Showing posts with label friend. Show all posts

0

Mga Iba't ibang Uri ng Kaibigan

Posted on Friday, 6 October 2017

HAPPY FRIENDSHIP DAY!

Mga Iba’t ibang Uri Ng Kaibigan
Ni Apolinario Villalobos

Sa pagkauso ng “BFF” o “best friend forever” na turingan, hindi maiwasang bigyan ng matamang pansin ang ganitong relasyon. Napakaswerte ng mga magkakaibigan na habang buhay na raw nga, ang halos ay pagkit na pagkakadikit sa isa’t isa sa lahat ng panahon. May mga magkakabarkada na hanggang tumanda na ay regular pa ring nagre-reunion. Ang ganitong samahan ay hindi dapat maging dahilan ng pagselos ng mag-asawa, dahil iba ang uri ng samahan ng magkakaibigan sa uri ng samahan ng mag-asawa.

Ang magkakaibigan lalo na yong mga magkakabata ay halos magkadugtong na ang mga pusod kung sila ay magturingan. Nangyayari ito kadalasan sa mga anak ng magkukumare at magkukumpare. Kung minsan naman ay sa magkakapitbahay. Mas malalim wika nga ang samahan dahil kung baga sa puno ay matatag na ang pagkakaugat.

Ang samahan ng mag-asawa ay nagsisimula kadalasan sa panahong ang babae at lalaki ay pareho nang nasa tamang gulang, at nagsisimula sa pagkikita sa paaralan, lalo na sa kolehiyo,  o di kaya ay sa trabaho. Sa bihirang pagkakataon kung minsan naman, nauuwi sa pag-aasawahan ang nagsimula sa puppy love na na-develop nang high school pa lang.

Sa barkadahan, wala halos itinatago sa isa’t isa ang magkakaibigan, hindi tulad ng mag-asawa na may mga nirereserba pang sekreto sa isa’t isa, lalo na yong biglang nagsama makaraan lamang ng ilang araw, linggo o buwang ligawan. Paano nga namang magtitiwala sa isa’t isa ang nagkadebelupan lang dahil sa eyeball to eyeball na nagsimula sa facebook?...na nauwi lang minsan sa isang short time sa mumurahin at masurot na motel…. naging mag-asawa na?

Sa magbabarkada, walang sinumpaang obligasyon ang isa’t isa, kaya walang sumbatang nangyayari. Hindi tulad sa mag-asawa na parehong pumirma sa kontrata upang magsama sa hirap at ginhawa, at ang kontratang ito ay tumitiim pagdating ng panahon na may mga anak na sila. At ang matindi pa, ang hindi tutupad sa kontrata ay makakasuhan, lalo na kung umabot sa puntong nagkasawaan at naghanap ng mga bagong kandungan ang bawa’t isa.

Sa magbabakarda, kung may tampo ang isa sa isa pang kabarkada, pwede siyang tumakbo sa iba pang kabarkada upang maglabas ng hinaing. May mga payong ibibigay – take them or leave them pa, may choice. Sa mag-asawa namang nagkatampuhan lalo na ang may matataas na pride, kung minsan, ang tampuhang nagresulta sa simpleng kalmutan at sampalan ay umaabante sa batuhan ng plato, baso, ispinan ng kutsilyo, at lasunan!

Ang tunay na pagkakaibigan ay tapat at walang kundisyon na sinusunod. Wala mang kundisyon ay mayroong nangyayaring “pakiramdaman”  batay sa prinsipyo ng kamutan ng likod, sa Ingles, “scratch my back and I’ll scratch yours. Yan ang pinakamagandang uri ng pagkakaibigan – bukal sa kalooban at nagbibigayan.

Sa panahon ngayon, may mga taong nakikipagkaibigan sa iba na sa tingin nila ay may pakinabang. Ito yong mga social climber na nakikipagkaibigan sa mga mayayaman o di kaya ay maimpluwensiyang tao upang mahatak din sila paitaas tungo sa mundong ginagalawan ng taong kinaibigan. Nangyayari din ito sa mundo ng pulitika kung saan, ang mga baguhang pulitiko ay pilit na dumidikit sa mga may pangalan na upang maamutan sila ng katanyagan nang sa ganoon ay umusad ang kanilang karera sa pulitika. Pagdating ng panahong tanyag na rin sila, ang mga dating dinikitan nila ay balewala na, lalo na kung nasira ang pangalan dahil sa mga kaso ng katiwalian.  Kapag tinanong ng reporter, sasabihin ng dating social climber at ambisyosong politician na ang nakakasuhan ay “minsan” na niyang nakausap, yong lang.

Ang nangyayari sa mundo ng pulitika ay nangyayari din sa mundo ng show business. May nakausap akong direktor sa pelikula na umaming dumikit siya kay Lino Brocka upang mawisikan man lang ng grasya ng katanyagan. Nagtagumpay siya. Dumating din ang panahon na siya naman ang dinikitan, subalit sa pagkakataong iyon, ang tinulungan niya upang magtagumpay ay hindi na kumilala sa kanya nang dumalang na ang mga offer upang magdirek ng pelikula. Yong walang utang na loob naman ay nakarma dahil nagkaroon ng kanser at naubos sa pagpapagamot ang perang naipon sa pagdidirek. Sana ang nangyari sa walang utang na loob na nagkaroon ng kanser ay mangyari rin sa mga pulitiko, para yong mga nagkakainan ng dumi ay pare-pareho nang mamatay sa kanser. Magiging sikat ang Pilipinas dahil lahat ng mga namatay na pulitiko ay kanser ang dahilan – only in the Philippines!...at maitatala pa sa Guinness Book of World Records!

