BULUAN...MAKASAYSAYANG KABISERA NG MAGUINDANAO
Posted on Thursday, 25 March 2021
BULUAN…MAKASAYSAYANG KABISERA NG MAGUINDANAO
Ni Apolinario Villalobos
Nasa gitna ng kalakalan noon pang unang panahon
Na makikitid na kalsada ang nag-uugnay sa mga nayon
Mga nakatira sa baybaying dagat ng Timog Cotabato
Lumalakbay sa mga palanas makarating lang sa bayang ito.
Sambolawan na dating pangalan ng President Quirino
Naging bahagi ng makasaysayang bayan bilang baryo
Ganoon din ang Tacurong na dati ay halos lubog sa latian
Ngayon ay maunlad dahil nasa gitna ng masiglang kalakalan.
Mula sa isa pang bahagi’y nabuo ang bayan ng Columbio
Sinundan ng Lutayan na karamihang tumira’y mga Ilocano
Nabuo rin ang General Salipada K. Pendatun, hilagang bayan
At bandang huli, nabuo ang Pandag at Mangudadatu naman.
Ang umaagos na tubig mula sa lawa nito at ng Lutayan
Mga naglalakbay patungong Cotabato, ito ang “daluyan”
Nagmistulang “ugat” na dinadaluyan ng dugo ng buhay
Dahil sa mga isda, igi at kangkong na sagana nitong taglay.
Unang tinirhan ng mga taong sa Visayas at Luzon nanggaling
Naging kapamilya ng mga Maguindanao, Pinoy na magigiting
Hindi pinagkait ang kulturang ibinahagi sa mga bagong kaibigan
Kaya natuto silang kumain ng tapay, tinagtag, bolibed at panyalam.
Kabisera ngayon ng lalawigan ng Maguindanao, simbolo’y agila…
Ibong may angking tapang, liksi, matalas na kuko at mga mata
Umangkop sa namumunong masipag, trabaho’y sa tahimik na paraan
Matalas ang pakiramdam sa mga pangangailangan…at si ay si BAI MARIAM.
Makasaysayang Buluan ay nasa pangangalaga ng batang liderato
Maliksing kumilos, palangiting si BABYDATS MANGUDADATU
Sa murang gulang ay nakaunawa na ng kalagayan ng mga kababayan
Kaya natanim sa puso at isip na sila ay hinding-hindi niya pababayaan.
Maraming hadlang ang sa landas ng Buluan ay nagsisilbing balakid
Subalit mga Buluanon, sa pagsagupa ng mga ito’y malakas ang dibdib
Hawak-kamay silang lahat, nagpipilit na sumulong patungo sa kaunlaran
Hangad ay maaliwalas at masaganang kinabukasan ng BAGONG BULUAN!
Note:
igi-small freshwater snail that thrives in rivers and lakes
Mangudadatu – formerly Tombao