Mahirap Palang Maging Idealistic Para Sana sa Mga Dapat Mangyari
Posted on Friday, 2 March 2018
MAHIRAP PALANG MAGING “IDEALISTIC”
PARA SANA SA MGA DAPAT MANGYARI
Ni Apolinario Villalobos
Madaling mangarap ng magagandang bagay na sana ay mangyari.
Pero kung talagang “idealistic” ang isang Pilipino, mahirap pala talaga.
Nadadanasan ko yan bilang isang manunulat sa cyberspace o “blogger”. Hindi ako “perfectionist”
na gustong palabasin ng mga humahadlang o ayaw umunawa sa akin. Pakialamero daw
ako. Ang gusto ko lang naman sanang gawin ay tumulong sa pamamagitan ng
paglahad ng mga nakakaligtaang bagay na dapat gawin ng mga kAbabayan o di kaya
ay pagpitik sa kanila kung sila ay nagbubulag-bulagan. Sa kalilibot ko at
pakikipag-usap sa maraming tao, dalawang bagay ang nakikita kong mga dahilan
kung bakit may mga hindi ginagawa o ayaw gawin….at ito ay dahil sa KATAMARAN AT
KAWALAN NG PERA. KATAMARAN DAHIL TALAGANG TAMAD. WALANG PERA DAHIL TAMAD DING
KUMILOS AT BOBO KAYA HINDI NAKAKAISIP NG DISKARTE. AT, KUNG SA PANIG NAMAN NG
BAYAN NA WALANG NAKIKITANG PROYEKTO PARA SA MAMAMAYAN, AY DAHIL NAKURAKOT ANG
BUDGET.
May mga government officials na ang hangad lang sa pagtakbo
sa puwesto ay upang makilala ng taong bayan at ang iba naman ay upang
mangurakot. Hindi lang ako ang nakakaalam niyan…buong sambayanang Pilipino.
Noon pa mang panahon ni Quezon ay nangyayari na ito. SUBALIT MAYROON NAMANG TALAGANG TAPAT SA
TUNGKULIN…IILAN NGA LANG SILA. Dahil sa kalagayang yan, tila nakagapos ang mga
kamay ng mga government officials na gustong kumilos para sa kapakanan ng taong
bayan…wala kasing pakikipagtulungan mula sa mga inutil na inihalal sa puwesto o
mga napoprotektahang ng “civil service eligibility”.
Sa isang barangay naman na napuntahan ko na napeste ng black
bug, ang mga patay na kulisap ay hinayaang nakatambak sa isang sulok ng
basketball court. Ang kabuuhan ng compound ng barangay ay tila junk shop dahil
sa dami ng mga nakatambak na mga kung anu-anong bagay. Ang mga damo ay
nagpipista sa pagtubo sa lahat ng panig ng maruming compound. Sa isang sulok ng
compound ay may mga CVO na nag-uumpukan. May isang kagawad akong tinanong kung
ano ang plano nila sa nakatambak na black bug na nangangamoy na. Ang sagot sa
akin ay “lilipas din yan”, na ang tinutukoy ay ang pagdagsa nila dahil sa
kabilugan ng buwan…ibig sabihin ay hindi na sila dadagsa kapag hindi na
kabilugan ng buwan. Inulit ko ang tanong ko kung ano ang gagawin nila sa
nakatambak na patay na black bug…hiindi na siya sumagot. MALINAW NA
NAGHIHINTAYAN SILA KUNG SINO ANG UNANG KUMILOS SA PAGBAON MAN LANG NG MGA PATAY
NA KULISAP. DAhil sa resulta ng usapan namin, parang gusto kong kausapin ang
barangay chairman na noon ay umaatend daw ng seminar (na naman) upang i-suggest
na gamitin ang mga nagkakapalang damo sa livelihood project nila…tirahan ng mga
ahas na pambenta sa mga restoran ng Intsik.
Ang nabanggit na barangay ay potential na tourist spot dahil
sa isang magandang resort sa teritoryo nito, subalit paano akong makakapagsulat
ng maayos na blog kung ang maliit na palengke na dapat sana ay mapupuntahan ng
mga turista upang bumili ng mga souvenir ay madamo at marumi? ….wala rin akong
napansin na kahit isang tindahan na
malinis na nagbebenta ng mga bagay na mabibili bilang souvenir. Ang mismong
landmark ng barangay na nasa bukana ng palengke ay marumi at madamo rin…daanan
pa mandin ng barangay chairman tuwing uuwi siya. May eskwelahan din na maganda
sanang pasyalan ng mga bumibisitang estudyante subalit hanggang doon na lang
sila siguro…huwag na lang pumunta sa sentro ng barangay.
Marami a akong sinabihang mga government officials na upang
gumanda ang kanilang lugar, dapat ay malinis lang ito at may mga tanim…hindi
kailangang may mga makabagong structures na bandang huli ay manlilimahid lang
din dahil hindi mami-maintain. Minatyagan o inobserbahan ko kung may gagawin
sila..SA AWA NG DIYOS – WALA!
Pagdating naman sa pagkain…dahil sa nagsisiritang presyo ng
lahat ng bilihin sa palengke, nag-suggest ako sa mga kaibigan ko na magtanim ng
mga gulay sa kani-kanlang bakuran….wala ring nangyari. Ang nakakatawa pa ay
maski kangkong, papaya o saluyot, binibili sa palengke! …pero kung makareklamo
sila ay abot-langit ang pag-iingay!
Yong pinasyalan kong kaibigan, habang nagkakape kami sa
kusina, ang misis naman ay naghahanda ng mga biniling gulay upang mailutong
pinakbet, pero ang bunganga ay rumeretekada sa pagreklamo dahil sa kamahalan ng
presyo. Parang gusto kong pag-untugin ang mga ulo ng mag-asawa dahil ang buong
paligid ng bahay nila ay bakante, tinutubuan ng mga damo, at ni isang pirasong
puno ng gulay ay wala akong makitang nakatanim! Sa inis ko ay umalis na lang
ako pagkaubos ko ng kape…hindi ko na hinintay na maluto ang pinakbet dahil baka
maempatso lang ako.
Mga simpleng bagay ang binanggit ko…kayang gawin. Subalit
dahil hindi nagagawa, masisisi ba ako kung uulitin ko ang pagbanggit ng mga
salitang KATAMARAN, KABOBOHAN, AT PANGUNGURAKOT?
Discussion