May mga kaibigan din na doble-kara. Ito yong mga taong ayaw nilang mahigitan sila ng mga kaibigan sa lahat ng bagay. Sila yong mga nagdadaos ng party na ang pakay pala ay ipakitang mas nakakahigit sila sa karangyaan kung ihambing sa ibang kaibigan nila. Kadalasan nahuhuli ang mga taong ito sa mga salita nila mismo, tulad ng pabirong “o…meron kayo nito?” Hindi nawawala ang ganitong klaseng kaibigan sa isang grupo na kadalasan ay nauuto upang gumastos dahil sinasakyan na lang siya ng iba, lalo na sa isyu ng yaman. Siya nga naman ang may pera, kaya, sige pagastusin na lang kung gusto niyang magyabang…yan ang kadalasang sinasabi ng mga pinakikitaan ng kayabangan.

May mga kaibigang traidor. Ang pinakamagandang halimbawa ay ang samahan ni Hesus at ni Hudas na disipulo niya. Ipinagkanulo ni Hudas si Hesus sa ilang pirasong pilak. Sa Pilipinas, itinanggi si Janet Lim Napoles ng mga taong itinuring niyang kaibigan at inambunan ng mga ninakaw niyang pera mula sa kaban ng bayan. Ito yong mga taong ka-kodakan niya (Napoles) sa mga party niya sa mausoleo ng kanyang ama sa Pasig, may pa-toast toast pa ng alak ang mga hiyu….ta. Bandang huli pare-pareho silang “pinag-iingatan to death” ng mga guwardiya, dahil nakakulong na…friends together….anywhere…talaga lang!





0

Mga Iba't ibang Uri ng Kaibigan

Posted on Friday, 11 August 2017

(Mahalagang basahin upang mabisto kung anong uring kaibigan meron ka….mahaba nga lang.)

Mga Iba’t ibang Uri Ng Kaibigan
Ni Apolinario Villalobos

Sa pagkauso ng “BFF” o “best friend forever” na turingan, hindi maiwasang bigyan ng matamang pansin ang ganitong relasyon. Napakaswerte ng mga magkakaibigan na habang buhay na raw nga, ang halos ay pagkit na pagkakadikit sa isa’t isa sa lahat ng panahon. May mga magkakabarkada na hanggang tumanda na ay regular pa ring nagre-reunion. Ang ganitong samahan ay hindi dapat maging dahilan ng pagselos ng mag-asawa, dahil iba ang uri ng samahan ng magkakaibigan sa uri ng samahan ng mag-asawa.

Ang magkakaibigan lalo na yong mga magkakabata ay halos magkadugtong na ang mga pusod kung sila ay magturingan. Nangyayari ito kadalasan sa mga anak ng magkukumare at magkukumpare. Kung minsan naman ay sa magkakapitbahay. Mas malalim wika nga ang samahan dahil kung baga sa puno ay matatag na ang pagkakaugat.

Ang samahan ng mag-asawa ay nagsisimula kadalasan sa panahong ang babae at lalaki ay pareho nang nasa tamang gulang, at nagsisimula sa pagkikita sa paaralan, lalo na sa kolehiyo,  o di kaya ay sa trabaho. Sa bihirang pagkakataon kung minsan naman, nauuwi sa pag-aasawahan ang nagsimula sa puppy love na na-develop nang high school pa lang.

Sa barkadahan, wala halos itinatago sa isa’t isa ang magkakaibigan, hindi tulad ng mag-asawa na may mga nirereserba pang sekreto sa isa’t isa, lalo na yong biglang nagsama makaraan lamang ng ilang araw, linggo o buwang ligawan. Paano nga namang magtitiwala sa isa’t isa ang nagkadebelupan lang dahil sa eyeball to eyeball na nagsimula sa facebook?...na nauwi lang minsan sa isang short time sa mumurahin at masurot na motel…. naging mag-asawa na?

Sa magbabarkada, walang sinumpaang obligasyon ang isa’t isa, kaya walang sumbatang nangyayari. Hindi tulad sa mag-asawa na parehong pumirma sa kontrata upang magsama sa hirap at ginhawa, at ang kontratang ito ay tumitiim pagdating ng panahon na may mga anak na sila. At ang matindi pa, ang hindi tutupad sa kontrata ay makakasuhan, lalo na kung umabot sa puntong nagkasawaan at naghanap ng mga bagong kandungan ang bawa’t isa.

Sa magbabakarda, kung may tampo ang isa sa isa pang kabarkada, pwede siyang tumakbo sa iba pang kabarkada upang maglabas ng hinaing. May mga payong ibibigay – take them or leave them pa, may choice. Sa mag-asawa namang nagkatampuhan lalo na ang may matataas na pride, kung minsan, ang tampuhang nagresulta sa simpleng kalmutan at sampalan ay umaabante sa batuhan ng plato, baso, ispinan ng kutsilyo, at lasunan!

Ang tunay na pagkakaibigan ay tapat at walang kundisyon na sinusunod. Wala mang kundisyon ay mayroong nangyayaring “pakiramdaman”  batay sa prinsipyo ng kamutan ng likod, sa Ingles, “scratch my back and I’ll scratch yours. Yan ang pinakamagandang uri ng pagkakaibigan – bukal sa kalooban at nagbibigayan.

