Ang Kalagayan ng Pilipinas Ngayon
Posted on Friday, 22 June 2018
ANG KALAGAYAN NG PILIPINAS NGAYON
Ni Apolinario Villalobos
HINDI KAILANGANG MAGING PANTAS O WISE ANG ISANG PILIPINO
UPANG MAUNAWAAN ANG MGA NANGYAYARI SA PILIPINAS MULA PA NOON NA NAGDULOT NG
PAGHIHIRAP NG NAPAKALAKING BAHAGI NG SAMBAYANAN, TULAD NG:
· ----Hilaw ang demokrasya ng Pilipinas. Noon pa man
ay ayaw pa ng ilang Amerikanong mambabatas na bigyan agad ng kalayaan ang bansa
subalit nagpilit ang mga apuradong pulitiko na may pansariling layunin kaya
nagkaroon agad ng Commonwealth.
· ---- Hindi lahat ng naging presidente mula pa noon ay
100% na malinis at pwedeng masabing “modelo” ng ugaling Pilipino. Si Quezon ay
matinding magmura pero sa Kastila nga lang…si Qurino ay sinasabing may “golden
arenola”, etc.
· ---Panahon pa lang ng Amerikano, may mga iskwater
nang naninirahan sa loob ng Intramuros at baybayin ng Tondo na bandang huli ay
umabot sa tinawag na Isla Puting Bato at Baseco Compound. Hind sila nakontrol
ng mga umupong presidente noon kaya dumami nang dumami…lalo pa at ginamit sila
ng mga tiwaling pulitiko bilang mga “boto” na kailangan nila tuwing eleksiyon.
Sila din ang mga hinahakot ng gobyerno at ng leftist groups tuwing may
rally….mga bayarang makabayan kuno.
· ---May nagpapagalaw sa mga grupong “makabayan” kuno
na halatang walang direksiyon. Tuwing may uupong bagong presidente ay
kinakalaban nila…tinatawag na tuta ng Amerika. NGAYON KAY DUTERTE AY HINDI NILA
MAGAWA YAN…LALONG HINDI NILA MATAWAG NA TUTA SIYA NG AMERIKA. Nagkaroon ng problema ang bansa laban sa Tsina
dahil sa West Philippine Sea or South China Sea pero sa harap sila ng US
embassy nagra-rally hindi sa labas ng Chinese embassy. Maraming alam ang mga
grupong ito pero ang nakakapagtaka ay parang wala silang alam tungkol sa CIA ng
Amerika.
· ----Ginagamit na stepping stone ng mga ambisyoso ang
mga grupong makabayan upang maabot ang mas mataas na “puwesto” sa senado o
kongreso kaya napapaghalata ang makasarili nilang layunin dahil kahit nasa
bulwagan na sila ng mga batasan ay wala pa rin silang nagawang tulong sa masa….lalong
lumawak ang saklaw ng squatting sa Manila at malalaking lunsod….may
unemployment pa rin, yon nga lang ay seasonal dahil sa contractualization, kaya
gutom pa rin ang inaabot ng maraming pamilya kapag “finished contract” na ang
kumakayod para sa pamilya.
· ---Hindi nawawala ang cartel sa bigas dahil hindi
na bumalik sa dating presyo ang staple food na ito ng mga Pilipino….halatang
may nagkokontrol na grupo. Ang nakakabahala ay ang hindi napapansing pagmahal
ng mga de-boteng tubig na baka sa bandang huli ay magiging mas mahal pa kaysa
kurudo o gasoline.
·
MAY MGA NAKAUPO PA RING MGA LINTA AT TAMAD SA MARAMING PUWESTO NG IBA’T IBANG
ANTAS NG GOBYERNO AT MGA AHENSIYA….MGA
WALANG PAKIALAM SA MGA DAPAT NILANG AKSYUNAN AYON SA KANILANG JOB
DESCRIPTION. MGA NAGHIHINTAY NG UTOS NI PRESIDENTE, O NI GOVERNOR, O NI
MAYOR….MGA WALANG PAGKUKUSA AT KAPAG PUMUTOK ANG MGA KAPALPAKAN AY SAKA
MAGTUTURUAN AT MAGSISIHAN. SI KAWAWANG “BADYET” ANG PALAGING NASISISI….NA PARA
BANG LAHAT NG MAY KINALAMAN SA IKAGAGANDA HALIMBAWA NG PALIGID AY KAILANGANG
GASTUSAN NG MALAKI, GANOONG PWEDE NAMANG MAGTANIM NG MGA HALAMAN AT PUNO AT MAY
GAGAWA NAMAN DAHIL KASAMA SA TRABAHO NILA.
Discussion