Mga Kawawang Filino Senior Citizens
Posted on Friday, 3 June 2016
Mga Kawawang
Filipino Senior Citizens
Ni Apolinario Villalobos
Nakakainis lang isipin na kung para sa mga
kurakot, ay may pera, pero kung sa mga may papalipas nang panahon- ang mga
senyor… dalawang libong piso na pandagdag sa pensiyon ay dinedbol pa ng papanaog
na presidenteng si Pnoy Aquino. Ironically, may panukala ang SSS na itaas ang
sahod ng mga executives nila, pero pumalag ito sa dalawang libong pisong dagdag
sa pensiyon ng mga miyembro dahil wala raw pondo. Hindi ba malaking insulto yan sa katalinuhan
ng mga Pilipino na palagi na lang ginagawang tanga ng mga hangal at tiwaling
namumuno sa ibang ahensiya ng gobyerno?
Hindi lang yan….napakarami pang mga senyor
ang mga “able”, may kakayahan, o malakas pa na magpakita ng gilas sa trabaho
pero hindi binibigyan ng pagkakataon dahil yon nga….senyor na raw kasi kaya
hindi na “dapat” magtrabaho. Paanong magkaganoon, kung ang retirement age ng
mga pulis at sundalo ay wala pang 60, at maraming lampas nang 65 na taon pero
maliksi pa sa ibang wala pang kwarenta na matamlay dahil ang alam lang na gawin
ay manood ng TV kung pumasok na ang mga anak sa eskwela at ang asawa ay sa
trabaho, o di kaya ay mag-casino, o mag-ball room dancing, o mag-good time lang
sa gabi.
Ang mga tumatandang magulang ay nahihiyang
“humingi” ng pera sa mga anak. Okey lang sana kung ang mga anak ay kapos din
kaya wala talagang maibigay. Subalit para sa mga pilosopo at walang utang na
loob na mga anak, obligasyon daw ng mga
magulang ang magpalaki sa mga anak, at least man lang, hanggang umabot sa legal
age na 18. Ang kaso lang, may mga magulang na nasobrahan na yata sa obligasyong
ito kaya hindi nila naisip ang sariling kapakanan pagdating ng katandaan nila
kaya walang naipon man lang habang pilit na iginagapang ang mga anak na ang
gustong kurso ay engineering, medicine, Law, etc. Nang maging propesyonal ang
mga walang utang na loob na anak, ang mga “mapagmahal” na mga magulang ay
naging pulubi naman kaya naiwang nakanganga!
Marami akong nakausap na mga matandang sa
kalye nakatira na pinalayas daw sila ng mga anak dahil sa panginginig ng kamay
nila ay nakakabasag sila ng gamit…pinalayas sila mula sa sarili nilang bahay ng
mga suwail na anak na titulado at may kotse na hindi man lang natikmang sakyan
ng matanda nilang magulang!
May mga nakausap din ako na ang mga
maintenance na gamot na tableta ay hinahati para ang isang piraso ay magkasya
sa dalawang araw. Mayroon ding walang pambili dahil ang pensiyon ay wala pang
tatlong libo isang buwan. Ang iba pa ay nahihiyang magsabi sa anak na palitan o
i-refund ang perang nadudukot upang maipambaon sa pagpasok ng apo sa eskwela,
kaya walang natitirang pambili ng gamot na pang-maintenance. Ang nakakaiyak ay
kuwento ng mga magulang na pinagtataguan ng pagkain ng mga anak, o di kaya ay
hindi man lang maipakilala sa mga bisita nilang sosyal!
Mabuti na lang dahil kahit papaano ay mga
establisemyento tulad ng SM Shoemart malls na nagbibigay sa mga senyor ng
trabaho bilang “Mall Receptionists”, at lunsod tulad ng Las Piἧas na
humihirang sa kanila upang maging street sweepers. Kaylan kaya susunod ang iba?
Discussion