Sa panahon ngayon, may mga taong nakikipagkaibigan sa iba na sa tingin nila ay may pakinabang. Ito yong mga social climber na nakikipagkaibigan sa mga mayayaman o di kaya ay maimpluwensiyang tao upang mahatak din sila paitaas tungo sa mundong ginagalawan ng taong kinaibigan. Nangyayari din ito sa mundo ng pulitika kung saan, ang mga baguhang pulitiko ay pilit na dumidikit sa mga may pangalan na upang maamutan sila ng katanyagan nang sa ganoon ay umusad ang kanilang karera sa pulitika. Pagdating ng panahong tanyag na rin sila, ang mga dating dinikitan nila ay balewala na, lalo na kung nasira ang pangalan dahil sa mga kaso ng katiwalian.  Kapag tinanong ng reporter, sasabihin ng dating social climber at ambisyosong politician na ang nakakasuhan ay “minsan” na niyang nakausap, yong lang.

Ang nangyayari sa mundo ng pulitika ay nangyayari din sa mundo ng show business. May nakausap akong direktor sa pelikula na umaming dumikit siya kay Lino Brocka upang mawisikan man lang ng grasya ng katanyagan. Nagtagumpay siya. Dumating din ang panahon na siya naman ang dinikitan, subalit sa pagkakataong iyon, ang tinulungan niya upang magtagumpay ay hindi na kumilala sa kanya nang dumalang na ang mga offer upang magdirek ng pelikula. Yong walang utang na loob naman ay nakarma dahil nagkaroon ng kanser at naubos sa pagpapagamot ang perang naipon sa pagdidirek. Sana ang nangyari sa walang utang na loob na nagkaroon ng kanser ay mangyari rin sa mga pulitiko, para yong mga nagkakainan ng dumi ay pare-pareho nang mamatay sa kanser. Magiging sikat ang Pilipinas dahil lahat ng mga namatay na pulitiko ay kanser ang dahilan – only in the Philippines!...at maitatala pa sa Guinness Book of World Records!

May mga kaibigan din na doble-kara. Ito yong mga taong ayaw nilang mahigitan sila ng mga kaibigan sa lahat ng bagay. Sila yong mga nagdadaos ng party na ang pakay pala ay ipakitang mas nakakahigit sila sa karangyaan kung ihambing sa ibang kaibigan nila. Kadalasan nahuhuli ang mga taong ito sa mga salita nila mismo, tulad ng pabirong “o…meron kayo nito?” Hindi nawawala ang ganitong klaseng kaibigan sa isang grupo na kadalasan ay nauuto upang gumastos dahil sinasakyan na lang siya ng iba, lalo na sa isyu ng yaman. Siya nga naman ang may pera, kaya, sige pagastusin na lang kung gusto niyang magyabang…yan ang kadalasang sinasabi ng mga pinakikitaan ng kayabangan.

May mga kaibigang traidor. Ang pinakamagandang halimbawa ay ang samahan ni Hesus at ni Hudas na disipulo niya. Ipinagkanulo ni Hudas si Hesus sa ilang pirasong pilak. Sa Pilipinas, itinanggi si Janet Lim Napoles ng mga taong itinuring niyang kaibigan at inambunan ng mga ninakaw niyang pera mula sa kaban ng bayan. Ito yong mga taong ka-kodakan niya (Napoles) sa mga party niya sa mausoleo ng kanyang ama sa Pasig, may pa-toast toast pa ng alak ang mga hiyu….ta. Bandang huli pare-pareho silang “pinag-iingatan to death” ng mga guwardiya, dahil nakakulong na…friends together….anywhere…talaga lang!





0

Friends

Posted on Saturday, 4 February 2017

Happy Friendship Day!

FRIENDS
By Apolinario Villalobos

Friends are people and as such have different characters, as no two persons are alike, not even twins. And, because of the varying characters of friends, they can be classified into several kinds:
  • Friends who use their “friends” for selfish motives.
  • Friends who boost their ego at the expense of their “friends”. 
  • Friends who are actually “enemies” in disguise.

There are no permanent friends, as in a group, any “friend” can sow distrust resulting to a break-up. There may be reconciliation, but whatever fracture that resulted could not be totally healed. In Tagalog it means, “may lamat na ang samahan”.

As a simple precaution, in any “friendly” relationship, there should be restraint in revealing the total self. Only the arrogant will reveal to a “friend” about his fat bank account in order to give an impression of his being a superior financial-wise. Only the arrogant will reveal to a “trusted” colleague about his sexual escapades to prove his machismo. And, only the arrogant will reveal to a business associate the total expanse of his clout or connections to prove that he is powerful.


Making friends is a risky endeavor as one might accidentally connect with any of the three kinds mentioned above. In making friends, make sure that resulting detrimental situations can be handled. However, if you are any of the three mentioned above, PLEASE….change your ways, because, although, your would-be victims may not be aware of your intention, there is SOMEBODY who knows everything!

0

On Friendly and Intimate Relationships

Posted on Monday, 7 November 2016

ON FRIENDLY AND INTIMATE RELATIONSHIPS
By Apolinario Villalobos

Both relationships mentioned in the title are founded on “trust”. However, trust sometimes is established haphazardly, without even checking thoroughly the kind of a person with whom it is established. Some people may discover too late that their “best friend” cannot be trusted al all, as some, come out to be innately insecure. Some couples may also discover that their partner is not really “sincere” as expected, despite the signed marriage documents, and worse, discovery is made after having several offspring. This situation is what dissatisfied partners as “hellish life”.

Another act that spoils the relationship is the “abuse” of either party. The one who commits the act selfishly presumes that anything can be done to the trusting friend or intimate partner. Initially, there would be tolerance “for friendship’s sake”. But in time, such abuse may no longer be tolerated and expectedly results to the severance of relationship.


