0
Sa Pag-unlad ng mga Bayan, Uunlad din ang Buong Bansa...pero, maayos na sistema ang kailangan
Posted on Thursday, 11 July 2019
SA PAG-UNLAD NG MGA BAYAN, UUNLAD DIN ANG BUONG BANSA
…pero, maayos na sistema ang kailangan
Ni Apolinario Villalobos
Upang mapaunlad ang mga bayan, ang unang dapat bigyan ng
pansin ay ang “purchasing power” ng mamamayan o kakayaha nilang bumili. Paano silang
magkaroon nito?...dapat ay may pinagkikitaan sila kahit paano sa anumang
malinis na paraan – pagtinda sa palengke na may puwesto o sa bangketa man lang
kung market day, pagtulak ng karitong may paninda, paglibot ng mga paninda
gamit ang “topdown”. Kapag kumikita ng
maayos ang mga mamamayan, sisigla ang malalaking grocery, mga mall, mga kainan,
etc. Kapag nakita ito ng mga investors, magtatayo sila ng mga negosyo, ng mga
building na magiging opisina. Kapag lalo pang sumigla ang negosyo, lalo pang
lalaki ang kikitain ng mga LGu sa pamamagitan ng buwis. Kapag malaki ang buwis
ng mga LGU marami na silang magagawang project….basta hindi lang mahaluan ng
corruption.
Hindi dahil “malinis” sa paningin ang isang bayan ay maganda
na itong palatandaan na umuunlad ito. Ang ibig kong sabihin sa “malinis” ay ang
RESULTA NG WALANG PATUMANGGANG PAGTANGGAL SA MALILIIT NA NEGOSYANTE SA KANILANG
KINALALAGYAN KUNG WALA SILANG MALILIPATAN….YAN ANG DAPAT NA ISAALANG-ALANG NG
LGU. HINDI DAPAT BASTA MAGTANGGAL KUNG
WALANG MAPAGLILIPATAN SA KANILA. ANO ANG GAGAWIN NITO SA MGA MAGUGUTOM DAHIL
WALA NANG MAPAGKIKITAAN?
Kapag nawalan ng mapagkikitaan ang mga dislocated na
maliliit na mga negosyante, istambay ang labas nila dahil walang ginagawa at
dahil ayaw nilang magutom ang pamilya may mag-iisip na gagawa ng masama –
magnakaw, magtulak ng shabu, ang mga anak na babaeng tumigil sa pag-aaral ay
papasok sa mga beer house, ang mga anak na lalaki na tumigil sa pag-aaral ay
magiging call boy o batang holdaper o runner ng mga nagbebenta ng shabu. Marami
akong nakausap na ganyan sa Manila slum areas kaya ko sini-share. Yong walang
ganyang karanasan na napagdaanan ko, huwag mamilosopo. May kasabihang “kapit sa
patalim” at ganyan ang nangyayari kapag ang tao ay hindi na makatiis ng gutom.
KAPAG MAUNLAD ANG MGA BAYAN, SIGURADONG UUNLAD ANG BUONG
BANSA…PERO DAPAT AY MAY MAAYOS NA SISTEMANG PAGBATAYAN…HINDI PABARA-BARANG
PERSONAL NA KAGUSTUHAN LANG NG MGA OPISYAL UPANG MAGING SIKAT.