October 2020

0

MULA DITO...SAAN AKO TUTUNGO by Apolinario Villalobos

Posted on Thursday, 15 October 2020

 

MULA DITO….SAAN AKO TUTUNGO?

Ni Apolinario Villalobos

 

Nasaan ang landas na tatahakin

Patungo sa  buhay na walang paninimdim?

Nasaan ang liwanag na sa akin ay tutugaygay

Sa pagpipilit kong marating ang buhay na matiwasay?

 

Nababalot ng kulimlim ang mundo

Nagbabadya ng mga darating pang siphayo

Ang pinangarap na kinabukasan ay basta nalusaw

Ng kapiranggot subalit mapaminsala’t pesteng kagaw!

 

Bawa’t isa ay tila nawalan ng katinuan

Naguluhan sa  mga nangyaring hindi inasahan

Bawa’t isa ay hindi alam ang gagawin….mga nalito

Nagtanong sa isa’t isa…MULA DITO, SAAN AKO TUTUNGO?!

(October 16, 2020)

0

GREED AND THE CIVILIZED SOCIETY (With Filipino Translation) by Apolinario Villalobos

Posted on Saturday, 10 October 2020

 

GREED AND THE CIVILIZED SOCIETY

By Apolinario Villalobos

ANG KASAKIMAN AT SIBILISADONG LIPUNAN

Ni Apolinario Villalobos

 

Transforming from the practices of various barbarian societies, the execution of justice based on actual commitment of misdeed, has evolved into one that has become founded on supposedly intelligent reasons and fairness, hence, the symbol of the Lady Justice as a blindfolded woman holding a perfectly- balanced scale.

(Mula sa mga ginagawa ng mga barbaro na naging bahagi ng kanilang lipunan, ang pagpataw ng hustisya ay batay sa aktwal na pagkakita ng krimen o kasalanan ay ibinatay sa inaasahang matalinong paliwanagan, kaya ang simbolo ng Hustisya ay isang babaeng may piring ang mga mata at may hawak na timbangang nagpapakita ng pantay na bigat ang dalawang pinggan sa magkabilang dulo.)

 

Unfortunately, the intelligence of man is such that he has developed the propensity of circumventing written laws for his advantage. And, since the Lady Justice is blindfolded, she has no way of knowing about the deceitful effort. The Lady Justice leaves everything to the exchanges of  “legal” justifications that paid lawyers let out in court….and further leaves everything to the judge who makes the decision. The problem here is when the innocent has no money for an intelligent lawyer, while on the other hand the perpetrator of the offense can afford to hire an intelligent Bar topnotcher. Still, worst, is when the judge is also caught in the web of payoffs.

(Sa kasamaang palad, sa sobrang talino ng tao ay nakagawa siya ng paraan kung paanong maikutan ang mga batas para sa kanyang kapakanan o bentaha. At, dahil may piring ang mga mata ng babaeng simbolo ng hustisya, he niya nakikita ang mga pangyayari panloloko. Hinahayaan ng babaeng simbolo ang pagpapalitan ng mga legal na paliwanag ng mga bayarang abogado sa bulwagan ng hustisya…na ang desisyon sa bandang huli ay mula sa huwes o judge. Ang problema lang kung may pera ang kriminal at kayang magbayad ng malaking halaga sa matalinong abogado para pagtakpan ang kanyang pagkakasala…at ang inosente naman ay walang pambayad maski sa abogadong pulpol. Ang pinakamatindi ay kung masasangkot din ang huwes sa “palusutan” dahil sa pera!)

Oftentimes, we hear the line, “for every rule, there is an exception” which means that even the best Law of the land can be circumvented by excuses to give exemptions to misdeeds. Oftentimes, exemptions are based on the thickness of the wads of crisp bills. With this situation, where does “justice” come in?

(Kadalasan ay nakakarinig tayo ng “sa bawat alituntunin ay may dapat bigyan ng pang-unawa at konsiderasyon”, kaya kahit ang pinakamagandang batas ay maaaring palusutan…at, ang “konsiderasyon” ay depende sa kapal sa dami ng perang papel Dahil sa ganitong kalagayan, paano na ang “hustisya”?)

Another popular adage is, “if a misdeed has no complainant, there is no offense”. Oftentimes, this kind of unwritten rule always puts the poor in the disadvantage, because unless he files a complaint against an offender, he could not expect justice. But since the poor victim cannot afford an intelligent lawyer, no case is filed, except a simple police report in the precinct blotter. Also, if a rich offender wants to go scot-free from a misdeed, he can even hire a “fall guy” to take his place.

 

(Ang isa pang kasabihan ay, “kung walang magrereklamo, ibig sabihin ay walang nangyaring masama”. Kalimitan, itong kasabihan ay lalong nagpapalugmok sa mga mahihirap na hindi nagrereklamo sa paniwalang wala ring mangyayari. Ang mahirap ay walang kakayahang magbayad ng “matalinong abogado” kaya hanggang pa-blotter sa barangay o sa presinto ng pulis ang kaya niyang gawin. ANG MATINDI PA, KUNG MAYAMAN ANG GUMAWA NG KASALANAN, PWEDE SIYANG MAGBAYAD SA MAGIGING “FALL GUY” NA PAPALIT SA KANYA…AAKO NG KASALANAN!)

 

The Law of the civilized society is supposed to protect the constituents and much effort on the part of the government should be exerted toward this end. Unfortunately, the modern-day barbarians – corrupt officials and wealthy criminals have spoiled everything that put practically all societies on earth in a mishmash jumble! So, it does not matter whether a country belongs to a third world or highly-advanced, as offenses are founded on just one single desire – GREED!

