Showing posts with label greed. Show all posts

0

GREED AND THE CIVILIZED SOCIETY (With Filipino Translation) by Apolinario Villalobos

Posted on Saturday, 10 October 2020

 

GREED AND THE CIVILIZED SOCIETY

By Apolinario Villalobos

ANG KASAKIMAN AT SIBILISADONG LIPUNAN

Ni Apolinario Villalobos

 

Transforming from the practices of various barbarian societies, the execution of justice based on actual commitment of misdeed, has evolved into one that has become founded on supposedly intelligent reasons and fairness, hence, the symbol of the Lady Justice as a blindfolded woman holding a perfectly- balanced scale.

(Mula sa mga ginagawa ng mga barbaro na naging bahagi ng kanilang lipunan, ang pagpataw ng hustisya ay batay sa aktwal na pagkakita ng krimen o kasalanan ay ibinatay sa inaasahang matalinong paliwanagan, kaya ang simbolo ng Hustisya ay isang babaeng may piring ang mga mata at may hawak na timbangang nagpapakita ng pantay na bigat ang dalawang pinggan sa magkabilang dulo.)

 

Unfortunately, the intelligence of man is such that he has developed the propensity of circumventing written laws for his advantage. And, since the Lady Justice is blindfolded, she has no way of knowing about the deceitful effort. The Lady Justice leaves everything to the exchanges of  “legal” justifications that paid lawyers let out in court….and further leaves everything to the judge who makes the decision. The problem here is when the innocent has no money for an intelligent lawyer, while on the other hand the perpetrator of the offense can afford to hire an intelligent Bar topnotcher. Still, worst, is when the judge is also caught in the web of payoffs.

(Sa kasamaang palad, sa sobrang talino ng tao ay nakagawa siya ng paraan kung paanong maikutan ang mga batas para sa kanyang kapakanan o bentaha. At, dahil may piring ang mga mata ng babaeng simbolo ng hustisya, he niya nakikita ang mga pangyayari panloloko. Hinahayaan ng babaeng simbolo ang pagpapalitan ng mga legal na paliwanag ng mga bayarang abogado sa bulwagan ng hustisya…na ang desisyon sa bandang huli ay mula sa huwes o judge. Ang problema lang kung may pera ang kriminal at kayang magbayad ng malaking halaga sa matalinong abogado para pagtakpan ang kanyang pagkakasala…at ang inosente naman ay walang pambayad maski sa abogadong pulpol. Ang pinakamatindi ay kung masasangkot din ang huwes sa “palusutan” dahil sa pera!)

Oftentimes, we hear the line, “for every rule, there is an exception” which means that even the best Law of the land can be circumvented by excuses to give exemptions to misdeeds. Oftentimes, exemptions are based on the thickness of the wads of crisp bills. With this situation, where does “justice” come in?

(Kadalasan ay nakakarinig tayo ng “sa bawat alituntunin ay may dapat bigyan ng pang-unawa at konsiderasyon”, kaya kahit ang pinakamagandang batas ay maaaring palusutan…at, ang “konsiderasyon” ay depende sa kapal sa dami ng perang papel Dahil sa ganitong kalagayan, paano na ang “hustisya”?)

Another popular adage is, “if a misdeed has no complainant, there is no offense”. Oftentimes, this kind of unwritten rule always puts the poor in the disadvantage, because unless he files a complaint against an offender, he could not expect justice. But since the poor victim cannot afford an intelligent lawyer, no case is filed, except a simple police report in the precinct blotter. Also, if a rich offender wants to go scot-free from a misdeed, he can even hire a “fall guy” to take his place.

 

(Ang isa pang kasabihan ay, “kung walang magrereklamo, ibig sabihin ay walang nangyaring masama”. Kalimitan, itong kasabihan ay lalong nagpapalugmok sa mga mahihirap na hindi nagrereklamo sa paniwalang wala ring mangyayari. Ang mahirap ay walang kakayahang magbayad ng “matalinong abogado” kaya hanggang pa-blotter sa barangay o sa presinto ng pulis ang kaya niyang gawin. ANG MATINDI PA, KUNG MAYAMAN ANG GUMAWA NG KASALANAN, PWEDE SIYANG MAGBAYAD SA MAGIGING “FALL GUY” NA PAPALIT SA KANYA…AAKO NG KASALANAN!)

 

The Law of the civilized society is supposed to protect the constituents and much effort on the part of the government should be exerted toward this end. Unfortunately, the modern-day barbarians – corrupt officials and wealthy criminals have spoiled everything that put practically all societies on earth in a mishmash jumble! So, it does not matter whether a country belongs to a third world or highly-advanced, as offenses are founded on just one single desire – GREED!

 

(Ang batas ng sibilisadong lipunan ay inaasahang magpoprotekta ng mga mamamayan at inaasahang gagawin ito ng gobyerno ng ano mang bansa. Sa Pilipinas ay may libreng serbisyo ng mga abogado na binibigay ang gobyerno sa pamamagitan ng PAO…at, may mga grupo ring nagbibigay ng kahalintulad na libreng serbisyo. Sa kasamaang palad, personal na obserbasyon ko lang na kung hindi sensational ang kaso, hindi pinapansin…KALIMITAN AY INAABOT NG SIYAM-SIYAM….HIGIT SA LAHAT, ANDIYAN PA RIN ANG MGA MATATALINONG ABOGADONG KAYANG BAYARAN NG MGA KRIMINAL…KAYA BALIK NA NAMAN SA DAHILAN KUNG BAKIT NASA BALAG NG ALANGANIN ANG HUSTISYA SA PILIPINAS…..DAHIL SA PAGKASAKIM NG ILAN!)

0

ANG KASAKIMAN AT SIBILISADONG LIPUNAN by Apolinario Villalobos

 

ANG KASAKIMAN AT SIBILISADONG LIPUNAN

Ni Apolinario Villalobos

Mula sa mga ginagawa ng mga barbaro na naging bahagi ng kanilang lipunan, na ang  pagpataw ng hustisya ay batay sa aktwal na pagkakita ng krimen o kasalanan, ngayon ay ibinabatay sa inaasahang matalinong paliwanagan, kaya ang simbolo ng Hustisya ay isang babaeng may piring ang mga mata at may hawak na timbangang nagpapakita ng pantay na bigat ng dalawang pinggan sa magkabilang dulo.

Sa kasamaang palad, sa sobrang talino ng tao ay nakagawa siya ng paraan kung paanong maikutan ang mga batas para sa kanyang kapakanan o bentaha. At, dahil may piring ang mga mata ng babaeng simbolo ng hustisya, hindi niya nakikita ang mga nangyayaring  panloloko. Hinahayaan ng babaeng simbolo ang pagpapalitan ng mga legal na paliwanag ng mga bayarang abogado sa bulwagan ng hustisya…na ang desisyon sa bandang huli ay mula sa huwes o judge. Ang problema lang ay kung may pera ang kriminal at kayang magbayad ng malaking halaga sa matalinong abogado para pagtakpan ang kanyang pagkakasala…at ang inosente naman ay walang pambayad sa magaling ding abogado, o di kaya ang libreng abogadong pinagamit ng gobyerno o grupo ay matatalo…lalo na kung masasangkot din ang huwes sa “palusutan” dahil sa pera! Hindi maipagkakaila ang mga balita tungkol sa mga bayaran o corrupt na mga huwes.

Kadalasan ay nakakarinig tayo ng kasabihan, “sa bawat alituntunin ay may dapat bigyan ng pang-unawa at konsiderasyon”, kaya kahit ang pinakamagandang batas ay maaaring palusutan…at, ang “konsiderasyon” ay depende sa kapal sa dami ng perang papel. At, dahil sa ganitong kalagayan, paano na ang “hustisya”?

Ang isa pang kasabihan ay, “kung walang magrereklamo, ibig sabihin ay walang nangyaring masama”. Kalimitan, itong kasabihan ay lalong nagpapalugmok sa mga mahihirap na hindi nagrereklamo sa paniwalang wala ring mangyayari. Ang mahirap ay walang kakayahang magbayad ng “matalinong abogado” kaya hanggang pa-blotter sa barangay o sa presinto ng pulis ang kaya niyang gawin. ANG MATINDI PA, KUNG MAYAMAN ANG GUMAWA NG KASALANAN, PWEDE SIYANG MAGBAYAD SA MAGIGING “FALL GUY” NA PAPALIT SA KANYA…AAKO NG KASALANAN!

