Ang Isa pang Dapat Gawin ng mga Pasaway na Nagra-rally
Posted on Sunday, 20 November 2016
ANG ISA PANG DAPAT GAWIN NG MGA
PASAWAY NA NAGRA-RALLY
Ni Apolinario Villalobos
Sa halip na sa harap ng US embassy o
mag-martsa sa kalye ang mga pasaway na raleyista na karamihan ay hinatak lang
mula kung saan, dapat sa harap ng kongreso, senado, Office of the Ombudsman, at
Department of Justice nila gawin ang mga protesta at ang mga placard nila ay
may nakasulat na pangalan ng mga corrupt na ibinoto ng tao. Kung matatandaan,
maraming nasa senado pa ngayon ang dapat ay sinampahan ng kasong plunder ng Ombudsman
at Department of Justice noong panahon ni de Lima. Marami ang nagtaka kung
bakit hindi itinuloy kahit hanggang “first base” man lang ang mga kaso para sa
mga susunod pang batch kung saan ay kasama ang pangalan ng ilang senador at mga
kongresista.
Dapat kulitin ng mga raleyista ang
kasalukuyang Department of Justice at Ombudsman para maipagpatuloy ang mga
kaso. Ang nakakasuka pa ay ang pagsama sa mga pasaway na raleyista ng mga
napangalanang may mga kaso. Ang mga hudiputang mga opisyal ay nagmamalinis at nagpapakita
sa taong bayan ng pagkakaroon nila ng “konsiyensiya” kuno laban sa Martial Law, yon pala, pinalipas lang
ito, dahil nang sila na ang umupo ay nangurakot din!
Siguradong kinakabahan ang mga nagmamalinis
na mga opisyal sa mga susunod na gagawin ni Duterte dahil nakasalang na ang
balak na pagkalkal sa mga nabinbing mga kaso laban sa nangurakot na ang
sukdulan ay sa kapanahunan ni Pnoy Aquino.
Discussion