0

Ang Buhay ko noon sa TABLAS STATION (ROMBLON) BILANG TICKETING/CARGO/CHECK-IN CLERK ng PHILIPPINE AIRLINES

Posted on Monday, 9 August 2021

 ANG BUHAY KO NOON SA TABLAS STATION (ROMBLON) BILANG TICKETING/CARGO/CHECK-IN CLERK NG PHILIPPINE AIRLINES

Pumasok ako sa PAL October 27, 1975....bagong graduate sa isang eskwelahang hindi kilala sa isang liblib na bahagi ng Cotabato sa isla ng Mindanao....ngayon ay ang pinagmamalaki kong NOTRE DAME OF TACURONG COLLEGE SA LUNSOD NG TACURONG!
Ang mga ginagawa ko noon sa Tablas Station ng Philippine Airlines:
Sa umaga ay magtitiket sa Downtown Ticket Office...dahil pasado a las dose ng tanghali ang dating ng flight, 11AM pa lang kahit di pa nakakain ay ihahanda na ang ginagamit kong lagayan ng reservations cards, bibitbitin at sasabit sa Ford Fiera na nagbibiyahe patungo sa Tugdan Airport...palagi kasing puno....hindi sasakay sa service namin....mauuna sa mga kasama para mag-asikaso sa mga pasaherong umaga pa lang ay nasa airport na...ang iba ay galing pa sa malalayong baryo at isla....pagdating ko ay puwesto agad sa Ticketing/Check-in Counter upang mag-asikaso ng mga gusto nang mag-check in....tatanggap din ng mga parcels para timbangin para malaman kung magkano ang dapat singilin batay sa bigat...kung walang parcel, mag-aasikaso sa mga gustong magpareserba para sa ibang araw...balik uli sa pag-check in....pagdating ng eroplano, tatakbo sa rampa upang magbigay ng senyas gamit ang dalawang kulay orange na parang pingpong racket pero kung tawagin namin ay "paddle" para magbigay ng senyas sa piloto kung saang bahagi ng rampa paparada at kung nalagyan na ng lock ang mga gulong....kapag nakaparada na, pupuwesto sa exit na dadaanan ng mga pasahero para tanggapin ang mga boarding passes....kapag nakasakay na lahat, tatakbo uli sa rampa upang magbigay ng senyas sa piloto na nakasara na ang mga pinto at natanggal na ang lock sa mga gulong....kapag nakalipad na ang eroplano, aasikaso uli sa mga gustong magpareseba, hindi na pinapupunta sa downtown ticket office dahil mas malapit ang bahay sa airport....pagdating sa boarding house, magsusuot ng short pant at tatakbo sa tabi ng dagat upang MAGMUNI-MUNI HABANG TUMITINGIN SA MGA ALONG HUMAHAMPAS SA DALAMPASIGAN...AT PATUNGGA-TUNGGA NG TUBA NA DINAANAN SA BAHAY NG KAIBIGANG MALAPIT SA TABING-DAGAT....GOD IS GOOD!
Ang mga kasama ko noon sa Tablas station ay sina BIEN ALVARO na Supervisor, si SONNY GARCIA, CELSO DAPO, at OSWALD ALAMO...BILIB AKO SA KANILA DAHIL SA CONCERN NILA SA AKIN BILANG PINAKABATA AT PINAKABAGO...PALAGING PINAPAALALAHANAN ANG "STEWARDESS" NAMING SI DAISY TUNGKOL SA ULAM KO....maganda ang teamwork namin.
Ang "stewardess" namin sa bahay na naglalaba ng damit, nagluluto at naglilinis ng bahay na tinirhan namin ay si DAISY, may gandang pagka-morena...kung nagkataong nagba-blog na ako noon, siguradong na-feature ko siyang, "PRETTY FACE OF ROMBLON".

Discussion

Leave a response