Abuse on the part of a partner who commits the act is hidden or camouflaged by a “merry intent” or “joke”, though, in reality, the intention is to humiliate the trusting and unsuspecting friend or partner in front of others. This happens most often to friends and partners whose success is not acceptable to the offender due to envy. I know this because I am in touch with people who are victims, and until now are languishing in regret for having wasted their lives in the company of insecure people. 

0

Ang Salamin...

Posted on Wednesday, 8 June 2016

ANG SALAMIN…
Ni Apolinario Villalobos


HINDI NATIN NAKIKITA ANG ATING SARILI KAYA KAILANGAN NATIN ANG SALAMIN NA MAGPAPAKITA SA ATIN NG MGA DUMI NATIN SA MUKHA. ANG SALAMIN NA ITO AY ANG ATING KAPALIGIRAN KUNG SAAN AY MARAMI TAYONG MAKIKITANG MGA PANGYAYARI, MABUTI AT MASAMA NA MAAARI NATING NAGAWA. SALAMIN DIN ANG IBANG TAO NA NAGSASABI SA ATIN NG DIRETSAHAN O NAGPAPAHIWATIG SA PAMAMAGITAN NG KANILANG KILOS AT MGA PINO-POST SA FACEBOOK AT IBA PANG SOCIAL MEDIA KUNG ANO ANG ATING MGA PAGKAKAMALING DAPAT BAGUHIN.

KAYA, HUWAG MAGALIT KUNG TAYO AY NATUMBOK….SA HALIP AY MAGPASALAMAT PA NGA DAHIL SINABIHAN NILA TAYONG “MAY DUMI TAYO SA MUKHA”.

MAY PROBLEMA ANG IBA NA ANG TINGIN NILA SA SARILI NILA AY PERPEKTO KAYA HINDI SILA MAAARING MAGKAMALI. DAHIL DIYAN, FEELING NILA HINDI SILA DAPAT “PAGSABIHAN” NG DIRETSAHAN O SA PAMAMAGITAN NG MGA PAHIWATIG….SILA ANG MGA TAONG MAY MATAAS NA PRIDE!

MAS NAKAKABILIB ANG TAONG UMAAMIN NG MGA NAGAWA NIYANG  PAGKAKAMALI AT KUNG ANO  ANG KANYANG MGA KAHINAAN AT HINDI KAYANG GAWIN KAYA MAPAGPAKUMBABA NIYANG PINAPAUBAYA NIYA ITO SA IBA…PAGPAPAKITA NA HINDI SIYA SUWAPANG.

ANG GANITONG PAALALA NA PALAGING BINABANGGIT SA MGA SEMINAR AT NG MGA MATATANDA AY PALAGING NAKAKALIMUTAN NG MARAMI…KAYA PALAGING MAY PROBLEMA ANG ATING BANSA.

SA PUNTONG YAN DAPAT SUMENTRO ANG PAGBABAGO NG MGA PILIPINO PARA SA IKABUBUTI NG ATING BANSA!


0

Barkada?...o Pamilya!

Posted on Sunday, 21 February 2016

Barkada?...o Pamilya!
Ni Apolinario Villalobos

Palaging napapag-alamang ang mga kabataang naliligaw ng landas ay inaakay pala ng mga barkada. Ito ang mga kabataang tin-edyer na mas nagtitiwala sa mga kabarkada kaysa mga magulang nila. Bibihirang mga kabataan ang may tiwala sa kanilang mga magulang na sana ay nakakaalam ng kanilang mga problema. Ang mga kabataang ito ay nasa yugto ng kanilang buhay kung saan ay nalilito sila dahil sa alanganin nilang kalagayan – HINDI NA sila bata na nakukuha sa pag-aalo, paglalambing, o pang-uuto ng mga magulang o nakakatandang kapatid, subalit  WALA PA RIN SILA sa tamang gulang upang magpasya para sa kanilang sarili. Kaya ang ginagawa na lang nila ay tumakbo sa kanilang mga kabarkada na kasing-gulang nila upang magkaroon ng “kakampi”.

Subalit iba ang kuwento kapag ang isang tao ay nasa wastong gulang na pero mas matimbang pa sa kanya ang kanyang barkada kaysa magulang at mga kapatid. Hindi maiiwasang magkaroon ng problema sa loob ng pamamahay sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya na normal namang nangyayari. Pero kapag labis na ang nakikitang problema sa mga magulang halimbawa, dahil sa hindi nila magandang ugali o di kaya ay masamang bisyo, hindi mapipigilan ng isang anak na maghimutok at maghanap ng mapagpahingahan niya ng sama ng loob, na makikita niya sa katauhan ng isang barkada.

Ang isang halimbawa ng sitwasyong nabanggit ay tungkol sa isang taong nag-aabrod ng mahigit isang taon at umuuwi lamang upang magbakasyon ng dalawa o tatlong buwan. Tuwing uuwi ay hindi siya nakikitaan ng excitement dahill makakapiling uli niya ang kanyang mga magulang at mga kapatid. Nakilala ko siya dahil barkada siya ng isa kong pamangkin. Ayon sa taong ito, mula at sapol nang siya ay magtrabaho sa ibang bansa, wala nang alam na ipaabot sa kanya ang kanyang mga magulang at mga kapatid kundi huwag kalimutan ang kanilang pasalubong. Ni minsan ay hindi man lang daw niya naringgan ang mga ito ng mga salitang, “…mag-ingat ka sa biyahe mo pauwi”.

