Showing posts with label exploitation. Show all posts

0

Ang Ayaw Tumulong Huwag na lang Manlibak ng mga Kapus-palad

Posted on Monday, 9 October 2017

Ang Ayaw Tumulong
Huwag Na Lang Manlibak ng mga Kapus-palad
Ni Apolinario Villalobos

Napilitan akong sumulat uli tungkol sa subject na ito dahil sa narinig kong pag-uusap ng dalawang babae sa dyip. Galing ako noon sa mga nasunugan kong kaibigan sa Tondong nakatira pansamantala sa isang basketball court ng barangay na hindi kalayuan sa pinangyarihan ng sunog. Habang tumatakbo ang dyip galing sa port area papuntang Divisoria, sinabi ng isang babae sa katabi niya na, “mabuti ngang nasunog ang mga bahay sa Parola dahil pinamumugaran lang ng mga drug addict, mga puta at mga bata madudungis”.

Gusto ko mang sumabad, hindi ko na ginawa dahil mukhang mataray ang babaeng nagsalita at siguradong magtatalo lang kami. Mahirap na dahil baka makarating kami sa barangay, mabisto pa kung sino talaga ako dahil kukunin ang pangalan ko. Hindi kasi ako nagpapakilala sa mga taong tinutulungan ko sa Tondo.

Ang pinakamasamang ugali ng tao ay ang paglibak sa kapwa nilang kapus-palad o naghihikahos, na ayaw naman nilang tulungan. Palibhasa daw ay hindi mapapagkatiwalaan, madudungis kaya nakakasira ng tanawin, mga magnanakaw, mga puta, mga adik, mga tamad, mga putik ng lipunan.

Ang dapat gawin ng mga ayaw tumulong sa mga nangangailangan ay tumahimik na lang at magpakasaya sa yaman nila na pinaghirapan nilang kitain. Pero tulad ng sabi ko, dapat ay huwag manlibak ng mga taong kapos na inaakala nilang nakikibahagi sa kanilang yaman.
Walang may gustong maging mahirap. May sinusuwerte kahit hindi masyadong nagsikap at mayroon ding hindi sinuwerte kahit ang ginamit sa pagsisikap ay mismong karangalan at buhay, kaya nagpuputa at nagnanakaw. Ang mga nagpuputa ay nagkakasakit ng AIDS at ang magnanakaw ay napapatay.

Ang nawalan ng ganang magsikap ay siguradong may dahilan kaya huwag silang husgahan agad, tulad ng isang nakausap ko na ilang beses nang nagtrabaho subalit palagi ring biktima ng pagmamaltrato. May mga biktima ring ginawang “tuntungan” ng mga taong gusto lang yumaman…ibig sabihin, ginamit lang sila.

May mga taong sinuwerte sa buhay pero sa halip na lumingon sa kanilang pinanggalingan ay nanlibak pa ng mga kaanak at kaibigan na hindi sinuwerte kaya naghihirap. Kung mapansin naman nilang nagsisikap ay sasabihin pang “trying hard” at pati ang mga simpleng pagsasaya na nakikita sa mga larawang naipo-post sa facebook ay nililibak din sa pagtanong ng, “ganyan ba ang naghihirap?...naka make-up pa at magagandang damit ang suot?” Para sa akin, hindi dahilan ang kahirapan upang magpabaya sa pag-ayos ng sarili dahil marami ngayong magagandang damit sa ukayan at mura lang.

Dapat alalahanin ng mga may kaya sa buhay na nanlilibak, na ang yaman ay hindi nila madadala kung sila ay patay na. Ang mayayamang nanlilibak ay kumakain ng masasarap, hindi tulad ng mahihirap lalo na ang mga sobrang kapos na ang mga kinakain ay galing sa basurahan. Subalit, magkaiba man ang kanilang pagkain, pagdating sa bituka ng kanilang kinain ay parehong nagiging dumi o tae na mabaho! At, tulad ng mga kinakapos sa buhay, kung mamatay ang mayayamang nanlilibak, kakainin din ng uod ang nabubulok nilang bangkay…. pwera na lang kung na-cremate sila!



0

Mga Bahagi ng Buhay ng Tao na Inabuso

Posted on Saturday, 7 October 2017

Mga Bahagi ng Buhay ng Tao na Inabuso
Ni Apolinario Villalobos

1.Karunungan  - sa sobrang kayabangan ng ilang tao dahil sa natanggap na papuri tungkol sa kanilang karunungan, akala nila ay mas matalino pa sila sa Diyos, at lalong higit ay ang pag-akala nilang sila na ang pinakamagaling sa balat ng lupa. Gumawa din sila ng mga bagay na nakakapinsala sa buhay tulad ng droga, bomba, lason, atbp.

2.Pananampalataya sa Diyos – ginamit ng maraming hangal na makasarili at may isip-demonyong mga tao ang pananampalataya upang makapag-fund raising. Nagtatag sila ng “charismatic groups” upang makapagpayaman. At, yong ibang tumanda na sa propesyong ito ay ginamit ang pananamapalataya sa pagbatikos sa LAYUNIN ng mga taong kumakalaban sa droga dahil hindi nila ina-analyze ang “kalaliman” ng isyung ito na ang isa sa mga collaterals ay pagkalagas ng mga buhay.

3.Tubig – Hinaluan ng alcohol na nakakalasing at mga kemikal na nagbibigay ng panandaliang kasiyahan at pagkalimot sa sarili….mga party drinks.

4.Hangin – binugahan ng tao ng usok mula sa kanyang sasakyan at mga pagawaan kaya naging lason.

5.Pananim – inispreyhan ng insecticide kaya naging masama sa kalusugan sa halip na makatulong.

6.Teknolohiya – ang mga resulta ng makabagong teknolohiya ay may  kapakinabangan sa tao subalit halos lahat ng mga ito ay inabuso at ginamit sa kasamaan tulad ng internet, cellphonoe, atbp.

7.Tiwala ng Kapwa – maraming tao ang umabuso sa tiwala na ibinigay sa kanila ng kapwa kaya nagkaroon ng trauma o nadala ang mga mababait na tao…ayaw nang tumulong sa iba.

8.Oras – Obvious ito lalo na sa mga kabataan ngayon…ang tawag sa nag-aabuso sa oras ay batugan, makupad, tamad, atbp.

9.Tulong ng Kapwa – maraming mga natulungan ang hindi kuntento sa ibinigay sa kanila at hindi nila naisip na hindi lang sila ang nangangailangan ng tulong….ang gusto nila ay mapunta sa kanila ang lahat ng tulong kaya ayaw na nilang magsikap upang makaraos kahit kaya na nila.

10.Sariing katawan – sa sobrang kaartehan ng ilan, sa halip na ayusin lang ang mga bahagi ng katawan nila upang hindi masagwang tingnan ay inabuso nila ito kaya may mga nagmukhang ibinabad sa arena ang balat o di kaya ay mukhang bangkay dahil sa sobrang putla na akala nila ay “kaputian”. Ang iba ay nangingintab ang mukha sa astringent na naglulusaw ng outer layer kaya kalaunan ay nangitim dahil nasunog pagkatapos ma-expose ang “baby skin” sa araw. Ang ibang minalas na nagpa-butox ng mga bahagi ng mukha upang mawala ang kulubot ay hindi na makangiti dahil na-paralyze ang mga ugat. Ang puwet at suso naman ng iba ay nagmukhang kamote na may mga ulalo dahil sa hindi maayos na paglagay ng silicone. Ang mga nagpa- tattoo ng mga kilay sa mga dispalinghadong beauty artists ay nagmukhang palaging nagugulat dahil sa sobrang taas ng pagkapuwesto ng mga kilay. Ang iba naman ay nagmukhang kekay dahil sa laki at haba ng tattoo, hindi proportion sa mukha….mas matindi ang malas na inabot ng mga tinubuan ulit ng original na kilay na pinaahit upang malagyan ng tattoo…nagkaroon sila ng “double surprise look” dahil sa dalawang set ng kilay!

11.Gamot – maraming gamot ngayon, lalo na ang iba’t ibang anti-biotics ang pinagbabawal nang gamitin dahil sa pag-abuso ng mga karaniwang tao na sa kaunting lagnat ay iinom agad ng gamot na “nirekomenda” ng kaibigan. Ganyan din ang nangyari sa mga paracetamol at pain relievers.

12.Pag-ibig – hindi masama ang umibig, huwag lang itong maging sanhi ng pagkasira ng pamilya. Hindi rin dapat gamitin ang pagkahumaling na palatandaan ng nakakadiliryong pag-ibig upang ang nawawala sa sarili dahil sa sobrang pag-ibig ay buntisin o huthutan!

Ang unang pag-abusong naitala sa Bibliya na itinuturing na alamat at bahagi ng babasahin ng mga Kristiyano ay ang pag-sira sa kabaitan ng Diyos na ginawa nina Adan at Eba…na ang sanhi ay ang pag-abuso naman ni Eba sa tiwala sa kanya ng kanyang partner na si Adan…ang pasimuno ng siraan ng tiwala sa sinasabing paraiso ay ang ulupong naman. Nagkawing-kawing ang abusong ginawa nina Adan, Eba, at ulupong….bagay na nangyayari din ngayon sa buong mundo….kapwa sa kapwa…pamilya sa pamilay, bansa sa bansa!




0

Mga Iba't ibang Uri ng Kaibigan

Posted on Friday, 6 October 2017

HAPPY FRIENDSHIP DAY!

Mga Iba’t ibang Uri Ng Kaibigan
Ni Apolinario Villalobos

Sa pagkauso ng “BFF” o “best friend forever” na turingan, hindi maiwasang bigyan ng matamang pansin ang ganitong relasyon. Napakaswerte ng mga magkakaibigan na habang buhay na raw nga, ang halos ay pagkit na pagkakadikit sa isa’t isa sa lahat ng panahon. May mga magkakabarkada na hanggang tumanda na ay regular pa ring nagre-reunion. Ang ganitong samahan ay hindi dapat maging dahilan ng pagselos ng mag-asawa, dahil iba ang uri ng samahan ng magkakaibigan sa uri ng samahan ng mag-asawa.

Ang magkakaibigan lalo na yong mga magkakabata ay halos magkadugtong na ang mga pusod kung sila ay magturingan. Nangyayari ito kadalasan sa mga anak ng magkukumare at magkukumpare. Kung minsan naman ay sa magkakapitbahay. Mas malalim wika nga ang samahan dahil kung baga sa puno ay matatag na ang pagkakaugat.

Ang samahan ng mag-asawa ay nagsisimula kadalasan sa panahong ang babae at lalaki ay pareho nang nasa tamang gulang, at nagsisimula sa pagkikita sa paaralan, lalo na sa kolehiyo,  o di kaya ay sa trabaho. Sa bihirang pagkakataon kung minsan naman, nauuwi sa pag-aasawahan ang nagsimula sa puppy love na na-develop nang high school pa lang.

Sa barkadahan, wala halos itinatago sa isa’t isa ang magkakaibigan, hindi tulad ng mag-asawa na may mga nirereserba pang sekreto sa isa’t isa, lalo na yong biglang nagsama makaraan lamang ng ilang araw, linggo o buwang ligawan. Paano nga namang magtitiwala sa isa’t isa ang nagkadebelupan lang dahil sa eyeball to eyeball na nagsimula sa facebook?...na nauwi lang minsan sa isang short time sa mumurahin at masurot na motel…. naging mag-asawa na?

