0

Si Hesus at ang Palm Sunday

Posted on Saturday, 24 March 2018


SI HESUS AT ANG PALM SUNDAY
Ni Apolinario Villalobos

Kinilala si Hesus dahil sa kanyang mga pagtuturo noong kapanahunan niya at dahil may propesiya o prophesy na may darating na manunubos, inakala ng mga naniniwala sa kanya na siya ang tinutukoy. Nang pumasok siyang nakasakay sa bisero o donkey sa Herusalem noong araw na kung gunitain ngayon ay Palm Sunday, sinalubong siya ng mga taong nagwagayway ng palaspas o palm fronds bilang tanda ng pang pag-welcome sa kanya. Naghiyawan sa tuwa ang mga taong naniniwala sa kanya dahil dumating na raw ang manunubos.

Nang siya ay litisin dahil sa pang-uudyok ng mga religious groups nang panahong yon at pinapili pa ang mga tao kung sino ang ililigtas…siya o ang kriminal na katabi niya, ang pinili ng mga taong mailigtas sa hatol na kamatayan ay ang kriminal. Nang siya ay nagpasan ng krus papunta sa burol kung saan siya at ang iba pang kriminal na nahatulang mamatay ay ipapako sa krus, ANG MGA TAONG NAGWAGAYWAY NG MGA PALASPAS NANG SIYA AY DUMATING, AY SILA RING MGA DUMURA, NAG-ALIPUSTA AT SUMIPA SA KANYA!

NAUULIT  ANG GANYANG EKSENA NGAYON. SA PAGGUNITA NG ARAW NG PALASPAS O PALM SUNDAY AY MARAMI ANG BUMIBILI NITO SA LABAS NG SIMBAHAN BILANG SIMBOLO NG PAG-WELCOME SA KANYA BILANG BAHAGI NG “HOLY WEEK”…..AT PAGKALIPAS NG HOLY WEEK, ANG MGA TAONG MAAGANG GUMISING UPANG DUMALO SA MISA NG PALM SUNDAY AY BALIK SA DATING MGA BISYO….TANDA NG PAG-ALIPUSTA KAY HESUS!





Discussion

Leave a response