MULA DITO...SAAN AKO TUTUNGO by Apolinario Villalobos
Posted on Thursday, 15 October 2020
MULA DITO….SAAN AKO TUTUNGO?
Ni Apolinario Villalobos
Nasaan ang landas na tatahakin
Patungo sa buhay na walang paninimdim?
Nasaan ang liwanag na sa akin ay tutugaygay
Sa pagpipilit kong marating ang buhay na matiwasay?
Nababalot ng kulimlim ang mundo
Nagbabadya ng mga darating pang siphayo
Ang pinangarap na kinabukasan ay basta nalusaw
Ng kapiranggot subalit mapaminsala’t pesteng kagaw!
Bawa’t isa ay tila nawalan ng katinuan
Naguluhan sa mga nangyaring hindi inasahan
Bawa’t isa ay hindi alam ang gagawin….mga nalito
Nagtanong sa isa’t isa…MULA DITO, SAAN AKO TUTUNGO?!
(October 16, 2020)
Discussion