Showing posts with label National Bilibid Prison. Show all posts

0

Kung Bubuwagin ang National Bilibid Penitentiary, Isama na rin ang Iba Pang Ahensiyang Tadtad ng Korapsyon

Posted on Wednesday, 12 October 2016

KUNG BUBUWAGIN ANG NATIONAL BILIBID PENITETIARY
ISAMA NA RIN ANG IBA PANG AHENSIYANG TADTAD NG KORAPSYON
Ni Apolinario Villalobos

Ngayon lang ako bumilib sa Kongreso dahil sa panukala ng isang kinatawan na buwagin na ang National Bilibid Penitentiary upang maiwasan ang problema sa “tenure” ng mga korap na empleyado na protektado ng Civil Service Code. Maaari nga naman na ang ibigay na dahilan ay isyu ng korapsyong nagpaugat sa kalakalan ng droga sa loob nito, at maging sa labas, dahil nakakapag-operate pa rin ang drug lords na preso, kahit ang gamit lang ay lumang cell phone.

 Kung mabubuwag ang ahensiya upang mapalitan ng bago, dapat ring baguhin ang karamihan ng mga provision sa Operating Manual, at lalong dapat LAHAT ng empleyado ay tangganlin at mag-recruit ng mga bago. At, upang siguradong hindi maakit sa “lagayan”, ay taasan na rin ang suweldo nila. Dapat ding gawing “confidential” ang status ng kanilang trabaho upang kontrata lang ang kanilang panghahawakan, at hindi protektado ng Civil Service Code, kundi ng Labor Code lang. Kapag ganyan ang mangyayari, sinumang mahuling gumawa ng kaaliwaswasan ay pwedeng tanggalin ng diretso pagkatapos ng isang masusing imbestigasyon na magpapatunay ng ginawang kasalanan.


Napagkaganda ng nasabing panukala, kaya’t sana ay maipasa agad upang maipatupad. Hinggil dito, sana ay ganoon din ang gawin sa iba pang korap na mga ahensiya tulad ng LTO, LTFRB, Bureau of Customs, BIR, etc. Nagkakaroon ng problema sa pagtanggal ng mga tiwali at korap na mga empleyado dahil sila ay protektado ng Civil Service Code kung saan ay nakapaloob ang “security of tenure” sa bisa ng ordinaryong “eligibility” at “career service certification”. Kung nagkakaroon man ng imbestigasyon, dahil sa katiwalian din mga huwes, nakakalusot pa rin sila. Dahil diyan, kahit ilang beses magpapalit-palit ng mga hepe, kung ang mga tauhang civil service  at career service qualified, ay nasa puwesto pa rin, walang mangyayari sa “paglilinis” na gagawin ng bagong administrasyon. Para lang nagputol ng sanga ng kahoy na magkakaroon uli ng mga panibago dahil ang ugat ay naiwan!

0

Ang Mga "Pagkakamali" ni de Lima

Posted on Tuesday, 4 October 2016

ANG MGA “PAGKAKAMALI” NI DE LIMA
Ni Apolinario Villalobos

Dahil sa kagustuhan ni de Lima na malusutan ang akusasyon sa kanya, lalo na ang sex video na isa sa mga sinasabing ebidensiya na nagkokonek sa kanya sa drug bagger sa loob ng NBP na si Dayan, pilit niyang pinapaling o nililihis ang atensiyon sa direksiyon ni pangulong Duterte gamit ang pinangungunahan niyang imbestigasyon sa Senado laban sa extrajudicial killings. Subalit, sa kamalasan, sa halip na makatulong sa kanya ang mga ginagawa ay lalo pang nagdiin sa kanya ang mga ito….nag-boomerang sa kanya kaya ayon, semplang na semplang siya sa pagkakatimbuwang nang patihaya!

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga “PAGKAKAMALI” ni de Lima:

·        Na-underestimate niya ang simpatiya at antas ng karunungan ng karamihan sa mga  senador nang ipilit niyang imbestigahan si pangulong Duterte tungkol sa extrajudicial killings sa Davao na gusto niyang ikonek ngayon sa mga pangyayaring extrajudicial killings din kuno sa Maynila.