Ang batas ng sibilisadong lipunan ay inaasahang magpoprotekta ng mga mamamayan at inaasahang gagawin ito ng gobyerno ng ano mang bansa. Sa Pilipinas ay may libreng serbisyo ng mga abogado na binibigay ang gobyerno sa pamamagitan ng PAO…at, may mga grupo ring nagbibigay ng kahalintulad na libreng serbisyo. Sa kasamaang palad, personal na obserbasyon ko lang na kung hindi sensational ang kaso, hindi pinapansin…KALIMITAN AY INAABOT NG SIYAM-SIYAM….HIGIT SA LAHAT, ANDIYAN PA RIN ANG MGA MATATALINONG ABOGADONG KAYANG BAYARAN NG MGA KRIMINAL…KAYA BALIK NA NAMAN SA DAHILAN KUNG BAKIT NASA BALAG NG ALANGANIN ANG HUSTISYA SA PILIPINAS…..DAHIL SA PAGKASAKIM NG ILANG PILIPINO

0

Tayo ang Nagpaparusa sa Ating Mga Sarili

Posted on Thursday, 4 January 2018

Isang Paalala sa Pagsimula ng 2018...

Tayo ang Nagpaparusa sa Ating Mga Sarili
Ni Apolinario Villalobos


Kung malalim na ang inabot ng ugat ng isang tanim, mahirap na itong bunutin. Ang magagawa na lamang ay bawasan ang kayabungan ng mga sanga at dahon sa pamamagitan ng pagputol o pagtabas (trim). Ang siste nga lang, nabawasan man ang mga sanga nito, hindi naman ito mamamatay at napipigilan lamang pansamantala ang lalong paglaki nito. Dapat talaga ay bunutin ang ugat kung ang layunin ay patayin ang tanim.

Ganyan din ang masamang tradisyon o kaugalian ng tao. Kung hindi sasawatain sa simula pa lang ang isang maling kaugalian o tradisyon, sa katagalan, makakasanayan na at aakalain, lalo na ng mga bata na ito ay tama. Maaaring may simpleng pagsaway subali’t hanggang doon lang, kaya ang kaugalian ay nagpapatuloy. Sa pagkawala ng mga magulang, maiiwan ang mga anak na siyang magpapatuloy ng nakalakhang gawi na akala nila ay tama. Maipapasa nila ito sa mga susunod pang mga henerasyon. Sa ganitong paraan, lalong nadadagdagan ang kamalian sa mga kaugalian.

Kung Mahal na Araw, ang biglang papasok sa isip ng karamihan ay magbakasyon sa halip na mangilin at magnilay-nilay dahil sa mga kasalanang ginawa. Bakasyon ang gusto nila dahil tag-init, pupunta sa tabing dagat at magpiknik. Nawala ang kahulugan ng paggunita na dapat sana ay pagkakataong magsakrispisyo upang maski papaano ay mabawasan man lang ang mga nagawang kasalanan. Siguro kung may malunod sa nagpipiknik, pwede nang sabihing may isinakripisyo sila….at, magsasakripisyo pa dahil sa gagastusin sa lamay at pagpapalibing.

Kaakibat ng kaugalian ang pangangailangan. Noong unang panahon, ang pangangailangan lamang ng tao ay pagkain, saplot sa katawan at bubong na masisilungan. Ngayon dumami na ang mga pangangailangan upang ang tao ay masiyahan. Dahil sa mga pangangailangan, ang mga payak na ugali ay naging marahas, mapusok at makasarili. Upang makamit ang mga pangangailangan, umaabot ang iba sa sukdulang paggawa ng hindi mabuti sa kapwa gaya ng pagpatay at pagnakaw.

Noong unang panahon, pumunta lang sa gubat ang tao ay may mahuhuli nang hayop upang makain, di kaya ay pumunta lang sa dagat o ilog ay may mahuhuli nang isda, di kaya ay pumunta lang sa mga bukirin ay may mapipitas nang mga prutas at makakaing dahon at talbos.

Ibang-iba ang panahon ngayon dahil kung walang trabaho, walang pera, walang pagkain; upang malamnan ang sikmura ng iba, kailangang mangalkal sa basura upang may madampot man lang na tira-tirang pagkain; at ang matindi, kailangang magnakaw na siyang pinakamadali subali’t maselang paraan upang kumita.

Noong unang panahon, dahon, prutas o talbos lang ng tanim, balat ng kahoy o mga ugat ng mga damo, nakakagamot na ng mga sakit ng tao. Sa panahon ngayon, kailangang may perang pambili ng mga gamot sa botika; kailangang pumunta sa isang doktor o ospital upang makapagpagamot na nangangailangan pa rin ng pera. Subali’t kung wawariin, ang mga gamot ngayon ay galing din sa mga tanim na dinagdagan lamang ng kung anu-anong kemikal upang tumagal sa pagkakatabi (storage) habang hindi pa ginagamit. Alam na ito ng marami subali’t dahil sa katamaran ay ayaw maglaga ng dahon o ugat upang magamit na gamot. Ang masaklap, may mga gamot ngang itinuturing na nakakapagpagaling subali’t kailangan pa ang reseta upang maging maayos ang paggamit at hindi maging lason sa katawan.

Noong unang panahon, walang sine, telebisyon, radyo, cellphone, bisikleta, kotse, barko, eroplano at kung anu-ano pa. Sa pag-usad ng panahon, naging malikhain ang tao at nagkaroon ng mga nabanggit na bagay. Nadagdagan sa mga nilikha ng tao ang bomba, granada, matataas na de-kalibreng baril, mga nakakapinsalang kemikal, sasakyang panghimpapawid na nakakarating na rin sa iba pang planeta…marami pang iba. Natuklasan ang panggatong na galing sa matagal nang nabulok na halaman at mga organismo – ang langis at natural gas. Natuklasan din ang ilang klaseng panggatong na mas nakakapinsala sa halip na makatulong, tulad ng plutonium, hyrdrogen, etc.

Ang tao ay natutong kumilala ng mga pagkakaiba ng iba’t ibang komunidad kaya nagkaroon ng iba’t ibang bansa. Natanim sa isip ng tao na upang mabuhay, kailangang matatag ang kabuhayan, kailangang maraming nakaimbak na kayamanan, kailangang napoproteksyunan ng mga sandata, etc.. Nagtakda ang tao ng mga hangganan ng nasasakupan sa kalupaan, karagatan, at sa kalawakan. Ang lumampas na unauthorized ay pinsala ang aabutin dahil sa ginawang “trespassing”.

Nalango ang tao sa kaalaman. Naging sakim. Naging makasarili. Nakalimutan niyang siya ay inilagay sa mundo ng isang MAKAPANGYARIHAN upang mangasiwa lamang sa mga likas na yaman. Nakalimutan ng tao na ang lahat ng bagay sa mundo ay hindi niya pag-aari. Akala niya, habang buhay siyang masaya kung nakalubog siya sa yaman at ligtas kung napapaligiran ng may matataas na kalibreng mga sandata. Akala niya, sa paglisan niya sa mundo ang kayamanan ay kanyang madadala.

Nakakaalala lamang ang taong tumawag sa KANYA sa panahon ng pangangailangan. Nakalimutan niyang magpasalamat man lamang sa mga biyayang ibinigay NIYA, at kadalasan ay hindi pa siya kuntento! Ang tao ay naging mapagkunwaring maka-Diyos at nagkunwaring siya ay hindi NIYA nakikita habang gumagawa ng mga katiwalian.

Pati ang babaeng may timbangan na tinawag ng tao na “Hustisya” ay may piring sa mata, kaya hindi niya nakikita ang mga katiwaliang ginagawa ng mga abogado at huwes na natatapalan ng pera. Mali ang sinasabing “pantay-pantay ang lahat sa harap (hindi mata, dahil may mga piring nga) ng Hustisya”. Bakit ipapantay ang mali sa tama? Kaya tuloy sa kawalan ng perang pambayad sa isang “magaling” na abogado, marami ang nabubulok sa kulungan na walang kasalanan. May katumbas na pera ang pagpapatunay ng kawalan ng kasalanan ng tao. Sino kayang hangal  ang nakaisip na gawing bulag sa katotohanan ang Hustisya? Bakit hindi siya bigyan ng mabalasik na mga mata upang ang may kasalanan na tumingin sa kanyang mukha ay makonsiyensiya?

Tao at hindi Diyos ang nagtatakda ng kanyang pagbagsak at pagkawala sa mundo. Patunay dito ang mga giyera na nangyayari sa ating kapaligiran na ginagamitan ng iba’t ibang sandata upang magpatayan, mga makabagong gamit na sumasabog at nakamamatay, mga nakalalasong kemikal na pumapasok sa katawan sa pamamagitan ng pagkaing nabibili sa mga grocery at palengke,  mga sasakyang bumubuga ng lason sa kahanginan, o pumapalya na nagreresulta sa disgrasya. At ang pinakamatindi ay ang pagsira ng tao ng kalikasan na nagdudulot ng iba’t ibang trahedya gaya  ng baha at bagyo.

