Showing posts with label drug lord. Show all posts

0

The Candid Honesty of President Rodrigo Duterte and His Desperate Detractors

Posted on Wednesday, 15 March 2017

The Candid Honesty
of President Rodrigo Duterte
and His Desperate Detractors
By Apolinario Villalobos

The detractors of Duterte seem to be at the end of their wits on how to push the guy in the corner. Before they could think of any unbecoming act that they imagine or heard to have been done by him, the wise president is already in front of the microphone announcing to the world what he has been doing and what gifts he received in all candid honesty. Still, in desperation, his detractors use his candid honesty against him. Despite Duterte’s manifestation of honesty coupled with the Visayan witty humor, the detractors are saying that he is not serious in what he says. They forgot that Duterte is a Minadanoan with various ethic blood flowing in his vein, but brought up in a Visayan surrounding. As the detractors are blinded by hate, they failed to discern that Duterte uses humor only when he feels “at home” with his audience during which he also uses Davao-Visayan dialect.

Duterte was honest about his election campaign funds by admitting that he had a “surplus” which he divulged to be used to help the calamity victims. The story about his supposedly millions in a bank, died a natural death when he gave authority to the bank to reveal his records. He admitted to have had two wives, but today just lives only with one after having been separated legally from his first wife who remains close to him, being the mother of his grown up children. He breached the protocol by inviting the Japanese emperor to his home and showed his bedroom with all its simple furnishing highlighted by the mosquito net. He is vocal about his frugal meals, especially, ginisang monggo. He admitted to have killed rapists. Who among the government officials can be that honest, that put the people he deals with, at ease. In short, the guy is not a hypocrite, unlike SOME of the Roman Catholic “leaders” and MOST of the government officials who are corrupt and have unashamedly remained in their posts.

Trillanes and de Lima failed to pin him down with the extra-judicial killing issue which has dogged him since he was the mayor of Davao for three consecutive terms. The arrogance and intellectual pretentions of de Lima did not help her even when she was the Commissioner of Human Rights until she became Secretary of the DOJ. Trillanes on the other hand, relied on “second hand” information – all rumors. He literally pushed Matobato behind the bars when he made the latter testify against Duterte which boomeranged as his sworn testimonies of killings were used against him. And, now Trillanes is using another guy, who is likely to land in jail, too, when he duplicated the blunder of Matobato. Still, Trillanes is threatening to bring out four more “witnesses”….all desperate moves, as at this point in time, he could already feel his downfall when he steps out of the Senate in less than two years from now.

Joining the fracas is another desperate political personality whose “victory” as Vice-President is highly questionable – Lenny/Lenie Robredo. As she proved to be a poor researcher, she relied  on rumors from “friends”, especially, on the latest issue about the “palit-ulo”, literally, “change of head”, which means, if the police fail to pick up their target drug personality in his home, they simply pick another member of the family to take his or her place which is ridiculous. And to magnify this credulity, she even shares the baseless information with the United Nations, as if she is dealing with a local fiscal!. Her act is very unethical, especially, being the second highest official of the land.

The world will definitely laugh at Robredo as her statements imply her defense of the criminal drug personalities who are killed extra-judicially. Due process proved useless in the past in dealing with the drug problem in the country, thereby, necessitating, an “iron hand”. In this regard, the Filipinos saw in Duterte their hope based on his cleansing of Davao City. Robredro and her cohorts on the other hand, want the incorrigible drug addicts, drug pushers, drug lords, rapists and robbers go scot-free because “they have the right to live….how about the life of their victims that they have taken away?

This woman from Naga has not done anything about the rape victims of the drug addicts… not even for the bread winners of families who have become victims of these trigger-happy and  mentally-deranged criminals. She also joined hands with the equally imprudent old Roman Catholic bishops whose advocacy is “to stop the killing”….Christians kuno who do not even bother to explain to their Roman Catholic flock why the criminals are getting killed and who their victims are. FROM ALL INDICATIONS, THESE OLD BISHOPS ARE ASHAMED TO SAY THAT THE EXTRA-JUDICIAL KILLING VICTIMS THAT THEY ARE SUPPORTING ARE INCORREGIBLE DRUG ADDICTS, DRUG PUSHERS, DRUG LORDS, RAPISTS, ROBBERS….AND THEIR VICTIMS ARE INNOCENT YOUNG GIRLS AND BREAD WINNERS OF POOR FAMILIES!