·        Ginamit niya si Matobato bilang” star witness” kuno, na nag-akalang nakasandal siya sa pader (de Lima) kaya malakas ang loob na umaming siya ay miyembro ng DDS para magkaroon siya ng dahilan na ituro ang ilang pulis-Davao na mga nagpapatakbo kuno ng DDS. Ang pagpipilit niyang siya ay miyembro ng DDS ay siyempre nasundan ng mga pagyayabang na marami siyang pinatay upang lumabas na kapani-paniwala ang mga sinasabi niya.  Samantalang totoo ngang may mga pinatay batay sa filed records at mga nakaraang mga balita sa Davao, tumanggi naman ang mga pulis-Davao na kanyang idinamay na may kinalaman sila. Lumutang pa ang kaso niyang kidnap-for-ransom na itinago ni de Lima upang palabasing wala siyang masamang record …. ang resulta, hindi na kukunan ng statement si Matobato dahil sa pagkalusaw ng kanyang kredibilidad. Nagmistula naman ito ngayong daga na naghahanap ng lunggang masisiksikan dahil hinahanting siya ng Davao pulis sa pag-amin niya bilang miyembro ng DDS na itinuturing na illegal na vigilante group, lalo pa at umamin siya sa mga pagpatay. Nadagdag pa ang kaso ng illegal possession of firearms kamakailan lang. Dahil sa nangyari kay Matobato, nadagdag ito sa mga pasaning uukilkil sa konsiyensiya ni de Lima habang siya ay nabubuhay…nakahatak na naman siya ng isang buhay tungo sa kapahamakan!

·        Hindi pinagsalita ni de Lima si Dayan at JB Sebastian upang mula sa bibig nila manggaling ang pagtangging may kaugnayan sila sa kanya, subalit hindi niya ginawa, sa halip ay kung anu-anong pagtatakip ang kanyang pinagsasabi kahit obvious o malinaw na ang mga pagkakakonek nila sa kanya.

·        Noon pa mang unang pumutok ang eskandalo na dulot ng sex video niya kuno, dapat ay nilusaw na niya ang haka-haka na siya ang nakita doong babaeng nangangabayo sa lalaking kaulayaw. Kinasuhan na sana niya ang mga unang nag-upload ng nasabing video, kung hindi sila ni Dayan ang nagtatampisaw sa batis ng kaligayahan, na kasabay ay  pahalinghing at paimpit na pagbubulungan ng sweet nothings. At, kung sa motel nangyari ang kulukadidangan nila ni Dayan na sana ay hindi totoo, dapat malaman niyang karamihan sa mga ito ay may mga hidden camera na nilalagay ng mga tarantadong staff at hindi alam ng management. Pero, upang mapairal ang “due process” na nagiging slogan na nila ni Trillanes at iba pang advocates kuno ng human rights, tama lang ang pagkakataong ibinibigay sa kanya upang malinis ang kanyang pangalan.

·        Mahilig siyang gumamit ng “bluff” upang maipakitang inosente siya sa mga inaakusa sa kanya at tama naman siya sa pag-akusa kay Duterte na pasimuno kuno sa extrajudicial killing sa Davao na nangyayari naman ngayon sa Manila. Itong style niya ang ginamit sa kanya ni DOJ secretary Aguirre sa isyu ng sex video sa pagsabi bandang huli na wala itong videong hawak upang ipakita sa senate hearing, kundi witness na nakakita. Sa Ingles kung tawagin ito ay, “ a dose of your own medicine”. Siguradong sa kahahalakhak ni Aguirre dahil sa kanyang tagumpay ay umaalsa din ang kanyang sideburns!

·        Lumutang din ang ugali niyang hindi maaasahan o kung sa salitang kalye ay “pagka-traidor” nang sabihin niyang “government asset” si JB Sanchez. Dahilan niya ito upang mailusot ang pagbisita niya dito sa kanyang kubol kung saan ay tumatagal siya ng ilang oras. Inilagay niya sa balag ng alanganin ang buhay ng convicted criminal na “kaibigan” niyang si Sanchez dahil pinaliligiran ito ng mga drug lords na anumang oras ay pwedeng magpapatay sa kanya.

·        Akala niya ay nakatulong ang “drama” sa muntik nang pagkamatay ni Sanchez sa Bilibid upang ipakita na delikado nga ang buhay nito sa loob dahil nga “asset” siya….bagay na hindi bumenta sa mga tao. Ang malinaw ay, gusto itong patahimikin ng TAONG MADIDIIN niya pagdating ng “tamang panahon”….at sino yon?...eh di si de Lima! Ang isang “asset” ay hindi nagkukuwento ng mga ginagawa niya na dapat ay lihim, na taliwas sa ginagawang pagyayabang ni Sanchez sa kaugnayan nito sa kanya.