Kapag sumalubong daw sila sa airport ay pinipilit pa siyang mamili muna sa Tourist Duty Free Shop kahit pa sabihin niyang mag-SM na lang para makatipid. Hindi pa sila diretsong uuwi dahil kahit dis-oras na ng gabi ay maghahanap pa sila ng makakainang mahal na restaurant. Ang inaasahan niyang hindi nangyayari ay uuwi sana agad sila upang makapagpahinga siya at kakain ng paborito niyang pagkain na dapat sana ay iniluto ng kanyang nanay. At ang nangyayari pa, tuwing uuwi siya, sa loob ng dalawang araw ay halos pamimili daw ang ginagawa nila.

May kuwento pa ang kaibigan ng pamangkin ko na pinilit daw siya ng kanyang nanay na bumili ng isang condo…investment daw. Yon pala ay humabol lang ang nanay niya sa komisyon na makukuha dahil ang ahente ay kumare niya! Ang nakatira sa condo pagkatapos mabayaran ay mag-asawang kaibigan ng kanyang nanay na taga-Germany…libre, dahil sila naman daw ang tinitirhan ng nanay niya kapag bumisita siya sa Germany. Madalas ding patirhan ng nanay niya ang condo sa mga kamag-anak na balikbayan ng kanyang mga amiga. Ang pinakamasakit, nang pilitin niyang kunin ang papeles ng condo, ayaw ibigay ng nanay niya…yon pala, nakapangalan ito sa kanila ng tatay niya, at hindi sa kanya!

Nang tinanong ko ang kaibigan ng pamangkin ko kung may naipon siya sa bangko, ang sabi ay meron naman daw….Php80,000.00! Anim na taon na siyang nagtatrabaho sa Saudi…

Nitong huling pag-uwi ng taong tinutukoy ko, pinagpilitan niyang “magbakasyon” sa bahay ng barkada niya – sa pamangkin ko,  “for a change” daw. Dahil sa desisyon niya, sa airport pa lang ay nagtalo na sila ng nanay niya subalit wala itong magawa, kaya pagkatapos maibigay ang mga pasalubong na nakahiwalay ng lagayan ay sumakay na siya ng taxi papunta sa bahay ng kanyang barkada.





0

Posted on Sunday, 14 February 2016

Farewell…Eboy
(for Eboy Jovida)
By Apolinario Villalobos

In this world you’ve ceased to live
But in our heart and mind
You shall linger with a smile -
And, it shall never fade in time.

You’ve tried to be the best you could -
Husband, father… friend
In songs you have crooned
Even the calm you well feigned.

Farewell…to the best father, farewell!
Friend, you’re a delight
Ride on the glory of our love
As you journey towards that Light! 







0

Beyond the Horizon (for my great friend...Eboy Jovida)

Posted on Friday, 12 February 2016

Beyond the Horizon
(for my great friend… Eboy Jovida)
By Apolinario Villalobos

Just when you thought
The one step you have taken
Is your last
Do not despair.
Beyond the horizon
Are streaks of hope
That beckon
Pulling you
Towards a new dawn
Where life is not like
What you have been living
In the days that passed.
Beyond the horizon are challenges
That dare
Prodding you
To go on farther
Just be tough
In facing the world
That wallows in greed and lust
Be strong and you’ll make it –
Just don’t give up.


0

Precious Moments with a Great Friend...Eboy Jovida

Precious Moments
with a Great Friend…Eboy Jovida ()
By Apolinario Villalobos

The night of February 11, I had a vivid dream….Eboy was holding my book, “Beyond the Horizon”, opened to the page of the poem with the same title. He told me that we could convert it into a haunting song because of its message. As it was a poem, I told him that some lines need to be to be redone to jive with the melody that he was humming. While I was bringing out the laptop from my backpack, he was gone. As I was used to having dreams, I disregarded it, until I opened my emails at 3AM, February 12. What immediately caught my eyes was a message from Ate Mai with a subject that spelled the real name of Eboy with a cross in parenthesis. Even without reading what the message was all about, I had a strong premonition that it was not just good….he’s gone.

Eboy was a great guy. Despite his being bedridden, he always had a time spent in reading my blogs and he saw to it that he could at least let me know that he was following me by typing, “great, Bot”. Twice, he typed rumbled letters which I tried to decipher with difficulty. In our PMs, he told me that he was alright. If he could not send comments, he would indicate the “like”, and that was a good sign for me that everything was indeed, alright.

Moments with him a little more than a year before  he and his family relocated to the States were serious and hilarious. As I was yet able to indulge in rounds of alcoholic drinks during the time, we would enjoy bottles of beer in their home in a subdivision in Habay, Bacoor while singing American folk songs to our hearts content. If he got tired of plucking the guitar, I would take over with my strumming. Being musician by heart, he would provide the “second voice”. Our favorite was, “The Boxer” by Simon and Garfunkel. If we became melancholic, he would bring out his flute for which I provided plucked notes in the guitar as a background. Sometimes, I would bring my harmonica on which I would play “Wooden Heart”, and he would distort the lyrics, while singing them, to make the song funny.

One time, while enjoying our rounds of beer, there was a heavy downpour. We looked at each other and almost simultaneously said, “ligo tayo sa ulan”. He lent me one of his shorts and we dashed outside to enjoy the rain.  During my visits, Aileen, his pretty wife, would be in the office and the kids would be in school. But I was lucky one day, when Aileen was at home during which she cooked my favorite “laswa”, a Visayan veggie dish. Those visits were what Eboy recalled when he sent me a long message, several days before his operation.

I usually do not join exchanges of thumb ups and messages via the PAL pools that Ate Mai organized, though I would monitor them as I preferred to send personal/private messages to Eboy. The last reply I got from him was a thumb up. From then on, he stopped sending me such reply. I had a feeling something went awry when I read a message that he was brought back to the ICU….