Ngayon, may karapatan ba tayong magtanong sa Diyos kung bakit tayo ay para NIYANG pinarurusahan? Sino ang may kagagawan ng lahat ng mga ito? Di ba tayo?











0

The Need for Moderation

Posted on Wednesday, 23 August 2017

THE NEED FOR MODERATION
By Apolinario Villalobos

Nobody is perfect and everybody has a tendency to be bad. But there are what we call “discipline” and “control” that can make us restrain our acts. As intelligent creatures, we are supposed to have an inner strength that can help us decide to observe “moderation” in everything that we do.

We can be bad but we must always bear in mind the “Golden Rule” unless we are prepared for the consequences of our acts that could hurt others, as similar hurt or much more can happen to us. Most often, we are hurt by our own acts…these are the self-inflicted consequences due to our irresponsibility and lack of common sense. Among these are doing things that we know could affect our health, such as, excessive imbibing of alcoholic drinks and unscrupulous pigging out on unhealthy foods.

The worst heartless people who lack restraint are those who exploit others, among which are the corrupt in the government. Ironically, these are graduates of big universities with doctorates and masters in various academic spheres, such as, Public Administration, Education, Humanities, and even professional lawyers, physicians, professors. With their transformation from supposedly “honorable” status in life into greedy maniacs when they stepped into the threshold of the government, they deserve to be called “professional corrupt”.  This greedy lot seems to have not come across the word “moderation”, as they want everything that they can hold on to at the expense of others. I WOULD LIKE TO REITERATE THAT NOT ALL GOVERNMENT OFFICIALS ARE CORRUPT, AS A HANDFUL OF THEM HELD ON TO THEIR WITS TO REMAIN HONORABLE IN THE REAL SENSE OF THE WORD DESPITE THE MAGNANIMOUS TEMPTATION.

On the spiritual side, many eager beavers who claim to have an “encounter” with the Lord, act as if they are the Chosen People of the modern times. They preach what they read in the Bible but never put them into practice. In this regard, I admire the low-profiled New Christians regardless of their denomination, some of whom are leaders of their humble Ministries while the rest spread the Good News via text messages. They never go beyond the limits of their capability to stand for Jesus and God. They preach within the limit of their sincere capability instead of being noisy, and manifesting only what they sincerely feel.

We are suffering today due to our excessive greed for comfort. Factories are mushrooming all over the world to bring forth supposedly necessities in life – machines, gadgets, chemicals, garments, packed foods, etc. The factories belch out pollutants that destroy Nature…that is how I can simply state the consequence of our excessive cravings. As a result, the natural climatic cycle has drastically changed. Excessive rains cause flood. Excessive wind causes storms and typhoons. The ozone layer has been ripped exposing the Earth to the deadly heat of the sun.

Finally, excessive love can result to selfishness that could be fatal….


0

What Excesses Can Breed

Posted on Friday, 30 June 2017

What Excesses can Breed
By Apolinario Villalobos

Anything that is beneficial but taken in excess can be lethal, and anything that is done with good intention, but in excess, can be vicious.

Drugs are supposed to prevent or cure diseases, but when taken in excess can result to unexpected death of a patient, that is why some of these cannot just be bought over the counter of pharmacies, as they need proper prescription from authorized medical practitioners. On the other hand, an overdose of food can cause obesity which can lead to diseases. Drinking water in excess may affect the proper functioning of the heart that is why one of the worst thing that can happen to anyone, is the unchecked water retention of the body.

Too much love can mean pampering that could result to the “spoiling” of the person being “loved”. It can also drive one to commit a crime of passion because of the fatal attraction that developed. And, worst, it can lead the weak of emotion to the verge of insanity. The same is true with kindness which can result to the abuse of the kind-hearted. Along this line, too much familiarity among friends could develop abuse, too, on the part of the ones with weak discipline, disposition, and who are naturally selfish. 

It is not bad to be hardworking, but abusing the body to the point of exhaustion could mean fatigue and if left unchecked could be fatal, too. Also, in a group that is expected to work as a team, those working hard, may be abused by the indolent members who may become overly dependent. That is why, for the sake of teamwork, it is important that roles are played fairly.

As to the expression of faith, those who manifest it with utmost sincerity according to what their religion says, is admirable. However, their boisterous and arrogant attitude about their belief that only they have the right to be saved, really stink. It is revolting to see a faithful with outstretched hands and who walks on his or her knees from the door of the church to the altar, or pretend that he or she is overcome by the “spirit” while praying as shown by his or her fainting or uncontrolled shaking body…a scene that can be comical for others. All these overdose of faith is fanaticism.

Too much freedom in a nation can breed abuse on the part of inconsiderate and undisciplined constituents. And, too much discipline instilled in a person can make him too “sterile” and oblivious to the imperfect, albeit, normal actuations of others.

The Earth needs air and rain, but too much of it, results to typhoon and flood. The same is true with the cool and immaculate snow, as too much of it, results to snowstorm. The wildlife has its own way of “moderation”. And, it seems that lesser creatures are more intelligent than man in observing such discipline. I have seen film footages of different kinds of wild animals milling around drinking holes where the strong are shown chasing the weak with the obvious intention of enjoying the latter as dinner. After the overpowering animals have had their fill, they back off and leave the rest of the packs. But in the case of man, the situation is different, because for as long as there is an opportunity for the greedy to exploit, he practically sucks every drop of blood of the oppressed.

Greed and selfishness are innate in man’s character, but should be manifested in moderation to prevent exploitation of others that could result to their suffering. Unfortunately, it does not happen in politics where greedy officials are not satisfied with what they may have already stolen from the government coffer, and which could already ensure them of a comfortable retirement. They practically, want everything by all means….not only money but lifetime power!


0

Ang Mga Sakim

Posted on Wednesday, 22 February 2017

ANG MGA SAKIM
Ni Apolinario Villalobos

Ang mangarap ay bahagi na ng ating buhay
Subali’t upang makamit ang nais, dapat maghinay-hinay
Baka may masagasaang ibang karapatan
Dahil sa sobrang kasakiman.

Upang mabuhay kailangan nating magsikap
Nang hindi nang-aapak ng iba, maabot lang ang pangarap
Maaari din namang pairalin ang katapatan
Na may dagdag pang kasipagan.

May mga tao nga lang na sa panahon ngayon
Na ang gusto yata ay halos ga-bundok ang perang maipon
Kaya’t lahat ng paraan ay kanilang gagawin
Masunod lang, sakim na damdamin.

May mga nakakuha ng tiwala ng taong-bayan
Kaya naluklok sila sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan
May mga naluklok dahil sa ginawang botohan
At may naitalaga dahil sa palakasan.

Ang ibang sakim, gumamit ng kanilang yaman
Pangangamkam naman ang kanilang  pinagdidiskitahan
Dating mga pataniman, kanilang pinaghuhukay
Nilason pa kaya nangawalan ng saysay.

Notes:
Sakim- greedy
Kasakiman-greed
Maghinay-hinay – slowly, carefully
Naluklok – placed in position
Naitalaga- appointed
Pangangamkam- grabbing
Saysay- use, usefulness



0

Choices in Life

Posted on Wednesday, 8 February 2017

Choices in Life
By Apolinario Villalobos

We should be prepared for the consequence of whatever bad choices that we made in life. Admittedly, however, there are occurrences in our life that we did not choose, and which we view as part of our fate, one is being born in poverty. But, we cannot be impoverished for life if we give way to our desire to struggle for the better. In this effort, however, we need the support of our parents. If they fail to give it to us, we can always look around for inspiration. At this juncture we can ask ourselves, “if others can, why can’t I”? And, finally, it’s only us, who can choose to be a self-made person, if we want it.

Some people want to take a shorter way in achieving what they want in life - success, instant pleasure or money. Those who want success in earning a profession commit frauds such as plagiarism in coming up with their thesis. Those with jobs who want promotion make evil designs that include stepping on others. Those who want to have instant pleasure or money, practically do anything at the expense of their honor and future.

We make choices along the way of our life – consciously, which makes us alone, who are accountable for such. It is for this reason that impoverished drug pushers should never blame the government for having neglected them, so that they were forced to sell illegal drugs, as they do not want to die of hunger. They made the choice to experience instant joy from drugs that made them first as drug addicts, and later as pushers to sustain their vice. But when the threat of death knocks at their door, on bended knees they cry a river of regrets!