·        Ang isang advertisement na ginamit niya noong nakaraang kampanyahan para sa eleksiyon 2016 kung saan ay may taong nagdadala kuno ng pera na panuhol ay inakala niyang makakatulong sa kanya upang ipabatid sa madla na malinis siya dahil ang ad na yon ay nagpapahiwatig na hindi daw niya ito papayagang mangyari sa kanya…dinadalhan ng suhol. Batay sa ad na yon, pumasok tuloy sa isip ng tao si Dayan na nagdadala sa kanya ng mga bag na namumutok sa pera. Dagdag pa nila, akala ni de Lima ay lusot na siya dahil pinangunahan niya ng paghuhugas-kamay ang mga nangyayari sa kanya ngayon. Nag-boomerang din ang ad sa kanya!

·        Nagmistula siyang batang inagawan ng kendi nang magtatarang o magpakita ng tantrum kaya halos nawala siya sa sarili na umabot sa sukdulang pambabastos sa nagaganap na senate hearing noong gabi ng October 4, nang mag-walk-out siya. Ang unang hiningan niya ng paumanhin kinabukasan ay ang mga tao….anong pakialam nila sa hearing, ganoong ang binastos niya ay ang mga senador? Sa galit ni Gordon ay nagsabi itong hindi niya tatanggapin ang anumang apology ni de Lima, at sa halip ay hihingi siya ng suporta sa iba pang senador upang mapatawan ito ng karampatang parusa….dapat lang!

Sana ay magbago na ng paraan o style si de Lima sa pagsira kay Dutere….na malamang ang kautusan ay nanggagaling sa kung kanino o kung saan man. Lumalabas tuloy na siya ay nagigiling sangkalan o kung tawagin sa Bisaya at “tapalẳn” (accent on the last syllable) ng mga taong ito. Hanggang kaylan kaya iindahin ng sangkalan ang mga bagsak mula sa mga  matatalas at mabibigat na kitchen knife kung may tinatadtad na karne?

Sa panahon ngayon, isa sa mga masasakit na katotohanan sa larangan ng pulitika, tulad din sa show business, ay ang kawalan ng permanenteng taong mapapagkatiwalaan….


0

Lumiliit na ang Mundo ni de Lima

Posted on Wednesday, 28 September 2016

LUMILIIT NA ANG MUNDO NI DE LIMA
Ni Apolinario Villalobos

Kung tuluyan nang sampahan ng kaso si de Lima, magtutuluy-tuloy na rin ang pagsikip ng kanyang mundo. May dahilan na siya ngayong lumipat ng tirahan dahil marami daw banta sa kanyang buhay. Masama na rin daw ang kanyang pakiramdam dahil sa mga bantang ito. Yong iba naman kasing sumasakay sa isyu ay basta na lang nagpadala ng mga text sa kanyang cell phone pagkatapos ibunyag sa kongreso. Sa kasong ito, may mali ang pinanggalingan niyang departamento na Department of Justic (DOJ) dahil ang dapat ginawa ay kinansela ang numero ng cell phone niya nang mag-resign siya upang tumakbo sa eleksiyon. Dahil hindi nakansela, ang billing para sa cell phone ay pinapadala pa rin sa DOJ. Yan ang gobyerno ng Pinas….maraming butas! Napakasimpleng responsibilidad ay hindi ginagawa dahil sa katamaran ng mga taong sinuswelduhan ng taong bayan!

Dapat i-monitor ang kanyang kilos dahil baka biglang mawala at ang idahilan upang hindi lumabas sa pinagtataguan ay ang mga banta sa kanyang buhay kuno. Asahan din ang “hospital arrest” dahil sa pinahapyaw na niyang “masamang pakiramdam”. Hindi puwede ang LBM lang upang tumagal siya sa ospital. Upang magkaroon siya ng brace sa leeg dapat ay mahulog siya sa hagdanan una ang ulo. Pero ang pinakamaganda ay magkaroon siya ng schedule ng maraming operasyon sa katawan, na mangyayari kung may tatanggalin tulad ng matris, appendix, kidney, lapay, apdo, mga ngiping paisa-isang bunutin, puso upang palitan ng mechanical apparatus, tenga na namaga dahil napasukan ng higad o alupihan, mata na natusok na barbecue stick, lalamunan na natusok ng “kung anong bagay” na naisubo, mga daliring tatanggalin o buong braso, mga paa, etc.