0

A Friend Gave Life to My Blogging

Posted on Sunday, 10 January 2016

A Friend Gave Life to My Blogging
By Apolinario Villalobos

A friend who is also a blogger in her own right, based in the United States, but a Filipina, gave life to my blogging when she gave me her smart phone, after finding out that I have no camera which should be an important tool of a blogger. I told her that most of my blogs need no photo to support them.

It took me a very long time before finally deciding to use the cellphone, but only its camera because it has not yet been “opened” for local use, being registered with a Telcos in America. Most especially, I have no heart in spending a big amount just for that purpose because I am very much comfortable with my old basic phone.

Of late, I found out that the cellphone is indeed a big help in supporting my blogs, especially, events such the recent Feast of the Black Nazarene of Quiapo. Also, for people with amazing and inspiring virtues, so that viewers will know how they look like – such as having a seasoned face due to hard work, stooped body due to almost 24/7 toil for the much needed cash, and also for strange sounding names of food. But the said contraption is still a no-no for my random acts of charity.

When the same friend read the blog about my laptop lacking a key cover for letter “M”, she immediately sent me a message of her plan to send over a laptop which I respectfully declined because I have no habit of getting rid of things that are still useful to me.


My friend is Perla Buhay….by the way, for foreign viewers, “buhay” means “life”. Coincidence?...God works in many splendid ways. Perla also gives life to her financially “dying” relatives and friends, also intellectual nutrients to children “starving” for knowledge with her book donations. So now, viewers know why I keep on praising the All-Knowing God although, I criticize to high heavens His people on earth who “badly manage” churches and manipulate the faith of innocent people.

0

Dialogue namin ng isang Makulit na "Kaibigan" tungkol sa Blogging...(ito ang sagot kung bakit may mga nagba-blog)

Posted on Tuesday, 5 January 2016

Dialogue namin ng isang Makulit na “Kaibigan”
Tungkol sa Blogging
(ito ang sagot kung bakit may mga nagba-blog)
Ni Apolinario Villalobos

Ang nakaganda sa ginagawa kong pagba-blog ay nai-exercise nito ang utak ko upang hindi agad ako maging ulyanin. Hindi ko kasi kaya ang mga larong “candy crusher” at crossword puzzle sa cellphone o computer. Ang mga disadvantages naman ay ang pagbalik ng sakit kong carpal tunnel syndrome (CTS) na sanhi ng pamamanhid ng mga daliri ko, pagtaas ng blood pressure kung ang isinusulat ko ay tungkol sa pulitika, at ang pag-isipan akong kumikita sa mga sinusulat ko dahil akala ng iba ay bayaran ako ng ilang pulitiko na may gustong siraing kapwa pulitiko.

Ang sumusunod ay dialogue namin ng isang makulit na ay maurirat pa, na akala ko ay isang matalinong “kaibigan”. Naganap ang pag-uusap namin sa kapihan ng isang mall:

Makulit:   Pare, balita ko namumutiktik na ang internet sa blog mo.  Nakakainggit ka.

Ako:   Eh, di magsulat ka rin.

Makulit:   Hindi ko kaya, eh. At alam mo namang hindi ako nag-iinternet o nagpi-facebook. Kaya yon ngang sinasabing pagbukas man lang ng computer sa bahay ay hindi ko alam. Mga anak ko lang ang gumagamit noon. Si Misis nga eh, galit din sa computer. (Naalala kong binanggit nga niya ito noon, kaya mabuti na lang din dahil kung may facebook siya, hindi ko ito maiba-blog).

Ako:   Eh, di huwag ka na lang maiinggit sa akin dahil marami ka namang ginagawang pinagkikitaan. Sobrang yaman mo na nga, eh. Sana ay marami ka pang kitain. Pasalamat ka sa Diyos dahil sa grasya.

Makulit:   (medyo napangiwi, pagkarinig ng “Diyos”) Siyanga pala, pare, ang sabi nila pinagkikitaan din ang pag-blog. Yong iba alam kong binabayaran upang manira ng ibang tao. (Muntik na akong mabilaukan ng kape sa huling sinabi niya, dahil kulang na lang ay sabihin niyang bayaran ako.)

Ako:   Yong iba siguro. Sa kaso ko naman, wala akong pinipili dahil basta may mali, pinupuna ko at hindi paninira yon dahil ang ang sini-share ko ay alam na rin naman ng iba, pero sinasarili lang nila. Hindi ko naman kayang ipunin sa dibdib ang mga dapat kong i-share dahil baka sumabog ako sa sobrang himutok.

Makulit:   Paano ang gastos mo sa blogging?

Ako:   Mga oras lang yon na nagamit naman sa tama. At least hindi ako basta nakatunganga lang o nangungulit. (Paramdam ang huli kong sinabi upang sana ay tumigil na siya, pero tuloy pa rin.)

Makulit:   May banta ka na ba sa buhay?

Ako:   Secret. Pero mas malaking banta sa buhay ko ang pagtaas ng blood pressure dahil sa mga taong walang alam gawin kundi mangulit sa akin kaya naiinis ako. (Hindi pa rin niya naramdaman ang pagtumbok na ginawa ko dahil tuloy pa rin siya sa pangungulit.)

Makulit:   I-share mo naman yong tungkol sa mga project mo sa mga iskwater.

Ako:   Huwag na. Pero kung magdo-donate ka o tutulong sa pagpapa-aral ng mga bata, marami kang malalaman.