THE AFOREMENTIONED GUYS AND GAL ARE SO DESPERATELY OBSESSED TO PUT DOWN DUTERTE…BUT AS THE SAYING GOES, “YOU CANNOT PUT A GOOD MAN DOWN”….ADD TO THAT THE SIMPLE WORD, “HONEST ”.

0

Ang Pagkamatay ni Espinosa..."Pagpapatahimik" lang kaya? o "Sabotahe" kay Duterte!

Posted on Saturday, 5 November 2016

ANG PAGKAMATAY NI ESPINOSA…“PAGPAPATAHIMIK” LANG KAYA?
 O  “SABOTAHE” KAY DUTERTE!
Ni Apolinario Villalobos

Dapat noon pa lang ay inilipat si Espinosa sa Manila bilang pag-iingat sa kanyang seguridad dahil hindi pa siya tapos sa pagsisiwalat tungkol sa operasyon ng droga sa Visayas, sa kabila ng pagbanggit niya ng maraming pangalan. Ayon sa anak niyang si Kerwin na nakakulong sa Abu Dhabi, may mga pulis sa kanilang probinsiya na involved sa operation nilang mag-ama, kaya maaari pa siyang magpahamak ng mga taong nasa Visayas lang. Isa ito sa mga maaaring dahilan upang siya ay patahimikin. Malaking tulong sana ang mga sasabihin ni Espinosa sa mga ginagawa ni Duterte laban sa droga kung hindi ito pinatay sa loob ng kulungan. Kung hindi maparusahan ang may kagagawan ng kamatayan ng matandang Espinosa, lalabas na kaya palang paikutan o lokohin si de la Rosa ng mga taong akala niya ay mapapagkatiwalaan niya…yan ay dahil sa SOBRA niyang tiwala sa mga pulis, na mismong nagpapakiramdaman sa isa’t isa. Maaaring pinagtatawanan siya ng mga pinalampas niya!

Hindi dapat magbulag-bulagan si Duterte at de la Rosa sa katotohanang hindi lahat ng mga tiwali sa gobyerno ay natanggal sa puwesto dahil sa isyu ng “illegibility” nila….kasama na diyan ang mga pulis na ang mga pinaghihinalaang iniimbestigahan ay itinapon lang sa Mindanao. Hindi rin lahat ng mga naiwang bulok na mga ordinaryong empleyado at opisyal ng BJMP ay panig kay Duterte. May takot man sila sa bagong presidente ay hanggang pagkimkim na lang sila subalit nadagdagan ng pagkainis dahil natigil ang kanilang raket. Dahil sa layunin ng presidente laban sa droga na dapat ay mawala ang mga sangkot, inaasahan ng mga bugok na itong sila pa ang papanigan palagi….at kasama na diyan ang nangyari kay Espinosa…na dahil tumahimik na ay wala nang maituturong kasabwat!

Mula sa isa pang anggulo, ang insidenteng pagpatay kay Espinosa ay isang “high level” na pagpapatahimik sa mga taong pwedeng magkanulo ng mga kasabwat nila at hindi pwedeng walang kinalaman ang mga tiwaling pulis at opisyal ng gobyerno. Ang “low level” na pagpapatahimik ay ginagawa naman ng mga drug lords at mga “police ninja” na pumapatay ng dati nilang “drug runners” at “drug pushers” upang hindi sila maituro pagdating ng tamang panahon. Dahil sa pagkamatay ni Espinosa, maaalala ang nangyari sa mag-asawang sinasabing drug lords na pinatay sa Caticlan, na nangakong magsisiwalat ng mga importanteng impormasyon tungkol sa drug operation sa Iloilo at mga karatig-probinsiya, at nakakonekta din sa mga Espinosa. Dahil sa pagpamatay ng mag-asawa nakahinga ng maluwag ang mga drug distributors at mga protector nila sa isla ng Panay.