As of 29September, nagsabi ang abogado ni BJ Sebastian na gusto nitong magsiwalat ng mga nalalaman niya tungkol sa kalakaran ng illegal drug trade sa loob at labas ng New Bilibid Prison dahil nalalagay na sa peligro ang kanyang buhay. Isa sa mga sinisisi ay si de Lima dahil sa pagsiwalat na government asset si Sebastia. Malamang nasabi yon ni de Lima bilang paliwanag kung bakit siya pumapasok sa kubol ni Sebastian….subalit walang gustong maniwala. Sinabi pa ni de Lima na isa sa panggigipit sa kanya ay ang pagkulong ng dati niyang security aide na si Sanchez at pinipilit na pumirma ng salaysay laban sa kanya, subalit pinabulaanan naman ito ng spokesperson ng military sa pagsabi na “confined to barracks” lang si Sanchez at ni isang dokumento ay wala itong pinirmahan.

Sa pagwawala ni de Lima noong nakaraang presscon niya sa senado, 28 September, ay binanggit niya ang suggestion ng kaibigan niyang maghanap na ng “asylum” dahil ipapakulong daw talaga siya ni Duterte. Kung gagawin niya ito ay dapat sa bansang extradition treaty sa Pilipinas…hindi ko lang sure, pero baka pwede ang Colombia.

Ngayon ay naniniwala na akong ang ibang composer ay nakakakita ng future kaya sila nakakagawa ng mga awit, tulad ng nag-compose ng “My Way” at “My World is Getting Smaller Everyday”. Kapag gumawa kasi sila ng kanta, hindi lang sila nakatingin sa kasalukuyan kundi pati sa mga araw na darating pa.

Pero ang da best na nagustuhan ko at palagi kong pinapaalala sa mga kaibigan ko ay ang kasabihang, “palaging nasa huli ang pagsisisi”, at ang palasak na pagsisising sinasabi sa death bed ng mga milyonaryo na, “aanhin ko pa ang yaman kung mamamatay na ako?”.


1

The Hystirics of de Lima during the 28 September Morning Presscon

THE HYSTIRICS OF DE LIMA
DURING THE 28 SEPTEMBER MORNING PRESSCON
By Apolinario Villalobos

The hysterical antics of de Lima during a presscon at the Senate in the morning of 28 September could have been another attempt to show her innocence of the drug crimes thrown at her. Obviously she was trying to pinch the heart of those who took time in listening to her emotional presentations.

She did not take the presscon opportunity to explain what happened to the millions and various jewelries turned over to her after a raid of NBP, in which only 1.6M pesos was reported. Those involved in the turnover are asking where the more than 300M pesos went. She even presented a text message which for her implied that Sebastian was being forced to testify against her, when the message was a simple plea from the wife of the subject detainee to tell everything he knows to end his ordeal as practically, fingers of the detainee/resource persons were all pointing at him. That being alleged, Sebastian is being viewed as the direct connect to de Lima who could further pin her down. In that case, who would “desire” to eliminate him?

In her dire effort to defend herself, de Lima put the life of Sebastian in jeopardy when she said that he is a government “asset”. But then, this allegation has raised many eyebrows, as how can an “asset” whose activities are supposed to be covert, meet with a government official in full view of other inmates? One witness even testified that Sebastian bragged about his close connection with de Lima, emphasizing such arrogance with an assurance that de Lima would come at a certain time to visit him which indeed happen during which she had a grand couple or more hours with him in his luxurious “kubol. If he is a witness as de Lima is alleging, all she could have done was summon him secretly for a meeting at one of the offices of NBP. The publicly exposed allegations are what de Lima should refute instead of being hysterical during the presscon in the morning of September 28. The hystirics of de Lima according to Duterte are signs of her ominous breakdown.


Overall, though, I surmised that de Lima could be a very very fine coach for elocutions and declamations. She did a very good performance which deserves a gold medal, had it been done during an inter-collegiate literary competition.

0

Dapat Huwag Ibalik sa Dating Puwesto ang mga Guwardiya ng National Bilibid Prison

Posted on Sunday, 19 June 2016

Dapat Huwag Ibalik sa Dating Puwesto ang Mga Guwardiya
Ng National Bilibid Prison
Ni Apolinario Villalobos

Okey na sana ang planong pagtanggal sa puwesto ng dating mga guwardiya ng National Bilibid Prison upang ipasa-ilalim ng training. At, pansamantala ang papalit ay ang Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP). Subalit nang banggitin sa balita na ibabalik din pala sa dati nilang puwesto ang mga guwardiya pagkatapos ng kanilang training ay tila hindi maganda dahil ang mga sangkot sa mga katiwalian subalit hindi naaktuhan kaya hindi rin nakasuhan ay SIGURADONG babalik sa dati nilang ginagawa. Ano ang halaga ng “training” kung ikumpara sa libo-libong pisong pantukso ng mga detinadong drug lords sa mga guwardiyang ang tinatanggap kada buwan ay “suweldong gutom”?