Sa magbabarkada, walang sinumpaang obligasyon ang isa’t isa, kaya walang sumbatang nangyayari. Hindi tulad sa mag-asawa na parehong pumirma sa kontrata upang magsama sa hirap at ginhawa, at ang kontratang ito ay tumitiim pagdating ng panahon na may mga anak na sila. At ang matindi pa, ang hindi tutupad sa kontrata ay makakasuhan, lalo na kung umabot sa puntong nagkasawaan at naghanap ng mga bagong kandungan ang bawa’t isa.

Sa magbabakarda, kung may tampo ang isa sa isa pang kabarkada, pwede siyang tumakbo sa iba pang kabarkada upang maglabas ng hinaing. May mga payong ibibigay – take them or leave them pa, may choice. Sa mag-asawa namang nagkatampuhan lalo na ang may matataas na pride, kung minsan, ang tampuhang nagresulta sa simpleng kalmutan at sampalan ay umaabante sa batuhan ng plato, baso, ispinan ng kutsilyo, at lasunan!

Ang tunay na pagkakaibigan ay tapat at walang kundisyon na sinusunod. Wala mang kundisyon ay mayroong nangyayaring “pakiramdaman”  batay sa prinsipyo ng kamutan ng likod, sa Ingles, “scratch my back and I’ll scratch yours. Yan ang pinakamagandang uri ng pagkakaibigan – bukal sa kalooban at nagbibigayan.

Sa panahon ngayon, may mga taong nakikipagkaibigan sa iba na sa tingin nila ay may pakinabang. Ito yong mga social climber na nakikipagkaibigan sa mga mayayaman o di kaya ay maimpluwensiyang tao upang mahatak din sila paitaas tungo sa mundong ginagalawan ng taong kinaibigan. Nangyayari din ito sa mundo ng pulitika kung saan, ang mga baguhang pulitiko ay pilit na dumidikit sa mga may pangalan na upang maamutan sila ng katanyagan nang sa ganoon ay umusad ang kanilang karera sa pulitika. Pagdating ng panahong tanyag na rin sila, ang mga dating dinikitan nila ay balewala na, lalo na kung nasira ang pangalan dahil sa mga kaso ng katiwalian.  Kapag tinanong ng reporter, sasabihin ng dating social climber at ambisyosong politician na ang nakakasuhan ay “minsan” na niyang nakausap, yong lang.

Ang nangyayari sa mundo ng pulitika ay nangyayari din sa mundo ng show business. May nakausap akong direktor sa pelikula na umaming dumikit siya kay Lino Brocka upang mawisikan man lang ng grasya ng katanyagan. Nagtagumpay siya. Dumating din ang panahon na siya naman ang dinikitan, subalit sa pagkakataong iyon, ang tinulungan niya upang magtagumpay ay hindi na kumilala sa kanya nang dumalang na ang mga offer upang magdirek ng pelikula. Yong walang utang na loob naman ay nakarma dahil nagkaroon ng kanser at naubos sa pagpapagamot ang perang naipon sa pagdidirek. Sana ang nangyari sa walang utang na loob na nagkaroon ng kanser ay mangyari rin sa mga pulitiko, para yong mga nagkakainan ng dumi ay pare-pareho nang mamatay sa kanser. Magiging sikat ang Pilipinas dahil lahat ng mga namatay na pulitiko ay kanser ang dahilan – only in the Philippines!...at maitatala pa sa Guinness Book of World Records!

May mga kaibigan din na doble-kara. Ito yong mga taong ayaw nilang mahigitan sila ng mga kaibigan sa lahat ng bagay. Sila yong mga nagdadaos ng party na ang pakay pala ay ipakitang mas nakakahigit sila sa karangyaan kung ihambing sa ibang kaibigan nila. Kadalasan nahuhuli ang mga taong ito sa mga salita nila mismo, tulad ng pabirong “o…meron kayo nito?” Hindi nawawala ang ganitong klaseng kaibigan sa isang grupo na kadalasan ay nauuto upang gumastos dahil sinasakyan na lang siya ng iba, lalo na sa isyu ng yaman. Siya nga naman ang may pera, kaya, sige pagastusin na lang kung gusto niyang magyabang…yan ang kadalasang sinasabi ng mga pinakikitaan ng kayabangan.

May mga kaibigang traidor. Ang pinakamagandang halimbawa ay ang samahan ni Hesus at ni Hudas na disipulo niya. Ipinagkanulo ni Hudas si Hesus sa ilang pirasong pilak. Sa Pilipinas, itinanggi si Janet Lim Napoles ng mga taong itinuring niyang kaibigan at inambunan ng mga ninakaw niyang pera mula sa kaban ng bayan. Ito yong mga taong ka-kodakan niya (Napoles) sa mga party niya sa mausoleo ng kanyang ama sa Pasig, may pa-toast toast pa ng alak ang mga hiyu….ta. Bandang huli pare-pareho silang “pinag-iingatan to death” ng mga guwardiya, dahil nakakulong na…friends together….anywhere…talaga lang!





0

Ang Nakakasilaw na Tukso ng Pera at Paggastos Nito

Posted on Monday, 2 October 2017

Ang Nakakasilaw na Tukso ng Pera
At Paggastos Nito
Ni Apolinario Villalobos


Hindi maganda ang ugaling gastos nang gastos basta may magagastos lalo na kung ang ginagastos ay galing sa kaanak na nagpapakuba sa pagtrabaho sa abroad. Marami akong nakilalang pamilya na akala ko ay mayaman, yon pala ay may nanay o tatay o kapatid na OFW, o di kaya ay seafarer. Ang nabanggit na ugali ay masama na, subalit lalo pang pinasama ng iba dahil sa kanilang pangangalunya o pangangaliwa o pagtataksil…. sa madaling salita ay may “kabit”!...habang ang asawang sa abroad ay nagpapakahirap.

Sa awiting, “Kuya Eddie” binabanngit ang kapabayaan ng asawa sa mga anak na ang ama ay nagtatrabaho sa ibang bansa. Nagtaka ang lalaki dahil hindi naman buntis ang kanyang misis nang kanyang iwanan subalit nang umuwi siya, ang mga anak nila ay nadagdagan ng isa! Ang masaklap pa, iniwan na nga siya at kanyang mga anak, tinangay pa ang inipon niyang pera! Kung babae ang gagawa ng kaaliwaswasan, ang idadahilan ay “woman’s frailty” tulad ng depensea ng isang big time na babae na ngayon ay nasa kulungan na, subalit ang kaso ay hindi dahil sa pagka-adik niya sa sex kundi sa mga kasong may kinalaman sa pera. Kung lalaki naman, ang palusot ay, “ di bale na, lalaki naman at hindi mabubuntis”.

May naging kaibigan akong mananahi na dating nurse sa Kuwait at ang kuwento niya ay anim na taon daw niyang sinupurtahan ang kanyang pamilya, mula sa mga magulang hanggang sa apat na kapatid. Dahil sagana sa perang padala niya, naka-develop ng “pagmamahal” ang kanyang tatay sa sabong at ang kanyang nanay naman ay sa casino. Sa apat niyang kapatid, tatlo ang naging adik at ang isa ay nalumpo dahil sa aksidente sa motorcycle na nabili sa malaking halaga, yong pang-karera. Nang nakauwi na siya, kahit papaano ay nakabili siya ng isang maliit na lote at isang Singer sewing machine….nagri-repair siya ngayon ng mga ukay na pantaloon sa Bambang (Manila) sa inuupahang maliit na kuwarto. Ang lote naman ay tinamnan nilang mag-asawa ng mga gulay na pambenta sa Divisoria.

Siguradong marami ang aalma o magrereklamo kung sasabihin ko na ang isang bahagi ng kulturang Pilipino na hindi maganda ay kayabangan kapag maraming pera. Ang mga Pilipino na may nabanggit na ugali ay walang tigil ang pamimili ng mga bagay na mapapansin agad upang makapagbigay ng impression na mayaman sila. Tulad halimbawa ng isa kong kumpare na nang mag-retire ay bumili agad ng isang mamahaling sasakyan kahit wala silang garahe kaya sa labas ng bahay niya iginagarahe dahil ang tinitirhan nila ay isang maliit na apartment lang.Binalaan o winarningan ko siya na kilala ang lugar nilang maraming adik at snatcher na naninirahan…sa San Andres Bukid sila nakatira. Sagot niya sa akin, “pare…pa-impress lang…iniismol kasi ako ng mga hinayupak kong kapitbahay”. Hindi inabot ng limang buwan, nag-goodbye sa kanya ang mamahaling sasakyan dahil ninakaw!


Tulad ng iba pa nating pangangailangan sa buhay, ang pera ay nirerespeto at hindi inaabuso…pinaghihirapang kitain ng mga tapat sa trabaho, hindi basta lang dinadampot. HIGIT SA LAHAT, MAAWA SA MGA KAANAK NA HALOS MAGPA-ALIPIN SA IBANG BANSA PARA LANG MAY MAIPADALANG PERA SA INYO!

0

What Excesses Can Breed

Posted on Friday, 30 June 2017

What Excesses can Breed
By Apolinario Villalobos

Anything that is beneficial but taken in excess can be lethal, and anything that is done with good intention, but in excess, can be vicious.

Drugs are supposed to prevent or cure diseases, but when taken in excess can result to unexpected death of a patient, that is why some of these cannot just be bought over the counter of pharmacies, as they need proper prescription from authorized medical practitioners. On the other hand, an overdose of food can cause obesity which can lead to diseases. Drinking water in excess may affect the proper functioning of the heart that is why one of the worst thing that can happen to anyone, is the unchecked water retention of the body.

Too much love can mean pampering that could result to the “spoiling” of the person being “loved”. It can also drive one to commit a crime of passion because of the fatal attraction that developed. And, worst, it can lead the weak of emotion to the verge of insanity. The same is true with kindness which can result to the abuse of the kind-hearted. Along this line, too much familiarity among friends could develop abuse, too, on the part of the ones with weak discipline, disposition, and who are naturally selfish. 

It is not bad to be hardworking, but abusing the body to the point of exhaustion could mean fatigue and if left unchecked could be fatal, too. Also, in a group that is expected to work as a team, those working hard, may be abused by the indolent members who may become overly dependent. That is why, for the sake of teamwork, it is important that roles are played fairly.

As to the expression of faith, those who manifest it with utmost sincerity according to what their religion says, is admirable. However, their boisterous and arrogant attitude about their belief that only they have the right to be saved, really stink. It is revolting to see a faithful with outstretched hands and who walks on his or her knees from the door of the church to the altar, or pretend that he or she is overcome by the “spirit” while praying as shown by his or her fainting or uncontrolled shaking body…a scene that can be comical for others. All these overdose of faith is fanaticism.

Too much freedom in a nation can breed abuse on the part of inconsiderate and undisciplined constituents. And, too much discipline instilled in a person can make him too “sterile” and oblivious to the imperfect, albeit, normal actuations of others.

The Earth needs air and rain, but too much of it, results to typhoon and flood. The same is true with the cool and immaculate snow, as too much of it, results to snowstorm. The wildlife has its own way of “moderation”. And, it seems that lesser creatures are more intelligent than man in observing such discipline. I have seen film footages of different kinds of wild animals milling around drinking holes where the strong are shown chasing the weak with the obvious intention of enjoying the latter as dinner. After the overpowering animals have had their fill, they back off and leave the rest of the packs. But in the case of man, the situation is different, because for as long as there is an opportunity for the greedy to exploit, he practically sucks every drop of blood of the oppressed.

Greed and selfishness are innate in man’s character, but should be manifested in moderation to prevent exploitation of others that could result to their suffering. Unfortunately, it does not happen in politics where greedy officials are not satisfied with what they may have already stolen from the government coffer, and which could already ensure them of a comfortable retirement. They practically, want everything by all means….not only money but lifetime power!