 

(Ang batas ng sibilisadong lipunan ay inaasahang magpoprotekta ng mga mamamayan at inaasahang gagawin ito ng gobyerno ng ano mang bansa. Sa Pilipinas ay may libreng serbisyo ng mga abogado na binibigay ang gobyerno sa pamamagitan ng PAO…at, may mga grupo ring nagbibigay ng kahalintulad na libreng serbisyo. Sa kasamaang palad, personal na obserbasyon ko lang na kung hindi sensational ang kaso, hindi pinapansin…KALIMITAN AY INAABOT NG SIYAM-SIYAM….HIGIT SA LAHAT, ANDIYAN PA RIN ANG MGA MATATALINONG ABOGADONG KAYANG BAYARAN NG MGA KRIMINAL…KAYA BALIK NA NAMAN SA DAHILAN KUNG BAKIT NASA BALAG NG ALANGANIN ANG HUSTISYA SA PILIPINAS…..DAHIL SA PAGKASAKIM NG ILAN!)

0

THE HOME-MADE COCO AND SUGAR CANE VINEGARS OF TUATO, PRESIDENT QUIRINO (MINDANAO, PHILIPPINES) by Apolinario Villalobos

The Coco and Sugar Cane Vinegar of Tuato

by Apolinario Villalobos


The home-made vinegar derived from the sugar cane and coconut are stored in bottles and sold in stalls that line the highway of barangay Tuato in President Quirino, Sultan Kudarat (Mindanao, Philippines). The nearest airports to Tuato is the Davao City International Airport which is about 3 hours away on a public transportation, and General Santos City International Airport which is about 2 hours away, also on a public transportation.











0

ANG KASAKIMAN AT SIBILISADONG LIPUNAN by Apolinario Villalobos

 

ANG KASAKIMAN AT SIBILISADONG LIPUNAN

Ni Apolinario Villalobos

Mula sa mga ginagawa ng mga barbaro na naging bahagi ng kanilang lipunan, na ang  pagpataw ng hustisya ay batay sa aktwal na pagkakita ng krimen o kasalanan, ngayon ay ibinabatay sa inaasahang matalinong paliwanagan, kaya ang simbolo ng Hustisya ay isang babaeng may piring ang mga mata at may hawak na timbangang nagpapakita ng pantay na bigat ng dalawang pinggan sa magkabilang dulo.

Sa kasamaang palad, sa sobrang talino ng tao ay nakagawa siya ng paraan kung paanong maikutan ang mga batas para sa kanyang kapakanan o bentaha. At, dahil may piring ang mga mata ng babaeng simbolo ng hustisya, hindi niya nakikita ang mga nangyayaring  panloloko. Hinahayaan ng babaeng simbolo ang pagpapalitan ng mga legal na paliwanag ng mga bayarang abogado sa bulwagan ng hustisya…na ang desisyon sa bandang huli ay mula sa huwes o judge. Ang problema lang ay kung may pera ang kriminal at kayang magbayad ng malaking halaga sa matalinong abogado para pagtakpan ang kanyang pagkakasala…at ang inosente naman ay walang pambayad sa magaling ding abogado, o di kaya ang libreng abogadong pinagamit ng gobyerno o grupo ay matatalo…lalo na kung masasangkot din ang huwes sa “palusutan” dahil sa pera! Hindi maipagkakaila ang mga balita tungkol sa mga bayaran o corrupt na mga huwes.

Kadalasan ay nakakarinig tayo ng kasabihan, “sa bawat alituntunin ay may dapat bigyan ng pang-unawa at konsiderasyon”, kaya kahit ang pinakamagandang batas ay maaaring palusutan…at, ang “konsiderasyon” ay depende sa kapal sa dami ng perang papel. At, dahil sa ganitong kalagayan, paano na ang “hustisya”?

Ang isa pang kasabihan ay, “kung walang magrereklamo, ibig sabihin ay walang nangyaring masama”. Kalimitan, itong kasabihan ay lalong nagpapalugmok sa mga mahihirap na hindi nagrereklamo sa paniwalang wala ring mangyayari. Ang mahirap ay walang kakayahang magbayad ng “matalinong abogado” kaya hanggang pa-blotter sa barangay o sa presinto ng pulis ang kaya niyang gawin. ANG MATINDI PA, KUNG MAYAMAN ANG GUMAWA NG KASALANAN, PWEDE SIYANG MAGBAYAD SA MAGIGING “FALL GUY” NA PAPALIT SA KANYA…AAKO NG KASALANAN!

Ang batas ng sibilisadong lipunan ay inaasahang magpoprotekta ng mga mamamayan at inaasahang gagawin ito ng gobyerno ng ano mang bansa. Sa Pilipinas ay may libreng serbisyo ng mga abogado na binibigay ang gobyerno sa pamamagitan ng PAO…at, may mga grupo ring nagbibigay ng kahalintulad na libreng serbisyo. Sa kasamaang palad, personal na obserbasyon ko lang na kung hindi sensational ang kaso, hindi pinapansin…KALIMITAN AY INAABOT NG SIYAM-SIYAM….HIGIT SA LAHAT, ANDIYAN PA RIN ANG MGA MATATALINONG ABOGADONG KAYANG BAYARAN NG MGA KRIMINAL…KAYA BALIK NA NAMAN SA DAHILAN KUNG BAKIT NASA BALAG NG ALANGANIN ANG HUSTISYA SA PILIPINAS…..DAHIL SA PAGKASAKIM NG ILANG PILIPINO