Kung kamay na bakal ang paiiralin sa Bilibid upang mapaayos ang sistema, dapat gawan ng pagbabago ang mga panukala tungkol sa assignment ng mga guwardiya. Dapat isiping “operational” ang uri ng trabaho ng mga guwardiya kaya maaari silang ilipat ayon sa pangangailangan ng ahensiya. Ito lang ang paraan upang maging “patas” sa lahat ng mga guwardiya ang desisyon – sa mga tiwali man pero hindi nahuli, at ang mga “malilinis” pero ayaw makipagtulungan kaya tuloy sa pamamayagpag ang pag-operate ng mga drug lords kahit nasa loob sila ng kulungan.


Hindi tanga ang mga Pilipinong nagpapakahirap sa pagbayad ng buwis, upang pagpaniwalain na hindi alam ng LAHAT sa loob ng Bilibid ang mga nangyayari. Kaya bilang parusa sa mga guwardiyang ayaw makipagtulungan, nararapat lang ang paglipat sa kanila…na siyang inaasahan!

0

Change of Guards Finally, at the New Bilibid Prison (Philippines)

Posted on Sunday, 12 June 2016

CHANGE OF GUARDS FINALLY, AT THE
NEW BILIBID PRISON
By Apolinario Villalobos

The incoming Secretary of the Department of Justice, in one interview, revealed that one important plan that he shall implement immediately is the total, complete, sweeping change of NBP guards with the Special Action Force to take their place. The military shall also be tapped to enforce a new system in the New Bilibid Prison (NBP).

In my past blogs about NBP, I have been mentioning such necessity of changing ALL the prison guards, literally, the NBP personnel who directly guard the prisoners, if the DOJ wants to cleanse the facility’s system to enforce the prevention of bribery. I mentioned that if possible, military personnel should be assigned on the basis of rotating Task Force Duty or TDY. Unfortunately, ever since the explosion of scandals, only the top officials, especially, the Directors were relieved. As expected, no change has been evident, despite the effort of the Acting DOJ Secretary who took the place of de Lima who ran for senator. Latest raids as usual yielded bladed weapons and a few sachets of suspected drug, nothing else.

Common sense would suggest that the lowest level prison guards who are the ones directly and closely in touch with the detainees are prone to the tempting thousands of pesos bribe in exchange for just safekeeping their (detainees’) cellphones. A story was even circulated that an outdated model of a cellphone is worth thousands of pesos when sold to a detainee…and who could do it, the NBP Director?...or any of the lesser officials?  Are these NBP officials willing to be ordered around by high-end detainees as if they are servants?

One big question that had been bugging the authority is HOW IN THE WORLD CAN BIG TIME DRUG LORDS TRANSACT THEIR BUSINESS FROM THE SUPPOSEDLY STRICTLY-GUARDED NBP FACILITIES? The problem with most of our “authorities” is that they concentrate on the “resulting effects of the problems” and not on the “possible causes”…as they are in a hurry to earn medals or commendations for solving a case. What happens is they “trim the twigs and leaves but leave the roots that continually get fertilized and further boost the growth of the tree”. It has never occurred in the mind of bright investigators, the possibility that the lowly and seemingly innocent guards might be involved.

Filipinos thought that de Lima was sincere in her effort in spearheading the raids after a series of scandals rocked the NBP. Raids were conducted with a good number of reporters and crew from TV stations in tow…. fully- covered efforts, in other words, that she fairly deserved. In one interview, she expressed the difficulty of inspections on account of the vastness of the facility, when she became exasperated with persistent questions on the results of raids. But, anyway, there were good coverage resulting to miles of media exposure. It made her heroine for such a monumental job.

The raids were conducted months before de Lima declared her plan to run for senator, hence, Filipinos thought, they were done as just part of her job as DOJ Secretary, period. She even promised to do something about the third batch of lawmakers and government officials involved in the pork barrel scandal, plus an encouraging result on the the Maguindanao massacre.


Then, the NBP raids suddenly stopped. The promised case on the third batch of the pork barrel scandal and the Maguindanao massacre were never again mentioned. De Lima, with all resolve declared her plan to run for senator, and she indeed, made it, albeit at the tail end of the list. Now, as senator, together with two other senators, she vows to give Duterte a hard time in all his effort to give justice to the victims of the drug lords!

