0

Sa Pag-unlad ng mga Bayan, Uunlad din ang Buong Bansa...pero, maayos na sistema ang kailangan

Posted on Thursday, 11 July 2019


SA PAG-UNLAD NG MGA BAYAN, UUNLAD DIN ANG BUONG BANSA
…pero, maayos na sistema ang kailangan
Ni Apolinario Villalobos

Upang mapaunlad ang mga bayan, ang unang dapat bigyan ng pansin ay ang “purchasing power” ng mamamayan o kakayaha nilang bumili. Paano silang magkaroon nito?...dapat ay may pinagkikitaan sila kahit paano sa anumang malinis na paraan – pagtinda sa palengke na may puwesto o sa bangketa man lang kung market day, pagtulak ng karitong may paninda, paglibot ng mga paninda gamit ang “topdown”. Kapag  kumikita ng maayos ang mga mamamayan, sisigla ang malalaking grocery, mga mall, mga kainan, etc. Kapag nakita ito ng mga investors, magtatayo sila ng mga negosyo, ng mga building na magiging opisina. Kapag lalo pang sumigla ang negosyo, lalo pang lalaki ang kikitain ng mga LGu sa pamamagitan ng buwis. Kapag malaki ang buwis ng mga LGU marami na silang magagawang project….basta hindi lang mahaluan ng corruption.

Hindi dahil “malinis” sa paningin ang isang bayan ay maganda na itong palatandaan na umuunlad ito. Ang ibig kong sabihin sa “malinis” ay ang RESULTA NG WALANG PATUMANGGANG PAGTANGGAL SA MALILIIT NA NEGOSYANTE SA KANILANG KINALALAGYAN KUNG WALA SILANG MALILIPATAN….YAN ANG DAPAT NA ISAALANG-ALANG NG LGU. HINDI DAPAT BASTA  MAGTANGGAL KUNG WALANG MAPAGLILIPATAN SA KANILA. ANO ANG GAGAWIN NITO SA MGA MAGUGUTOM DAHIL WALA NANG MAPAGKIKITAAN?

Kapag nawalan ng mapagkikitaan ang mga dislocated na maliliit na mga negosyante, istambay ang labas nila dahil walang ginagawa at dahil ayaw nilang magutom ang pamilya may mag-iisip na gagawa ng masama – magnakaw, magtulak ng shabu, ang mga anak na babaeng tumigil sa pag-aaral ay papasok sa mga beer house, ang mga anak na lalaki na tumigil sa pag-aaral ay magiging call boy o batang holdaper o runner ng mga nagbebenta ng shabu. Marami akong nakausap na ganyan sa Manila slum areas kaya ko sini-share. Yong walang ganyang karanasan na napagdaanan ko, huwag mamilosopo. May kasabihang “kapit sa patalim” at ganyan ang nangyayari kapag ang tao ay hindi na makatiis ng gutom.

KAPAG MAUNLAD ANG MGA BAYAN, SIGURADONG UUNLAD ANG BUONG BANSA…PERO DAPAT AY MAY MAAYOS NA SISTEMANG PAGBATAYAN…HINDI PABARA-BARANG PERSONAL NA KAGUSTUHAN LANG NG MGA OPISYAL UPANG MAGING SIKAT.



Discussion

Leave a response