Ang Pag-unawa sa Ugali ng Tao
Posted on Thursday, 3 November 2016
ANG PAG-UNAWA SA UGALI NG TAO
Ni Apolinario Villalobos
UPANG HINDI MAGING 100% ANG GALIT SA ISANG
TAO, ALALAHANIN DIN ANG MGA MAGAGANDANG BAGAY NA KANYANG GINAWA. HINDI LANG
IISANG UGALI MAYROON ANG TAO…MARAMI AT NAGKAKAIBA – MABUTI AT MASAMA. PERO KUNG
SA TINGIN AY TALAGANG UMIIRAL ANG KASAMAAN NG ISANG TAO, UNAWAIN NA LANG, AT
IWASAN UPANG WALANG GULO NA BAKA HUMANTONG PA SA SAKITAN.
PATI SI HESUS AY NAGMURA DIN AYON SA
BIBLIYA. MATINDI ANG KAPANGYARIHAN NG KANYANG PAGMUMURA DAHIL NALANTA ANG PUNO
NG PRUTAS NA HINDI NAGKAROON NG BUNGA, PALATANDAANG HINDI NITO GINAMPANAN ANG
KANYANG PAPEL SA MUNDO. DAHIL SA PAGKA-INUTIL NG PUNO AY NAGING BIKTIMA RIN SI
HESUS NA GUTOM NANG PANAHONG YON. KUNG ANG PAGMUMURA SIGURO NI DUTERTE AY MAY
MATINDI RING KAPANGYARIHAN TULAD NG KAY HESUS, BAKA ANG MGA DRUG LORDS AY
NALUSAW NA!
ANG DEMONYO AY MAY PAKINABANG NA NAI-AMBAG
SA LAYUNIN NG DIYOS DAHIL GINAMIT SIYA NITO UPANG SUBUKAN SI HESUS. DAPAT
TANDAANG HINDI MALALAMAN KUNG MABUTI ANG GINAGAWA NG ISANG TAO KUNG WALANG MASAMANG
PAGBABATAYAN. LAHAT NG BAGAY SA MUNDO AY DAPAT IBATAY SA IBA PA UPANG
MALAMAN KUNG ANONG URI SIYA. HINDI MALALAMAN NG ISANG TAO, HALIMBAWA, NA SIYA
AY MATANGKAD KUNG WALANG PANDAK! WALANG MASASABING MABANGO KUNG HINDI ALAM KUNG
ANO ANG AMOY NG MABAHO!
AYON PA RIN SA BIBLIYA, KAHIT PINATAY NI
CAIN SI ABEL AY HINDI SIYA TULUYANG ITINAKWIL NG DIYOS, BAGKUS AY NILAGYAN SIYA
NG TATAK UPANG HINDI KUYUGIN NG IBANG TAONG MASASALUBONG NIYA NA NAKAALAM NG
KANYANG GINAWA. GANOON DIN ANG GINAWA KAY ADAN AT EBA, PATI ANG ULUPONG NA
PINALAYAS NA LANG SA HARDIN NG GETSEMANE, AYON SA ALAMAT TUNGKOL SA PARAISO NA
NAKASAAD SA BIBLIYA. PALAGAY KO, KUNG TINULUYANG PATAYIN NG DIYOS ANG ULUPONG
AT HINDI BASTA NA LANG PINALAYAS, BAKA ANG UGALING TRAIDOR NG TAO AY HINDI UMIIRAL
NGAYON!
SA PANAHON NAMAN NGAYON, KAHIT ANG MGA
NAGING ADIK AT PUSHER AY MINSAN DIN NAMAN SIGURONG NAGING MABAIT NA ANAK O
ASAWA AT NAAKAY LANG NG MGA MASASAMANG KAIBIGAN O NAITULAK NG MASIDHING
PANGANGAILANGAN. NAMATAY SILA DAHIL NANLABAN SA UMAARESTO O PINATAY MISMO NG
DATI NILANG MGA AMONG POLICE NINJA AT IBA PANG DRUG PUSHER NA AYAW MAITURO…KAYA
HUWAG ITURO SINA DUTERTE AT DE LA ROSA NA MAY PAKANA NG LAHAT.
FINALLY, HINDI HININGI NG BAWA’T TAO NA
SIYA AY IPANGANAK SA MUNDO. DAHIL DIYAN, GANOON NA LANG SIGURO ANG PAG-IYAK AT PAGPALAHAW NG BAGONG ISINILANG NA
SANGGOL NANG MARAMDAMANG INILABAS SIYA SA MUNDO DAHIL NAAMOY NITO ANG MABANTOT
NA MARUMING HANGIN, AT LALONG TUMINDI PA ANG KANYANG IYAK…PALUIN BA NAMAN SIYA
GANOONG WALA NAMAN SIYANG KASALANAN AT KARARATING LANG NIYA SA MUNDONG MARUMI
AT MAGULO!
Discussion