0

Ang Pag-abuso sa mga salitang "Karapatang Pangtao" (Human Rights)

Posted on Thursday, 25 May 2017

Ang Pag-abuso sa mga salitang “ Karapatang Pangtao” (Human Rights)
By Apolinario Villalobos

Maraming Pilipino ang nagmamagaling at nagmamarunong tungkol sa “human rights” ganoong sila mismo ay hindi nagrerespeto nito. Sila ang mga ipokritong human rights advocates….mga walang hiyang mapagkunwari. Akala nila ang tinatawag na “human rights” ay hanggang sa karapatang mabuhay lamang. Ang hindi nila alam dahil sa kanilang katangahan, pati ang pambabarat kapag bumili ng isang bagay mula sa isang mahirap na tindera ay may kaakibat nang “human rights”. Ang isang may kaya sa buhay ay hindi na dapat tumatawad kapag bumili sa mga nagtitinda sa bangketa halimbawa, o di kaya ay mga nagtitinda na ang ginagamit ay kariton na nag-iikot sa mga subdivision. NAPAKARAMI kong alam na ganyan ang ugali, mga nakatira pa sa mga mararangyang subdivision pero kung baratin ang nagtitinda na maghapong nagtutulak ng kariton ay ganoon na lang. Tinatakot pa ang iba na kung hindi sila pagbibigyan ay irereklamo sila (mga nagtitinda) sa barangay upang hindi na papasukin. MGA WALA SILANG KONSIYENSIYA DAHIL KAKARAMPOT NA KIKITAIN SANA NG MALILIIT NA NAGTITINDA AY TILA NINANAKAW PA NILA!

Maraming saklaw o concern ang “human rights” at ang simpleng paalala tungkol sa mga ito ay, “nagtatapos ang karapatan ng isang tao, kapag lumampas siya sa kanyang hangganan at tumapak sa karapatan ng iba”….sa Ingles, “one’s rights end where the rights of others begin”. Para sa akin, ang isang magnanakaw na naaktuhan sa loob ng bahay kaya napatay ng may-ari ng bahay ay walang karapatang mabuhay….o di kaya ang isang drug pusher na sumira sa buhay ng maraming kabataan at gumawa pa ng ibang krimen tulad ng panggagahasa ay walang karapatang mabuhay. At, ang mga yudiputang mga kriminal na ito, kapag nahuli ay may lakas pa ng loob na humingi ng tulong sa Public Attorney’s Office (PAO), na ang mga abogado ay sinusuwelduhan ng taong bayan…all for the sake of “due process” na bukam-bibig naman ng mga ipokritong mga human rights advocates!

Ang hirap kasi sa iba, kapag nahuling nag-shoplift halimbawa sa grocery, ang idadahilan ay mga anak na nagugutom….ang tanong ko diyan ay kung bakit nag-anak sila ng marami ganoong hindi naman pala niya kayang buhayin….nagpakalibog sila at pagkatapos ay walang pakialam kung ang anak nila ay lumalaking nanlilimahid. Marami akong na-check na ganyan ang istilo ng pamumuhay at na-shock ako nang malaman ko na may mga mag-asawang ang “hanapbuhay” ay panloloko sa kapwa o swindling at pagnanakaw. At, habang lumalaki ang mga anak ay ginagamit  rin nila sa masama nilang gawain.

Ang mga nang-iiskwat ay abusado rin pagdating sa “human rights”. Alam nilang hindi kanila ang lupang iniiskwatan, subalit hindi sila naghahanda para sa susunod na gagawin kapag pinaalis na sila, at sa halip ay nagsisigaw ng “mayaman lang ba ang may karapatang mabuhay?” kapag pinaalis na. May mga bahay sa squatter’s area na aircon at kumpleto sa iba pang mga gamit tulad ng flat tv, 2-door ref, mga sala set at kamang mamahalin. Ibig sabihin, kaya ng ilang iskwater na mag-ipon ng perang pambili ng kahit 50sqm. na lupa sa mga bahagi ng Bulacan, Cavite, at Laguna. Ang pinakamasama pa ay ang pagiging “professional squatter” ng ilan. Nang-iiskwat sila kahit saan pwedeng iskwatan, patatayuan ng maliit na barung-barong at pauupahan. Ang isang uri pa ng pagiging professional squatter ay pagtanggap halimbawa ng offer ng gobyerno na mailipat sila sa relocation site. Pagkalipas ng ilang taon ay babalik sa lunsod at mang-iiskwat uli, samantalang ang bahay sa relocation site ay pauupahan.

Hindi ako anti-poor. Galit ako sa mga taong umaabuso ng “human rights” at mga puitikong gumagamit sa kanila. Galit din ako sa mga mapagkunwaring human rights advocate kuno, regular pang nagsisimba kung saan mang sambahan nila pero ang simpleng karapatan ng kanilang kasambahay ay hindi marespeto dahil palagi nilang minumura….at kung mamili sa mga sidewalk vendors ay daig pa ang timawa kung tumawad!

Paalala lang sa mga taong mahilig pumapel….bago magsisigaw ng human rights ng mga iskwater, drug pusher, magnanakaw, at iba pang kriminal ay mag-isip muna ng ilang daang beses para hindi magmukhang tanga! Alam ng mga kapitbahay ninyo ang ugali ninyo kaya siguradong pinagtatawanan kayo kapag nakabasa ng mga mapagkunwaring comments ninyo sa facebook tungkol sa bagay na ito.

AT, HIGIT SA LAHAT, ALAM NG NASA ITAAS KUNG ANO ANG MGA KATARANTADUHANG GINAGAWA NINYO AT PILIT NINYONG PINAGTATAKPAN NG PALUHUD-LUHOD SA SIMBAHAN, PAKOMUNYON-KUMONYON, PADASAL-DASAL NG ROSARYO, AT PASIGAW-SIGAW NG HUMAN RIGHTS NG MGA KAWATAN AT DRUG PUSHER DAHIL PARA SA INYO AY TAO DIN SILA AT MAY KARAPATANG MABUHAY…ISANG ADBOKASIYA NG BULAG, BINGI AT KAPALMUKS!...IBIG SABIHIN, WALANG KONSIYENSIYA!



0

Ang Napariwarang Yamang Likas ng Pilipinas

Posted on Thursday, 23 February 2017

Ang Napapariwarang Yamang Likas
Ng Pilipinas
Ni Apolinario Villalobos

Ang mga Pilipino ay matatalino
At sa likas na yaman ay sagana tayo
Mga karagatan natin ay umaapaw sa laman –
Isda, kabebe, perlas, at iba’t ibang gulaman.

Mga gubat, tahanan ng mga ibon
Pati ng mga hayop, alaga ng panahon
Mga punong namumutiktik ng mga prutas –
At sa mga sakit ay nakakapagbigay ng lunas.

Mga ilog, sapa, lawa, pati baybayin
Mga palanas, burol, at luntiang bukirin
Ang dulot nila sa mga talagang masigasig -
Masaganang buhay na pawis ang nagdilig.

Noon yan….

Dahil ngayo’y sadyang nakakalungkot
Mga pangyayari na napakamasalimuot
Mga biyayang likas na bigay ng Maykapal
Napariwarang lahat….mistulang ginahasa

Na animo ay babae na nawalan ng dangal!

0

Ang Mga Sakim

Posted on Wednesday, 22 February 2017

ANG MGA SAKIM
Ni Apolinario Villalobos

Ang mangarap ay bahagi na ng ating buhay
Subali’t upang makamit ang nais, dapat maghinay-hinay
Baka may masagasaang ibang karapatan
Dahil sa sobrang kasakiman.

Upang mabuhay kailangan nating magsikap
Nang hindi nang-aapak ng iba, maabot lang ang pangarap
Maaari din namang pairalin ang katapatan
Na may dagdag pang kasipagan.

May mga tao nga lang na sa panahon ngayon
Na ang gusto yata ay halos ga-bundok ang perang maipon
Kaya’t lahat ng paraan ay kanilang gagawin
Masunod lang, sakim na damdamin.

May mga nakakuha ng tiwala ng taong-bayan
Kaya naluklok sila sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan
May mga naluklok dahil sa ginawang botohan
At may naitalaga dahil sa palakasan.

Ang ibang sakim, gumamit ng kanilang yaman
Pangangamkam naman ang kanilang  pinagdidiskitahan
Dating mga pataniman, kanilang pinaghuhukay
Nilason pa kaya nangawalan ng saysay.

Notes:
Sakim- greedy
Kasakiman-greed
Maghinay-hinay – slowly, carefully
Naluklok – placed in position
Naitalaga- appointed
Pangangamkam- grabbing
Saysay- use, usefulness



0

On the Exploitation of the Weak

Posted on Tuesday, 21 February 2017

On the Exploitation of the Weak
 By Apolinario Villalobos

Natural resources are gifts and blessings from the Creator of the universe and as such should be properly and justly exploited as a show of respect to the Giver. However, the problem in this world is that, practically, the strong overruns the weak in their greedy effort to control anything that got to do with survival. Looking back, history is a mute witness to this desire of powerful nations such as Portugal, Spain, Holland, England, and later, America, Russia, Germany, China, and Japan. Earlier in the history of nations, Portugal and Spain, practically divided the world into two hemispheres for appropriation between the two of them. Later, war was used as an instrument for the appropriation of the weak nations among the strong ones.

Much later, with the blazed marine trails that lead to practically all continents, strong nations overran all of them, with America and her “Manifest Destiny” ideals, leading the pack. Her obsessive drive was masked with a supposedly noble intention to save the “barbarian” and “pagan” inhabitants of forcefully occupied lands from their misery of ignorance, although, beneath it, was the desire to bleed the lands of their natural resources, and the Philippines was among those that suffered this harrowing fate. It should be noted that long before the Spaniards colonized the Philippines, the early inhabitants had a healthy commercial intercourse with other nations, aside from having their own spiritual leaning which was Mohammedan or Islamic. The Americans did not “convert” the Filipinos into Christianity, as when they came, the Spanish colonizers already did it….all they did was turn the face of the Catholic inhabitants towards Protestantism.

If our forefathers fought for the preservation of our nation’s patrimonial rights, today, the Philippine government practically offers it to the highest bidders- whoever they are, if foreigner, the better because of their dollar. The Philippine Constitution meanwhile haplessly and practically turned into a doormat, as provisions after provisions are changed to fit the desires of foreign investors. The apex of irresponsibility was the passing of a law authored by Gloria Arroyo when she was yet a senator, allowing foreigners to own the 100% rights over claimed land intended for mining…this is the root cause of the scandalous mining incidents in the country that to date, have even claimed lives.

The Philippine Mining Law passed in 1995 is a glaring example of how lawmakers can be so naΓ―ve to the far-reaching effects of nature-related ventures in the country. They do not seem to understand what displacement, pollution, cultural debacle, immorality, and corruption mean. All that they perceive are the dollar and peso, as well as, the glitter of gold…gains that find their way to the pocket of the corrupt government officials instead of the inhabitants of the affected lands. From a national point of view, practically, no significant benefit has ever been “felt”, “observed”, or “enjoyed”, by the citizens, in case the gains have reached the national coffer. Tangible projects on which these gains are spent, are hideously pockmarked with commissions at different levels of transaction….so, what benefit are the greedy talking about?

Soil erosion and flood are the effect of the careless exploitation of natural resources while on the part of the inhabitants, forced displacements that lead to their migration to slums of urban areas where they eventually succumb to the pummeling of poverty, are the dismal disheartening results, made more grievous by the wearing down of their cultural values. Many girls and boys turn to prostitution to help eke out a living for their starving families. Families live on sidewalks and “mobile homes” – the pushcart which is the most practical way to carry around collected junks from garbage dumps. Fathers who turned “barkers” in jeepney terminals are lured into easy money by big time drug pushers, dangled temptation that they bit, for which they paid with their life.

