Dapat Huwag Ibalik sa Dating Puwesto ang mga Guwardiya ng National Bilibid Prison
Posted on Sunday, 19 June 2016
Dapat Huwag Ibalik sa Dating Puwesto ang Mga Guwardiya
Ng National Bilibid Prison
Ni Apolinario Villalobos
Okey na sana ang planong pagtanggal sa
puwesto ng dating mga guwardiya ng National Bilibid Prison upang ipasa-ilalim
ng training. At, pansamantala ang papalit ay ang Special Action Force (SAF) ng
Philippine National Police (PNP). Subalit nang banggitin sa balita na ibabalik
din pala sa dati nilang puwesto ang mga guwardiya pagkatapos ng kanilang
training ay tila hindi maganda dahil ang mga sangkot sa mga katiwalian subalit
hindi naaktuhan kaya hindi rin nakasuhan ay SIGURADONG babalik sa dati nilang
ginagawa. Ano ang halaga ng “training” kung ikumpara sa libo-libong pisong pantukso
ng mga detinadong drug lords sa mga guwardiyang ang tinatanggap kada buwan ay
“suweldong gutom”?
Kung kamay na bakal ang paiiralin sa
Bilibid upang mapaayos ang sistema, dapat gawan ng pagbabago ang mga panukala
tungkol sa assignment ng mga guwardiya. Dapat isiping “operational” ang uri ng
trabaho ng mga guwardiya kaya maaari silang ilipat ayon sa pangangailangan ng
ahensiya. Ito lang ang paraan upang maging “patas” sa lahat ng mga guwardiya
ang desisyon – sa mga tiwali man pero hindi nahuli, at ang mga “malilinis” pero
ayaw makipagtulungan kaya tuloy sa pamamayagpag ang pag-operate ng mga drug
lords kahit nasa loob sila ng kulungan.
Hindi tanga ang mga Pilipinong
nagpapakahirap sa pagbayad ng buwis, upang pagpaniwalain na hindi alam ng LAHAT
sa loob ng Bilibid ang mga nangyayari. Kaya bilang parusa sa mga guwardiyang
ayaw makipagtulungan, nararapat lang ang paglipat sa kanila…na siyang
inaasahan!
Discussion