0

Nakakabilib ang Ginagawa ng BUCOR (Bureau of Corrections) sa Kasalukuyan

Posted on Wednesday, 10 February 2016

Nakakabilib ang Ginagawa ng BUCOR (Bureau of Corrections)
Sa Kasalukuyan
Ni Apolinario Villalobos

Sa ilalim ng kasalukuyang pamumuno ni Ricardo Rainier G. Cruz III, nakakabilib ang ginagawa ng kagawaran sa kabuuhan upang magkaroon ng pagbabago sa National Bilibid sa abot ng kanilang makakaya. Nagpakita sila ng katapangan at katatagan sa maya’t mayang pag-raid ng mga selda, lalo na ang pagsira ng mga maluluhong pinagawa ng mga detinadong may kaya. Sinira nila ang swimming pool, ang animo ay condo, isa pang mala-hotel room, at marami pang iba.

Marami ang nasaktan noon dahil nadamay sa pagbatikos sa mga nakaraang pamunuan bunsod ng kalamyaan nila sa pagpatupad ng mga patakaran, kaya kahit na ang ginawa ni Secretary de Lima noong personal itong mag-inspection ay hindi naipagpatuloy. Hindi lahat ng nakatalaga sa National Bilibid ay masama, lalo na ang mga walang direktang kontak sa mga detinado. Sila ang mga inosenteng nakatalaga sa opisina ng nasabing pasilidad, kaya nabanggit ko noon na walang silbi ang pagpalit ng namumuno kung walang drastic o mapusok na pagbabago tulad ng total na pagpalit-palit ng mga direktang guwardiya upang maiwasan ang fraternal closeness sa pagitan nila at ng mga detinado.


Tahimik ang pag-upo ng bagong namumuno sa BUCOR kaya marami ang nagulat nang ma-interview siya sa isang radio station. Nagpapahiwatig na iba ang kanyang pagkatao – tahimik na ang layunin lang ay maisaayos ang kinakaharap na problema. Talagang mahirap ang kalagayan ng Bilibid dahil sa kakulangan ng budget, at dapat ding unawain na ang pagbabago ay imposibleng makakamit sa magdamag. Ganoon pa man, marami ang nagdadasal na sa pagkakataong ito, sana ay talagang magkaroon ng malawakang pagbabago sa loob ng Bilibid.

0

Ang Lumang Kuwento ni Franklin Bucayu...malabong bumenta

Posted on Monday, 22 December 2014



Ang Lumang Kuwento ni Franklin Bucayu
…malabong bumenta
Ni Apolinario Villalobos

Sa pagkukuwento ni Franklin Bucayu, ang Direktor ng Bureau of Corrections, tungkol sa mga kapalpakan at kahihiyang tinatamasa ng Bureau ay itinuturo niya ang kanyang sarili. Nakikita sa ginagawi niya ang ugali ng mga taga-gobyernong retirado at binigyan ng bagong trabaho. Sanay na kasi sila sa paghugas ng kamay at magturo ng iba kung may mga bulilyaso. Dapat mabuksan na ang mga mata ng mga kinauukulang may kinalaman sa ganitong klaseng pagtatalaga.

Matagal na palang alam ni Bucayu ang mga kapalpakan ng Bureau ay kung bakit hindi siya nagsumite ng mga rekomendasyon. Ngayong nagkakaputukan ang mga bulilyaso ay saka siya nagsalita tungkol sa mga naobserbahan niya noon pa daw at itinuturo ang gobyerno sa pagsabing “institutional” ang mga diperensiya ng Bureau. Sino ba ang namumuno nitong palpak na institution, di ba siya?...eh, di siya ang may kasalanan! Ni isang kapirasong papel na kinasusulatan ng kanyang rekomendasyon ay wala siyang maipakita…puro siya dakdak! Ibig sabihin, wala talaga siyang ginawa!

Bistadong hindi siya lumalabas sa kanyang opisina upang mag-inspeksiyon at tinatanggap na lamang kung anong report ng mga nasa ibaba niya ang isusumite sa kanya. Hindi man lang siya nag-effort upang i-verify kung totoo ang mga report. Ngayong may mga bulilyaso, puro siya turo sa mga subordinates niya. Malakas pa ang loob sa pagsabi na lingid sa kanyang kaalaman ang mga nangyayari, bagay na pag-amin niya na wala siyang silbi bilang pinuno ng Bureau of Corrections!

Tumigil na siya sa pagpa-interbyu dahil alam na din naman ng mga Pilipino na naghuhugas lamang siya ng kamay. Dapat mag-resign na lamang siya upang maski papaano ay hindi na madagdagan pa ang kahihiyang lumalagapak sa kanyang mukha!

