Ang Salamin...
Posted on Wednesday, 8 June 2016
ANG SALAMIN…
Ni Apolinario Villalobos
HINDI NATIN
NAKIKITA ANG ATING SARILI KAYA KAILANGAN NATIN ANG SALAMIN NA MAGPAPAKITA SA
ATIN NG MGA DUMI NATIN SA MUKHA. ANG SALAMIN NA ITO AY ANG ATING KAPALIGIRAN
KUNG SAAN AY MARAMI TAYONG MAKIKITANG MGA PANGYAYARI, MABUTI AT MASAMA NA
MAAARI NATING NAGAWA. SALAMIN DIN ANG IBANG TAO NA NAGSASABI SA ATIN NG
DIRETSAHAN O NAGPAPAHIWATIG SA PAMAMAGITAN NG KANILANG KILOS AT MGA PINO-POST
SA FACEBOOK AT IBA PANG SOCIAL MEDIA KUNG ANO ANG ATING MGA PAGKAKAMALING DAPAT
BAGUHIN.
KAYA, HUWAG
MAGALIT KUNG TAYO AY NATUMBOK….SA HALIP AY MAGPASALAMAT PA NGA DAHIL SINABIHAN
NILA TAYONG “MAY DUMI TAYO SA MUKHA”.
MAY PROBLEMA ANG
IBA NA ANG TINGIN NILA SA SARILI NILA AY PERPEKTO KAYA HINDI SILA MAAARING
MAGKAMALI. DAHIL DIYAN, FEELING NILA HINDI SILA DAPAT “PAGSABIHAN” NG
DIRETSAHAN O SA PAMAMAGITAN NG MGA PAHIWATIG….SILA ANG MGA TAONG MAY MATAAS NA
PRIDE!
MAS NAKAKABILIB
ANG TAONG UMAAMIN NG MGA NAGAWA NIYANG
PAGKAKAMALI AT KUNG ANO ANG
KANYANG MGA KAHINAAN AT HINDI KAYANG GAWIN KAYA MAPAGPAKUMBABA NIYANG
PINAPAUBAYA NIYA ITO SA IBA…PAGPAPAKITA NA HINDI SIYA SUWAPANG.
ANG GANITONG
PAALALA NA PALAGING BINABANGGIT SA MGA SEMINAR AT NG MGA MATATANDA AY PALAGING
NAKAKALIMUTAN NG MARAMI…KAYA PALAGING MAY PROBLEMA ANG ATING BANSA.
SA PUNTONG YAN
DAPAT SUMENTRO ANG PAGBABAGO NG MGA PILIPINO PARA SA IKABUBUTI NG ATING BANSA!
Discussion