0

ELMA DARJAN-BIDES...hiyas na kumikinang, hindi makakalimutan

Posted on Friday 19 August 2022

 ELMA DARJAN-BIDES...hiyas na kumikinang, hindi makakalimutan

Salat man sa yaman ang tahanang kinalakhan
Umaapaw naman ito sa pagmamahalan
Pagmamahalang nagmula sa puso ng bawa't isa
Na sa payak na tahanan ay maligayang nakatira.
Bata pa'y nakitaan ng mga kakayaha't katalinuhan
Habang lumalaki ay hindi niya pinagyabang
Di maikubli kaya kahit tahimik maraming humanga
Pati sa ngiting matamis at boses na mapagkumbaba.
Yan si Elma, tila hiyas, may kinang na nakakasilaw
Lalo na kung ito ay tamaan ng sikat ng araw
Hindi makakalimutan dahil sa bukod-tanging ugali
Alaala ng mga nagmamahal sa kanya'y di mapapawi!





No Comments

Discussion

Leave a response