Catholic bishops and human rights advocates kuno wonder how and why the above-mentioned Filipinos became bad, to the extent of being killed due to their involvement in drug trafficking. These hypocrites are obviously short-sighted because what they see are just the slums where the unfortunate victims live. They fail or refuse to look beyond the slums, so that they will be able to perceive where they came from….and, what made them endure the hellish life in the city!



0

Ang Pagsasamantala sa Kapwa

Posted on Friday, 4 November 2016

ANG PAGSASAMANTALA SA KAPWαΊ²
Ni Apolinario Villalobos

Switik o manloloko o swindler ang ibig sabihin ng mapagsamantala, at maraming Pilipinong ganitong uri ng trabaho ang pinagkikitaan…napakarami. Naging biktima rin ako hindi lang iisang beses kundi napakarami pa.

Noong bagong salta ako sa Maynila, habang naglalakad ako sa Avenida, may lumapit sa aking lalaki na may dalang nakarolyong diyaryo, lumapit sa akin sabay bulong na “Playboy Magazine” ang dala niya pero bawal kaya niya binalot na mabuti ng diyaryo at tape. Dahil beynte pesos lang, binili ko na at halos itaboy niya ako sa pagpaalis dahil baka daw may pulis na makakita ng transaksiyon namin. Ang balak ko ay ibenta ang magasin sa co-boarder ko na mahilig sa malalaswang magasin sa tripling halaga. Pagdating ko sa boarding house, dali-dali kong pinunit ang balot na diyaryo habang excited na nakatanghod ang bibiling co-boarder ko, subalit laking hiya ko nang ang lumantad ay lumang kopya ng “Liwayway”!

Sa Avenida pa rin, nang mamasyal uli ako, may lumapit na lalaking nagbulong na may apat na Family Size Colgate toothpaste daw siyang binebenta. Dahil mura rin, binili ko lahat dahil ang balak ko ay ibenta rin sa boarding house ang tatlo at ang isa lang ang gagamitin ko. Pagkatapos kong  maghapunan, binuksan ko ang isa upang gamitin. Nadismaya ako dahil sa sobrang tigas ng tube at walang lumalabas kundi katas lang…tumigas na sa sobrang pagka-expire!

Nang minsang dumaan ako sa Quiapo kung saan ay nagkasunog, may nakita akong nakalatag na mga pabango, puro branded. Ang sabi ng tindero, “agaw” daw sa sunog at itinuro ang puwestong halos naabo sa likod niya. Tiyempo namang pagkatapos kong bayaran ang tinder para sa napili kong “Paco Rabanne” ay may dumating na pulis kaya nagtakbuhan ang mga sidewalk vendor. Pagdating ko sa boarding house, binuksan ko ang bote at inamoy…okey naman. Tinesting ko at okey pa rin, subalit makaraan ang wala pang ten minutes ay nawala na ang bango…tubig lang pala na kinulayan at hinaluan ng ilang patak ng tunay na pabango! Nalaman ko rin nang bumalik ako sa Quiapo na ang nasunog na puwesto ay hindi pala nagtitinda ng mga pabango kundi mga tela…prop lang pala ang sunog na puwesto para mabenta ang mga pekeng pabango!

Kung pag-uusapan ang tungkol sa iba pang uri ng pananamantala ng mga Pilipino ay palaging nababanggit ang mga illegal recruiter para sa mga trabaho sa ibang bansa. Mayroon ding recruiter ng mga inosenteng gustong yumaman agad kaya naging “mule” o tagadala ng mga illegal na droga sa ibang bansa. Sumabog din noon ang tungkol sa tanim-bala sa airport at ang mga biktima ay mga matatanda at OFW, raket na pinagkitaan ng mga nagtatrabaho sa airport. May nagpapanggap ding mga sinapian kuno ng ispiritu ni Hesus, Santo NiαΌ§o, o Birheng Maria, o ispiritu ng kamag-anak na namatay ng kung ilang taon na. Ang iba pa ay sinasapian din daw ng duwende o engkanto upang maituro ang kinaroroonan ng nakabaong kayamanan, subalit ang “maki-sosyo” sa paghukay ay dapat maglagak ng “deposito” na perang magsisilbing sakripisyo, hindi pwede ang dugo ng itim na manok.

Hanggang ngayon ay naglilipana pa rin ang mga pekeng gamot sa balat…mga pamputi raw pero Clorox pala ang halo sa alcohol. Ang isa pang panloloko na ginagamitan ng gamot ay kalat sa wet market o talipapa kung saan ay binibenta ang mga isda at gulay na ibinabad sa “formalin” o gamot para sa pag-embalsamo ng bangkay. Ang ginayat na panggulay na langka at puso ng saging ay binababad sa kemikal upang hindi mangitim, subalit kapag iniluto na ay hindi naman lumalambot at nalalasahan pa ang pait. Ang talong at kamatis na ibinabad sa nasabing kemikal ay sariwang tingnan ang balat subalit sa katagalan kahit ganoon pa rin ang hitsura, bulok na pala ang laman. Ang mga isda naman, kahit dalawang araw nang naka-istak sa yelo, dahil nailublob sa kemikal, sariwa pa rin ang hitsura ng kaliskis subalit ang mga mata ay halos bulok na. Ang ibang gumagawa ng tamban na tuyo ay gumagamit din ng formalin upang magmukhang sariwa at makintab ang kaliskis ng isdang ibinilad sa araw, subalit kapag ipinireto na ay nadudurog ang laman.

Sa kaso ng bigas, ang mga tusong wholesaler ay nakikipagsabwatan sa mga taga-NFA upang makabili ng murang bigas at hinahaluan nila ng “segunda” na uring imported pero kapag ibenta na ng tingi o retail ay presyong first class na. May mga sabong panligo at panlaba rin na pinepeke. Hindi pa rin nakaligtas ang “Magic Sarap” popular na sangkap sa panluto na binibenta sa palengke. Dahil peke, kahit ilang sachet ang ihalo sa niluluto ay wala pa ring epekto sa lasa.

Hindi rin nakaligtas ang mga simbahan dahil ginagamit sila ng mga pekeng pastor at pari. Tuwing Araw ng Patay, naglipana ang mga pekeng pari na lumilibot sa mga sementeryo na humihingi ng bayad upang magbasbas ng mga puntod. Nakatiyempo ako ng pekeng pari noong minsang pasyalan ko ang kaibigan ko sa Bulacan ilang taon na ang lumipas at isinama niya ako sa puntod ng mga magulang niya. Pinabasbasan niya ang mga puntod sa lumapit na “pari” at ang “donasyon” na ibinigay niya ay 300pesos. Makalipas ang ilang linggo, ang “pari” ay nakita ko sa Caloocan – barker pala ng mga jeep, pero dahil ang porma ay kagalang-galang at hindi naman madungis, nakalusot bilang “pari”.

Bilang payo, huwag madismaya kung maging biktima ng panloloko at sa halip ay ituring na lang ang nadanasan bilang leksiyon at babala upang makapag-ingat pa ng todo. Hindi ligtas ang sinumang tao sa mga panloloko, dahil mismong Bibliya ay nagbabala tungkol sa pagdating ng mga pekeng propita at Kristo…na maaaring nangyayari na ngayon.



0

The world is a Maze of Confusion and Conflict

Posted on Tuesday, 1 November 2016

The World is a Maze of Confusion
And Conflict
By Apolinario Villalobos

Here are some of my personal observations:

  1. The only “order” that can be felt and experienced in the world is the 24-hour cycle divided into night and day that further accumulates into seven days in a week, further accumulating into the 28/30/31 days in a month and finally into 12 months in a year – according to the Roman Catholic calendar, however, the Chinese, the Jews, and the Muslims have their own calendar in this regard.

  1. The long-respected Bible is now being touted as a source of various confusions, especially, because many religions have allegedly thwarted the original contents written in the original language, to serve their own purpose which is to prove their having the “true religion”. So, today, instead of being enlightened, many people become confused that they have gone to the extent of leaving the religion of their birth to become Atheist, Agnostic, or Satanic. They should not be blamed because they followed their own judgment, and nobody can rightly say that they are wrong, after having gone through the harrowing confusion.

  1. Due to survival instinct, countries have become hypocrites. Openly, leaders deal amiably with each other despite differences in ideology, and proof to this are photos splashed on the different social media where they are shown smiling at each other and shaking hands, but days after, the same leaders make pronouncements that run counter to their friendly stance shown earlier to the world. Citizens are confused which of the two “expressions” should be believed.

  1. Drugs are invented to prevent the onset of diseases and cure people of ailments but most of these drugs have contra-indications when used at the same time due to simultaneous inceptions of disorders. Even the long-traditionally used drugs, one of which is aspirin, are deemed to have negative effects on some organs. Most antibiotics today are also declared as ineffective and can harm many organs if used unabatedly, especially, without prescription. This confusion resulted to the loss of confidence to physicians by skeptic patients who have resorted to herbals, instead.

  1. Confusion did not spare the foods, as many of them are not just fit for anybody. Some people get sick when they drink milk, eat seafood, beans, and even peanut. Some people vomit when they eat any fibrous vegetable or get a sniff of banana. The list of foods that are not supposed to be eaten by some people is still getting longer by the day. This deprivation is confusing, for how can sources of nutrients for the body become poison to others? Explanations are offered by experts, but the question still remains because life is supposed to be viewed as full of promises, including health and happiness. But how can it be possible if one is deprived of things needed to live happily and glow with health?

  1. Universities and colleges are supposed to breed intelligent graduates who are expected to be part of the effort in the development of their nation and betterment of society. But why are there corrupt government officials and even leaders who are supposed to have even earned Masters and Doctorates from these institutions of learning? Why are there evil-minded scientists, whose intellect and moral values have been bred in these institutions where only what’s good for mankind is supposed to be taught?


The confusion is compounded by greed that has muddled man’s mind making the upshots of his intellect become tools for his self-annihilation!

0

Ang Pilipinas at mga Pilipino...isang pagtanaw sa nakaraan

Posted on Sunday, 9 October 2016

ANG PILIPINAS AT MGA PILIPINO
…isang pagtanaw sa nakaraan
Ni Apolinario Villalobos

Bago dumating ang mga Kastila, ang mga ninuno ng mga Pilipino ngayon, na noon ay nakatira sa mga kalat-kalat na mga isla ay may narating na kung ang pag-uusapan ay tungkol sa sibilisasyon. Sila ay nakikipagkalakalan na sa iba’t ibang lahi na dumadayo pa galing Japan, Tsina, Malaysia, Indonesia, Arabia, at India. May kaalaman na rin sila sa pagmimina dahil kabilang sa ginagamit nila sa pakikipagkalakalan ay ginto at iba’t ibang uri ng mga kagamitan na yari sa tanso.

Ang mga komunidad ay organisado na sa pamumuno ng “lakan” o “datu”. Nang dumating si Magellan, ang Cebu ay maituturing na isang pederasyon ng mga datu at ang kinilala nilang pinuno ay si Raha Humabon. Ang pumatay kay Magellan ay si Lapu-lapu na isa sa mga “mababang datu” o “lesser chieftain” na ang pinamumunuang komunidad ay nasa Mactan. Ang mga nasa Maynila ay pinamumunuan naman ng mga “lakan”, na ang madalas mabanggit ay si Lakan Dula.

