0

Ang Nakakamanghang Pagmamahal sa Asawa nina Gil Carolino at Eldon Agduma

Posted on Friday, 12 June 2020


ANG NAKAKAMANGHANG PAGMAMAHAL SA ASAWA NINA GIL CAROLINO AT ELDON AGDUMA...
ni Apolinario Villalobos


Nakakamangha ang masidhing pagmamahal nina Gilberto Carolino at Eldon Agduma sa kani-kanilang asawa. Sila ang nagbigay ng buhay sa sinumpaang, "TILL DEATH DO US PART", sa harap ng altar nang sila ay ikasal

Matiyagang nagbantay si Gil sa kanyang asawa, sa ospital man ito o sa bahay nakaratay....pabalik-balik kasi ito sa ospital noong siya ay buhay pa. Hindi nagpakita ng kalungkutan si Gil tuwing kasama niya ang kanyang asawa na halos tabihan din sa pagtulog. Ang ginawa ni Gil ang nagbigay ng matiwasay na pakiramdam nang ang asawa niyang si Linda ay tuluyan nang nagpaalam. Hindi inalintana ni Gil kahit halos nasimot ang inipon niyang pera sa bangko mula sa retirement niya sa Philippine Airlines. Masaya siya dahil naipakita niya kay Linda kung gaano niya ito kamahal. Tuwing bertdey ni Linda at araw ng pagkamatay, buong pamilya ang namamasyal sa libingan nito.

Si Eldon ay tuliro nang maospital ang asawa at kinabitan ng mga instrumento. Ang nasa isip niya ay mabuhay ito sa anumang paraan. Nang malaman ang inabot na gastos ay hindi siya nag-atubiling humingi ng tulong sa mga kaibigan...kung baga ay "pinatay" na lang niya ang hiya para sa kapakanan ng asawa. Tulad ni Gil ay hindi rin iniwan ni Eldon ang asawa at inaaliw pa niya ito sa pamamagitan ng pagkanta.
Akala ko noon ay magaling lang siyang kumanta subalit nang makita ko ang isa niyang ipinintang kuwadro ay namangha ako at agad ko siyang ini-blog at sinabihan kong pwede niyang pagkitaan ang galing niya na ibinigay ng Diyos...lalo pa at kailangan nila ang malaking halaga ng pera.para sa ospital. Nagtiyagang magpinta ng mga "detachable framed paintings" si Eldon na, sa awa ng Diyos" ay napansin at nabibili ng mga tagahanga niya.

SA PANAHON NGAYON, ILAN PA KAYANG GIL AT ELDON MERON SA MUNDO?




Discussion

Leave a response