Those in the government, and who took the risk of dipping their hands in the coffer of the government, should face the consequence of trials to prove their misdeed. I admire, however, the brash courage of these corrupt in defending themselves, tooth and nail, to prove their “innocence”. Such courage is honed by time, what with many years of being blindly trusted by voters who shamelessly sell their precious single right to vote for a pittance!



0

Ang Mga Akala na Pwedeng Mali Pala....

ANG MGA AKALA NA PWEDENG MALI PALA…
Ni Apolinario Villalobos

Dahil palaging nagsisimba ang isang tao, mabait siya sa kapwa.

Dahil palaging may hawak na Bibliya ang isang tao, malawak na ang kaalaman niya dito.

Dahil may Bibliyang naka-display sa bahay, ito ay binabasa.

Dahil may Encyclopedia na naka-display sa bahay, ito ay binabasa.

Dahil pari o Obispo, hindi na masisilaw sa salapi o tahimik na maniac.

Dahil nagtapos sa unibersidad ang isang tao, matalino na siya.

Dahil nagmumura ang isang tao kapag galit, siya ay masama na.

Dahil naka-shorts at t-shirt lang ang isang tao, siya ay naghihikahos na.

Dahil maganda ang isang babae, siya ay walang anghit o bad breath.

Dahil guwapo ang isang lalaki, siya ay walang eczema o anghit.

Dahil magandang tingnan ang pagkaayos ng pagkain, ito ay masarap na.

Dahil mahal ang isang pagkain, ito ay masustansiya na.

Dahil malinis sa paningin ang gulay, ito ay ligtas nang kainin.

Dahil hindi namumula ang mata ng isda, ito ay sariwa.

Dahil nakatira sa ibang bansa ang isa tao, siya ay mayaman na.

Dahil matangkad ang isang tao, magaling na siyang mag-basketball.

Dahil maganda ang balat ng prutas, wala na itong uod.

Dahil kaibigan ang isang tao, siya ay mapagkakatiwalaan na.

Dahil doctor, hindi na magkakasakit

Dahil dentista, walang sirang ngipin.

Dahil pulis, matapang na.

Dahil pangit, masama ang ugali.

Dahil walang makapal na ulap, hindi na uulan.

Dahil kumikinang at kulay dilaw, ginto na.

Dahil mayaman, galante na.


Dahil may tag ng kilalang brand, original na.

0

No Country on Earth is 100% Free from Graft and Corruption...but may be rated as bad, worse, or worst

Posted on Tuesday, 10 May 2016

No Country on Earth is 100%
Free from Graft and Corruption
…but may be rated as bad, worse, or worst
By Apolinario Villalobos

There is no “utopia” or paradise-like nation on earth. Even the so-called morally-straight and economically-advanced countries are not free from graft and corruption. All countries, however, may be classified as to the extent of their contamination by these blights of civilization into bad, worse, and worst.

What is admirable about the government officials in some countries, however, is their voluntary act to resign, though some unfortunately commit suicide, if they are suspected to be involved in anomalies or even just being investigated, yet. They do not react with shameful effort and legalistic defenses which happen only in the Philippines.

Still, although, corruption is an accepted occurrence in any government, in the Philippines, it has reached the uncontrolled stage. Some government officials who are voted, appointed, and even with civil service eligibilities seem to be living on the adage, “if others can do it, why can’t I?”.  To date, cases of graft and corruption in the Philippines takes so many years to be resolved with some just shelved into oblivion.

In the Philippines, corruption has become a business. Those who would like to venture into this “endeavor” must put up a substantial fund during the electoral campaign, while exerting all possible effort to get the position they want for the assured return of their “investment”.

Some even enhance their “talent” or “skill” by taking courses that lead to “government management”, such as, Law or Public Administration, and still, if time would allow, further enhance their knowledge acquisition with Masters and Doctorates, the better for them to slap those who would question their credibility with certificates.



0

Greed and the Civilized Society

Posted on Sunday, 24 April 2016

Greed and the Civilized Society
By Apolinario Villalobos

Transforming from the practices of various barbarian societies, the execution of justice based on actual commitment of misdeed, has evolved into one that has become founded on supposedly intelligent reasons and fairness, hence, the symbol of the Lady Justice as a blindfolded woman holding a perfectly- balanced scale.

Unfortunately, the intelligence of man is such that he has developed the propensity of circumventing written laws for his advantage. And, since the Lady Justice is blindfolded, she has no way of knowing about the deceitful effort. The Lady Justice leaves everything to the exchanges of  “legal” justifications that paid lawyers let out in court….and further leaves everything to the judge who makes the decision. The problem here is when the innocent has no money for an intelligent lawyer, while on the other hand the perpetrator of the offense can afford to hire an intelligent Bar topnotcher. Still, worst, is when the judge is also caught in the web of payoffs.

Oftentimes, we hear the line, “for every rule, there is an exception” which means that even the best Law of the land can be circumvented by excuses to give exemptions to misdeeds. Oftentimes, exemptions are based on the thickness of the wads of crisp bills. With this situation, where does “justice” come in?

Another popular adage is, “if a misdeed has no complainant, there is no offense”. Oftentimes, this kind of unwritten rule always puts the poor in the disadvantage, because unless he files a complaint against an offender, he could not expect justice. But since the poor victim cannot afford an intelligent lawyer, no case is filed, except a simple police report in the precinct blotter. Also, if a rich offender wants to go scot-free from a misdeed, he can even hire a “fall guy” to take his place.

The Law of the civilized society is supposed to protect the constituents and much effort on the part of the government should be exerted toward this end. Unfortunately, the modern-day barbarians – corrupt officials and wealthy criminals have spoiled everything that put practically all societies on earth in a mishmash jumble! So, it does not matter whether a country belongs to a third world or highly-advanced, as offenses are founded on just one single desire – GREED!


0

Ang Mga Karahasan, Kalamidad at ang Kapangahasan ng Tao

Ang Mga Karahasan, Kalamidad
At ang Kapangahasan ng Tao
Ni Apolinario Villalobos

Dahil sa paghihirap at kamatayang dulot sa sangkatauhan at mundo sa kabuuhan, ang mga karahasan at kalamidad ay itinuturing na mga parusa ng Manlilikha sa tao. Kung tutuusin, tama rin dahil kung hindi umabuso ang tao sa paggamit ng biyayang bigay ng kalikasan at hindi naging mapag-imbot ay naiwasan sanang masira ang kapaligiran at ang mga tao ay hindi nagpapatayan.

Sa isang banda naman, kung hihintayin lang ang itinakdang gulang kung kaylan mamatay ang mga tao… ibig sabihin ay walang sakit, walang epidemya, walang disgrasya, walang giyera, at iba pang sanhi ng maagang kamatayan, malamang ay wala na halos natirang lupang titirhan sa panahong ito dahil sa dami ng mga tao. Ganoon din ang mangyayari kung naging halos paraiso ang mundo dahil walang gubat na nakakalbo, walang mga hayop na magpapatayan, malinis ang karagatan, malinis ang hangin….siguradong aapaw na rin ang mga hayop sa kagubatan at gagala na sa mga bahaging tinitirhan ng mga tao.

Hindi sa hinihingi kong magkaroon palagi ng karahasan at kalamidad upang makontrol ang pagdami ng mga tao sa mundo. Subali’t kung ating papansinin, malaki din ang naitutulong ng siyensiya sa pagpahaba ng buhay ng tao dahil sa mga naiimbentong makabagong gamot at paraan sa pag-opera ng katawan, at pagpapaigsi naman dahil sa mga makabagong gamit pandigma. Ibig sabihin, kung may likas na pangkontrol sa buhay ng tao tulad ng mga kalamidad, nasasabayan ito ngayon ng mga kayang gawin ng tao sa pamamagitan ng kanyang karunungan.

Dahil sa mga nabanggit, kung may mga mangyayari man sa ating buhay, huwag nating isisi lahat sa Diyos, dahil ang tao ngayon ay “kumikilos at nag-iisip” na rin na parang Diyos kaya pati ang “pagbuo” (cloning) ng isa pang tao gamit lang ang kapirasong bahagi ng isang katawan ay kaya na rin niyang gawin. Ang ibang hindi magandang pangyayari sa mundo ay dapat  ding isisi sa taong may sakim na pagnanasang malampasan pa ang Manlilikha!