Ang mga nasa norte o hilaga ay mga tribung pinamunuan ng mga “pinakamatapang” at “pinakamalakas” na ama ng tahanan. Ang mga miyembro ng tribu ay magkakamag-anak, kaya ang pinaka-pinuno ay itinuring na “ama” na rin ng lahat. May sinasamba na rin silang sariling Diyos nang panahong yon, na kung tawagin nila ay “anito”, subalit hindi matanggap ng mga Kastila, kaya ang turing sa kanila ay mga pagano. Para kasi sa mga Kastila, ang hindi “binyagan” sa loob ng simbahan ay pagano, pero nakaligtaan nilang karamihan ng seremonyas sa simbahang Katoliko at mga piyesta ay halaw sa mga tradisyong pagano!

Patunay ang hagdan-hagdang palayan o “rice terraces” sa hilaga, ng katalinuhan ng mga sinaunang Pilipino, na ngayon ay itinuturing na isa sa mga nakakamangha sa buong mundo. Sinasabi pa na kung pag-uugpungin ang mga hinagdang palayan, mapapalibutan nito ang buong daigdig. Sa Mindanao naman, bago dumating ang mga Kastila, ang mga sinaunang Pilipino doon ay nakakagawa na ng mga bagay na yari sa ginto, bakal,pilak,  at tanso, na ang isa sa mga pinagmamalaki ay ang “lantaka” o kanyon. Bukod pa diyan ay ang “kris” at mga instrumentiong pantugtog, tulad ng “agong” at “kulintang”.  Patunay ang mga nabanggit na nakakapagmina sila tulad ng mga taga-Visayas, na ginamit nila sa pakikipagkalakalan at pang-araw-araw na pangangailangan. Ang pangalang “Visayas” naman ay halaw sa “Shri-Vishaya Empire”.

Hindi pwedeng sabihin na dahil sa Kristiyanismo ay dapat may tinatanaw tayong utang na loob sa mga Kastila. Dapat unawain na ginamit ng mga Kastila ang pananampalataya o relihiyon upang masakop ang mga Pilipino na bandang huli ay kanilang nilamangan o in-exploit o sa madaling salita - niloko. Nagkaroon na ng pananampalataya sa Diyos ang karamihan ng mga Pilipino, lalo na sa Mindanao bago dumating ang mga Kastila dahil sa mga misyonaryong Muslim galing sa Arabia at mga kalapit-bansa. 

Ang unang misyonaryong Muslim na nakarating sa Pilipinas ay si Mudum (Makdum) na dumaan muna sa Malaysia bago pumunta sa Jolo. Sinundan siya ni Raja Baginda na galing naman sa Sumatra, sumunod ay sina Abu Bakr (Abubakar) at Serif (Shariff) Kabungsuan. Mula sa Mindanao ay kumalat ang pananampalatayang Islam sa Visayas at Luzon kaya nang dumating si Legazpi ay nadatnan na niya ang ganitong relihiyon sa Maynila. Ang mga misyonaryong Muslim ay walang ginawang pananakop, bagkus ay hanggang sa pananampalataya lamang ng Diyos ang kanilang sinaklaw. Sa isang banda naman, upang makapaghikayat ang mga prayleng Kastila ng mga Pilipino ay nagdaos sila ng mga mala-paganong piyesta na kinulayan ng Kristiyanismo, upang ipakita na “masaya at makulay” ang relihiyong ito.

Kung hindi sinakop ng Espanya ang Pilipinas, malamang ay isa itong Muslim na bansa tulad ng Malaysia at Indonesia kung saan unang nagka-ugat ang pananampalatayang Islam. Wala namang masama kung ganito ang nangyari dahil parehong Diyos pa rin naman ang pinaniniwalaan yon nga lang ay iba ang katawagan dahil sa Islam ang tawag sa kanya ay “Allah”. Maski papaano ay aasenso pa rin ang mga Pilipino at malamang ang kultura ay talagang dalisay o puro, waling bahid ng kanluraning impluwensiya galing sa Espanya at Amerika. 

Sa isang banda, kung hindi sa panloloko ng mga Bristish na sumakop sa Malaysia, hindi sana nagulo ang kontratang nagpapatunay na inupahan lamang nina Gustavus Baron de Overbeck at Alfred Dent ang Borneo mula sa Sultan ng Jolo na si Mohammed Jamalul Alam, batay sa pinirmahan nilang kasunduan noong January 28, 1878. Nang bitiwan ng Inglatera ang Malaysia, tila sinadyang hindi nag-iwan ng “bilin” na hindi kasama sa teritoryo nila ang Borneo, dahil pag-aari ito ng Sultan ng Jolo at inupahan lamang ng dalawang negosyanteng British na sina Overbeck at Dent. Patunay din dito ang taunang “upa” na hanggang ngayon ay tinatanggap ng mga naiwang tagapagmana ni Sultan Alam.

Nang binitiwan ng Espanya ang Pilipinas sa kamay ng Amerika, magkahalintulad na panloloko rin ang ginawa ng bagong mananakop sa mga Pilipino. Ang sinasabing “tulong” upang mahubog kuno ang katinuan ng mga Pilipino sa sinasabi nilang “demokrasya” ay may kaakibat palang makasariling layunin. Dahil diyan, lalo pang nagdusa ang Pilipinas dahil animo ay ginahasa nang walang puknat ang likas-yaman (natural resources) nito. Idagdag pa diyan ang pagturing sa mga Pilipino na “unggoy” dahil hindi raw sibilisado tulad ng mga Amerikano. Ang tawag na “unggoy” ay nakatala sa maraming aklat tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas. Pinakita ng mga Amerikano ang kanilang mala-barbaro na ugali noong panahong pilit nilang sinupil ang mga rebelyon. Noon nadanasan ng mga nag-aklas ang iba’t ibang uri ng makahayop na parusa, pati ang pag-masaker (massacre) o paglipol sa mga rebelde at inosenteng sibilyan nang walang habas, na ang hindi makakalimutan ay ang nangyari sa Samar at Jolo.

Sa panahon ngayon, di tulad ng Espanya na talagang nagrerespeto na sa Pilipinas bilang isang malayang bansa, ang Amerika ay tila hindi ito matanggap dahil ang turing nito sa Pilipinas hanggang ngayon ay parang isa pa ring “kolonya” o “colony”. Ang masakit pa, bumitaw man sila noon, humirit pa rin sa huling pagkakataon dahil ang unang Saligang Batas ng Pilipinas ay presidente ng Amerika na si Roosevelt ang nag-apruba noong March 23, 1935. Pinahapdi pa ang sakit sa pagsingit ng “parity rights” na nagsasaad ng pantay na karapatan ng mga Amerikano at Pilipino sa paggamit ng lahat na likas- yaman ng bansa, at mga bagay na may kinalaman sa pangangalakal ng Pilipinas!

Ngayon, ang Pilipinas sa pamumuno ni Rodrigo Duterte ay pilit nagbabago upang matanggal ang makapal na pagkakulapul ng korapsyon mula pa noong bago pa lang ito nagkaroon ng kalayaan mula sa Amerika, na pinasahol ng iba’t ibang krimen lalo na ang mga may kinalaman sa droga. Ang patunay na iniismol pa rin ng Amerika ang Pilipinas ay ang tahasan at walang pasubaling pagkastigo ni Obama kay Duterte na akala niya ay “empleyado niya sa opisina”. Sino ang hindi makakapagmura sa pambabastos na yan? Pwede naman niyang ipadaan sa embahada ng Amerika kung mayroon man siyang mga pagpuna, subalit hindi niya ginawa, dahil nga malinaw na wala siyang respeto sa Pilipinas, at gusto niyang ipakita sa mundo na “kayang-kaya” pa rin ito ng Amerika!

Ang isa palang “disadvantage” kung sakaling hindi nagkaroon ng “western influence” ang Pilipinas ay baka walang international beauty queen na Pilipina, dahil kung mapapansin, ang mga nananalong “Pilipina” sa international beauty pageants ay may pangalang banyaga at ang “karakas” o mukha ay halatang banyaga rin!


0

Ang Joint Military Exercises at iba pang Mukha ng Panlalamang ng Amerika sa Pilipinas

Posted on Thursday, 6 October 2016

ANG JOINT MILITARY EXERCISES AT IBA
PANG MUKHA NG PANLALAMANG NG AMERIKA SA PILIPINAS
Ni Apolinario Villalobos

Nang palitan ng Amerika ang Espanya bilang mananakop ng Pilipinas, marami ang nag-akalang bukal sa loob nito ang pagtulong sa mga Pilipino. Maliban sa Guam, ang Pilipinas ay hawak ng Amerika sa malawak na karagatang Pasipiko (Pacific). Pakiramdam ng Amerika ay “kuya” siya ng Pilipinas na sa tingin niya ay kawawa at nangangailangan ng tulong. Inabot ang Amerika sa Pilipinas ng WWII kaya naudlot ang dapat sana ay pagbigay ng kalayaan.

Kahit pa sinabing “malaya” na ang Pilipinas noong Commonwealth period, kontrolado pa rin ng Amerika ang Pilipinas. Ang Saligang Batas ng Pilipinas ay kailangang aprubahan ng presidente ng Amerika. Nakapaloob sa Saligang Batas ang “parity rights” na nagsasaad  ng karapatan ng mga Amerikano pagdating sa pamumuhunan sa negosyo at paggamit ng likas na yaman tulad ng kagubatan, minahan, karagatan. Yan ay sa kabila ng nakasaad pa rin sa Saligang Batas na 60% ang pag-aari ng mga Pilipino sa mga pamumuhunan.

Hindi tamang sabihin na maraming naitulong ang Amerika sa paggawa ng mga kalsada, tulay, mga gusali at iba pa noong kapanahunan nila. Ang mga ginawa ay naging dahilan upang magkaroon ng “pangangailangan” na bumili naman ang Pilipinas ng mga mamahaling kagamitan, trak, at iba  sa napakamahal na presyo upang magamit! Sinundan ng Amerika ang taktika sa pag-Americanize ng mga Pilipino upang maging “dependent” na nagresulta sa pagsira sa kultura, nang bumaha ang mga pelikulang Amerikano tungkol sa mga gangsterism at sex na nagpakita ng mga bisyo tulad ng paninigarilyo, paglalasing, pagpuputa o prostitution; mga pagkain na angkop lang sana sa panlasa ng mga Amerikano tulad ng hot dog at hamburger; at marami pang iba. Naging palasak ang paniniwalang kung hindi “stateside” ay hindi maganda.

Nagkaroon din ng batas noon na bawal magladlad o magwagayway ng bandila ng Pilipinas. Nang umalis ang mga Amerikano, iniwan ang mga base militar - ang Subic at Clark, kung saan ay mayabang na nakawagayway ang bandila ng Amerika. Nakakahiya, dahil sa ibang bansang mayroong base militar ang Amerika, ang nakawagayway ay bandila ng bansa kung saan nakatirik ang mga base militar nila! Mabuti na lang at naipilit ni Claro Recto ang katotohanang hindi pag-aari ng Amerika ang lupang kinatitirikan ng mga military facilities nila, kaya nagkaroon ng pagbabago sa kasunduan.

Nang magkaroon ng problema ang Pilipinas sa West Philippine Sea laban sa Tsina, walang ginawa ang Amerika dahil hindi daw saklaw ang isyung ito sa mutual defense act ng dalawang bansa. Kung hindi pa nagreklamo ang iba pang malalaking bansa tulad ng France at Great Britain, hindi pa nagpalabas ng “reklamo” ang Amerika. Ganoon pa man, malinaw na pagkukunwari lang ang pagrereklamo ng Amerika sa Tsina dahil wala rin naman itong magawa dahil sa laki ng utang nito sa mga Tsino.

