0

Ang Mga Nagpakabayani sa Rehimeng Marcos at mga Panggulong Sulsol Ngayon

Posted on Sunday, 20 November 2016

ANG MGA NAGPAKABAYANI SA REHIMENG MARCOS
AT MGA PANGGULONG SULSOL NGAYON
Ni Apolinario Villalobos

Alam ng mga namatay, pinahirapan at nawala noong panahon ng Martial Law ang kahihinatnan nila sa pagsagupa kay Marcos. Hindi naman sila mga attack dogs na basta na lang mangangagat dahil inutusan ng amo nila. Ang mga nakipaglaban kay Marcos noon ay may matatag na adhikain na ang katumbas ay kamatayan nila kaya noon pa man ay tanggap na nila ang magiging kahihinatnan nila. Kung hindi nila tanggap dapat ay tumiwalag na sila sa grupo nila nang maramdaman mainit na sila sa pamahalaan, pero hindi….bagkus ay nagpatuloy sila kahit pa siguro tutol ang mga magulang nila. Nangyari nga ang pinangangambahang kamatayan at pagkawala nila. Nang mawala si Marcos sa Pilipinas walang ginawang aksiyon ang mga pumalit na presidente upang mapanagot ang mga sangkot na ang iba ay nagpalit lang ng kulay kaya may puwestong matataas pa sa gobyerno tulad ni Fidel Ramos at Juan Ponce Enrile….bukod sa mga heneral.

Masuwerte ang mga buhay at pinakawalan mula sa kulungan. Ang paglaya naman ng mga naiwang political detainees ay pinaglalaban hanggang ngayon…AT, ANG ISYUNG YAN DAPAT NA PAGTUUNAN NG PANSIN NG MGA NAGSISISIGAW SA MGA KALYE AT HARAP NG US EMBASSY, HINDI ANG ISYU SA PAGKALIBING NI MARCOS SA ISANG SEMENTERYO.

HINDI RIN DAPAT NA ISINISIGAW PA NILA ANG ISYU NG MGA NAMATAY NA O DI KAYA AY NAWALA. ANG DAPAT NILANG GAWIN TUNGKOL SA MGA KASAMA NILANG YAN AY MAG-RESEARCH KUNG SINO SILA – PANGALAN AT PROBINSIYANG PINANGGALINGAN AT ESKWELAHANG PINASUKAN. IBIGAY ANG LISTAHAN SA KAALYADO NILA SA KONGRESO AT SENADO AT HIKAYATIN ANG MGA ITO NA GUMAWA NG PANUKALA NA MAG-DEKLARA SA MGA NAMATAY AT NAWALA BILANG, “MGA BAYANI SA PANAHON NG MARTIAL LAW”. SA PAMAMAGITAN NIYAN, MAITATALA ANG MGA PANGALAN NILA SA LAHAT NG MGA AKLAT SA BANSA TUNGKOL SA MARTIAL LAW. PWEDE DING MAGLAGAY NG MARKER NA MAY MGA PANGALAN SA MGA ESKWELAHAN AT PROBINSIYANG PINANGGALINGAN NILA.

Siguradong may pera ang mga organisasyong maka-kaliwa o pulahan na panggastos sa suggestion ko. Huwag nilang ibulsa ang mga “donasyon”. Kung hindi nila magagawa, ang kalalabasan nila ay talagang malinaw na “TAGA-PANGGULO” lamang kahit sino pa ang presidente….ang tawag diyan ay “SULSULERO”. Kung ihambing sila sa kulisap, para silang kuto o kuyumad sa ulo o hanep sa balat na nagsasanhi ng kati kaya nakakainis!


Discussion

Leave a response