Sa isang banda naman, pwedeng lumabas na sinabotahe si Duterte. Alam na ng lahat na todo ang pag-iingat ng administrasyon tungkol sa operasyon laban sa droga lalo pa at darating na sa susunod na taon ang arbitrator ng United Nations upang mag-imbestiga sa extra-judicial killings sa bansa, batay sa imbitasyon ng Malakanyang. Dahil diyan, walang dahilan upang mismong taga-administrasyon ang magpapatay kay Espinosa lalo pa at tumutulong ito sa pagtagpi-tagpi ng mga koneksyon ng mga drug operations sa Visayas na umalagwa hanggang Mindanao at Manila at makakadagdag ang tulong na maibibigay ng anak na si Kerwin sakaling maiuwi na ito sa Pilipinas.  Makakatulong sana ang mag-ama sa pagbigay ng impormasyon sa arbitrator ng UN upang mapatotohanan ang mga sinasabi ni Durterte tungkol sa matinding paglala ng problema ng droga sa bansa. Nauwi sa wala ang lahat dahil sa sobarang tiwala ni de la Rosa sa mga kapulisan at ng DOJ sa mga tauhan nitong nagbantay kay Espinosa….nagpabaya sila dahil sa over self-confidence. Akala nila ay wala na silang problema dahil popular si Duterte. Upang ipakita ng DOJ at PNP na patas sila, dapat ay kasuhan ang LAHAT ng pulis at empleyado na may kinalaman sa pagkamatay ni de la Rosa….ang kamatayan ni Espinosa ay isang malaking ebidensiya ng kapabayaan na hindi na kailangan ang imbestigasyon.

Dahil sa mga pangyayari, dapat ay mag-ingat ang presidente sa mga susunod pang mga pagsasabotahe na ang isa ay siya mismo ang nagbanggit – ang serye daw ng rally o demonstrasyon laban sa kanya sa susunod na taon. Ang gumagastos daw sa mga sabotahe ay isang mayamang babaeng Negra-Amerikana, na kung tingnan ng mataman ang isa sa mga koneksiyon ay nakaturo sa dating administrasyon.

Ang malinaw na pagsanib- puwersa ng mga detractor na nasa bansa at financiers nila sa Amerika laban kay Duterte ay talagang malaking problema. Kung sabihin ni Duterte palagi na wala siyang magagawa kung sakaling magtagumpay ang mga magpapabagsak sa kanya dahil sa sinasabi niyang “destiny” niya, magiging unfair siya sa mga nagtiwala sa kanya. Dapat ay bigyan din niya ng importansiya ang mga nagsusuporta sa kanya. Dapat alalahanin din nya na kung pagkatiwalaan lang niya ang mga Pilipino, ang People Power na nagpabagsak kay Marcos noon ay pwede din niyang sandalan ngayon. Kung noon ay diktatorya lang ang kalaban ng mga Pilipino, ngayon pa kaya na ang kalaban ay droga at krimen na kalaban din ng buong mundo?


Leksiyon ang pagpatay kay Espinosa para kay Duterte. Hindi siya dapat magpaka-kampante sa LAHAT ng mga pinagkakatiwalaan niya. 

0

Bukas na Liham kay Senador Leila de Lima

Posted on Tuesday, 2 August 2016

BUKAS NA LIHAM KAY SENADOR LEILA DE LIMA…

DEAR SENADOR DE LIMA:

Sa talumpati mo noong August 2 sa bulwagan ng senado, sinabi mong maliban sa pagpatay sa mga drug pushers at drug lords ay may ibang paraan pa. Ang mga sumusunod ay katanungan na may kinalaman tungkol dito:

·        Totoong may mga batas nang nakalatag upang masawata ang illegal na droga at sinusunod naman subalit ano ang mga nangyayari sa mga nahuli noon?...hindi ba napapakawalan dahil sa piyansa ng mga drug lord financer?...hindi ba ang mga nakakulong na mga drug lords ay nakakapag-operate pa mula sa loob dahil sa malinaw na pakikipagsabwatan nila sa kanilang bantay?...hindi ba sa kabila ng mga batas na yan ay marami ding local government officials ang nasasangkot ngayon?

·        Binilang ninyo ang ang pinatay na mga drug pushers at drug lords na ilang daan lang, subalit binilang ba ninyo ang mga milyon-milyon na buhay na nawala at nasira ang kinabukasan?...at, kung ilang milyong pamilya ang nasira dahil sa pagkalat ng bisyong ito hanggang sa pinakaliblib na barangay?

·        May magagawa ba ang mga prusisyon ng mga pari at madre upang manawagan sa mga drug pushers at drug lords na tumigil na sa kanilang ginagawa?

·        Ang mga batas ng Pilipinas ay kasama sa mga pinakamagaling sa buong mundo, subalit hindi naipapatupad ng maayos dahil sa kutsabahan ng mga gustong kumita...ito ba ang sinasabi ninyong paraan?...paanong nagkaroon ng political dynasty, hindi ba dahil sa mga batas na maraming butas kaya napapaikutan?...paano nagkaroon ng mga ghost projects…hindi ba dahil sa mga “magagaling” na batas nasilipan ng mga butas?