Nagising sa katotohanang walang karapatan ang presidente ng Amerika sa pagsita o pagbulyaw sa presidente ng Pilipinas sa isyu ng “human rights” nang mamutawi sa mga bibig na Duterte ang maaanghang na salita laban kay Obama, lalo pa at ang “bakuran” nito ay namumutiktik ng mga kaso tungkol sa pang-aapi ng mga “puting” Amerikano sa mga “itim” na kababayan kuno nila.

Ang pag-aalala nina Robredo at Shahani na baka matigil ang tulong ng mga European countries at Amerika sa Pilipinas ay pagpapakita ng “colonial mentality”. Kung may mga tratado o treaty na nilagdaan ang Pilipinas at ibang bansa, hindi ito “one way” o para lang sa kapakinabangan ng Pilipinas dahil hindi tanga ang mga bansang ka-tratado upang magpalamang sa isang third world country tulad ng Pilipinas. Ang mga “aids” at “grants” ay mga utang na binabayaran ng Pilipinas. Ang mga tulong na binibigay nila kung may kalamidad nila ay “kusang –loob” at hindi hiningi. Nagpapadala din ang Pilipinas ng tulong kapag may kalamidad na nangyari sa kanila. Ang mga investments na nakikita ngayon sa Pilipinas ay galing sa Tsina, pati mga produktong bumabaha sa malls at palengke dahil pati toothpick at gulay ay galing sa Tsina.

Ang mga Pilipinong nakatira sa Amerika ay hindi dapat mag-alala dahil hindi naman sila palaboy sa bansang yan kundi nagkakayod-kalabaw upang kumita sa disenteng paraan, na nakakatulong pa sa pagpaunlad ng ekonomiya nito. Ang mga takot o nag-aalala ay mga sipsip at tamad na Pilipinong nagpapaka-Amerikano sa pagkain ng mga pagkain sa bansang yan na tadtad ng kemikal kaya lahat na lang sakit ay nadadanasan nila! Kung may plano silang habang -buhay na titira sa Amerika, huwang silang makialam sa Pilipinas ngayon sa pagdagdag ng paninira kay Duterte dahil nakakagulo lang sila! Kung maging turista sa Pilipinas ang mga sipsip na Pilipino ay hanggang mall lang naman sila o di kaya ay sa mga tourist spots. Pumunta kaya sila sa mga squatters’ area, tingnan ko lang kung magsasalita pa sila na animo ay dito sila nakatira at hindi sa Amerika!

Sana ay gayahin ng mga sipsip na Pinoy ang maraming Pilipino sa Amerika at iba pang bansa na may malalim na pang-unawa at bukas na kaisipan….at walang “colonial mentality”.



0

Kaylan naging Krimen ang Pagiging Mahirap?

Posted on Monday, 8 August 2016

KAYLAN NAGING KRIMEN ANG PAGIGING MAHIRAP?
Ni Apolinario Villalobos


Pag-upung pag-upo ni Duterte ay kanya-kanyang pakitang- gilas ang mga LGU at mga ahensiyang nabanggit na tadtad ng corruption tulad ng LTO at LTFRB. Nag-clearing ng mga kalyeng may mga illegal na nagpa-park kaya marami ang nagulat nang umaga pa lang ay may mga nato-tow nang mga sasakyan. Pagkalipas ng ilang araw, balik na naman sa dating sitwasyon ang mga nasabing lugar.  Ganoon din ang ginawa sa mga bangketa na tinitirhan ng mga walang bahay – mga biktima ng demolition….walang matirhan pagkatapos wasakin ang mga barung-barong. Ganoon din ang ginawa sa mga kalyeng may mga illegal vendors, na naging dahilan ng mga sakitan.

Walang masama sa layunin ng mga nasabing “clearing”. Ang masama ay ang paraan na ginawa ng mga walang pusong mga taong nagpakitang-gilas.

Ilan ang nakausap kong naging biktima ng clearing na ginawa sa bangketa tulad ng isang pamilya na namumulot ng plastic at bote na ang ang pinaka-“tahanan” ay kariton. Ang misis ay kapapanganak lang at nagpapahinga sa kariton kasama ang sanggol nang sila ay pilit na paalisin sa bangketa na parang mga hayop. Marahas na tinanggal daw ang sanggol sa kariton kaya nasaktan ito at ang ina naman ay nabinat kaya nagkasakit at muntik pang mamatay. Ang kariton nila na may lamang  mga gamit- damit, diaper, gatas, gamot ng sanggol, ay kinumpiska. Maski diaper at gatas man lang daw ng sanggol ay hindi ibinalik sa kanila pagdating sa Marikina. Nang humihingi sila ng sabon man lang ay wala raw naibigay.  PInakain nga daw sila pero ng animo ay pagkain ng baboy.  Makalipas ang ilang araw ay pinalabas sila. Nang humingi sila ng pamasahe man lang para makabalik sa Maynila, ang sabi daw sa kanila ay walang budget at sinabihan silang humingi na lang sa mga tao…..inutusan silang mamalimos! Sa nangyari, para lang silang kinulektahan ng mga mapapakinabangang bagay dahil nang pakawalan sila ay wala ni isa mang naibalik na gamit sa kanila.

Mula nang araw na tinanggal sila sa bangketa hanggang sa sila ay pinakawalan ay ganoon pa rin ang suot nilang damit! Malinaw na talagang pakitang-tao ang ginagawa ng gobyerno na nasa “bandang ibaba” ng pangulo ngayon, at wala ring binibigay na tulong sa mga Pilipinong naghihirap dahil kung ituring sila ay animo mga hayop. Ano ang ginawa nila sa mga nakukumpiskang mga gamit, lalo na sa mga kariton na ang isa ay nagkakahalaga ng 1,700 pesos! Pinaghatian ba nila o basta na lang winasak ganoong kung ituring ito ng mga scavenger ay “kayamanan” o mahalagang pag-aari?

Ang nakausap ko ay humingi din daw ng tulong sa barangay kung saan sila naglilibot sa pamumulot ng plastic at iba pang mapapakinabangan sa basura. Ang tulong ay para sana sa sanggol na nagkasakit dahil sa nangyari. Hindi sila tinulungan dahil hindi raw sila residente ng barangay. Naka-blotter pa daw sila sa barangay ganoong wala naman silang kasalanan kundi namumulot lang ng mapapakinabangan sa mga basurahan. Ang pagkakaalam ko, ang “blotter” ay record ng mga krimen at reklamo.  Hindi rin daw sila pwedeng magpahinga sa paligid ng barangay dahil makakasira sila ng tanawin. Palagi daw silang kinakabahan tuwing sasapit ang dilim dahil baka daw may biglang humuli na naman sa kanila kaya halos hindi nila alam kung saan magsusumiksik. Hindi sila nakakatulog nang maayos sa gabi, lalo pa at sementong may latag na manipis na trapal lang ang hinihigahan nila, pati na ng sanggol.

Dahil nakumpiska ang kariton na naipundar mula sa pagbenta ng payong, ang ginagamit nila ngayon ay isang stroller ng bata na napulot din lang na tinalian ang mga gulong upang hindi magkahiwa-hiwalay. Dito nila inilalagay ang sanggol at nakasabit din dito ang mga plastic bag na may lamang mga napamulot nila.

Nang magkita uli kami ng pamilyang nakilala ko sa Luneta isang umaga, sinabi nila na ang tatlong tinapay na pinabaon ko sa kanila noong una kaming magkita ay pinaabot pa nila sa hapunan. Mabuti din daw at umulan kinagabihan kaya nakaligo sila, pero ang damit na suot nila noong una kaming magkita ay siya pa ring suot nila nang magkita uli kami dahil wala nga silang natirang damit.

Hindi sila tamad o umaasa. Tinapat ako ng misis na sana ay matulungan silang makapagtinda uli ng payong. Nang tanungin ko kung magkano ang pwedeng puhunan ay nagulat ako dahil nagsimula lang daw sila noon sa 380pesos at napagulong nila hanggang makaipon sila. Ganoon sila kasigasig at kaseryosong mabuhay nang hindi umaasa!

Pinaghintay ko ang mag-ina sa Luneta at nagpasama ako sa mister sa Divisoria sa pagbili ng isang dosenang payong na ang wholesale price bawat isa ay 38pesos, kaya lumalabas na wala pang isang libo ang pasimula nila uli. Halos maiyak ang mister sa pagpasalamat at nangakong pagugulungin nila ang puhunan upang makaipon sila uli. Nanliit ako dahil ang halagang wala pang isang libo, kung tutuusin ay katumbas lang ng 3 set ng malalaking hamburger sa Jolibee…pero kabuhayan na mga bago kong kaibigan! Ang perang nagamit ay galing kay “Ms. Di”.

Ang isa pang malungkot na kuwento ay tungkol sa isang nagngangalang Flor na nagkasakit hanggang mamatay dahil sa ginawang “clearing”. Hanggang ngayon daw ay nasa morge pa ng PGH ang bangkay. Sa kuwento, kahit daw naghihingalo na ang babae nang dalhin sa ospital nang makalabas mula sa detention dahil sa “clearing operation”, ay wala man lang nag-asikaso hanggang sa mamatay ito. Ano ang ginawa ng barangay dahil walang kamag-anak ang babae?

Ang nasabing kalagayan sa lebel ng LGU at bulok na sistema ay namana ng administrasyon ni Duterte at sana ay malaman ng bagong kalihim ng DSW upang matawag ang pansin ng mga LGU social workers na nagsasagawa ng “clearing operation” ng mga bangketa upang mawalan ng mga taong itinuturing nilang “yagit”….na pakitang-tao lang pala!

Kung sinabi ni Duterte na dapat ay walang ma-demolish na mga tirahan hangga’t ang mga nakatira ay walang maayos na malilipatan, dapat ganito din ang gawin sa mga taong nakatira sa mga bangketa na basta na lang hinahakot sa mga gym, basketball court, Boys’ Town sa Marikina, etc. upang sa panandaliang pagkakataon ay maipakitang malinis ang mga ito kung may banyagang bisita o special occasion!

Kapag hindi maisaayos ang bulok na sistema ng mga LGU, malaking black eye ito sa administrasyon ni Duterter…. at pagtatraydor sa kanya dahil nangako silang tutulong upang magkaroon ng “PAGBABAGO”!!!!!!!!

PERO ANG TANONG KO…KAYLAN PA NAGING KRIMEN ANG PAGIGING MAHIRAP????!!!!

0

The "Media"

Posted on Thursday, 2 June 2016

The “Media”
By Apolinario Villalobos

“Media” is the plural form of “medium” which means avenue, form, mode, method, channel, vehicle. In this regard, there are statements such as, “medium of instruction”, “mode of transportation”, “manner of expression”, etc. In giving information, there are two traditional means which are the publication (print media – tabloid, broadsheets or newspapers, magazaines, pamphlets, brochures, leaflets, books, etc.) and broadcast (radio, TV). But lately, because of the internet, “e-publications” or blog channels such as facebook, wordpress, blogsite, tumbler, and many other “social media” have been crowding the cyberspace. The “media” as a word was made popular for convenience of reference to newspaper, magazines, and broadcast, so that from then on, anybody who is connected with them is called “media man” or simply “media”. That is how it is in the Philippines.

But the generic reference has been abused and exploited by people who have evil designs. This has been discovered by legitimate media groups since a very long time ago, so that their precaution is for us is to be wary of “media men” wearing big IDs that are exaggeratedly oversized as if to cover the whole chest and boastfully displayed. Many arrested extortionists are using this kind of ID. Legitimate media IDs are of the standard ID size and most often not displayed except when the owner is part of an official operation.

