0

Ang Demokrasya ng Pilipinas, si Rodgrigo Duterte, Kriminalidad at Terorismo

Posted on Wednesday, 8 July 2020


ANG DEMOKRASYA NG PILIPINAS, SI DUTERTE, KRIMINALIDAD AT TERORISMO
Ni Apolinario Villalobos

(Ang post na ito ay sa TAGLISH AT WALANG ENGLISH TRANSLATION)

Sa isang demokratikong bansa ay may mga grupong nagtatagisan ng lakas upang ang mananaig o mananalo ay siyang magkokontrol sa pagpapatakbo nito. Mapalad ang mga bansang “matured” ang mga pulitiko kaya ang mga talunan ay tinatanggap ang pangyayari kahit hindi bukal sa kanilang kalooban ang pagbati sa mga nanalo.

Minadali ang pagtanim ng demokrasya sa Pilipinas na kinopya sa Amerika. Dahil diyan, matatawag na pilit sa pagkahinog ang kasarinlan ng Pilipinas. At, dahil pa rin diyan, sa Pilipinas, walang kandidatong natalo, sa halip ay dinaya daw ng nanalo. Nagtatagisan ng galing ang mga uupong pinuno at gusto nilang maalala sila pagbaba nila kaya ang mga proyekto ng pinalitang administrasyon kahit anong galing ay winawasak upang palitan ng bagong nakaupong pinuno at may tatak pa ng initial ng pangalan niya.

Sa Pilipinas, sa halip na magtulungan ang mga nanalo (majority) at mga kaalyado ng mga natalo (minority), sila ay nagsisilipan ng mga pagkakamali kaya sa halip na sumulong ang bansa, ito ay napipigilan sa pag-usad. Kahit anong ganda ng layunin ng proyekto ng nakaupong pinuno, ito ay pilit na kinukulapulan ng putik ng kontra-partido upang palabasing mali siya. May mga nagbabayad pa sa ilang tauhan ng media upang tumulong sa pagpapakalat ng mga negatibong ulat tungkol sa nakaupong pinuno.

Tama lang na may mga taong dapat “magbantay” sa nakaupong pinuno, pero ang hindi maganda ay ang kawalan na ng katuturan sa mga ginagawa ng kontra-partidong pagsabotahe kaya nadadamay ang taong bayan at bansa sa kabuuhan nito. Ang isang paraan ay ang pagpipilit sa nakaupong pinuno na ilahad ang lahat ng kanyang mga “strategies” kahit magreresulta ito sa pagkawasak ng seguridad ng bansa. Ito ay pagpapakita ng kawalan ng tiwala sa namumuno dahil ayaw nilang bigyan ng pagkakataong magpakita ito ng kanyang kakayahan. At, kapag nagtagumpay ang mga naninira sa kanya pero nakadamay naman sa kapakanan ng buong bansa, siyempre, masisisi ang nakaupong pinuno dahil siya ay nabigo, yon nga lang ay sa maduming paraan.

Laganap pa rin sa ibang bansa, kahit ang makapangyarihan ay laganap pa rin ang kriminalidad at droga, at nalulusutan ng mga terorista…yan ay sa kabila ng kakayahan nila sa pagsugpo….Pilipinas pa kaya? Ang “due process” na isang instrumento ng demokrasya ay inabuso ng mga utak ng krimen at maka-kaliwa. Dahil sa nabanggit, ang kriminal ay ni hindi nakakatapak sa kulungan dahil may mga padrino na nagbabayad ng pansamantalang paglaya. Ang mga human rights groups ay humaharang sa mga hakbang ng otoridad tuwing may gagawin laban sa mga kriminal at terorista….dapat kasing isaalang-alang DAW ang kanilang “pagka-tao”…hindi naisip ng mga grupong ito ang mga epekto ng ginawang kabalbalan ng mga tinuturing na anay ng lipunan.


Sa ganang ito, kung ilalahad ni Duterte ang lahat ng strategy o paraan niya sa pagpuksa ng mga kriminal at terorista, paano pa siyang magtatagumpay dahil malalaman na ng mga kalaban ang mga gagawin niya?  Ano man ang plano ni Duterte ay siya lang ang nakakaalam…KARAPATAN NIYA YAN BILANG PRESIDENTE. Halatang nag-iingat siya dahil ang “demokrasya” na umiiral sa Pilipinas ay mistulang nagahasa…luray-luray…lupaypay… kaya hindi maaasahang makakapagbigay ng proteksiyon lalo na sa mga taong may mabuting layunin…higit sa lahat ay sa mga naghihirap na taong bayan na madaling mahikayat upang gumawa ng masama.


Kung may karapatan ang mga kalaban ni Duterte sa paggamit ng “due process”, lalo siyang may karapatang hindi magbunyag ng mga binabalak niya dahil malalagay sa alanganin ang seguridad ng buong bansa….UNAWAIN SIYA BILANG PRESIDENTE NG PILIPINAS DAHIL IBINOTO SIYA NG MALAKING BAHAGI NG MAMAMAYAN NG BUONG BANSA, HINDI NG IILAN LANG….YAN ANG DEMOKRASYA…DAPAT MAGRESPETUHAN….HUWAG MAGPAIRAL NG PANSARILING KAPAKANAN…ANG BAWAT LAYUNIN AY DAPAT PARA SA KAPAKANAN NG NAKARARAMI.


Discussion

Leave a response