Showing posts with label Bilibid prison. Show all posts

0

Mistulang Nag-boomerang kay de Lima ang Senate Hearing tungkol sa Extra-judicial Killing

Posted on Wednesday, 24 August 2016

MISTULANG NAG-BOOMERANG KAY DE LIMA
ANG SENATE HEARING TUNGKOL SA EXTRA-JUDICIAL KILLING
Ni Apolinario Villalobos


Halata o obvious ang mga layunin ni de Lima sa pagpipilit na magkaroon ng Senate Hearing tungkol sa “extra- judicial” killings. Gusto niyang ipaalam sa bayan ang mga nangyayaring “police brutalities” at hindi karapat-dapat ang kapulisan sa suportang binibigay ni Duterte sa kanila kasama na ang dagdag sa take home pay.

Una, ang “police brutalities” ay alam na ng lahat ng Pilipino at isama pa diyan ang mga kuwento tungkol sa pagkasangkot nila sa illegal drugs kaya nga mayor pa lang si Duterte sa Davao ay alam na niya ang tungkol sa “ninja cops”, kaya ang isyung ito ay hindi na bago.

Pangalawa, ang kapulisan ay kasama sa mga empleyadong “underpaid” at ito ang dahilan kung bakit ang iba sa kanila ay nagda-drive ng aircon van upang mamasahero kung day-off nila. May kilala akong nagtitinda sa palengke kung day-off niya. Ilan lang yan sa ginagawa ng mga matitinong pulis upang kumita ng extra at nang matustusan ang pag-aaral ng mga anak. Ito ang nakita ni Duterte kaya pinursige niya ang pagkakaroon nila ng dagdag sa take home pay kahit sa pamamagitan ng dagdag sa allowance. Ang katotohanang ito ay alam na rin ng lahat, kaya hindi na isyu.

Ang naunang mga “witness” na pinasalita ni de Lima sa hearing ay mistulang nag-validate ng mga pangyayaring matagal nang nangyayari, hindi pa presidente si Duterte. Ang isa namang  halatang nagda-drama ay na-corner pa ni Pacquiao tungkol sa 20thousand pesos na pinang-areglo sa salang “cara y cruz”, pero ang sa shabu ay 10thousand lang…kaya hindi kapani-paniwala! Malaking katanungan din ang pagpalabas niya ng 20thousand na pang-areglo ganoong ang kinikita lang ng napatay niyang asawa ay mula 200-300pesos isang araw.

Nabara si de Lima ni de la Rosa sa pagsabi na dapat noong nalaman nito ang mga katiwalian sa Bilibid prison ay ginamit na niya ang SAF. Kanda-bulol si de Lima sa pagsagot sa pagsabing marami pa raw proseso upang magamit ang SAF sa Bilibid. Subalit, ngayon, bakit nagawa?

Nasasayang ang panahong ginugugol ng mga senador sa hearing na pinipilit ni de Lima dahil mas marami ang dapat pang pag-usapan at mga batas na dapat ipasa upang makatulong sa bagong presidente.


0

Sana naman ay hindi Mangyari sa Bansa ang Nangyari sa Bilibid

Posted on Monday, 15 August 2016

SANA NAMAN AY HINDI MANGYARI SA BANSA
ANG NANGYARI SA BILIBID
Ni Apolinario Villalobos

Naugat ang problema sa Bilibid na ang mga nasa “ibaba” pala – mga guwardiya ng mga nakakulong na tumatanggap ng suhol kaya nagiging direktang kakutsaba sa pagpapalusot ng mga illegal na bagay sa loob ng kulungan. Kaya pala kahit ilang beses nang nagpalit ng mga opisyal ay umarangkada pa rin ang mga katiwalian. Subalit ngayong nagkaroon ng marahas na pagbabago, kasama na ang pagpalit ng mga guwardiya na ang ipinalit ay mga miyembro ng SAF ng PNP at mga sundalo, inaasahan ang mga pagbabago…sana.