Media people are generally classified into legitimate and illegitimate. The legitimates are those who are in the employ of publication and broadcast companies, hence, issued with ID’s and with them are the free-lancing contributing writers and “block timers”  who are likewise given due recognition by the same entities. The illegitimates are those who are outright fakes, self-appointed ones, using oversized fake ID’s and whose purposes are to blackmail and extort unsuspecting victims.

Every time a legitimate media person is killed, immediately, the killer is identified while the reason given outright is his “noble cause” which is fighting criminality, corruption…anything negative or destructive to society. And, the immediate emphasis is the reference to his “media” connection, which as aforementioned has a connotation of a noble job, a sacrificing job due to the meager pay. Unfortunately, this meager pay has driven some members of the media to succumb into the temptation dangled by syndicates for them to be included in their payroll. If some police can be involved in such, and some elected government officials can be involved in corruption, why can’t some members of the media?

Being a “media” then, should not be viewed as a guarantee that the guy who wears a legitimate ID is 100% ”clean”…. as being a lawyer is not a guarantee that the guy will always abide by the law when some of them are known to fake documents, being a doctor is not a guarantee that all his patients shall survive his ministration, being a pastor or a priest is not a guarantee that the guy will always be honest and fair to all members of his flock, etc.

The statement for example, about a representative of a media who has been killed should not be interpreted as “anybody can just kill a media”.  That for me is the outright ABUSE of “authority”. And their popular adage, “the media can make or unmake a person”, for me is not a warning but a blackmail. Does it mean that just because they are members of the media, they can do anything they want?  The cause or the reason of the killing should be brought to light before such statement should be uttered. Nobody is safe from the fatal impulsive reaction of a person who feels wronged, especially, if he feels helpless even with the touted “due process” as everybody knows how the justice system in the country operates. Nobody can control impulsive reactions especially of a person who is deranged with a revengeful compulsion.

What the media people should do is to be VERY EXTRA CAREFUL IN USING THEIR “LICENSE” WHEN DIVULGING INFORMATION…in other words, be fair to those who have no access to the publications, radio, TV and the internet. And since the legitimate members have organizations, the latter should police or strictly monitor their members so that discipline can be imposed on the erring ones.


0

Mga Tanong sa Philippine Commission on Human Rights (CHR): Mga Kriminal lang ba ang may Dignidad at Karapatan? Ang mga Biktima ba ay Wala?

Posted on Thursday, 26 May 2016

MGA TANONG SA PHILIPPINE COMMISSION ON HUMAN RIGHTS (CHR):
MGA KRIMINAL LANG BA ANG MAY DIGNIDAD
AT KARAPATAN? ANG MGA BIKTIMA BA AY WALA?
Ni Apolinario Villalobos

PALAGI NA LANG NA BINABANGGIT NG COMMISSION ON HUMAN RIGHTS (CHR) ANG KARAPATAN AT DIGNIDAD NG MGA KRIMINAL, KAYA DAPAT DAW NA IDAAN SA TAMANG PROSESO ANG PAGLITIS SA MGA KASO NILA. OKEY LANG SANA ITO KUNG SILA  AY PINAGBIBINTANGAN PA LANG, SUBALI’T PAANO KUNG HULING-HULI SA AKTO AT MARAMI ANG NAKASAKSI SA GINAWA NILANG KRIMEN…SASABIHIN PA RIN BA NG CHR NA INOSENTE  ANG MGA ITO AT KAILANGANG PROTEKSIYUNAN ANG KANILANG DIGNIDAD? …WALA BANG DIGNIDAD AT KARAPATAN ANG MGA BIKTIMA NILA?

SA NABANGGIT NA SITWASYON SANA AY TUMAHIMIK NA LANG ANG CHR DAHIL TALAGA NAMANG MAGKAKAROON NG PAGLILITIS SUBALIT HINDI MAIIWASANG PAGDUDUDAHAN ANG RESULTA DAHIL HALOS WALA NA RING NAGTITIWALA SA  JUSTICE SYSTEM NG PILIPINAS.  PAANO KUNG MAYAMAN ANG MGA KRIMINAL AT MARAMING PERANG PAMBAYAD SA MAGALING NA ABOGADO?  TATANGGAPIN NA LANG BA ANG HAYAGANG ANIMO AY “PAGBILI” NILA NG HUSTISYA? DAPAT TANDAANG MARAMI ANG NAGREREKLAMO SA PAGLABAS-MASOK NG MGA KRIMINAL SA KULUNGAN DAHIL SA PIYANSA.  DAPAT MAGHINAY-HINAY ANG CHR SA PAGBABANGGIT NG “DIGNIDAD” NG KRIMINAL.

TULAD HALIMBAWA SA MGA NAHULI SA AKTONG MGA DRUG PUSHER NA PINAPARUSAHAN SA PAMAMAGITAN NG “WALK OF SHAME” NA GINAGAWA NG ISANG MAYOR SA BATANGAS. KAHIT SINABI PA NG MGA OTORIDAD DOON NA HULI SA AKTO ANG MGA PINARUSAHAN, PARA PANG PINANIGAN NG CHR ANG MGA ITO SA PAGBANGGIT NG DIGNIDAD DAW NILA….PAANO ANG SINIRANG BUHAY NG MGA BIKTIMA NILA NA MALAMANG AY MGA KABATAAN? DIGNIDAD LANG BA NG MGA KRIMINAL ANG MAY HALAGA,  AT ANG NASIRANG BUHAY  NG MGA BIKTIMA AY WALA?

MAY DINEPENSAHAN NA BANG MGA BIKTIMA NG KRIMEN ANG CHR, AT KUNG MERON MAN, HANGGANG SAAN  INABOT ANG PAGMAMAGALING NITO? MAY MGA BIKTIMA NA BANG PINANIGAN SILA AT NAKAKAMIT NG HUSTISYA?  
SA TINGIN NG CHR, PANG-AAPI BA ANG PAGPAPARUSA SA MGA KRIMINAL DAHIL SA MGA KASALANANG GINAWA NILA? ANO ANG TAWAG NG CHR SA MGA NAGING  DRUG ADDICT NA MGA KABATAANG BIKTIMA NG MGA DRUG PUSHER?...NG MGA NAGAHASA NG MGA ADDICT NA RAPIST, AT ANG IBA AY MISMONG INA O KAPATID NILA?....NG MGA PINATAY NG MGA BAYARANG MAMATAY-TAO?…NG MGA BIKTIMA NG MGA ILLEGAL RECRUITER?...ETC.?

ANO ANG GINAWA NG CHR SA MGA BIKTIMA NG MGA AMPATUAN SA MAGUINDANAO NA HANGGANG NGAYON AY HINDI PA NAKAKAMIT NG HUSTISYA?...SA MGA BIKTIMA NG BAGYONG YOLANDA NA HINDI NAAMBUNAN NG MGA DONASYON DAHIL SA KAPABAYAAN NG MGA AHENSIYA?...SA MGA BATANG YAGIT  NA DINADAAN SA PAGSINGHOT NG RUGBY ANG PAGPAWI SA GUTOM?...SA MGA BADJAO NA NAGKALAT SA KALYE NA NAMAMALIMOS UPANG MABUHAY?....SA MGA BIKTIMA NG DEMOLITION NA WALANG RELOKASYON KAYA NGAYON AY NAKATIRA SA MGA BANGKETA AT TABI NG ILOG SA IBA’T IBANG PANIG NG METRO MANILA?

SA TINGIN NG CHR, MGA KRIMINAL LANG BA ANG “HUMANS” O MGA TAO, AT ANG MGA BIKTIMA  NILA AY HINDI O HAYOP KAYA HINDI SILA SAKLAW NG MGA RESPONSIBILIDAD NITO NA “PANGTAO”? ANG MGA BATANG YAGIT, MGA BADJAO, MGA DISPLACED NA MGA PAMILYANG BIKTIMA NG PUWERSAHANG DEMOLITION, AT MARAMI PANG IBA  AY INIHAHALINTULAD NA LANG BA NITO SA MGA ASO AT PUSANG KALYE? MAY NAGAWA NA BA SILA PARA MAPAAYOS ANG BUHAY NG MGA ITO O MAG-INGAY MAN LANG UPANG MAPANSIN NG GOBYERNO?

BAKIT HINDI ITO MAKIPAG-COORDINATE SA IBANG AHENSIYA NG GOBYERNO UPANG MAGING EPEKTIBO AT MA-JUSTIFY ANG TINATANGGAP NA SUWELDO NG MGA TAUHAN NITO? HANGGANG SA PAG-ABANG NA LANG BA ITO NG MGA SENSATIONAL NA BALITA SA RADYO, TV, AT DIYARYO, TULAD NG RAPE JOKE NI DUTERTE, NA EEKSENAHAN PARA MASABING MAY GINAGAWA ANG MGA TAUHAN NITO? WALA NA KAYANG MAS MAHALAGANG MGA KASO KAYSA RAPE JOKE NI DUTERTE? KUNG MAY MGA KAKULANGAN ITO SA MGA TAUHAN AT BUDGET BAKIT HINDI GUMAWA NG MGA KARAMPATANG HAKBANG?


ANG PAGTATANONG AY KARAPATAN KO BILANG ISANG MAMAMAYAN NG PILIPINAS….AT NAGPAPASANA NA MASAGOT ANG MGA ITO…UPANG MAGKAROON NG KALINAWAN AT TULOY AY MARESPETO NG LUBUSAN ANG NASABING AHENSIYA, BILANG KARAPATAN DIN NITO, AT MATIGIL NA ANG MGA PAGBABATIKOS DITO….SANA….SANA…SANA!!!

0

No Country on Earth is 100% Free from Graft and Corruption...but may be rated as bad, worse, or worst

Posted on Tuesday, 10 May 2016

No Country on Earth is 100%
Free from Graft and Corruption
…but may be rated as bad, worse, or worst
By Apolinario Villalobos

There is no “utopia” or paradise-like nation on earth. Even the so-called morally-straight and economically-advanced countries are not free from graft and corruption. All countries, however, may be classified as to the extent of their contamination by these blights of civilization into bad, worse, and worst.

What is admirable about the government officials in some countries, however, is their voluntary act to resign, though some unfortunately commit suicide, if they are suspected to be involved in anomalies or even just being investigated, yet. They do not react with shameful effort and legalistic defenses which happen only in the Philippines.

Still, although, corruption is an accepted occurrence in any government, in the Philippines, it has reached the uncontrolled stage. Some government officials who are voted, appointed, and even with civil service eligibilities seem to be living on the adage, “if others can do it, why can’t I?”.  To date, cases of graft and corruption in the Philippines takes so many years to be resolved with some just shelved into oblivion.

In the Philippines, corruption has become a business. Those who would like to venture into this “endeavor” must put up a substantial fund during the electoral campaign, while exerting all possible effort to get the position they want for the assured return of their “investment”.

Some even enhance their “talent” or “skill” by taking courses that lead to “government management”, such as, Law or Public Administration, and still, if time would allow, further enhance their knowledge acquisition with Masters and Doctorates, the better for them to slap those who would question their credibility with certificates.



0

Filipinos should Stand United Whatever the Result of 2016 Election May Be

Posted on Wednesday, 4 May 2016

Filipinos Should Stand United
Whatever the Result of 2016 Election May Be
By Apolinario Villalobos


Voting puts to test how Filipinos can make a sound decision. The “sacred right” of each voter should be tied to their mental attribute, instead of their quickly fluctuating emotion. Their decisions as regards their choice are harbored in their mind and nobody knows about them unless they blurt it out due to their uncontrolled emotion when they join discussions personally or in the cyberspace. Most importantly, political differences are best forgotten when the decision of the majority has been made – during the election, and which must be accepted.

