Sala sa Init...Sala sa Lamig (Kulang sa Init...Kulang sa Lamig)
Posted on Friday, 3 June 2016
Sala sa Init…Sala sa Lamig
(Kulang sa Init….Kulang sa Lamig)
Ni Apolinario Villalobos
Sinasabing dahil sa kapabayaan ng mga
nagdaang administrasyon, lumala ang korapsyon at krimen, nangarap ang mga
Pilipino ng isang lider na may kamay na bakal at seryoso sa pagpapatupad ng
batas. Ibinoto si Duterte na nakitaan ng pag-asa batay sa ginawa niya sa Davao.
Subalit hindi pa man nakakaupo ay binabatikos dahil sa “matitigas” niyang
sinasabi kung paanong masawata ang kriminalidad na siyang gusto ng bayan.
Ang “due process” na lalo pang pinalambot
ng “TRO” o temporary restraining order na iniisyu ng korte na minsan nang
pinagdudahang may katumbas na halaga, lalong dumami ang mga kasong hindi
nakitaan ng resulta at mga biktimang hindi nakatikim ng hustisya. Dahil diyan,
umalma ang taong bayan…inakusang korap na rin daw ang justice system sa
Pilipinas. Ilang mga tauhan ng gobyerno na ba ang nakakatakas sa
responsibilidad dahil sa problemang yan, at ang iba ay mga big time pang
sangkot sa droga? Sa kasamaang palad, itong “due process” na inabuso daw ang
binabalikan ng mga bumabatikos kay Duterte dahil sa sinabi niya tungkol sa
pagkapatay sa isang reporter sa Quiapo, ganoong ang palaging tinutukoy ng galit
niya na dapat mawala sa mundo ay ang mga drug lords, drug pusher, mga rapist,
gun-for-hire, at magnanakaw.
Ang hindi pa umuupong halal na presidente
ay hinahanapan na ng butas dahil sa kanyang mga pahayag. Sino ang may pakana
nito? Ayaw natin ng pabaya at malambot na presidente, ngayong magkakaroon na ng
isang may tapang, kung anu-ano naman ang binabato sa kanya dahil lang sa
katigasan niya at dahil ayaw niya ng paulit-ulit na tanong.
Kaya hirap umusad nang padiretso ang
Pilipinas ay dahil sa ugali nating yan….
Discussion