Hindi naiiba ang kalagayan ng Bilibid kung ihambing sa bansa. Parehong may namumuno, mga opisyal at mga tauhan. Ang namumuno ngayon ng bansa ay isang matapang na presidente, si Duterte. Nagtalaga naman siya ng mga opisyal sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno. Subalit hindi maiiwasang ang mga sangkot sa mga katiwaliang nasa bandang “ibaba” ay nasa puwesto pa rin at hindi basta-basta mapapaalis dahil sa kanilang job security batay sa Civil Service Code, lalo na ang mga naturingang mga Career Service Officers. Kung ihahambing sa Bilibid, sila ang mga guwardiya.

Nahalatang wala pa ring malawakang pagbabago dahil ang ginagawa ng mga ilang opisyal na nagpapatupad ay simpleng “pakitang gilas” lang, kaya pansamantala o ningas cogon. Sinakyan lang nila ang banta ng pangulo nang makita nito ang mga katiwalaan kaya bigla silang nagsikilos. Ang sabi tuloy ng mga Pilipino, kaya naman palang kumilos, ay kung bakit kailangan pang hintaying magmura at magbanta si Duterte. Tulad ng inaasahan, makalipas ang ilang araw karamihan sa mga “binago” ay bumalik sa dating anyo. Ang sabi pa ng iba, nakakaduda ang tuluyang pagpigil sa pagkalat ng droga dahil ang ibang mga sangkot ay nandiyan pa rin at nagpapalamig lang. At, ang nakakabahala ay alam ito ng mga dapat magpatupad.

Nagbanta ang mga bagong hepe ng ilang ahensiya sa mga tauhan nila, subalit hanggang doon lang sila….hanggang sa pagbanta dahil ang ilang mga tiwaling tauhan ay nakakapit pa rin sa mga puwesto. Lahat ng ahensiya ng gobyerno ay ganyan ang kalagayan, kaya paanong magkaroon ng pagbabago na gustong mangyari ng bagong pangulo? Kung pagbabago ang gusto niyang mangyari, dapat ay gumawa ng paraan upang  makapagpalit din ng mga “mukha” sa bandang “ibaba” ng mga ahensiya. Kaya bang gawin ni Duterte sa lahat ng ahensiya ang sistemang ginamit sa Bilibid? At, ang mga itinalaga niyang mga hepe ng mga ahensiya, kasing-tapang din kaya niya na kayang magbanta sa mga tiwaling tauhan ng pagtanggal kung napatunayang sila ay gumawa ng katarantaduhan? May mga patakaran tungkol dito na nakapaloob sa Civil Service Code, pero kaya bang ipatupad ang mga ito ng “buong tapang”?


0

Change of Guards Finally, at the New Bilibid Prison (Philippines)

Posted on Sunday, 12 June 2016

CHANGE OF GUARDS FINALLY, AT THE
NEW BILIBID PRISON
By Apolinario Villalobos

The incoming Secretary of the Department of Justice, in one interview, revealed that one important plan that he shall implement immediately is the total, complete, sweeping change of NBP guards with the Special Action Force to take their place. The military shall also be tapped to enforce a new system in the New Bilibid Prison (NBP).

In my past blogs about NBP, I have been mentioning such necessity of changing ALL the prison guards, literally, the NBP personnel who directly guard the prisoners, if the DOJ wants to cleanse the facility’s system to enforce the prevention of bribery. I mentioned that if possible, military personnel should be assigned on the basis of rotating Task Force Duty or TDY. Unfortunately, ever since the explosion of scandals, only the top officials, especially, the Directors were relieved. As expected, no change has been evident, despite the effort of the Acting DOJ Secretary who took the place of de Lima who ran for senator. Latest raids as usual yielded bladed weapons and a few sachets of suspected drug, nothing else.