0

Ang Kasuwapangan (Greed)

Posted on Thursday, 31 March 2016

Ang Kasuwapangan (Greed)
Ni Apolinario Villalobos

Ang kasuwapangan ng tao ay umiral na bago pa man ang panahon ng Bibliya. Ang kasuwapangan ng mga tao noon ay nagbunsod sa kanila upang mangamkam ng lupain ng iba na umabot sa mga digmaan sa pagitan ng mga lahi. Pati ang pamimirata (piracy) ay umiral din sa mga bahagi ng Mediterranean, Africa, at  Europe. Ang ganitong uri ng kasuwapangan ay umiiral pa rin ngayon kaya mayroong kaguluhang nagaganap sa West Philippine Sea o South China Sea, pati na kidnap-for-ransom na hindi lang din nangyayari sa Mindanao kundi pati sa ibang bahagi ng Africa at South America.

Marami pang uri ng kasuwapangan ang umiiral sa mundo tulad ng mga sumusunod:

·        Kasuwapangan sa kaalaman.  Ito ay umaabot sa pagnakaw ng kaalaman ng iba
na kung tawagin ay “plagiarism”. Ginagawa ito upang magkaroon ng diplomang hindi
pinaghirapan dahil ang mga ipinasang thesis ay kinopya lamang sa internet. Ang isa pang paraan ay pangongopya tuwing may exam dahil sa katamarang mag-aral kaya inasahan ang pinag-aralan ng iba na ang katumbas ay pera o goodtime o pagkain o pakikipagkaibigan. Ginagawa din itong pangongopya ng ilang propersyonal na manunulat upang magpa-impress sa mga mambabasa nila, o di kaya ay ng ilang mga pulitiko na ang mga kinopya ay ginagamit naman sa talumpati nila upang palabasing sila ay “matalino”. At lalong ginagawa ito ng ilang tao na ang gusto ay magkaroon ng “Masteral” o “Doctoral” pero ayaw magpakahirap.

·        Kasuwapangan sa karangalan. Nangyayari ito sa mga bagay na may kinalaman sa trabaho. May mga supervisor o manager sa opisina na inaako ang pinaghirapang “project study” na ginawa ng isang empleyado nila. Kahit pa sabihing kasama ang paggawa ng “project study” sa trabaho ng empleyado, dapat ay may katumbas itong dagdag sa suweldo o “commendation” man lang kung nagkaroon ng magandang resulta. Ang problema, kapag binigyan kasi ng dagdag sa suweldo o “commendation” ang naghirap na empleyado, dapat ay may dahilan, at ito ang ayaw na mangyayari ng supervisor o manager dahil gusto niyang ipabatid sa nakakataas pang amo sa opisina na siya ang gumawa ng “project study” kaya nagtagumpay sila.

·        Kasuwapangan ng kaibigan at kamag-anak. May mga kaibigan na ang gusto ay sila lang dapat tulungan ng mga nakakaluwag na mga kaibigan. Nagagalit sila o nagtatampo kapag nalamang may ibang tinulungan ang kanilang kaibigan. Ganito rin ang ugali ng ilang kamag-anak dahil kapag may nabalitaang tinulungan ang kamag-anak nila lalo na ibang tao ay nagagalit at nagsasabi agad ng, “mabuti pa ang ibang tao naalala, pero kami na kadugo ay hindi”. Ang isa pang malimit iparinig ng mga gahamang ito ay, “bakit sila lang?....ako, wala?” Sa totoo lang, may mga kaibigan at kamag-anak na mahilig umasa sa iba kahit na hindi naman nila kailangan ang tulong. Dahil sa ugaling nabanggit, ayaw nilang magsikap at itong ugali ang masama, hindi ang pagtulong ng nakakaluwag sa “talagang nangangailangan”.

·        Kasuwapangan sa physical na attention at karnal na pagnanasa. May pagkasekswal ito dahil nagreresulta sa selos sa pagitan ng mag-asawa na umaabot sa patayan. At, kung minsan ang mga walang malay na naging bunga ng pagkakasala (anak o mga anak) ay nadadamay. Sa isang banda, may kasalanan din ang isa sa mag-asawa na hindi nakapagkontrol ng kanyang kalibugan o pagnanasa kaya nagpadala sa damdamin hanggangan tuluyan siyang magtampisaw sa batis ng kasalanan. Nangyayari din ito sa mga magsyota pa lang na ang iba’y may ugaling kahit sa public area tulad ng Rizal park o bus stop ay naglalampungan….nagbabakasakali sigurong may maka-discover sa kanila upang lumabas sa independent film tungkol sa kalibugan!

·        Kasuwapangan sa pera dahil sa kahirapan. Ito ang dahilan kung bakit mismong mga magulang ang nagtutulak sa mga menor de edad na anak nila upang lumabas sa “cyber sex”, o di kaya ay magbugaw sa mga foreigner. Ito rin ang dahilan kung bakit 7:00AM pa lang ay may nakaistambay nang mga babae sa Avenida upang magpa-short time. Sila ang mga suwapang na ang gusto ay kumita sa pamamagitan ng “sales talk” at paghiga.

·        Kasuwapangan sa pera dahil nilukuban na ng demonyo ang buong katauhan. Ito ang makikita sa mga drug lord, mga drug pusher, at mga gun-for-hire na hindi alintana ang perhuwisyong dulot ng kanilang mga gawain.

·        Kasuwapangan ng mga pinagkatiwalaang opisyal ng gobyerno. Ito ang kasuwapangan ng mga ibinotong mga opisyal ng  bayan na may kakambal pang isang kasalanan – ang pagsira sa tiwala. Bukod sa “sinuwapang” na nila ang pera ng bayan, sinira pa ng mga sagad-butong mangangamkam na mga opisyal na ito ang tiwalang ibinigay sa kanila ng mga kababayan nila.

·        Kasuwapangan sa halaga ng botong piso-piso. Ito ang kasuwapangan ng mga taong nagbebenta ng kanilang boto sa maliit na halaga pero ang katumbas ay pagdurusa kapag naupo na ang bumili ng kanilang boto at nangamkam sa kaban ng bayan upang maibalik ang ginastos nila sa pagbili ng mga boto, na kung tawagin ay “payback time”.


Hindi nawawala ang kasuwapangan sa buhay ng tao, subalit nagkakaiba sa tindi, antas o “degree”. Pati ako na nagsusulat nito ay umaaming may kasuwapangan din – sa gulay, prutas, tuyo, bagoong, panahon sa pamamasyal at pagsusulat, etc.  Mabuti na ito kaysa naman sa kasuwapangan sa salapi na idinadaan pa ng iba sa dasal kay Lord….isang napakarumal-dumal na pagnanasa!

0

Hindi Dapat Isipin ng Ibang Mga Pari na Tanga ang Lahat ng Mga Katoliko

Posted on Sunday, 10 January 2016

Hindi Dapat Isipin ng ibang mga Pari na Tanga
Ang Lahat ng Mga Katoliko
Ni Apolinario Villalobos

Akala ng ibang pari, dahil nakapag-aral sila ng mga salita ng Diyos at ng kasaysayan ng simbahang Katoliko sa loob ng kung ilang taon habang nakakulong sa seminaryo, ay sila lang ang may kaalaman sa mga ganitong bagay kaya  kung umasta sila ay aakalain mong sila lang talaga ang mga pinagpala ng Diyos dahil sa kanilang kaalaman.

Ang katotohanan ay marami ang tumitiwalag sa simbahang Romano Katoliko dahil naliwanagan sila pagkatapos malaman ang mga kahihiyang pilit itinatago ng Vatican, lalo na ang mga makabagong nakakadiring kasalanan ng ibang pari. Tanga ang mga paring ito kung hindi nila mauunawaan ang tulong na naibibigay ng makabagong teknolohiya sa mga Katolikong nakakakuha ng impormasyon sa internet.

Baka mas marami pang alam ang ibang ordinaryong Katoliko tungkol sa kasaysayan ng simbahang Romano Katoliko na hindi pa alam ng karamihan sa mga pari, kaya hindi sila dapat magyabang. Ang dapat gawin sana ng mga kaparian sa panahong ito ay magpakatotoo, magpakabait, magpakumbaba, maging tulad ni Hesus sa ugali, upang kahit papaano ay maipakita nila na ang pagkakamaling nangyari sa nakaraang panahon ay hindi na mauulit pa sa kasalukuyan. Pero ano ang kanilang ginagawa? Mas higit pang kahihiyan ang ibinibigay sa simbahang Romano Katoliko kaya ang bagong santo papa ay parang sirang plaka sa paulit-ulit nitong pagpapaalala sa kanilang mga responsibilidad at obligasyon. Kulang na lang ay murahin sila!

