Ang Mithiing Pagbabago (alay kay Rodrigo Duterte at sambayanang Pilipino)
Posted on Friday, 17 June 2016
Ang Mithiing
Pagbabago
(alay kay Rodrigo Duterte at sambayanang
Pilipino)
Ni Apolinario Villalobos
Kay daling
sambitin, katagang “pagbabago”
Marami ding
kahulugan ang tukoy nito:
Ugali na maaaring
lalo pang pasasamain
O kabutihan na
lalo pang paiigtingin;
Di kaya’y pagbago
ng tinatahak na landas-
Na maaring patungo
sa magandang bukas
O di kaya ay tungo
sa maahas na palanas!
Makakamit lang ang
minimithing pagbabago
Kung may pakikipagtulungan
ang mga tao
Dahil sila rin ang
dahilan ng mga pagsikap
Upang makamit ang
matagal nang pangarap;
Kaliwa’t kanang
batikos ay hindi dapat alintana
Dahil nasimulan
nang isulong ang isang panata
At paninindigan sa
ngalan ng napariwarang bansa!
Discussion