Ang Ba Talaga ang Papel ng Department of Health (DOH)?
Posted on Tuesday, 28 June 2016
Ano Ba Talaga ang
Papel ng Department of Health (DOH)?
Ni Apolinario Villalobos
Nagbitaw na naman ng deklasrasyon ang isang
Dr. Go ng Department of Health (DOH) tungkol sa dahon ng guyabano na kapag
ginawang tsaa ay makakasira daw ng kidney o bato, ayon sa isang brodkaster ng
isang radio station. Ang isyu lang naman dapat ay tungkol sa isang naka-pack na
produkto na guyabano juice concentrate na pinaghinalaang peke dahil walang
detalyadong impormasyon dito kaya pinag-iingat ang publiko. Subalit sa hindi
malamang dahilan, pati ang dahon ng guyabano na matagal nang ginagamit hindi
lang ng mga mga Pilipino kundi pati na
ng mga taga-ibang bansa ay pinakialaman.
Ang impormasyon tungkol sa bisa ng guyabano
ay alam na ng mga katutubo ng Amazon (south America) bago pa man dumating ang
mga taga-Europe na sumakop sa kanila. Mismong mga taga-Europe ay gumawa ng
katalugo ng mga halamang gamot na makikita sa kagubatan ng Amazon, at kasama
diyan ang guyabano. Dahil diyan, may kung ilang dekadang pinag-aralan ng mga
may pinag-aralang scientists daw na kunektado sa mga komersiyal na laboratoryo ang
pagkopya ng mga elemento at sustansiya sa tanim na ito subalit nabigo sila.
Nang panahong yon ay talagang mistulang nagkaroon ng blackout sa impormasyon
tungkol sa guyabano kaya hindi ito nakakalabas sa South America. Pumutok lamang
ito nang ilathala sa internet ng mga nakadanas ng kalunasan mula sa tanim. Kaya
dahil sa animo ay napahiya, hinayaan na lamang ng mga ganid na interesadong
masolo ang pakinabang sa guyabano.
Dahil sa tinuran ng isang Dr. Go na
taga-DOH, para na rin niyang sinabi na ang iba pang halaman na itinuturing na
nakakagamot tulad ng banaba, lagundi, tawa-tawa, bayabas, mangga, at marami
pang iba na nakikita saan mang sulok ng Pilipinas ay nakakasira din ng kidney.
Baka gusto niyang isama pa diyan ang tanglad na tulad ng guyabano ay
itinuturing din na wonder herb dahil nagagamit ding panlaban sa kanser.
Ang isang kapalpakan ng sistema sa
Pilipinas na may kinalaman ang DOH ay ang paglagay pa ng disclaimers sa mga
pakete ng mga halamang gamot na nagsasabing hindi sila gamot at hindi
nakakagamot ng anumang sakit. At, ang nakakatawa, ito ay binabanggit sa
komersiyal, pagkatapos ng testimonya ng taong napagaling ng ina-advertize na
halamang gamot. Bakit pinagastos pa ang gumawa ng gamot sa pag-advertise ganoong
may ipinilit sa kanilang disclaimer? Ito ang isa sa mga kahangalan ng mga
makabagong kaalaman daw na natutunan sa mga eskwelahan! At, yan ang isa sa mga
matinding pagkukunwari ng sistema sa larangan ng “makabagong medisina” na ang
inaasahan ay mga artispisyal na gamot o synthetic kaya hindi nalulusaw sa loob
ng katawan at nadedeposito sa kidney, na siya namang tunay na dahilan ng
pagkasira nito.
