1

Huwag Maliitin si Duterte

Posted on Wednesday, 29 June 2016

Huwag Maliitin si Duterte
Ni Apolinario Villalobos

Noon pa man ay marami nang nagmamaliit kay Duterte dahil taga-Davao “lang” siya…mayor lang. Hirap din daw mag-Tagalog, at lalong higit ay maraming galit dahil sa kanyang pagmumura.

Si Duterte ay nakapag-aral sa Maynila, sa San Beda, mismong university Belt na hantad sa iba’t ibang uri ng buhay-lunsod. Siya mismo ang nagsabi na noong estudyante siya ay babad siya sa paborito niyang beer house sa kanto ng Mendiola at Legarda. Sa Maynila siya nagtapos ng pagka-abogado kaya hindi maaaring wala siyang alam kung paanong mamuhay sa Maynila nang may kahirapan dahil nagbo-boarding house lang din siya noon. Nabanggit ni Atty. Dulay, ang hinirang niyang mamumuno sa BIR, na magka-room mate sila noon sa isang boarding house.. Ang hindi lang niya inabot ay ang trapik at ang pagdami ng mga gusali sa iba’t ibang bahagi ng kalakhang Maynila. Subalit hindi nag-iba ang uri ng pamumuhay ng mahihirap, na siya niyang tinutumbok sa pag-upo niya bilang bagong presidente.

May tagapagsalita si Duterte sa katauhan ni Andanar, kaya hindi kailangang siya ay uriratin at biglang salubungin para lang sa isang “ambush interview”.  Tama lang ang pag-iingat ng kampo niya na nagsabing “less interview, less mistake” dahil ang madalas punahin sa kanya ay ang kanyang pagmumura at pagkaprangka na para sa ibang press people ay “mali” dahil nasasaktan sila. Ang gusto yata ng mga walang pakundangang press people ay kontrolin siya….nagkamali sila. Dahil yata sa sama ng loob, isang commentator sa isang radio station ay idinadaan sa pagpapatugtog ng kantang Ingles na may isang lyric na “lunatic”, ang intro ng kanyang programa.

Sa isang banda, hindi dapat bigyan ng masamang kahulugan ang sinabi ni Duterte tungkol sa pagpatay ng mga taga-media. Tama si Duterte na hindi lahat ng taga-media ay malinis o walang ginawang masama o hindi mamatay o maipapatay. Kung sa ibang pari ay nangyayari ito, pati na sa ibang namumuno ng bansa, bakit hindi sa taga-media?

Ang hirap sa ibang mga press people, dahil sa kagustuhang maka-scoop, lahat ay gagawin kaya kadalasan ay nagugulat ang mga kawawang name-misquote nilang mga opisyal kung mabasa na ang mga “sinasabi” nila sa diyaryo. Ngayong hindi na nila magagawa ito kay Duterte, masama ang loob nila.


Magbago sila ng style ngayong iba na ang presidente…

Discussion

  1. Ito ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
    mayocareclinic@gmail.com
    Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
    Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.

    ReplyDelete