0

Walang Patawad ang Corruption sa Pilipinas...pati sa kulungan ay talamak

Posted on Saturday, 20 December 2014



Walang Patawad ang Corruption sa Pilipinas
…pati sa kulungan ay talamak!
Ni Apolinario Villalobos

Sa Pilipinas lang nangyayari na ang corruption ay talamak din mismong sa loob ng bilangguan at sa pambansang piitan pa! Talagang masama magkaroon ng halimbawa, na parang wala lang kung ipamayagpag.  Dahil mismong mga nakakataas na hantarang bistado na ay nakikipaglaban pa sa kanilang pagka-inosente, naisipan na rin ng mga nasa mababang hanay na gumaya!

Ang mismong Presidente ng Pilipinas ay may bahid na ng corruption batay na rin sa mga sinasabi ng Supreme Court, at damay din ang ilan niyang kalihim. Sinundan ng mga senador na bawa’t isa ay may dapat ipaliwanag na kwestiyonableng transaksyon gamit ang kani-kanilang pork barrel fund. Sumunod ay ang mga nasa Kongreso na nilahat na rin dahil pa rin sa pork barrel. Sa ilalim nila, ay may mga lokal na opisyal na hindi nagpatalo sa pangurakot, pati na ang maliliit na mga kagawaran.

Kaya pati ang hindi inaasahang pambansang piitan ay binubulok na rin ng corruption! Ang institusyong ito ang dapat magpapatino sa mga nagkasala sa lipunan subalit mismong sa loob nito ay may nangyayari palang katiwalian! Nang magsalita ang mga dating opisyal ng Bureau of Corrections ay nalamang matagal na raw palang nangyayari ang corruption sa piitan kaya gumawa sila noon ng mga hakbang at nagbigay ng mga suhestiyon, subalit kahit kapiranggot na suporta ay wala silang nakuha sa mga nakatataas sa kanila. Nagkatanggalan na lang ng mga namumuno dito ay wala pa ring nangyari na umabot pa sa puntong pati drug laboratory daw ay meron na rin ang pambansang piitan. Lumakas kasi ang loob ng mga sangkot na bilanggo, kaya tuloy lang ang ligaya para sa kanila!

Kung may raid mang ginawa kaya nabisto ang mga hi-tech at maluluhong tirahan ng mga bigtime drug lords sa maximum security compound, hanggang kaylan mapapanatili ang ganitong pagmamanman upang tuluyang maayos ang mga kalakaran? Baka ningas-kugon na naman!

0

The Philippine Justice System, Lawyers, and General State of Rehabilitation Facilities

Posted on Wednesday, 17 December 2014



The Philippine Justice System, Lawyers
and General State of Rehabilitation Facilities
Ni Apolinario Villalobos


A crucial change in the life of a man may be caused by being at the right place at the right time or by having guts to face odds rejected by others. For the lawyer in particular, these are what he needs to prosper with his profession. Too much risk is involved with the thought, “now or never”, that serves as the force that pushes the desirous lawyer towards his ambition to be recognized.

“Sensation” is the keyword for the success of a lawyer. This is the reason why, a lawyer always aspires to handle a case that hugs the limelight, never mind if it seems a losing one due to glaring evidences against the client. The more controversial the case is, the better for the lawyer, because he will benefit from the attention that his client will get.

As dictated by the law books, no person is guilty unless proven beyond doubt. This is the reason why the eyes of the Lady Justice are covered because before the court, both victim and the aggressor are equal, and each side should present convincing evidences to win the case. Woe then, to the innocent client who can only afford an inexperienced lawyer with limited references. On the other hand, the obviously guilty party easily avoids conviction with the help of well-paid  “expert” and “seasoned” lawyers.

Philippine prisons are filled to the rafters with erroneously convicted victims of injustice due to their inability to get the right lawyer to defend them, and worse, inability to get one due to their poverty. Despite this glaring defect in the justice system of the Philippines that contributes to the bursting of rehabilitation facilities, the national government remained inept…reacting only when scandals erupt, such as the affluent lifestyle of convicts at the maximum security section of the National Bilibid Prison (NBP) in Muntinlupa which has become an embarrassing national issue.

The rest of rehabilitation facilities, except for penal farms, are in the same situation. Practically all of them suffer from want of decent sanitation facilities. Inmates take turns in sleeping on the floor, while the rest remain on their feet for the rest of the night. Diseases add to the miseries of the inmates, with some, not yet convicted. And the food rations are far from decent.