MARAMI ANG NAKAKALIGTAANG GAWIN NG DOH
TULAD NG MGA SUMUSUNOD:
·
HINAYAANG MABULOK ANG FABELLA
CENTER UPANG BANDANG HULI AY MAKITANG DELIKADO NANG GAMITIN, AT UPANG
MAPAKINABANGAN DAW AY KAILANGANG IBENTA – GAWING PERA….KANINO?...EH DI, SA MGA
DEVELOPERS KAYA ASAHAN ANG PAGSULPOT SA LUGAR NA YAN NG CONDO/COMMERCIAL
BUILDING O ISA PANG MALL UPANG TABIHAN ANG ISA PANG MALL NA SIYANG KALAKARAN NG
NEGOSYO SA PILIPINAS. PWEDE NAMANG AYUSIN ANG FABELLA CENTER TULAD NG
PAG-RETROFIT GAYA NG GINAGAWA SA NATIONAL LIBRARY OF THE PHILIPPINES, PERO
BAKIT HINDI GINAWA? ANG FABELLA CENTER AY NASA GITNA NG MAHIRAP NA KOMUNIDAD NA
NANGANGAILANGAN NG SERBISYO NITO KAYA DAHIL SA NANGYARING KAPALPAKAN, ASAHAN NA
ANG PAGLOBO NG MAS LALONG PAGHIHIRAP NG MGA MANGANGANAK NA WALANG PAMBAYAD SA
MGA OSPITAL…AT PAGKAMATAY NG MGA SANGGOL NA PINAPANGANAK SA MGA BANGKETA AT
DEPRESSED AREAS.
·
HINDI IPINAGLABAN ANG MAGNA
CARTA NG MGA NURSES NA AKALA NI PNOY AQUINO AY TUNGKOL LANG SA SUWELDO, KAYA
HINDI NIYA ITO PINIRMAHAN, GANOONG NAKAPALOOB DITO ANG IBA PANG MAHAHALAGANG
BAGAY NA MAY KINALAMAN SA PAGPAPAHALAGA AT PAGPROTEKTA NG PROPESYONG NURSING.
·
HINDI PAGPATIGIL SA PAGGAMIT NG
MGA NAKALALASONG PRESERVATIVES SA MGA SARIWANG ISDA, GULAY AT PRUTAS SA
PALENGKE. KAYA ANG NABIBILI TULAD NG TALONG AT KAMATIS NA SARIWANG TINGNAN SA
LABAS DAHIL MAKINTAB AY BULOK NA PALA SA LOOB; ANG MGA ISDA NA PULA NGA ANG
HASANG AT MATIGAS PERO KAPAG INILUTO NA AY NADUDUROG NAMAN AGAD; ANG TINADTAD
NA LANGKANG PANGGULAY AT PUSO NG SAGING NA PABORITO NG MGA PILIPINO AY
IBINABABAD DIN SA GAMOT UPANG MANATILING SARIWA, PERO MAHIRAP PALAMBUTIN KAHIT
ISANG ORAS O MAHIGIT PANG PINAKULUAN AT MAPAIT ANG LASA. MAY MGA STAFF NAMAN
ANG AHENSIYANG ITO NA NAMAMALENGKE KAYA
HINDI PWEDENG HINDI NILA ALAM ANG MGA NANGYAYARI, AT MISMONG MGA OPISYAL AY
GANOON DIN DAHIL ANG ESKANDALONG ITO AY PALAGING NIREREPORT SA RADYO, PERO WALA
SILANG AKSYON.
·
ANG MGA HEALTH CENTER SA
BARANGAY AY KULANG NG MGA HEALTH WORKERS. MALIIT NA NGA ANG ALLOWANCE AY INIPIT
PA ANG PAGDAGDAG NG MGA TAUHAN KAYA INI-ISKEDYUL ANG PAG-REPORT NILA SA MGA
BARANGAY DAHIL NAGLALAGARE SILA SA IBA PANG BARANGAY. AT, HINDI RIN NAISIP NG
DOH NA ANG AMBULANSIYA SA MGA BARANGAY AY DAPAT NASA PANGANGASIWA NG HEALTH
CENTER DAHIL ANG MGA BARANGAY AY MAY SARILI NAMANG MGA SASAKYAN NA ANG IBA NGA
AY AIRCON PA. ANO BA ANG GAMIT NG AMBULANSIYA?....AT SA ANONG AHENSIYA
NAKAPAILALIM ANG HEALTH CENTERS?
Dahil sa walang pakundangang pagsasalita ng
isang Dr. Go ng DOH laban sa guyabano, siguradong magkakawing-kawing na ang
negatibong epekto nito sa mga Pilipinong naniniwala sa mga naririnig nila sa radyo.
Yan ba ang gustong papelin ng DOH?
Discussion