·        Hindi ba naging kalihim kayo ng Hustisya noon? Ano ang nagawa ninyo dahil noon pa man ay talamak na ang illegal drugs? Noong huling mga buwan ninyo sa puwesto, bakit hindi pinursige ang pag-raid sa Bilibid? Bakit nakalampas sa inyong paniningin ang mga naglalakihang pasilidad na pinagawa ng mga detinadong drug lords?

Ngayon, nanghihinayang kayo sa iilang buhay na nalagas, mga buhay ng mga drug pushers at drug lords, pero hindi kayo nanghihinayang sa milyon-milyong buhay na nasira dahil sa droga. Alam naman siguro ninyo na maski sa mga liblib na barangay ay mga illegal drugs na at ang bentahan sa iba ay “charged to crop” o pagdating ng anihan ng palay o mais. Hindi maaaring hindi ninyo ito alam dahil may budget kayo para sa “intelligence” bilang kalihim ng Hustisya.

Kung hindi naman ito alam ng mga pinupuri ninyong paring nagkokondena sa mga  pagpatay sa mga drug pushers at drug lords, sana ay huwag na silang magtatalak dahil sa kakulangan nila ng kaalaman. Hanggang saan nakarating ang mga paring pinuri ninyo sa privilege speech? Nakapasok na ba sila sa mga slum areas? Naglibot na ba sila sa Maynila lalo na sa gabi upang makita ang mga tunay na nangyayari na may kinalaman sa gutom at isa sa mga dahilan kung bakit namamayagpag ang problema sa droga? Nakita na ba nila ang mga babaeng may edad na at tin-edyer na alas siyete pa lang ng umaga ay nakatambay na sa Avenida upang magbenta ng laman? Nakakita na ba sila ng mga nangangalkal sa basura na nagsubo ng inaamag na pagkain at pinagpagan ng dumi upang maisubo?.....kung ang sagot nila sa mga tanong ay hindi, tumahimik na lang sila at magdasal 24/7!


MARAMING SALAMAT,

Si Juan ito…isang naiinis na mamamayan at nagtatanong kung bakit may mga taong matalino sa mundo subalit hindi ginagamit ito sa tamang paraan, at higit sa lahat ay makasarili.


(Ang liham na ito ay computer-generated kaya walang pirma.)

0

May Bagong Pinuno ang Bilibid Prison pero datihan pa rin ang mga tauhan...magkakaroon kaya ng pagbabago?

Posted on Tuesday, 30 June 2015



May Bagong Pinuno ang Bilibid Prison
pero datihan pa rin ang mga tauhan
….magkakaroon kaya ng pagbabago?
Ni Apolinario Villalobos

May bagong pinuno ang Bureau of Corrections na ayon sa balita ay ka-barilan daw ni Pnoy. Umiral pa rin pala ang buddy system. Ganoon pa man, nangako ang bagong pinuno na si retired General Ricardo Rainier Cruz III, na gagawin niya ang lahat para magkaroon ng pagbabago ang Bilibid. Ilan nang mga pinuno ng nasabing kulungan ang nangako subalit napakộ lang. Kaya hindi na siya dapat mangako pa kung ayaw niyang mapahiya lang.

Hangga’t hindi nagkaroon ng total overhaul ng mg tauhan sa Bilibid, walang pagbabagong mangyayari, dahil ang mga taong ito ang nagbabantay sa mga priso, at hindi ang pinuno. Sila ang kadupang-palad ng mga priso na dahil sa pera ay itinuring na mga “kabalyero”. Ang mga gwardyang ito na may kontak na direkta sa mga priso ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng katiwalian sa nasabing kulungan. Kaya kahit araw-araw man maglabas  ng daan-daang kautusan na naka-memo pa ang pinuno, siguradong iismiran lang siya, pagtalikod niya.

Kung maaari nga lang ay palitan ang mga dating bantay ng military personnel na itatalaga sa nasabing kulungan on rotational TDY or temporary duty. Sa ganitong paraan lang mawawala ang aspeto ng “familiarity” na nadi-develop upang maging malapit ang mga priso sa mga bantay. At, wala na ring dahilan ang Bureau of Corrections, sa pagsabi na kulang sila sa personnel kaya hindi lahat ng priso ay nababantayan nila 24/7.

