0

Ang Pagkamatay ni Espinosa..."Pagpapatahimik" lang kaya? o "Sabotahe" kay Duterte!

Posted on Saturday, 5 November 2016

ANG PAGKAMATAY NI ESPINOSA…“PAGPAPATAHIMIK” LANG KAYA?
 O  “SABOTAHE” KAY DUTERTE!
Ni Apolinario Villalobos

Dapat noon pa lang ay inilipat si Espinosa sa Manila bilang pag-iingat sa kanyang seguridad dahil hindi pa siya tapos sa pagsisiwalat tungkol sa operasyon ng droga sa Visayas, sa kabila ng pagbanggit niya ng maraming pangalan. Ayon sa anak niyang si Kerwin na nakakulong sa Abu Dhabi, may mga pulis sa kanilang probinsiya na involved sa operation nilang mag-ama, kaya maaari pa siyang magpahamak ng mga taong nasa Visayas lang. Isa ito sa mga maaaring dahilan upang siya ay patahimikin. Malaking tulong sana ang mga sasabihin ni Espinosa sa mga ginagawa ni Duterte laban sa droga kung hindi ito pinatay sa loob ng kulungan. Kung hindi maparusahan ang may kagagawan ng kamatayan ng matandang Espinosa, lalabas na kaya palang paikutan o lokohin si de la Rosa ng mga taong akala niya ay mapapagkatiwalaan niya…yan ay dahil sa SOBRA niyang tiwala sa mga pulis, na mismong nagpapakiramdaman sa isa’t isa. Maaaring pinagtatawanan siya ng mga pinalampas niya!

Hindi dapat magbulag-bulagan si Duterte at de la Rosa sa katotohanang hindi lahat ng mga tiwali sa gobyerno ay natanggal sa puwesto dahil sa isyu ng “illegibility” nila….kasama na diyan ang mga pulis na ang mga pinaghihinalaang iniimbestigahan ay itinapon lang sa Mindanao. Hindi rin lahat ng mga naiwang bulok na mga ordinaryong empleyado at opisyal ng BJMP ay panig kay Duterte. May takot man sila sa bagong presidente ay hanggang pagkimkim na lang sila subalit nadagdagan ng pagkainis dahil natigil ang kanilang raket. Dahil sa layunin ng presidente laban sa droga na dapat ay mawala ang mga sangkot, inaasahan ng mga bugok na itong sila pa ang papanigan palagi….at kasama na diyan ang nangyari kay Espinosa…na dahil tumahimik na ay wala nang maituturong kasabwat!

Mula sa isa pang anggulo, ang insidenteng pagpatay kay Espinosa ay isang “high level” na pagpapatahimik sa mga taong pwedeng magkanulo ng mga kasabwat nila at hindi pwedeng walang kinalaman ang mga tiwaling pulis at opisyal ng gobyerno. Ang “low level” na pagpapatahimik ay ginagawa naman ng mga drug lords at mga “police ninja” na pumapatay ng dati nilang “drug runners” at “drug pushers” upang hindi sila maituro pagdating ng tamang panahon. Dahil sa pagkamatay ni Espinosa, maaalala ang nangyari sa mag-asawang sinasabing drug lords na pinatay sa Caticlan, na nangakong magsisiwalat ng mga importanteng impormasyon tungkol sa drug operation sa Iloilo at mga karatig-probinsiya, at nakakonekta din sa mga Espinosa. Dahil sa pagpamatay ng mag-asawa nakahinga ng maluwag ang mga drug distributors at mga protector nila sa isla ng Panay.

Sa isang banda naman, pwedeng lumabas na sinabotahe si Duterte. Alam na ng lahat na todo ang pag-iingat ng administrasyon tungkol sa operasyon laban sa droga lalo pa at darating na sa susunod na taon ang arbitrator ng United Nations upang mag-imbestiga sa extra-judicial killings sa bansa, batay sa imbitasyon ng Malakanyang. Dahil diyan, walang dahilan upang mismong taga-administrasyon ang magpapatay kay Espinosa lalo pa at tumutulong ito sa pagtagpi-tagpi ng mga koneksyon ng mga drug operations sa Visayas na umalagwa hanggang Mindanao at Manila at makakadagdag ang tulong na maibibigay ng anak na si Kerwin sakaling maiuwi na ito sa Pilipinas.  Makakatulong sana ang mag-ama sa pagbigay ng impormasyon sa arbitrator ng UN upang mapatotohanan ang mga sinasabi ni Durterte tungkol sa matinding paglala ng problema ng droga sa bansa. Nauwi sa wala ang lahat dahil sa sobarang tiwala ni de la Rosa sa mga kapulisan at ng DOJ sa mga tauhan nitong nagbantay kay Espinosa….nagpabaya sila dahil sa over self-confidence. Akala nila ay wala na silang problema dahil popular si Duterte. Upang ipakita ng DOJ at PNP na patas sila, dapat ay kasuhan ang LAHAT ng pulis at empleyado na may kinalaman sa pagkamatay ni de la Rosa….ang kamatayan ni Espinosa ay isang malaking ebidensiya ng kapabayaan na hindi na kailangan ang imbestigasyon.

Dahil sa mga pangyayari, dapat ay mag-ingat ang presidente sa mga susunod pang mga pagsasabotahe na ang isa ay siya mismo ang nagbanggit – ang serye daw ng rally o demonstrasyon laban sa kanya sa susunod na taon. Ang gumagastos daw sa mga sabotahe ay isang mayamang babaeng Negra-Amerikana, na kung tingnan ng mataman ang isa sa mga koneksiyon ay nakaturo sa dating administrasyon.

Ang malinaw na pagsanib- puwersa ng mga detractor na nasa bansa at financiers nila sa Amerika laban kay Duterte ay talagang malaking problema. Kung sabihin ni Duterte palagi na wala siyang magagawa kung sakaling magtagumpay ang mga magpapabagsak sa kanya dahil sa sinasabi niyang “destiny” niya, magiging unfair siya sa mga nagtiwala sa kanya. Dapat ay bigyan din niya ng importansiya ang mga nagsusuporta sa kanya. Dapat alalahanin din nya na kung pagkatiwalaan lang niya ang mga Pilipino, ang People Power na nagpabagsak kay Marcos noon ay pwede din niyang sandalan ngayon. Kung noon ay diktatorya lang ang kalaban ng mga Pilipino, ngayon pa kaya na ang kalaban ay droga at krimen na kalaban din ng buong mundo?


Leksiyon ang pagpatay kay Espinosa para kay Duterte. Hindi siya dapat magpaka-kampante sa LAHAT ng mga pinagkakatiwalaan niya. 

Discussion

Leave a response