Fanaticism, in the first place, should not be harbored by the Filipinos because it is a fact they are just “used” by politicians who do not even know them personally. It is for this reason, that while candidates are safely doing their rounds of campaigning, their supporters and campaign leaders are getting the ire of their opponents. And, if they die, the candidates may not even be able to attend the wake because they are busy giving out cash or leaflets. The fallen supporters and campaign leaders are eventually relegated along the forgotten sidelines of the chaotic campaign trails.

Political fanaticism must not polarize the Filipinos. The various sufferings that are causing so much despair among the long-exploited populace should not be underscored by their loyalty to chosen leaders who may win or lose. What they shared as their views in support of their candidates through the social media or personal discussions have already shown the extent of their courageous support. On the other hand, this should not cause the severance of ties with friends and relatives. Bashing each other in the social media based on shared posts from other sites which may not have been verified is not also prudent.

If what may come out after the election is far from what is being expected, this should not incite political die-hards into doing brash acts. Unexpected results should not also be used in inciting others to commit unbecoming moves that spell violence. Fire cannot be doused by fire. We had our lesson in the People Power which showed that something can be done by the number. After the election, those who will assume that they lost despite their number, should further unite, albeit, peacefully and show the nation such glaring proof. 


The history of Philippine election is pockmarked with fraud, and if all parties concerned shall assume that it will happen again during the forthcoming 2016 election, they should be extra wary by closing their ranks and open their eyes wider….at least.

0

Ang Iba't-ibang Relasyon sa Mundo

Posted on Sunday, 1 May 2016

Ang Iba’t-ibang Relasyon sa Mundo
Ni Apolinario Villalobos

Iba’t- ibang relasyon mayroon sa ibabaw ng mundo…mayroong relasyon sa pagitan ng mag-asawa, mga anak, at mga kamag-anak nila….mayroong relasyon sa pagitan ng mga bansa….mayroon ding sa pagitan ng iba’t- ibang hayop at mga halaman…at ganoon din ng tao sa iba’t-ibang negosyo.

Ang relasyon sa pagitan ng mga tao, lalo na sa magsing-irog ay inaasahang nakaangkla sa pagmamahalan at pagtitiwala, subali’t nagkakaroon ng problema kung ang pagmamahalan ay bawal sa mata ng Diyos at lipunan dahil hindi sila kasal. Sa mga halaman, ang relasyon ay may kinalaman sa pakikipagtulungan nila sa isa’t isa, tulad ng baging na nagpoprotekta sa mga bunga ng punong kahoy na kanilang ginagapangan laban sa mga ibon, dahil sa lason at masamang amoy na taglay ng kanilang dahon. Sa karagatan, may mga maliliit na isdang naglilinis ng ngipin ng mga pating at balyena, kaya protektado sila ng mga ito basta huwag lang silang lumayo.

Pagdating naman sa relasyon ng mga bansa, kalimitan ay may bahid ng lamangan at lokohan. Kunwari ay pinoproteksiyunan ng malaking bansa ang maliit na kaalyado subalit ang kapalit ay sobra-sobrang katumbas ng panlalamang. Pagdating sa kalakalan, palaging lamang ang malalaking bansa. Ganoon din ang pagmimina ng malalaking bansa sa likas ng yaman ng malilit na bansa. Ang sinasabing “aid” ng malalaking bansa sa maliliit na kaalyado ay utang pala. At, kung may kusa man silang ibigay sa mga kawawang maliliit na kaalyado na animo ay mga timawa, ang mga ito ay pinaglumaan na tulad ng gamit pandigma, tangke, helicopter, barko, at iba pa.

Ang relasyon ng tao sa mga negosyo ay nakakaakit dahil sa malaking kikitain. Halimbawa, upang tumuloy lang ang paglakas ng bentahan ng mga armas na pandigma, dapat ay hindi matigil ang mga labanan sa loob mismo ng mga bansang customer o buyer. Kapag ganito ang sitwasyon, tuluy-tuloy ang pagbili ng mga bala at armas ng mga bansang may problema sa terorista, kidnap-for ransom, at rebelde mula sa mga malalaking bansa na gumagawa ng mga ito, na ang turing pa naman sana ay mga “big brother” at inaasahang mangunguna sa mga hakbang upang magkaroon ng kapayapaan sa buong mundo. Ang mga agawan ng teritoryo ay ginagatungan din ng malalaking bansa upang magkaroon ng labanan upang siguradong pumatok ang negosyo nila ng mga armas na pandigma!

Kung tahimik ang isang bansa, hihina ang negosyo sa pag-eembalsamo o cremation. Pati mga ospital ay hihina dahil kakaunti ang gagamuting nasaksak, nabaril, naputukan ng granada o tinamaan ng bala o in-ambush. Kung maraming mga gamot na nagpapagaling ng sakit ang maiimbento, kakaunti din ang maoospital at dadalang ang mamatay agad, kaya hihina ang negosyo ng panggamot at punerarya….malamang ang ilan sa kanila ay magsara.

Samantala, kung umabot sa sukdulan ang galit ng mga taong inaapi dahil sa mga desisyon ng mga huwes na binayaran ng mayamang akusado, ay hindi malayong ilalagay na lang ng mga naaapi ang hustisya sa kanilang mga kamay. Ibig sabihin, sa halip na asahan pa ang mga ilalabas na desisyon ng mga bayarang huwes, ang mga naaapi na lang mismo ang gagawad ng sentensiya sa mga umapi sa kanila, kaya tuloy lang ang patayan. Kung malinaw na kung “matamis” ang relasyon ng mayayamang kriminal sa mga bayarang huwes, kabaligtaran naman ang relasyon ng mga tiwaling huwes sa mga naaaping akusado…dahil wala namang kasing-pait ito!


Yan ang iba’t-ibang relasyon ng tao sa mga pangyayari sa kanyang paligid at kapwa nilalang, at mga epekto sa kanya at sa mundong kanyang ginagalawan…mga relasyong nakakalito!

0

Ang Epekto ng mga Ginagawa natin sa ating Kapwa at Kalikasan

Posted on Friday, 29 April 2016

Ang Epekto ng Mga Ginagawa Natin
Sa  Ating KapwαΊ³ at Kalikasan
Ni Apolinario Villalobos

Ang mga ginagawa natin araw-araw ay nakaka-apekto sa ating kapwa, sa loob man ng tahanan o pinagtatrabahuhan, at sa labas ng mga ito. At, hindi lang sa ating kapwa-tao ang epekto kundi pati na rin sa ating kapaligaran at kalikasan.

Nakakatawa, subalit ang mistulang pag-utot natin ay nakaka-apekto sa ating kapwa lalo na kung tayo ay nasa loob ng isang lugar na kulob o saradong-sarado kaya naka-aircon, at lalong matindi kung sira ang aircon. Hindi rin ito nakakatawa dahil may nabasa akong balita sa internet na dahil sa sobrang amoy ng utot na pinakawalan ng katabi niya ay may buntis na hinimatay at nakunan. At, mayroon pang na-heart attack dahil sa sobrang katatawa. Nakakasira din ito sa tahimik na bulwagan kung saan ay may nagko- konsiyerto. Ang utot ay humahalo sa hangin na pumapailanlang sa kalawakan kaya nakakadagdag sa pagkasira ng ozone layer. Yan ang dahilan kung bakit may mga bansang nagbawas ng inaalagaang baka (cow) dahil sa madalas nilang pag-utot, kaya lumalabas na malaki ang naaambag nila sa pagkasira ng ozone layer.  Tanggap ng siyensiya o agham ang katotohanang ito.

May mga taong nagkaroon lang bigla ng maraming pera sa hindi ko na sasabihing dahilan kaya nakayanang bumili ng ilang sasakyan ay nakalimutan nang mag-commute. Mamamalengke lang ang misis sa palengkeng malapit lang naman ay naka-kotse pa. Maghahatid lang ng anak sa barkada niya sa katabing subdivision ay naka-kotse pa. Pupunta lang sa assembly area ng jogging ay naka-kotse pa…etc. Nakapag-aral naman ang mga ito at nakakabasa ng mga balita sa internet, kaya nakapagtatakang hindi nila alam na ang napakasimple nga lang na pagwa-warm up ng sasakyan ay nagreresulta na sa pagbuga ng carbon dioxide na sumisira ng ozone layer. Dahil sa madalas na paggamit ng mga sasakyan na gusto lang yatang i-display sa mga kapitbahay ay obvious na guilty rin sila sa pagkasira ng ozone layer.

May mga mayayabang din na talagang sinasadya ang pagpabago ng tambutso ng mumurahin nilang single na motorcycle na second hand pa, upang magkaroon ng epek na animo ay dambuhalang motorcycle kung paandarin nila dahil sa ingay….noise pollution naman ito maliban pa sa carbon dioxide pa ring binubuga ng todo dahil tinanggalan ng filter ang tambutso. At hindi lang ozone layer ang apektado dito, kundi pati mga kapitbahay lalo na kung umuwi sa hatinggabi o madaling araw  ang mayabang. At dahil sa ingay, pati na rin ang ibang tao sa kalye ay apektado kung magpaharurot ang mayabang ng kanyang lumang single motorcycle.

May mga taong walang pakundangan kung magtapon ng pinagbalutan ng kinakain nila habang naglalakad. Kawawa ang mga bahay na madaanan nila dahil kung saan naubos ang banana cue ay doon din nila itatapon ang stick – kahit sa tapat ng gate mismo. Yong ibang tinatapon ay paper cups na nilagyan ng sauce ng fish ball at stick din, pinagbalutan ng ice cream- in- stick, boteng plastik ng tubig at softdrink, etc. Matindi naman ang mga nakasakay sa dyip o bus na nagtatapon ng basura sa labas ng bintana kaya naikakalat ito, sa halip na iuwi o ilagay sa ilalim ng upuan ng bus, o kung dyip ay sa basurahang inilaan ng drayber.

Yong ibang garapal ay inilalagay ang basurang naipon nila sa bahay sa napakagandang shopping bag, bibitbitin palabas at tityempo sa pagtapon sa ilog kung merong malapit sa kanilang tinitirhan, o di kaya ay isasakay sa maganda nilang kotse sa pagluwas nila ng Maynila at itatapon sa tabi ng highway o mismong Cavitex, SLEX o NLEX, kung malayo na sila sa patrol o toll booth….alam ko yan dahil may nakita na ako!

Maraming nagagalit kapag may naririnig na balita tungkol sa mga basurang nakatambak sa tabi ng dagat, sa ilog mismo, at kung saan-saan pang bahagi ng lunsod. Sumasali din sila sa mga clean up drive at nakasuot pa ng t-shirt, pero halata namang karamihan sa kanila ay gusto lang magpakodak upang may mailagay sa facebook. Galit sila sa mga nagkakalat ng basura, subalit hindi nila “naalala” ang pagtapon nila ng candy wrapper o upos ng sigarilyo sa kalsada!


At, ang pinakamatindi ay ang epekto ng pagpasok ng iba sa larangan ng pulitika upang magpayaman. Dahil natanim sa isip nila ang nasabing layunin, lahat ay gagawin upang manalo sa eleksiyon kaya mamimili ng boto at kung mananalo nga ay mangungurakot upang mabawi ang ginastos. Dahil diyan apektado ang badyet ng bayan dahil sa pagnanakaw nila kaya ang taong bayan naman ang nawalan ng mga project na pakikinabangan sana nila. Bukod pa diyan, ang iba ay papasok sa mga illegal na gawain tulad ng logging at pagmimina, pati na droga. Dahil sa mga illegal na gawain, nasira ang kalikasan, naudlot ang pag-unlad ng bayan, at nasira ang moralidad ng mga tao.