Napapansin din na wala man lang napaparusahan sa mga nahuling tiwaling mga guwardiya ng Bilibid. Iniisip tuloy ng marami na may kutsabahang nangyayari sa pagitan nila at kanilang mga superior. Nabisto rin na hindi lang pala droga ang pinagkikitaan sa loob kundi pati prostitution pa. Ano pa kayang anomalya ang maaaring umiral sa kulungang ito?

Walang pakundangan kung gumamit ng pera ang mga Tsinong drug lords sa loob upang makapagpatuloy sila ng operasyon. Napatunayan ding walang epekto ang pansamantalang pagkalipat nila sa kulungan ng NBI dahil doon ay nakapag-operate pa rin gamit ang ipinuslit na mga cell phone sa kanila, at sa pagkakataong ito, ang gumawa ay mga tauhan naman ng NBI!

Kaylan lang ay ibinalik na ang mga Tsinong drug lord sa Bilibid, kaya lalong sasaya na naman ang mga araw nila sa piling ng mga dating mahal nilang mga bantay!

Ngayon, ang bagong pinuno namang ka-barilan ni Pnoy ay nagpapakitang gilas, subalit hanggang kaylan?...tatagal kaya siya kahit wala na si Pnoy na sinasandalan niya?

0

Ang Bureau of Corrections at Department of Justice

Posted on Friday, 28 November 2014



Ang Bureau of Corrections (BuCor)
At Department of Justice (DOJ)
Ni Apolinario Villalobos

Alam na pala ng Department of Justice (DOJ) na may laboratory ng droga sa national penitentiary o “Munti”, bakit ngayon lang sila nagdadakdak?... at todo warning pa si Dilema na kilala na daw niya ang mga drug lords! Dapat pala siyang kasuhan ng administratibo dahil sa hindi niya pagpapatupad ng kanyang mga responsibilidad, kaya dapat noon pa ay may ginawa na siya! Marami siyang nasasabi kung sa harap ng kamera at kung iniinterbyu pero walang nagagawa kung wala na ang mga ito. Pinaghahanda lang niya ang mga drug lords upang gumawa ng counter moves, tuwing siya ay magbrodkast. Marami tuloy ang nagtatanong kung kapanalig ba siya ng batas o ng mga drug lords!

Mula noong may pinaputok na ang whistle blower na si Kabungsuwan Makilala, wala nang narinig mula sa DOJ. Kung hindi pa nag-inspeksiyon ang Senado tungkol sa tunay na kalagayan ng Bureau of Corrections, hindi pa nataranta uli ang DOJ sa pagkilos kuno, sabay ng kaliwa’t kanang pa-interview, para lang masabing may ginagawa sila. Hihingi pa raw ng tulong sa iba pang ahensiya ng gobyerno dahil hindi nila kayang matunton ang laboratory sa loob ng “Munti”. Kung hindi ba naman hung….ang! Ilang linggo na ang sinayang ni de Lima mula nang magpaistaring siya sa mga interview. Siguradong ni isang kapiranggot na gamit ay wala nang mahahagilap dahil pinagtatago na o inalabas na sa compound. Hindi magiging drug lords ang mga walang konsiyensang nakadetene sa “Munti” kung bobo sila, kaya nakokontrol nila ang mga gwardiya at opisyal!

May sinabi ang dating Director ng Bureau of Correction na si Santiago, na ang pinatapon daw niya noong drug lord sa isang malayong “kolonya” o penal colony ay nakabalik! Ang tanong ay kung saan nanggagaling ang authority sa mga ganitong desisyon? Hindi ba DOJ? Malamang sa malamang, malawak ang saklaw ng “intelliegence network” ng mga drug lords sa loob ng “Munti” na may koneksiyon pa rin sa mga kaalyado nila sa labas. Kasama sa network na ito ang mga tauhan ng Bureau of Corrections at DOJ dahil kaya nilang magbayad ng malaki, kaya lahat ng kilos ng mga matitinong tauhan ng mga ahensiyang ito ay nalalaman at naititimbri agad.  Saan naman napunta ang intelligence fund ng DOJ? Ang bagong Director ng BuCor na si Bucayo ay walang nagawa kahit alam pala niya ang mga nangyayari, kaya dapat magresayn na siya.

Ngayon, hindi nakakapagtataka kung bakit tuwing may ma-raid na drug laboratories saan man sa Pilipinas ay walang nahuhuling may-ari. Kung hindi kasi natimbrihan agad ng mga kakutsaba sa loob ng mga ahensiya ng gobyerno kaya nakatakas, ang iba pala ay nasa loob na ng “Munti”!