Ang Bamboo Xylophone Band sa Roxas Boulevard (Manila)
Posted on Tuesday, 7 June 2016
Ang Bamboo
Xylophone Band
sa Roxas Boulevard
ni Apolinario Villalobos
Sa paglalakad sa Roxas Boulevard ay natawag
ang aking pansin sa mga nagkukumpulang tao at may narinig akong tugtog mula sa
isang instrument. Bigla kong naalala ang inusyuso kong bamboo xylophones na
tinugtog sa iniistambayan ng mga seafarers sa TM Kalaw. Noon ko pa gustong
makausap ang may-ari ng bamboo band tungkol sa grupo nila. Nang umagang yon ay
nagkaroon ako ng pagkakataong makausap ang may-ari mismo ng banda na si Doy
Tamparong at ang maganda niyang anak na si Anne. Habang tinutugtog ni Doy ang
isang xylophone, ang isang paa naman niya ay ginagamit naman sa tambol. Si Anne
naman ang tumutugtog ng isang xylophone. Marami na raw siyang naturuang
tumugtog ng xylophone at ang pinakahuli daw ay ang kanyang anak na si Anne na
palagi niyang kasama ngayon.
Taga-Pandacan sina Doy Tamparong at matagal
na raw silang tumutugtog. Ilang pista na rin ang kanilang tinugtugan at ang
nag-imbita pa ang mga opisyal. Inuupahan din daw sila upang tumugtog sa mga
birthday party. Kung tumugtog sila sa mga public areas ay naglalagay sila ng
garapon sa harap upang lagyan ng mga donasyon mula sa mga nasisiyahang usyuso.
Makokontak ng mga interesadong umupa ng
kanilang grupo si Anne sa cellphone niya: 09056886681.
Discussion