Pasko na Naman...
Posted on Saturday, 13 December 2014
Pasko
Na Naman…
Ni Apolinario Villalobos
Simoy ng hanging mahalumigmig ang hudyat sa
pagsapit ng paskong hinihintay ng mga Kristiyano.
Susundan ito ng awit ng mga namamaskong
bata at matatanda, at ang himig, sa saya ito
ay punung-puno.
Mga parol na naggagandahan at mga ilaw, sa
kutitap ay nagpapasiklaban, at naaamoy ay
mga kakaning mabango.
Ano pa nga ba at ang buong daigdig ay hindi
magkandaugaga sa paghanda sa pagsapit ng
kapanganakan ni Hesukristo.
Pasko na naman…panahon ng pagsasaya dahil
ang mga tao ay nabuhayan uli ng hinahangad na pag-asa.
Pasko na naman…panahon ng pagbibigayan na
walang pag-imbot, kaya buong puso kung mag-abot sa kapwa.
Pasko na naman…lahat ay nagdarasal na sana
man lang ay maibsan ang nararamdamang sakit pati na pagdurusa.
Pasko na naman…sanlibutan ay umaasam na
matamo ang minimithing kapayapaan sa buong mundo…sana…sana…
Discussion