Makulit:   (Tumahimik siya sandali nang marinig ang mga salitang “donate” at “tulong”). Good luck na lang sa mga project mo, pare.

Ako:   (Nakakita ako ng pagkakataong mangulit naman sa kanya.) Hindi pare. Palagay ko bilang kababayang Pilipino dapat tumulong ka rin sa kapwa mo, mabawasan man lang ang “dirty money” mo. (Mabuti na lang hindi naintindihan kung ano ang ibig kong sabihin sa “dirty money”, dahil alam kong may mga illegal siyang transaction kaya biglang yumaman. Akala niya sa “dirty money” ay okey dahil siya ay tinawag ko noong “filthy rich” na okey lang ang ibig sabihin, ganoong sa Pilipino, ito ay katumbas ng “maruming mayaman”.)

Makulit:   Next time na lang pare, at good luck uli sa mga ginagawa mo sa mga iskwater. Siyanga pala, si Misis nasa supermarket sa ibaba, pupuntahan ko baka tapos na siyang mamili. Usap na lang tayo uli. (Dali-daling siyang tumayo.)

Ako:   Teka pare, ano nga pala ang itatanong mo?

Makulit:   Text ko na lang sa iyo.

Nagpasalamat ako sa huling pag-uusap namin ng “kaibigan” ko dahil nabisto kong allergic pala siya sa salitang “donate” o tulong, kaya sa susunod, sa simula pa lang ng usapan namin ay pariringgan ko na siya ng mga ganoong salita.

Paalala lang sa makakabasa na ang blogging ay hindi palaging pinagkikitaan. Ito ay sakripisyo sa panig ng nagba-blog lalo na kung ang sinusulat niya ay tungkol sa maling nagaganap sa paligid, kaya hindi dapat pag-isipan na ang taong maraming blogs ay marami ding pera. Ang mga nagbaba-blog ay mahilig lang talagang makibahagi ng kanilang saloobin sa pamamagitan ng pagsusulat ng sanaysay, kuwento o tula. Huwag ding akalaing mayabang ang mga bloggers, dahil kung tutuusin, namemeligro pa nga ang kanilang buhay lalo na kung tungkol sa pulitika ang kanilang sinusulat. Pero bilang dagdag-kaalaman, kumikita lamang ang mga blogger kung papasukan ng advertisements ang kanilang sites, na kalimitan ay tungkol sa fashion, shopping, cooking, travel , sports, at makabagong gadgets. Ang mga blogs ko ay hindi tungkol sa mga nabanggit na paksa.

0

Mga Mapagkunwaring hindi "raw" Nakikialam sa Buhay ng Iba...subali't matindi kung Manlibak

Posted on Monday, 30 March 2015



Mga Mapagkunwaring hindi “raw” Nakikialam sa Buhay ng Iba
….subalit, Matindi kung Manlibak
Ni Apolinario Villalobos

Naniniwala ako sa kasabihang, kailangan natin ng isang salamin upang makita ang dumi sa ating mukha. Sa ating buhay, ang salamin ay ibang tao na magsasabi sa atin ng ating pagkakamali. Kaya para sa akin, ang magbigay ng payo o magpuna ng pagkakamali ng iba ay hindi pakikialam, bagkus ay pagtulong upang maiwasto kung ano man ang dapat iwasto sa kanyang sinabi o ginawa. Hindi yong, kung kaylan siya nakatalikod ay saka magkukuwento sa iba na isang panlilibak.

Isang halimbawa ay kaibigan kong walang sinasabi kung kaharap ang kumare niyang maraming anak na halos ay naghahagdan na sa dami. Subalit kung wala na ito ay saka naman magsasalita ng mga hindi magandang pakinggan tulad ng pangungutang nito o di kaya ay pagpalya ng pamilya nito sa pagkain dahil wala man lang bigas na maisaing – lahat itinitsismis niya sa ibang tao, pati na sa akin kaya nalaman ko. Sa tagal ng kanilang samahan ay hindi man lang niya napayuhan ang kumare niyang maghinay-hinay sa pagpabuntis sa asawa nitong pa-sideline sideline lang ang trabaho. Para kasi sa kanya ay isang pakikialam ang magbigay ng payo sa kanyang kumare tungkol sa pagbubuntis nito. Baka daw kasi sagutin siya na baka naiinggit lang siya!

Sa isang party naman, may isang babaeng dumalo na kaibigan ng kausap ko. Nagulat ako nang mapansin kong parang nakakalat ang kanyang pulang lipstick. Sinabihan ko ang kaibigan kong bulungan ang kaibigan niya na kinawayan lang nito. Ang paliwanag ng kausap ko ay baka sabihin daw ng kaibigan ko na “usisera” siya, kaya hinayaan na lang niya kahit pinagtatawanan na ang kaibigan niya. Sinadya ko na lang sabayan ang babaeng nakakalat ang lipstick upang bulungan na tsekin ang kanyang lipstick dahil “parang kumalat”. Sinamahan ko siya sa isang tabi kung saan ay naglabas siya ng maliit na salamin habang hawak ko ang kanyang pinggan. Pagkatapos ay pabirong nagsabi na gawang Tsina daw kasi ang lipstick…nagtawanan na lang kami. Nalaman kong marami palang karinderya ang babae, masuwerte sa negosyo kaya kinainggitan siguro ng kaibigan niya niya na umaasa lang sa kita ng asawang drayber ng taksi. Nagkaroon tuloy ako ng pagkakataon na maimbita siyang tumulong sa grupo namin.

