0

Ang Lumang Kuwento ni Franklin Bucayu...malabong bumenta

Posted on Monday, 22 December 2014



Ang Lumang Kuwento ni Franklin Bucayu
…malabong bumenta
Ni Apolinario Villalobos

Sa pagkukuwento ni Franklin Bucayu, ang Direktor ng Bureau of Corrections, tungkol sa mga kapalpakan at kahihiyang tinatamasa ng Bureau ay itinuturo niya ang kanyang sarili. Nakikita sa ginagawi niya ang ugali ng mga taga-gobyernong retirado at binigyan ng bagong trabaho. Sanay na kasi sila sa paghugas ng kamay at magturo ng iba kung may mga bulilyaso. Dapat mabuksan na ang mga mata ng mga kinauukulang may kinalaman sa ganitong klaseng pagtatalaga.

Matagal na palang alam ni Bucayu ang mga kapalpakan ng Bureau ay kung bakit hindi siya nagsumite ng mga rekomendasyon. Ngayong nagkakaputukan ang mga bulilyaso ay saka siya nagsalita tungkol sa mga naobserbahan niya noon pa daw at itinuturo ang gobyerno sa pagsabing “institutional” ang mga diperensiya ng Bureau. Sino ba ang namumuno nitong palpak na institution, di ba siya?...eh, di siya ang may kasalanan! Ni isang kapirasong papel na kinasusulatan ng kanyang rekomendasyon ay wala siyang maipakita…puro siya dakdak! Ibig sabihin, wala talaga siyang ginawa!

Bistadong hindi siya lumalabas sa kanyang opisina upang mag-inspeksiyon at tinatanggap na lamang kung anong report ng mga nasa ibaba niya ang isusumite sa kanya. Hindi man lang siya nag-effort upang i-verify kung totoo ang mga report. Ngayong may mga bulilyaso, puro siya turo sa mga subordinates niya. Malakas pa ang loob sa pagsabi na lingid sa kanyang kaalaman ang mga nangyayari, bagay na pag-amin niya na wala siyang silbi bilang pinuno ng Bureau of Corrections!

Tumigil na siya sa pagpa-interbyu dahil alam na din naman ng mga Pilipino na naghuhugas lamang siya ng kamay. Dapat mag-resign na lamang siya upang maski papaano ay hindi na madagdagan pa ang kahihiyang lumalagapak sa kanyang mukha!

Discussion

Leave a response