Kung may “pinapatakbo” o mina-manage na parukya ang isang pari, dapat ay magpakita ito ng propesyonalismo dahil ang isang parukya ay isang komunidad na nangangailangan din ng “proper and intelligent management”. Hindi dapat gamiting dahilan ang pagka-ispiritwal ng simbahan upang siya ay makapagdikta o magpasunod ng kanyang kagustuhan dahil gusto lang niyang maipakita na siya ang “lider”. Kung ganyan ang ugali niya, aba eh, bumabalik siya sa panahon ni Padre Damaso noong panahon ng Kastila! Wala siyang karapatang mamuno ng isang lokal na simbahang Katoliko ngayon na sirang-sira na ang reputasyon, dahil sa halip na nakakatulong siya upang makapagbago man lang kahit kapiranggot, lalo pa niyang binabahiran ng putik ang imahe nito.

Dapat pasalamatan ng santo papa ang mga maliliit na religious organizations sa lahat ng komunidad na siyang sumasalo at nagtatakip sa pagkakamali ng kanilang parish priest. Dahil maganda ang ipinapakita ng mga religious organizations hindi masyadong nahahalata ang mga kamalasaduhang ginagawa ng ibang parish priest. Ang mga parish priests ay napapalitan pagkalipas ng kung ilang taon, subalit ang mga religious organizations ay hindi dahil taal silang taga-komunidad kaya kung tutuusin sila ang nagbibigay ng agapay sa mga bagong naitatalagang parish priest, subali’t dahil sa kayabangan ng iba sa mga ito, kalimitan, ilang buwan pa lang pagkatapos silang maitalaga ay umaalingasaw na agad ang mabantot nilang ugali!....sila ang mga makabagong Padre Damaso!


0

The Agony of Mother Nature

Posted on Thursday, 7 January 2016

The Agony of Mother Nature
By Apolinario Villalobos

Her womb brought forth life of many sorts
On top of the list is man – wise, clever, shrewd
A creature so sharp, with ego that knows no bound
He, whose selfishness, lifted him up from the ground.

At the start, his simple desire brought him food
Also, skins and leaves to cover his bare fragile frame
Then, his carnal yearnings brought him abundant broods
Who later inhabited vast lands – plains, valleys and woods.

Man’s desire has no end, never satisfied, not a bit
He not only breached, what to others are sacred realms
Unmindful and blind to whatever will be the consequence -
He even dares to break Mother Nature’s idyllic, blissful silence.

Greed drove man to scalp mountains of their trapping –
Verdant and lush forests he fell by indiscriminate burning
Reverberating scream of his chainsaw fill nooks and crevices
That drowns panicky calls of birds and their desperate screeches.

Immaculate white and sandy beaches strewn with shells
Though, still practically fringing undiscovered islands and coves
They may no longer be what they are now, as found by those lucky
For their days are numbered just like the rest, now drowned in misery.

Islands pockmarked with diggings for much-coveted minerals
Pitifully belch residues to rivers, lakes, coves even gurgling springs
While man grins his widest for the cash, illicitly and cruelly-gained
Mother Nature just cringes in agony, abused, that for long she’ll pain.

The air that man breaths for whiffs of comfort, relief and dear life -
Now has become a mist of poison, the scourge of his irresponsibility
For bringing forth metallic contraptions belching toxin just everywhere
And even break auditory succor, shaking the world with so much clatter.

With Mother Nature in agony -
man is left…alone,

to determine his destiny!

0

Thoughts in Loneliness

Posted on Wednesday, 28 October 2015

Thoughts in Loneliness
By Apolinario Villalobos

Alone with just the whisper of the wind that breaks the silence,
the moment of bliss keeps me afloat me on the ocean of happiness.
Mind void of frenzy, becomes filled with thoughts…overpowering
And like in a forest, they all become jovial birds…singing, chirping.
Meandering thoughts bump each other in my once empty mind
And, puzzling, though, got to choose just one of them at a time:

-on a world that seems to shatter…is there hope?
 that, even at the last moment
 whatever remains of its innards
 be spared to weld its fragments
 long molested without diffidence?
    
-on man’s greed, selfishness…will he still survive?
 despite never ending quest for more
 that stacks up hatred from disquieted
 who hesitate to act for the sake of unity
 but now feeling abused due to disparity?

-on man’s blatant arrogance…to where does it lead?
  when his reason for being, he questions
  thinking that a force alone has made him
  into what he is now, thinking all the while
  with intelligence, to no one he’ll reconcile?

-on the children’s gleeful prancing…will this go on?
  when the air they breathe, stained with death
  fill their aching lungs, makes their head spin
  and the river they wade in is grossly infected
  but, sadly makes only a few sincerely worried?

-on oceans and forests…how long can they hold on?
  for the sake of the fish and others on ocean floor
  the birds seeking shelter on their lush, cool foliage
  and many other creatures that call them their home
  when dynamites and chainsaws spelled their doom?

Alas! All I can do is shiver in anger and helplessness
With those thoughts in my abject state of loneliness…  
 
 
    

0

Ang Isang Tao ay Puwedeng Maging Lider Batay sa Likas Niyang Talino at Ugali

Posted on Sunday, 18 October 2015

Ang Isang Tao ay Pwedeng Maging Lider
Batay sa Likas Niyang Talino at Ugali
Ni Apolinario Villalobos

Ambisyong palpak ang bumubulag sa isang tao na gustong maging lider kahit sa simula pa lang ay alam niyang hindi niya kayang gawin ito. Hindi masama ang mangarap o mag-ambisyon pero dapat ilagay sa ayos upang hindi pulaan ng iba. Ang ganitong sitwasyon ang nakita, hindi lang ng buong bansa, kundi buong mundo nang magdagsaan sa COMELEC ang mga may ambisyon na maging Presidente ng Pilipinas. Ang nakakabahala ay ang isipin ng mga taga-ibang bansa na kaya pala ganito ang kalagayan natin ay dahil sa mga may sayad sa pag-iisip na gustong maging Presidente. Ang karamihan sa nagparehisitro sa COMELEC ay halatang pinag-aralan ang mga kilos at sasabihin upang makakuha ng atensiyon kaya nagmukhang kawawa dahil pinaglaruan lamang ng mga usisero at taga-media. Sa panahong yon, naabuso na naman ang Kalayaan at Demokrasya dahil sa mga taong hangal at may sayad sa utak. Hindi dapat gamitin ang Demokrasya upang “malayang” gawin ang lahat ng gusto, lalo na ang pagsalaula sa sagradong pagpili ng Presidente ng Pilipinas. Hanggang kaylan tatagal ang ganitong kahinaan ng COMELEC, na sana ay may pinatutupad na mga alituntuning maayos, walang mga butas na nasisilip ng mga taong may diperensiya sa pag-iisip? Repleksiyon ba ang kahinaang ito ng uri ng mga taong nagpapatakbo ng nasabing ahensiya?...nagtatanong lang.

Hindi madaling maging lider ng isang maliit na grupo man lang, lalo na ng buong bansa tulad ng Pilipinas. Mapalad ang isang taong may likas na katalinuhan at ugali na angkop sa pagiging lider, dahil ang mga nakapaligid sa kanya ang kumikilala sa mga ito, kaya hindi na niya kailangan pang ipilit upang mapansin. Lumilitaw ang mga katangian niya sa mga kalagayang hindi inaasahan tulad ng kalamidad at agarang pagbigay ng tulong sa iba kahit sa normal na sitwasyon. Subalit maliban sa dalawang nabanggit na katangian, dapat mayroon din siyang tiyaga, determinasyon o katapangan, at pasensiya. Sa madaling salita, ang isang taong likas na matalino, kahit pa nakapagtapos ng kolehiyo, at mabait, ay mahihirapang maging lider kung wala siyang tiyaga at pasensiya, lalo na kung walang determinasyon o tapang sa pagpapatupad ng mga panukala, o utos na dapat masunod. Ang mga iyon ang maglilinang ng respeto para sa kanya bilang lider.

Si Manny Pacquiao ay isang halimbawang nag-ambisyong makilala ng tao. Natanim sa isip niya ang masidhing pagnanais na maipakitang ang kahirapan ay hindi dapat ituring na hadlang upang umunlad ang isang tao. Nagtagumpay naman siya – sa sports. Subalit naudyukan siya ng mga nakapaligid at may balak gumamit sa kanya, na pwede siyang pumasok sa pulitika na ginawa naman niya at nagtagumpay bilang kongresman ng kanilang lalawigan. Tulad ng inaasahan ay ampaw ang tagumpay niya sa pulitika, walang laman, walang sustansiya dahil nakikita namang hindi niya kaya ang trabaho bilang kongresman. Kung gumagalaw man ang opisina niya, ito ay dahil sa mga taong sinusuwelduhan niya upang gumawa ng mga panukala, kaya hanggang pirma na lamang ang papel niya. Nakita naman ng buong bansa na ang panahon niya ay nagamit sa mga ensayo at pagsabak sa boksing. Hindi pa nakuntento ang mga hangal na umuuto sa kanya, dahil gusto pa siyang patakbuhin bilang presidente ng Pilipinas! Ngayon, dahil sa katanyagan niya sa boksing, sumabak na rin sa pulitika ang iba niyang kaanak, lalo na ang asawa, siyempre, dala kasi ang apelyidong “Pacquiao”.

