0

BULUAN...MAKASAYSAYANG KABISERA NG MAGUINDANAO

Posted on Thursday, 25 March 2021

 

BULUAN…MAKASAYSAYANG KABISERA NG  MAGUINDANAO

Ni Apolinario Villalobos

 

Nasa  gitna ng kalakalan noon pang unang panahon

Na makikitid na kalsada ang nag-uugnay sa mga nayon

Mga nakatira sa baybaying dagat ng Timog Cotabato

Lumalakbay sa mga palanas makarating lang sa bayang ito.

 

Sambolawan na dating pangalan ng President Quirino

Naging bahagi ng makasaysayang bayan bilang baryo

Ganoon din ang Tacurong na dati ay halos lubog sa latian

Ngayon ay maunlad dahil nasa gitna ng masiglang kalakalan.

 

Mula sa isa pang bahagi’y nabuo ang bayan ng Columbio

Sinundan ng Lutayan na karamihang tumira’y mga Ilocano

Nabuo rin ang General Salipada K. Pendatun, hilagang bayan

At bandang huli, nabuo ang Pandag at Mangudadatu naman.

 

Ang umaagos na tubig mula sa lawa nito at ng Lutayan

Mga naglalakbay patungong Cotabato, ito ang “daluyan”

Nagmistulang “ugat” na dinadaluyan ng dugo ng buhay

Dahil sa mga isda, igi at kangkong na sagana nitong taglay.

 

Unang tinirhan ng mga taong sa Visayas at Luzon nanggaling

Naging kapamilya ng mga Maguindanao,  Pinoy na magigiting

Hindi pinagkait ang kulturang ibinahagi sa mga bagong kaibigan

Kaya natuto silang kumain ng tapay, tinagtag, bolibed at panyalam.

 

Kabisera  ngayon ng lalawigan ng Maguindanao, simbolo’y agila…

Ibong may angking tapang, liksi, matalas na kuko at mga mata

Umangkop sa namumunong masipag, trabaho’y sa tahimik na paraan

Matalas ang pakiramdam sa mga pangangailangan…at si ay si BAI MARIAM.

 

Makasaysayang Buluan ay nasa pangangalaga ng batang liderato

Maliksing kumilos,  palangiting si BABYDATS MANGUDADATU

Sa murang gulang ay nakaunawa na ng kalagayan ng mga kababayan

Kaya natanim sa puso at isip na sila ay hinding-hindi niya pababayaan.

 

Maraming hadlang ang sa landas ng Buluan ay nagsisilbing balakid

Subalit mga Buluanon, sa pagsagupa ng mga ito’y malakas ang dibdib

Hawak-kamay silang lahat, nagpipilit na sumulong patungo sa kaunlaran

Hangad ay maaliwalas at masaganang kinabukasan ng BAGONG BULUAN!

 

Note:

igi-small freshwater snail that thrives in rivers and lakes

Mangudadatu – formerly Tombao





No Comments

Discussion

Leave a response