Common sense would suggest that the lowest level prison guards who are the ones directly and closely in touch with the detainees are prone to the tempting thousands of pesos bribe in exchange for just safekeeping their (detainees’) cellphones. A story was even circulated that an outdated model of a cellphone is worth thousands of pesos when sold to a detainee…and who could do it, the NBP Director?...or any of the lesser officials?  Are these NBP officials willing to be ordered around by high-end detainees as if they are servants?

One big question that had been bugging the authority is HOW IN THE WORLD CAN BIG TIME DRUG LORDS TRANSACT THEIR BUSINESS FROM THE SUPPOSEDLY STRICTLY-GUARDED NBP FACILITIES? The problem with most of our “authorities” is that they concentrate on the “resulting effects of the problems” and not on the “possible causes”…as they are in a hurry to earn medals or commendations for solving a case. What happens is they “trim the twigs and leaves but leave the roots that continually get fertilized and further boost the growth of the tree”. It has never occurred in the mind of bright investigators, the possibility that the lowly and seemingly innocent guards might be involved.

Filipinos thought that de Lima was sincere in her effort in spearheading the raids after a series of scandals rocked the NBP. Raids were conducted with a good number of reporters and crew from TV stations in tow…. fully- covered efforts, in other words, that she fairly deserved. In one interview, she expressed the difficulty of inspections on account of the vastness of the facility, when she became exasperated with persistent questions on the results of raids. But, anyway, there were good coverage resulting to miles of media exposure. It made her heroine for such a monumental job.

The raids were conducted months before de Lima declared her plan to run for senator, hence, Filipinos thought, they were done as just part of her job as DOJ Secretary, period. She even promised to do something about the third batch of lawmakers and government officials involved in the pork barrel scandal, plus an encouraging result on the the Maguindanao massacre.


Then, the NBP raids suddenly stopped. The promised case on the third batch of the pork barrel scandal and the Maguindanao massacre were never again mentioned. De Lima, with all resolve declared her plan to run for senator, and she indeed, made it, albeit at the tail end of the list. Now, as senator, together with two other senators, she vows to give Duterte a hard time in all his effort to give justice to the victims of the drug lords!

0

Ang Punong Kahoy ay Parang Ahensiya ng Gobyerno

Posted on Friday, 20 November 2015

Ang Punong Kahoy ay Parang Ahensiya ng Gobyerno
Ni Apolinario Villalobos

Ang ibang opisyal ng gobyerno ay nakakatawa at nakakaawa tuwing magkamot ng ulo habang nagsasabing lahat ay ginawa na nila sa sistema ng ahensiya nila, subalit wala pa rin silang natatamong pagbabago. Ang tinutumbok ko rito ay ang wala pa ring pagbabago sa mga kulungan sa buong Pilipinas, lalo na yong malalaking nasa Muntinlupa at ang Manila City Jail. Pati si de Lima na nagpakita ng katigasan at katapangan ay wala ring nagawa dahil ilang buwan pa lamang makalipas ang mga “raid” na siya pa ang nanguna sa Muntilupa na nagresulta sa paglipat ng mga high-profile na mga preso, at pagpalit ng hepe, ay bumalik uli sa dati ang sitwasyon makaraan  lang ang ilang buwan na parang walang nangyari.

Napalitan nga ang hepe, pero ang tanong ay: pinalitan ba nila ang mga nasa ibaba?. Kung ang sagot ay hindi, eh di, mauulit pa rin talaga ang mga kapalpakan. Ang may diretsahang nakakakontak sa mga nakakulong ay itong mga taong sa isang tingin ay aakalaing mga inosente at walang kapangyarihan. Sino ba ang nakakadaupang-palad ng mga preso 24/7, hindi ba itong mga bantay na maliit ang suweldo? Pero hindi ko pa rin nilalahat, dahil siguradong marami pa ring tapat sa kanilang trabaho kaya nadadamay lang. Kung may nalalaman man sila ay hindi pa rin sila makakapagsalita dahil maaaring natatakot sa mga kasama nilang sangkot sa mga raket.