Masakit na sa tenga ang parang sirang plakang linya ni Pacquiao na, “gusto kong makatulong sa mga kababayan (o kapwa) ko”, dahil malabo itong matutupad kung ang iniisip niya ay “gumawa”  ng mga panukala na maaaring hindi maaprubahan, at kung maaprubahan man ay hindi rin maisasakatuparan tulad ng mga libo-libong panukala na inaagiw sa kongreso at senado dahil walang budget. Kung gusto niyang tumulong, lumabas siya sa pulitika para hindi siya magamit ng ibang pulitiko, magtayo siya ng mga boxing gyms sa buong Pilipinas at Foundation para sa mga scholars, at higit sa lahat, ng mga negosyo upang magkaroon ng mga trabaho… ganoon lang ka-simple at wala pang gagamit sa kanya. Sa madaling salita, pasukin niya ang larangan ng negosyo at maging pilantropo, tulad ni Henry Sy ng SM. Huwag na niyang dagdagan ang mga panlolokong ginagawa ng mga pulitikong nagkaugat na ang mga puwet sa pagkakaupo sa kongreso at senado dahil sa hangaring magpayaman. Huwag na niyang dagdagan ng batik ang nagpuputik nang dumi ng pulitika sa Pilipinas.

Ang tao ay hindi dapat maiinggit sa tagumpay na tinatamo ng iba. Ang ugaling maiinggitin ang lason sa kaisipan ng isang taong baluktot ang takbo ng isip. Tulad ng isang taong nakilala ko na nakabalita lang na tatakbo sa pagka-meyor ang kaklase niyang dating councilor sa kanilang bayan, ay gusto na ring tumakbo para sa nasabing puwesto, dahil hindi hamak na mas matalino daw siya, kaya valedictorian siya noong gumadreyt sila. Sana binalikan niya ang nakaraan nila noog nag-aaral pa sila, dahil nagkuwento ang pinsan niyang kumpare ko, na ang kaklase niyang tatakbo sa pagka-meyor ay magaling makisama, nagkukusa sa pagkilos kung may mga school activities, nangunguna sa sports, at higit sa lahat, may lakas ng loob. Taliwas naman sa ugali ng pinsan niyang makasarili kaya walang barkada, at umiiwas sa mga gawain kung may school activities. Ayaw daw paawat ang pinsan niya kaya nag-file ng candidacy.

Hindi dapat magyabang ang taong may ambisyong maging lider. Walang masamang gumamit ng lakas ng loob sa pagsuong sa pulitika. Lalong maganda kung magsimula sa ibaba, maliban na lang sa mga taong miyembro ng mga pamilyang nakababad na sa pulitika, yong mga tinuturing na “political dynasty”, kaya naging senador, kongresman, gobernador o meyor agad. Subalit para sa mga nag-aambisyon pa lang, dapat ay magsimula sa unang baytang ng pagsisikap – sa pinakamababa, tulad ng barangay o homeowners association o non-government organization (NGO). Doon masusubukan ang kanilang kakayahan at pagkatao kung angkop sila sa mas mataas pang tungkulin. Kung ang taong may ambisyong maging barangay chairman, halimbawa, ay hindi naman pala marunong makisama o tumutulong sa mga kapitbahay, kalimutan na lang niya ang ambisyon at magtraysikel na lamang, sigurado pa ang kita at hindi siya hihingan ng tulong, sa halip ay siya pa ang babayaran….. ng pamasahe.


 Humanga at tumulong sa mga kaibigan o mga kakilalang nasa larangan ng pulitika upang lalo pa silang magtagumpay, o di kaya ay kahit sa mga hindi kilala ngunit maganda ang mga hangarin para sa bayan. Kailangang marunong tayong tumanggap ng ating kahinaan at kakulangang mga katangian, kaya hindi tayo pwedeng maging isang epektibong lider. Sa isang banda, kung hanggang suporta lang ang kaya, gawin natin ito ng maayos at taos sa puso, dahil kung hindi matibay ang suporta ng isang lider, magiging dahilan ito ng kanyang pagbagsak, na upang maiwasan ay kinakailangang suportahan, simpleng tulong nga…..mahalaga naman.

0

Tao ang Nagpapasama sa Relihiyon, Ideyolohiya, at Magandang Adbokasiya

Posted on Wednesday, 30 September 2015

Tao ang Nagpapasama sa Relihiyon, Ideyolohiya
At Magandang Adbokasiya
ni Apolinario Villalobos

Walang masamang ideyolohiya tulad ng Komunismo o Demokrasya kung maganda at maayos ang pagpapatupad ng mga namumuno. Walang masamang relihiyon o pananampalataya kung ang ituturo ng mga namumuno ay pawang pagmamahal sa Diyos, o “diyos”, at kapwa tao. Walang masamang adbokasiya kung hindi ito gagamitin sa masama lalo na sa panlalamang ng kapwa. Tao ang dahilan kung bakit may mga kaguluhan sa mundo, dahil sa pagpapairal niya ng kasakiman at kayabangan.

Napakaganda sana ang layunin ng Demokrasya, kung ang nakaupong Presidente, halimbawa, ng isang bansang may ganitong ideyolohiya ay hindi bobo, sakim o kawatan. Ganoon din ang Komunismo, kung ang Chairman ng bansang may ganitong uri ng pamahalaan ay hindi malupit at gahaman sa kapangyarihan, at hindi sagad -buto ang ugaling mapangkamkam.

Sa Demokrasya, lahat ng mga prinsipyo at alituntunin na may kinalaman dito ay pawang kabutihan ang pakay. Halimbawa na lamang ay ang mga batas ng Pilipinas na mismong mga taga-Kongreso at Senado ang may gawa.  Dahil ampaw ang pagkagawa nila ng mga batas, nagawa din nilang paikutan ang mga ito upang makapagnakaw sa kaban ng bayan. Ang kapangyarihan ng isang Presidente ng demokratikong bansa ay para sana sa kapakanan ng taong bayan at ng bansa mismo, sa kabuuhan nito. Subalit, dahil sa panunulsul ng mga tiwaling umaalalay sa kanya, nagawa niyang lokohin ang mga mamamayan. Ang masisisi sa pagkakaroon ng maraming kapalpakan sa isang bansa ay ang Presidente at ang kanyang mga kaalyado, at hindi ang kanilang mga “puwesto” na ginamit nila sa paggawa ng masama.

Ang relihiyon naman ay naimbento ng tao dahil sa kanyang pananampalataya sa kinikilalang Diyos o “diyos”. Bago pa man nagkaroon ng mga relihiyon na nagsanga mula sa pananampalataya ni Moses at Abraham sa disyerto ng Gitnang Silangan, mayroon nang mga pananampalataya sa “lakas” ng iba’t ibang “diyos” na pinaniwalaan ng mga pagano. Pinagkaisa ng mga pananampalatayang ito ang mga tao, yon nga lang ay kanya-kanyang kumpulan ang nangyari at nagtagisan sila ng lakas, na naging sanhi ng kaguluhan. Pinairal kasi nila ang kayabangan at pagkagahaman sa kapangyarihan.

Isa ang Kristiyanismo sa mga naging sanga ng pananampalataya na sinimulan ni Moses sa disyerto ng Gitnang Silangan. Habang napanatili ng mga Hudyo ang pagsunod sa mga sinimulan ni Moses, ang iba naman ay nagpasimula ng sarili nilang relihiyon batay sa mga itinuro ni Hesukristo kaya nagkaroon ng Kristiyanismo. Subali’t kalaunan, nang gamitin ng mga Romanong Emperador ang Kristiyanismo upang mapalawak ang kanilang nasasakupan at mapalakas ang kanilang kapangyarihan, ang naging katawagan dito ay naging “Romano Katoliko”, na  hinaluan nila ng mga ritwal na pagano, dahil ang mga ito ang tinutumbok ng kanilang layuning mahikayat. Nahati rin ang simbahang Katoliko sa dalawa kaya nagkaroon ng “Orthodox” na humiwalay sa “Romano”. Pinatili ng “Orthodox” ang mga orihinal na gawi, samantalang maraming binago ang “Romano”.

