0

Mahirap ang Maging Prangka o Magkaroon ng Sariling Style sa Pagsulat

Posted on Wednesday, 29 June 2016

Mahirap ang Maging Prangka
O Magkaroon ng Sariling Style sa Pagsulat
Ni Apolinario Villalobos

Masarap sanang maglabas ng mga saloobin o nilalaman ng diwa. Nakakapag-alala lang ang mga taong “masasagasaan” na sasama ang loob kung sila ay matutumbok kahit hindi sinasadya. Halimbawa na lang ay ang mga may tema ng tungkol sa ugali, trabaho at pulitika.

May mga nagtatanong naman kung bakit daw wala man lang akong kino-quote na mga kilalang tao, lalo na mga banyagang manunulat upang palabasing nabasa ko ang mga isinulat o sinabi nila. Ang sagot ko sa kanila, bilang isang blogger, ay mga sarili kong ideya ang dapat kong i-share dahil ang style ko ay editorial. Hindi ako pwedeng magpuna o mag-criticize gamit ang ideya ng ibang tao…ganoon lang ka-simple, dahil inaako ko ang responsibilidad sa pagbatikos na dapat ay hindi batay sa iniisip ng ibang tao, maliban lang sa mga sinasabi sa Bibliya.

Ang mga topic ko ay resulta ng pagmamasid o observations ko sa aking kapaligiran, kaya hindi ko kailangang magbanggit ng mga pangalang kilala upang magpa-impress na ako ay “wide reader”. Kagaguhan nang magbanggit  halimbawa, ng isang Amerikanong green o ecology advocate upang maging batayan ng sarili kong damdamin tungkol sa walang patumanggang illegal logging sa Pilipinas.


 May naisulat na ako tungkol sa bagay na ito noon, subalit ginawa ko uli ngayon para palakasin ang loob ng mga nakausap kong nagba-blog din pero ayaw maglabas ng saloobin nila dahil takot iwanan ng mga “friends” daw at itakwil ng mga kamag-anak na matutumbok!

Discussion

Leave a response