Ang "Purpose in Life", si Marcos, ang Martial Law, at si Duterte
Posted on Sunday, 20 November 2016
ANG “PURPOSE IN LIFE”, SI MARCOS,
ANG MARTIAL LAW, AT SI DUTERTE
Ni Apolinario Villalobos
Sa mga nakiki-uso, siguradong alam nila ang
sinasabing best seller na librong may pamagat na “Purpose in Life”. Tulad ng
sinabi ko sa isang blog na hindi ko man nabasa ang librong yan, alam kong ang
mga nilalaman ay tungkol sa mga papel natin dito sa mundo, dahil pinapahiwatig
na ng titulo. Simple lang naman ang ibig kong sabihin….ang layunin ng Diyos kay
Ferdinand Marcos ay maging diktador ito at magkaroon ng Martial Law sa
Pilipinas upang gumising tayong mga Pilipino, subalit dahil sa SOBRANG katigasan
ng ulo natin ay hindi pa rin tayo natuto. Nagkaroon ng NAPAKARAMING PAGKAKATAON
upang tayo ay magbago pero halal pa rin tayo nang halal ng mga tiwali sa
puwesto na kung hindi kurakot ay pabaya sa trabaho…kasama na diyan ang lahat ng
mga presidente na pumalit kay Marcos kaya namana ni presidente Duterte ang
sanlaksang problema nang siya ay maupo. Ganitong-ganito ang style na ginawa ng
Diyos ng mga Israelitas noong panahon ng Bibliya, kung kaylan, basta gusto niyang
parusahan ang mga ito ay gumagamit Siya ng mga pagano upang sila ay lusubin,
pagpapatayin, at alipinin.
Ang “purpose in life” ni Duterte na
ibinigay ng Diyos sa ganang akin, ay upang gisingin uli ang mga Pilipino,
subalit dahil sagad sa buto ang katigasan ng Pilipino, sa halip na
makipagtulungan, pati ang mga tauhan ng simbahang Katoliko ay nagpapagamit sa
mga gustong magpabagsak sa kanya. Ang isang halimbawa ng dapat sana ay nagbukas
ng kanilang mga mata ay ang pag-amin ni de Lima na nakipagkangkangan siya sa
dati niyang driver na si Dayan. Hindi lang sampal ang inabot ng mga pari,
madre, estudyante at iba pang supporter ni de Lima, kundi boldyak at tadyak pa!
Ngayon, sa issue naman ng pagpapalibing sa
isang bangkay sa sementeryo na pinaglibingan din daw ng aso ni Cory ay
nag-iingay sila! Anong kasagraduhan ang sinasabi nila tungkol sa sementeryong
yan na pinaglibingan ng isang hayop na sinasabi na lang na naging “sundalo” din
daw upang makalusot ang mga hangal na sipsip na nagsulsol kay Cory na doon
ilibing ang aso niya? At, anong “libingan ng mga bayani” ang sinasabi nila
ganoong malinaw sa talaan ng Kongreso na ang talagang “Libingan ng Mga Bayani”
ay nasa Quezon City!
AYON KAY SENADOR GORDON ANG TUNAY NA
PANGALAN NG SEMENTERYONG MAY NAKAKABIT NA “BAYANI” AY “REPUBLIC MEMORIAL
CEMETERY”. Kaya ang malinaw ngayon ay gusto lang talagang mambulabog ng mga
nagra-rally sa mga proyekto ng bagong administrasyon. Ang masama pa, nandamay
pa ang mga leftist na organizers ng mga estudyanteng walang kaalam-alam tungkol
sa isyu ng Martial Law…kaya para lang siguro maka-experience ng pagsisigaw sa
kalye ay sumama na rin. Ang hindi nila naliwanagan ay ang katotohanang PATAY na
ang taong kinakalaban nila, subalit ang mga PWEDE pang kasuhan na buhay ay
NANDIYAN PA!...subalit hindi ginagawa ng mga grupong nagmamaang-maangan na
makabayan kuno.
Sa isang banda, ang “purpose in life” ng
mga nagra-rally na mga grupong hilong- talilong na yata sa mga isyu ay upang
mahantad sa buong sambayanang Pilipino na sila pala ay talagang walang silbi at
magaling lang sa panggugulo. Kaya ituloy lang nila ang panggugulo nila na lalo
lang nagdidiin sa kanila!...mabuti nga upang lalong magalit ang taong bayan sa
kanila.
Galit din ako kay Marcos pero nagbago ang
pananaw ko makalipas ang napakaraming taon na desperasyon dahil sa kawalang
aksiyon ng mga pumalit sa kanya. Kaya naisip ko, ano pa ang silbi kung
mag-iingay man ako upang ilabas ang himutok ko, dahil mismo ngang pamilyang
Aquino ay tanggap na ang lahat ng pangyayari sa kanilang buhay kaya hindi na
sila kumibo nang animo ay pagapang na bumalik sa Pilipinas ang pamilya Marcos. At, isa pa, kahit papaano ay may ginawang
kitang-kita ang mga Marcos tulad ng Cultural Center Complex, pagpaayos at
pagpalaki ng PGH, ang matibay na LRT, mga dalubhasaang ospital tulad ng Kidney
Institute, Philippine Heart Center, atbp. Kung sasabihin ng mga pulitiko na may
kapalit ang mga ginawa nila ng limpak-limpak na salaping nakurakot kuno…ang
tanong ko sa kanila, sinong presidente ang hindi man lang INDIRECT RESPONSIBLE
sa pangungurakot ng mga opisyal sa ilalim ng administrasyon nila?...hindi
pwedeng maghugas ng kamay maski si Cory at anak niyang si Pnoy dahil sa
tinatawag na COMMAND RESPONSIBILITY. Sa ngayon, ni hindi nga mamintina ang mga
pasilidad ng gobyerno, lalo na ang hinayupak na MRT!
Ang pagtuwid ng kasaysayan ng Pilipinas na
binaluktot ni Marcos ay pwedeng ituwid at hindi kailangan ang mga rally para diyan. Isang batas lang ay
pwede na at mga taong mapapagkatiwalaang magpapatupad….silang mga nakatalaga sa mga ahensiya na may
kinalaman sa isyung ito. Dapat tumigil na ang mga nagpapapansing mga grupo para
lang masabing sila ay makabayan KUNO!...nice try, anyway!
Discussion