ANG MGA DAPAT SANANG MANGYARI TUWING MATAPOS ANG HALALAN SA PILIPINAS
Posted on Wednesday, 11 May 2022
ANG MGA DAPAT SANANG MANGYARI TUWING MATAPOS ANG HALALAN SA PILIPINAS
Ni Apolinario Villalobos
1.Magpasalamat ang mga mamamayan ng komunidad na hindi nagkaroon ng kaguluhan dahil sa pulitika.
2.Iwasan ng lahat ang sisihan at pagsisisi dahil natalo at huwag magbintang na dinaya dahil alam na ng lahat ang kalakaran tuwing may eleksiyon sa Pilipinas.
3.Ang mga natalong kandidato at mga supporter ay hindi dapat magsabotahe sa mga gagawin ng mga nanalo para sa bayan….makipagtulungan na lang dahil nagkaroon na ng desisyon at wala nang magagawa pa. Kung may reklamo idaan sa tamang proseso tulad ng pagsampa ng kaso para legal ang paraan.
4.Ang mga nanalong kandidato, DAPAT TUPARIN ANG MGA PINANGAKO…..MAGPAKITA NG GILAS SA PAGTRABAHO UPANG PATUNAYANG KARAPAT-DAPAT SILA SA TIWALANG IBINIGAY SA KANILA NG MALAKING BAHAGI NG MAMAMAYAN NG KANILANG KOMUNIDAD. SA GANITONG PARAAN, MAHIKAYAT DIN NILA ANG MGA HINDI NILA NAKUMBINSE NANG SILA AY MANGAMPANYA….HUWAG DIN SILANG MAGHIGANTI SA MGA HINDI SUMUPORTA AT MGA KALABAN SA PULITIKA….HUWAG TANGGALIN SA PUWESTO ANG MGA HINDI SUMUPORTA….IPAGPATULOY ANG SINIMULANG PROYEKTO NG MGA DATING OPISYAL PERO NATALO AT IDAGDAG ANG MGA SARILING PROYEKTO UPANG LALO PANG MAKINABANG ANG MGA MAMAMAYAN.
5.ITIGIL NANG PAG-USAPAN ANG TUNGKOL SA ELEKSIYON….MAGTULUNGAN PARA SA IKAUUNLAD NG KOMUNIDAD.
TANDAANG SA LARANGAN NG PULITIKA, WALANG PERMANENTENG MAGKAIBIGAN….PATI NGA MAGKAKAPAMILYA AT MAGKAKAMAG-ANAK NA PANATIKO AT MAKIKITID ANG ISIPAN AY HINDI NAGKAKAUNAWAAN AT ANG PINAKAMASAKLAP AY NAGPAPATAYAN…HUWAG SILANG TULARAN.
KUNG MATALINO KANG MAMAMAYAN, BOTANTE MAN, O DI KAYA AY NATALO O NANALONG KANDIDATO, KATALINUHANG MAKATAO ANG DAPAT NA PAIIRALIN MO.
Discussion