Noong panahong mismong mga emperador ng Roma ang naging “papa” o “pope”, nagkabentahan pa ng indulhensiya o indulgence upang “mawala” daw ang kasalanan ng mga mananampalatayang bibili nito! Ang mga nagsulputang grupo ng “Bagong Kristiyano” naman ay malabnaw  ang pagkilala kay Maria na “ina” ni Hesus. Dahil sa mga nagsuluputang sekta at kulto sa kasalukuyang panahon, lalong nagkaroon ng kalituhan sa pananampalataya dahil bawa’t grupo ay nagpipilit na sila ang “tama”.

Samantala, ang adbokasiyang pagtulong sa kapwa ay nagbunga ng mga Non-governmental Organizations o NGO. Sa simula, ang pondo ay galing sa mismong bulsa ng mga pilantropong nagtatag ng mga NGO. Kalaunan, sila ay tinulungan ng ibang mas malaking NGO. At, kalaunan pa, tumulong din ang mga NGO sa gobyerno upang mabilis na maipaabot ang tulong sa mga taong mahihirap, kaya “pinadaan” sa kanila ang pondo ng mga proyekto. Ang paraang “pagpapadaan” ng pondo sa mga NGO na may layuning malinis ay “nasilip” ng mga gahaman upang magamit sa pagnakaw ng pera mula sa kaban ng bayan. Nagkaroon ng kutsabahan sa pagitan ng mga taga-gobyerno at may-ari ng NGO, kaya ngayon ay may mga kasong tulad ng kinakaharap ni Napoles na may kinalaman sa pagnakaw nila ng bilyon-bilyong pera mula sa kaban ng bayan!


Sa bandang huli…ang katanungang maibabato na lang natin sa hangin, kasabay ng isang malalim na buntong hininga  ay, “…tao…tao…bakit ka pa ginawa upang mabuhay sa mundo?”

0

No Historic Landmark or Development can stay for a Lifetime in the Philippines

Posted on Sunday, 19 July 2015

No Historic Landmark or Development
can stay for a Lifetime in the Philippines
by Apolinario Villalobos

The politics in the Philippines is one of a kind. It is destructive, as well as, breeds very hideous corruption, that devastates even the foundation of the people’s culture. Greed is the very core of political system in the Philippines. Worst, is that despite the glaring manifestations of committed corruption, those involved keep on denying it.

Every administration of all government units, from the top executive down to the lowest level is fanatically obsessed with political slogans and colors that serve as their stamp. Even long-standing structures which have been budgeted significantly for their construction are not spared. It is expected always, that every time an election for the sets of government officials has been concluded, practically everything is washed over with new colors that stand for the passion of the winners. Along with this, what have been put up by the past administration, are unsparingly destroyed to give way to new ones that shall stand for the “accomplishments” of the sitting set of officials. On the other hand, the sitting government officials may not be totally blamed because unless they broadcast their accomplishments, the people will not know.

As to the historic landmarks that for centuries gave a grandiose image to the country, these are pitifully neglected. Some are renovated to assume a modernistic façade to serve the purpose of the mindless government officials. A sister of the president was even quoted as having indiscreetly remarked that the centuries-old Post Office building at the Bonifacio Park (formerly, Lawton Plaza), can be converted into a hotel. And, just a stone’s throw away from the said landmark is the deteriorating Manila Metropolitan Theater with its peeling walls and crumbling statues.

My heart cringes every time I browse the cyberspace and view the posts of bloggers – photos of the historic landmarks of neighboring Asian countries, all well-maintained and not overshadowed by mushrooming and towering modern edifices. Even the triangular and minuscule “tourist spot”, Intramuros is in a sorry state with its stinking nooks. Perhaps, it will remain as such, a stinking “spot”. It is a shame that we Filipinos always say, that we are proud of our race and country, but these are just verbal declarations without substance.

Yes, we have world-class singers and we have Manny Pacquiao, but it seems that our pride stops there. Our president is even touted as a lame duck, one reason why corruption in the government has worsened. But, as the saying goes, while we live, there is always hope…and as hoping is free, it’s all that the Filipinos can do…hope and pray for the better!


0

Enslavement to Earthly Desires...results to exploitation of others

Posted on Tuesday, 7 July 2015

 Enslavement to Earthly Desires
…results to exploitation of others
By Apolinario Villalobos

We become what we choose in life. We can be nice if we want to, yet, we choose oftentimes, what are the easiest things to do which are the opposite. The earthly desires are all centered on the “self” of our person – our ego. On the other hand, the nice things entail sacrifice, “outward” acts that we do. Earthly desires result to selfish satisfaction while the sacrifice tends to satisfy others which some of us cannot even afford to imagine.

Enslavement to earthly desires may develop as a result from what we observe around us. We learn from the acts of our parents, siblings, neighbors, and other people. Practically, everybody learns from everyone else – a malevolent process. If a child belongs to a family with weak spiritual foundation, hence, the acts of the members are ruled by malice, then, what he sees…he will practice, too, expectedly, as he grows to become a member of the society.

Citing the government cannot be avoided in this regard, as it is supposed to provide us with all the needed corporal security. In a corrupt government such as that of the Philippines, the adage, “if he can do it, I can do it, too” becomes the rule. In other words, if an official can have the courage to rob the coffer or the treasury, then some of his colleagues may develop the same courage to do the same act. That is how the learned evil and selfish desire work. On the other hand, investigations on the crime may also be tainted still with self-serving intent on the part of the conducting parties… another earthly desire!

Meanwhile, the poor and exploited constituents are left gaping in wonder if justice can be had…that is the sorry state of the Philippines.


0

China and the World

Posted on Monday, 6 July 2015

China and the World
By Apolinario Villalobos

While China has tricked the US in the latter’s ploys in Asia, it has gone way ahead of Russia in territorial expansion. While the US uses its “big brother” approach, China uses cheap labor as the main factor in becoming an economic giant which made practically the whole world dependent on its cheap and fake products. No wonder why no country, even the United Nations, ever made an attempt to slap China with some kind of an embargo or boycott, which has been the practice to punish other countries, despite its unbecoming actions, particularly,  its reclamations at the West Philippine Sea.

While the US has not done anything yet, as regards territorial expansion, Russia uses force and has been successful in the Ukraine region, and China on the other hand, uses its “resourcefulness” by building fake islands to legally extend its territories, as well as, money to win the confidence of economically-ailing nations.

The ASEAN is obviously helpless in counteracting the moves of China, with most members even blatantly showing their once covert image as allies. There is no hope for the Philippines on the other hand as regards the West Philippine Sea, as even if the United Nations shall decide on its favor, there is a question on how the decision shall be implemented. China is a member of the Security Council of the UN, together with the USA, France and Russia. While the US is obviously helpless even in checking the ongoing reclamations in the West Philippine Sea, France is helplessly silent on the woeful issues that are now befalling third-world member countries, and Russia is clearly on China’s side because it is also doing what the latter is doing, aside from their obvious close relationship to date due to their common objectives. That is the sad picture of the United Nations which China could have perceived a few years after the WWII!

China has already made its presence in the African continent strongly felt with its various investments disguised as “aids”. The nearby Mediterranean could be the next target, thanks to the economic downfall of Greece which China could be regarding as a timely opportunity for their entry into the Mediterranean region. If Greece will eventually get out of the European Union, it will be on its own, but how can it be possible without help from outside, unless drastic moves by the government shall be made such as declaring a Martial Law to enforce stringent measures on spending? The issue on Greece is money. If the Greeks would like to recover from their misfortune, there are so many things that they should sacrifice, so that they will be left with a difficult choice – give up luxurious life under a Martial Law? Or, still enjoy the same life under a “caretaker country” such as China through its “aids”. There is no way for the US to get into the picture because it is also indebted to China.

China could have foreseen the problem of the world which is centered on money that is why it has initiated the organization of AIIB which gained many members in so short a time after the launching. If the image of the United Nations as a reliable organization of nations continues to slide, the World Bank would definitely follow suit. There is no problem with the UN as it has been seen as a helpless organization anyway, so it can just melt away. Besides, the world is seemingly being apportioned today, either three-way or two- way: three-way among the USA, China and Russia, or just two-way between Russia and China. It will be a goodbye to the “manifest destiny” of America as fighter for democracy…and a welcome to the “economic destiny” of China!


Is the world nearing the epoch of “world confederacy”?... in which all nations shall be federated under a permanent leader while left as they are with their own cultural identity?...in which only one monetary token shall be used?...in which two or three universal languages shall be used?...in which the ideology shall be the “hybrid communism”?