Isa namang kumpare ko ang madalas magreklamo tungkol sa katamaran ng kanyang manugang na babae, na sabi niya ay parang hindi babae dahil walang alam sa mga gawaing bahay. Ang payo ko sa kanya ay kausapin ang anak niya at asawa nito, subalit sinagot niya ako ng,  “ayaw ko, bahala sila sa buhay nila”. Binuweltahan ko siya ng, “ganoon pala, bakit ka naghihimutok, at sinisiraan mo pa sila sa akin?”. Sa bandang huli, dahil mga inaanak ko naman sa kasal ang tinutukoy niya ay ako na ang kumausap…at nakinig naman. Nang pasyalan ko uli sila, ang manugang na niya ang nagluluto para sa kanila.

Noong panahong lumala ang diktatorya ni Marcos, kung hindi nakialam ang mga Pilipino na naging dahilan ng pagkaroon ng People Power Revolution sa EDSA, ano kaya ang nangyari ngayon? Kung hindi seryoso sa pakialam ang mga korte sa mga anomalyang nangyayari sa gobyerno ngayon kahit pa sabihing trabaho nila, mabubulgar kaya ang mga nakawang ginagawa ng mga ibinoto sa puwesto? Kung hindi pursigidong makialam ang ibang mga senador na ibulgar ang ginagawa ng mga kawatang opisyal kahit sabihin pa ring trabaho nila, paano na lang kaya? Kung hindi sa pakikialam ng mga tao sa media, mabibisto ba ang mga anomalya sa gobyerno? Kung hindi nakialam si Hesus sa sangkatauhan na humantong sa pagligtas niya dito mula sa unang kasalanan, ano kaya ang nangyari?

May isang hindi ko makalimutang comment ng kaibigan. Ang sabi niya, baka kung makialam daw siya sa iba, baka umasenso pa ang mga ito at malampasan siya, kaya bahala na lang sila sa buhay nila! Ayaw kong banggitin ang religion niya, dahil baka magtatalo ang mga readers…

0

A New-Found Friend and A Lesson on Friendship

Posted on Friday, 1 August 2014



A New-Found Friend
And A Lesson On Friendship
By Apolinario Villalobos

About six months ago, I was surprised to find a message in my email from a guy whose username was not familiar to me. It came from a viewer who happened to come across my posts in the internet. The message was short, just a simple encouragement, adding that he discovered my posts while browsing the web using a certain tag.  After I acknowledged his first message and thanked him for the encouragement, he regularly sent me emails from then on, with unsolicited advices, some containing pointers on how to reach out to other viewers.

He liked my poems about the people I met and my frank dissertations on politics. He said, he was based in Canada and also into poetry writing, and in fact, has been planning to have his third collection published as an e-book. I found out, too, that he used to work with the Ministry of Human Settlement during the Marcos administration, but gave me assurance that my calling the late President a dictator was alright. In fact, in his old age, he thought that the dictator’s government was far better than the corruption-riddled republic we have now, reason why he chose to retire in Canada.

Some of his short messages with unsolicited advices were about viewers of posts in general, based on his experience as a struggling blogger on facebook. He told me to prepare myself for some nasty comments on my posts. I told him that so far I received none. He shared his discouraging experience about his friends who did not support him… but instead, would just “peek” to check how far he had gone in gaining popularity which was shown in “likes” and “shares” of his posts.

Later, he posted short poems as captions of the photos. Much later, he tried posting reviews on movies and books which gained viewers, too, but only few from among those whom he really expected. At the time, he opened other sites for his works which gained viewers in no time, especially, the photos captioned with poems. The encouraging result, made him try to post long dissertations which also gained viewers.

I have read in a book on psychology what my friend told me. I thought he hit the nail on the head. He got a point in a way, because according to what I read, as applied in his case, if his friends are  “real” friends, they could have somehow helped him, by sending a personal message with their suggestion or honest comment, be they negative or not. These comments could have helped him know if he was doing the right thing or not. Most importantly, the comments could have enhanced what had been shared by him. On the other hand, based on my own experience, the real intention of commenting viewers can be sensed in “how” they state opinions. In more open sites, bashers have a grand time in ridiculing blogs by posting even nonsensical comments. Fortunately, the facebook is a tamer site as viewers are “friends”.

I told my friend, that I did not expect many viewers in facebook, and that all I wanted was just to express myself, and in fact, been fortunate to have appreciative viewers. This time, I shared with him what I realized that some viewers are just such – viewers, not readers, so that long discourses are not for them, as they just expect to view “photos” or framed anecdotes to have a semblance of “photos”, aside from of course, real photos. I joked that perhaps, his friends had no patience in reading long “discourses” or that poems are not just for them.

It’s a good thing that I met my new-found friend because with his persuasion, I opened the other sites for my blogs and found out that there are also other people – strangers, who appreciate my works. He is the kind of a friend who, though newly-found, showed concern and support. He is another lesson on friendship. Despite his being a stranger, he unselfishly shared his experiences with me, sensing that I am serious in what I am doing. He widened my view on this kind of relationship. He confirmed what I thought ever since, that indeed, there are many kinds of friends, and among them are those whose sincerity can be enclosed in quotation marks or tagged with a question mark.

Still on this issue of “friendship” is another case of my friend who opened a small eatery. During the first several weeks of her business, almost every day her “friends” poured in to give encouragement. Months later, when her business began to pick up, only a few of her “friends” kept on paying her visits and continued giving her encouragement. Some eventually stopped their visits, with one even heard making unsavory remark about her business which was obviously, a show of envy.

I am not alone in persistently writing about friendship. Books are written about it. Friendship is very important as it serves as the foundation of other positive relationships among people. Every relationship starts with friendship, followed by trust….finally, love.