Lingguhan mang magpalit ng mga hepe kung ang mga tauhang akala ng lahat ay “harmless” o inosente o walang kamuwang-muwang ay nasa puwesto pa rin nila o di kaya ay inilipat lang ng duty pero sa loob pa rin compound, hindi pa rin mawawala ang katiwalaan. Ang suhestiyon ko noon ay drastic change – tanggalin lahat ang mga guwardiya mula sa kasalukuyang puwesto nila at pagpalit-palitin ang area assignment. Halimbawa ang mga nasa Maynila ay ilipat sa penal colony ng Palawan o Davao. Ang mga nasa dalawang nabanggit na probinsiya naman ay ilipat sa Maynila. Sa ganitong paraan ay mawawala ang halos ay “magkumpare” o “fraternal” nang relasyon ng mga preso at bantay nila.

Para nang nakakaloko ang sinasabi palagi ng pamunuan ng mga kulungan na kulang sila ng mga tauhan. Bakit hindi isinasama itong problema sa mga rekomendasyon na ang pinakamagandang pagkakataon sana ay nang mamuno ng raid si de Lima?  Bakit hindi isinasama sa nirerekomendang taunang budget? Samantala, kung hindi maipatutupad ang drastic change na pagpalit-palit ng area assignment ng mga guwardiya, baka pwedeng magtalaga ng mga sundalo  para magbigay ng “task force duty” (TDY). Ang pagtalaga ng mga sundalo bilang guwardiya ay mas makatao kaysa maka-hayop na ginagawa sa Indonesia, kung saan ang ginagamit na guwardiya sa mga kulungan ay buwaya!

Kailangang matanggal ang sinasabi nilang “fraternal” na pakikisama ng mga bantay sa mga nakakulong lalo na ang mga mayayaman. Hindi pwedeng ang ganitong pakisama ay walang katumbas na pera, kaya sino ba naman ang hindi kakagat sa libo-libong nakakaakit na suhol? Ang mga lumang modelo at second-hand na cellphone na nabibili daw lamang ng tatlong daan sa mga bangketa ay nabebenta ng patago sa mga nakakulong sa libong halaga. Dahil diyan, paanong mapuputol ang koneksiyon ng mga nakakulong na drug lords sa mga tauhan nila sa labas ng kulungan? Nakakatawa na tuloy ang sinasabi ng mga namumuno na tuwing nagri-raid sila sa mga kulungan, daan-daang mga cellphone ang kasama sa mga nakukumpeska o nasasamsam na deadly weapons, at “sinisira” daw nila! Bakit sinisira kung totoo man, ganoong dapat ay ipasailalim sila sa forensic examination upang ma-check ang memory na naglalaman ng mga pangalan ng kontak nila sa labas? Bakit pa sabihing gumagamit ng alyas ang mga kontak, hindi ba pwedeng gawaan ng paraan upang mabusisi ang mga impormasyong makukuha?

Hindi kailangan ang sobrang katalinuhan upang makapag-analisa sa totoong nangyayari sa loob ng mga kulungan….bakit hindi magawa ng mga taong itinalaga dahil “matalino” naman yata sila tulad ni Pnoy?

Ang punong kahoy na nagkaugat na ng malalim, putulan man ng mga sanga at tanggalan ng lahat ng dahon, subalit hindi bubunutin ay tutubuan pa rin ng mga bagong  talbos na magiging dahon at sanga, at lalong lalago pa. Patuloy pa rin itong mabubuhay dahil sa tumibay nang ugat na lumalim pa ang pagkabaon. Ganyan din ang mga ahensiya ng gobyerno na hindi natatanggalan ng mga taong nasa “ibaba” na may alam tungkol sa mga katiwalian. Magpalit man ng mga namumunong itatalaga sa mataas na puwesto, na hindi tumatagal dahil political appointees lamang, ay hindi pa rin mawawala ang katiwalian dahil ang mga nasa “ibaba” na “malalim” na ang kaalaman sa masistemang katiwalian ay nasa puwesto pa rin. Ang nangyayari sa mga kulungan ay hindi malayong nangyayari rin sa iba pang mga ahensiya ng gobyerno.

