Unsolicited na mga Payo sa mga Nanalo sa Barangay Election
Posted on Tuesday, 15 May 2018
UNSOLICITED NA MGA PAYO SA MGA NANALO SA BARANGAY ELECTION
Ni Apolinario Villalobos
Para sa mga nanalo na naman:
· 1. Kung nanalo kayo uli sa kabila ng kawalan ninyo
ng ginawa, at dahil sa pagbili ng botodapat ay makonsiyensiya kayo nang
sa ganoon ay magawa na ninyo ang nararapat dahil nabigyan uli kayo ng chance.
· 2. Huwag nang magnakaw sa kaban ng barangay upang
hindi madagdagan ang mga ginawa ninyong kasalanan dahil mabubulgar din naman
talaga ang inyong pagkabalasubas kaya habang buhay na masisira ang dangal at
pangalan ng inyong angkan.
Para sa mga bagong nanalo:
· 1. Huwag maging “bara-bara” sa pagpapatupad ng mga
ipinangako. May mga patakarang dapat sundin na galing sa iba’t ibang ahensiya g
gobyerno tulad ng Commission on Audit, DILG at ang mga opisina ng mayor at ang
konseho ng sangguniang bayan o panlunsod. Ang barangay ay nakapaloob sa isang
bayan o lunsod kaya lahat ng mga kilos at desisyon ng Barangay administration
para sa mga constituents ay dapat dumaan sa tamang proseso.
· 2. Huwag pairalin ang pagka-idealistic. Unang-una,
imposible ito dahil sa mga sistemang umiiral. Hindi pwede na kung ano ang gusto
ay masusunod para lang magpa-impress. Kung napapansing masama ang ginagawa ng
mayor, saka ito salungatin para sa kapakanan ng mga constituents.
· 3. Huwag maging swapang sa credit. Kung ano ang
magandang nagawa ng natalo na dating barangay chairman ay dapat i-maintain at
kung ano ang hindi natapos dapat ay ipagpatuloy…..purihin din ang natalo dahil
sa mga magagandang ginawa niya.
· 4. Sa pagpapatupad ng mga programa lalo na ang mgay
mga kinalaman sa kalinisan at pagpaganda ng kapaligiran, palaging unahin ang
karapatang pantao lalo na ang karapatang mamuhay nang tapat o honest kahit sa
pagbenta sa bangketa…huwag silang bugawin na parang langaw.
·
Gawing batayan ang mga pagkakamali ng nakaraang
administrasyon para sa gagawing mga pagbabago. Marami ang nangakong gawing
malinis o maganda ang barangay…subalit dapat alalahaning may maaapektahang mga
tao. Mag-ingat sa gagawing mga hakbang…huwag gumawa ng “short cut” tulad ng
pagbubugaw sa mga iskwater o mga vendors na nasa tabi-tabi KUNG WALANG
NAKAHANDANG MALILIPATAN NILA.
·
Alalahanin ang mga paninirang narinig mula sa
mga kalaban ng natalo noong ito ay nakaupo pa…ITO AY MANGYAYARI RIN SA IYO
BILANG BAGONG OPISYAL KUNG HINDI KA MAG-IINGAT. HIGIT SA LAHAT, HUWAG MAGING BINGI DAHIL SA NATAMONG
KARANGALAN….MAKINIG SA MGA PAYO.
Hindi
madali ang mamuno sa Pilipinas dahil sa malalim na pagkakaugat ng masamang
kultura na may kinalaman sa eleksiyon tulad ng vote buying at karahasan na
umaabot sa patayan. Kapag nasa puwesto na, ang dating mga malinis at may
magandang layunin ay may pagkakataong mabahiran ng dumi dahil sa hindi
pag-ingat o paninira ng mga kalabang ayaw tumanggap ng pagkatalo.
Discussion