0
Ang Baha sa Manila, Ang Manila Bay, Ang Pasig River, at Ang "High Tide"
Posted on Wednesday, 14 August 2019
ANG BAHA SA MANILA, ANG MANILA BAY, ANG PASIG RIVER, AT “HIGH TIDE”
Ni Apolinario Villalobos
Ang baha sa Manila ay hindi dahil lang sa tuloy-tuloy na
malakas na ulan nang kung ilang araw kundi dahil sa kawalan ng labasan ng tubig
kung sumabay ang “high tide” o pagtaas ng tubig sa dagat kaya natatakpan ang mga outlet o labasan ng tubig mula sa mga
establisemento tulad ng hotel, restaurants, carinderias, at mga tirahan ng mga
tao tulad ng mga bahay at condominiums.
Ang iba ay dumidiretso sa Manila Bay at ang iba ay lumalabas muna sa Pasig
River.
Ang tubig ng Pasig
River ay sa Manila Bay dumadaloy o lumalabas. Maraming bayan ang dinadaan ng
Pasig River na nakadugtong din sa Laguna de Bay at Marikina River kaya lahat ng
mga bayan na umaasa sa Pasig River
bilang labasan ng tubig o outlet ay apektado din ng baha. Kapag high tide kaya tumataas
ang tubig sa Manila Bay, hindi na nakakalabas dito ang tubig mula sa Pasig
River, at kung sinabayan ng malakas na ulan, baha ang resulta.
Ang mga dating labasan ng tubig mula sa mga lumang bahay at
business establishments sa Manila na sinimulang gawin noong panahon ng Kastila
ay masyadong mababa kaya bumabalik sa mga ito ang tubig kapag hindi makalabas
sa Pasig River kung high tide o tumaas ang tubig sa Manila Bay, KAHIT WALANG
ULAN.
Hindi lang Manila ang apektado ng high tide na nagsasanhi ng
baha kundi pati na rin ang Las Pinas, Paranaque at Cavite na ang ang hantungan
ng dumadaloy mula sa drainage system nila ay Manila Bay. Nang magkaroon ng reclamation project
sa Manila Bay na tinayuan ng isang maunlad na distrito, nangyari ang
pinangangambahan ng mga taga-Paranque at
ilang bahagi ng Las Pinas dahil “nasakal” ang dati ay maluwag na daluyan ng
tubig mula sa mga ito patungo sa Manila Bay, kaya mabilis ang pagkaroon ng baha
sa kanila kung tag-ulan.
Ang Marikina River ay nagdudugtong sa Pasig River kaya kung bumalik ang tubig mula
sa Manila tuwing high tide na sinabayan ng malakas na ulan, matinding baha din
ang resulta. Ang mga ilog na mula sa
bulubunduking bahagi ng Rizal ay sa Marikina River din dumadaloy kaya
nakakadagdag sila sa mabilis na pagtaas ng tubig na sanhi ng mabilis na
pag-apaw.
HIGIT SA LAHAT, MAS MABABA ANG MANILA KAYSA WATER LEVEL NG
DAGAT NA NOON PA LANG AY ALAM NA….AT DAHIL MAS MABABA KUNG IHAMBING SA IBA PANG
MGA NAKAPALIGID NA BAYAN, ITO ANG PINAKALABASAN NG TUBIG MULA SA PASIG RIVER
PAPUNTA SA MANILA BAY.
(The image of the Pasig River is from the Google archive.)