan din niyang mag-araro ng kanilang bukid nang siya ay
mabiyuda, sabay pakita ng kanyang mga kamay na nakitaan ko ng mga bakas ng
humilom na sugat sa pagkakahawak ng bakal na araro. Masayang kausap si Madam
Guiariya at napansin ko rin ang maliksi niyang pagkilos sa kabila ng kanyang
gulang na 76 na taon….at sa kanyang pananalita ay mahahalata ang kanyang
talino.
Discussion