0

Walang Patawad ang Corruption sa Pilipinas...pati sa kulungan ay talamak

Posted on Saturday, 20 December 2014



Walang Patawad ang Corruption sa Pilipinas
…pati sa kulungan ay talamak!
Ni Apolinario Villalobos

Sa Pilipinas lang nangyayari na ang corruption ay talamak din mismong sa loob ng bilangguan at sa pambansang piitan pa! Talagang masama magkaroon ng halimbawa, na parang wala lang kung ipamayagpag.  Dahil mismong mga nakakataas na hantarang bistado na ay nakikipaglaban pa sa kanilang pagka-inosente, naisipan na rin ng mga nasa mababang hanay na gumaya!

Ang mismong Presidente ng Pilipinas ay may bahid na ng corruption batay na rin sa mga sinasabi ng Supreme Court, at damay din ang ilan niyang kalihim. Sinundan ng mga senador na bawa’t isa ay may dapat ipaliwanag na kwestiyonableng transaksyon gamit ang kani-kanilang pork barrel fund. Sumunod ay ang mga nasa Kongreso na nilahat na rin dahil pa rin sa pork barrel. Sa ilalim nila, ay may mga lokal na opisyal na hindi nagpatalo sa pangurakot, pati na ang maliliit na mga kagawaran.

Kaya pati ang hindi inaasahang pambansang piitan ay binubulok na rin ng corruption! Ang institusyong ito ang dapat magpapatino sa mga nagkasala sa lipunan subalit mismong sa loob nito ay may nangyayari palang katiwalian! Nang magsalita ang mga dating opisyal ng Bureau of Corrections ay nalamang matagal na raw palang nangyayari ang corruption sa piitan kaya gumawa sila noon ng mga hakbang at nagbigay ng mga suhestiyon, subalit kahit kapiranggot na suporta ay wala silang nakuha sa mga nakatataas sa kanila. Nagkatanggalan na lang ng mga namumuno dito ay wala pa ring nangyari na umabot pa sa puntong pati drug laboratory daw ay meron na rin ang pambansang piitan. Lumakas kasi ang loob ng mga sangkot na bilanggo, kaya tuloy lang ang ligaya para sa kanila!

Kung may raid mang ginawa kaya nabisto ang mga hi-tech at maluluhong tirahan ng mga bigtime drug lords sa maximum security compound, hanggang kaylan mapapanatili ang ganitong pagmamanman upang tuluyang maayos ang mga kalakaran? Baka ningas-kugon na naman!

Discussion

Leave a response