Ang mga ugat na nasa ilalim ng lupa ay nakatago, hindi nakikita subalit malaki ang nagagawa upang mapalago ang isang puno dahil sila ang sumisipsip sa lupa ng mga sustansiyang nagbibigay ng buhay sa punong kahoy.


0

May Bagong Pinuno ang Bilibid Prison pero datihan pa rin ang mga tauhan...magkakaroon kaya ng pagbabago?

Posted on Tuesday, 30 June 2015



May Bagong Pinuno ang Bilibid Prison
pero datihan pa rin ang mga tauhan
….magkakaroon kaya ng pagbabago?
Ni Apolinario Villalobos

May bagong pinuno ang Bureau of Corrections na ayon sa balita ay ka-barilan daw ni Pnoy. Umiral pa rin pala ang buddy system. Ganoon pa man, nangako ang bagong pinuno na si retired General Ricardo Rainier Cruz III, na gagawin niya ang lahat para magkaroon ng pagbabago ang Bilibid. Ilan nang mga pinuno ng nasabing kulungan ang nangako subalit napak lang. Kaya hindi na siya dapat mangako pa kung ayaw niyang mapahiya lang.

Hangga’t hindi nagkaroon ng total overhaul ng mg tauhan sa Bilibid, walang pagbabagong mangyayari, dahil ang mga taong ito ang nagbabantay sa mga priso, at hindi ang pinuno. Sila ang kadupang-palad ng mga priso na dahil sa pera ay itinuring na mga “kabalyero”. Ang mga gwardyang ito na may kontak na direkta sa mga priso ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng katiwalian sa nasabing kulungan. Kaya kahit araw-araw man maglabas  ng daan-daang kautusan na naka-memo pa ang pinuno, siguradong iismiran lang siya, pagtalikod niya.

Kung maaari nga lang ay palitan ang mga dating bantay ng military personnel na itatalaga sa nasabing kulungan on rotational TDY or temporary duty. Sa ganitong paraan lang mawawala ang aspeto ng “familiarity” na nadi-develop upang maging malapit ang mga priso sa mga bantay. At, wala na ring dahilan ang Bureau of Corrections, sa pagsabi na kulang sila sa personnel kaya hindi lahat ng priso ay nababantayan nila 24/7.

Napapansin din na wala man lang napaparusahan sa mga nahuling tiwaling mga guwardiya ng Bilibid. Iniisip tuloy ng marami na may kutsabahang nangyayari sa pagitan nila at kanilang mga superior. Nabisto rin na hindi lang pala droga ang pinagkikitaan sa loob kundi pati prostitution pa. Ano pa kayang anomalya ang maaaring umiral sa kulungang ito?

Walang pakundangan kung gumamit ng pera ang mga Tsinong drug lords sa loob upang makapagpatuloy sila ng operasyon. Napatunayan ding walang epekto ang pansamantalang pagkalipat nila sa kulungan ng NBI dahil doon ay nakapag-operate pa rin gamit ang ipinuslit na mga cell phone sa kanila, at sa pagkakataong ito, ang gumawa ay mga tauhan naman ng NBI!

Kaylan lang ay ibinalik na ang mga Tsinong drug lord sa Bilibid, kaya lalong sasaya na naman ang mga araw nila sa piling ng mga dating mahal nilang mga bantay!

Ngayon, ang bagong pinuno namang ka-barilan ni Pnoy ay nagpapakitang gilas, subalit hanggang kaylan?...tatagal kaya siya kahit wala na si Pnoy na sinasandalan niya?