Rich inmates buy their comfort by bribing corrupt jail guards and officers. Drug trafficking is still operated by drug lords from the maximum security section of the national penitentiary, and prostitution proliferates with the blessing of the paid jail guards. It is only in the Philippines where one can find detention cells inside maximum security section yet, of the national penitentiary, furnished akin to a richy home, complete with spa, jacuzzi, home theater, and aircon units.

When Kabungsuan Makilala, a jail guard of the Bureau of Correction, exposed the anomalies inside the national penitentiary, nothing came out of information extracted from him. A minor change in guards was implemented to show that something is being done. Afterwards there was a deafening lull within the Department of Justice.

It was only when a committee of Congress charged with the programs for the country’s rehabilitation facilities exposed their shock on the state of the national penitentiary,  did the Department of Justice (DOJ) again made noise, most especially, because the modernization budget of the facilities is at stake. When the Senate stepped into the picture, the DOJ showed its most convincing move by launching “surprise” inspections, but without de Lima having made threats against the NBP officials on TV, thereby, broadcasting their moves!

Finally, despite the scandalous discoveries made lately,  the DOJ statements as regards its plans to rid the  country’s rehabilitation facilities of corrupt officials and lower ranking employees are still wanting of sting. With the budget for the modernization of the country’s rehabilitation facilities already in the bag, one can’t help but expect many pockets to bulge.





0

Ang Mga Kahihiyan ng National Bilibid Prison at Cebu City Jail

Posted on Monday, 15 December 2014



Ang Mga Kahihiyan ng National Bilibid Prison
At Cebu City Jail
Ni Apolinario Villalobos

Hindi maiwasang mainis ng mga sumusubaybay sa eskandalong nangyayari sa National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa, na nadagdagan pa ng kahalintulad na eskandalo na inabot naman ng Cebu City Jail. Hindi nahiyang magsabi ang NBP Superintendent na si Roberto Rabo sa harap ng kamera na hindi niya alam ang nangyayari sa loob ng NBP, ganoong ang mga tirahan ng mga drug lords na nakakulong ay nandoon lang, hindi naman nakatago, kaya walang dahilan upang hindi niya makita. Malas lang niya dahil pumutok sa media kaya nabunyag din ang kanyang kapabayaan.

Ipinakita sa TV ang mga hi-tech na gamit sa loob ng tirahan ng mga drug lords na hindi aakalaing mga “selda” pala sa loob ng national penitentiary. May nasamsam ding kilo-kilong shabu, pera, mga cellphone at baril sa mga selda. Subalit sa kabila ng nakakahiyang pagbubunyag, nagpakita pa si Rabo ng pagkagulat! Aba, eh di, natapalan pala ang kanyang mga mata! At, para na rin niyang sinabi na hindi siya lumalabas sa opisina niya upang mag-inspeksiyon kung minsan man lang, o di kaya ay wala man lang siyang ginawa sa kabila ng pagsabog ng eskandalo pagkatapos mag-inspeksiyon ang mga senador ilang buwan na ang nakaraan. Dapat siyang mag-resign dahil sa hantarang kapabayaan.

Hindi dapat mag-atubili ang Department of Justice sa pagtanggal agad ng mga taong hayagang sangkot sa anomalya, mula sa pinakamababang empleyado hanggang sa pinakamataas. Halatang ang umiiral na kalakaran sa NBP ay “palakasan” at “lagayan”.  Kailangang magkatanggalan kahit na magsagawa pa sila ng isang mas malalim na imbestigasyon.

Tulad ng rekomendasyon noon ni Senadora Grace Poe, dapat LAHAT ng empleyado ay suspindihin at palitan ng bago. Ang mapapatunayang walang sala ay ilipat sa ibang detention facilities ng Bureau of Correction sa ibang panig ng bansa, at ang mga mapatunayan namang nagkasala ay dapat na tuluyang tanggalin, lalo na ang Director o Superintendent. Dapat magkaroon ng leksiyon dahil sa kapalpakan sa pamamalakad ng mga kulungan sa bansa upang maipakita na may pangil ang mga batas na pinaiiral.

Kung ano ang gagawin sa National Bilibid Prison sa Muntinlupa ay dapat gawin din sa Cebu City Jail. Ito na ang pagkakataon ni de Lima na magpakitang gilas sa pagpapatupad ng kanyang tungkulin bilang kalihim ng Hustisya upang makabawi sa mga kahihiyang inaabot ng kanyang kagawaran.