Ang Mga Dapat Gawin ng mga Anti-Marcos Groups sa halip na Magpapapansin sa Pamamagitan ng mga Rally
Posted on Saturday, 19 November 2016
ANG MGA DAPAT GAWIN NG MGA ANTI-MARCOS
GROUPS
SA HALIP NA MAGPAPANSIN SA PAMAMAGITAN NG MGA
RALLY
Ni Apolinario Villalobos
KUNG MAGKAKAISA ANG LAHAT NG MGA
NAGSASABING NAKADANAS NG PAGMAMALUPIT NOONG PANAHON NG MARTIAL LAW, SA HALIP NA
MAG-IINGAY UPANG MAKATAWAG LANG NG PANSIN, AY PWEDE SILANG MAGSAMPA NG KASO SA
MGA BUHAY PANG HENERAL LALO NA KAY FIDEL RAMOS, JUAN PONCE ENRILE, AT ANAK NI
VER. SINA RAMOS AT ENRILE AY MAY MALALAKING PANANAGUTAN DIN DAHIL NANG LUMIPAT
SILA SA KAMPO NI CORY AQUINO AY NAKAGAWA NA SILA NG MGA BAGAY NA AYON SA MGA
BIKTIMA NG MARTIAL LAW AY NAGPAHIRAP SA KANILA.
BAGO LUMIPAT KAY AQUINO ANG DALAWA AY
NAKAPAGPAKULONG NA SILA NG MGA DAAN-DAANG KALABAN SA PULITIKA, AT MAAARING
SANGKOT DIN SA PAGKAWALA NG MGA SINASABING “DESAPARECIDOS”. INAMIN NI ENRILE NA
ISA SIYA SA MGA BUMALANGKAS NG MARTIAL LAW. ANG ANAK NI GENERAL VER NA SANGKOT
DIN AY BUHAY PA. KUNG MAGRI-RESEARCH ANG MGA ANTI-MARCOS GROUPS AY MARAMI
SILANG MAILILISTANG MGA PERSONALIDAD NA SANGKOT UPANG MAKASUHAN.
DAHIL DIYAN AY HUWAG MAGBULAG-BULAGAN SI
LAGMAN LALO NA SI TRILLANES, AT IBA PA NA MAINGAY SA PAGBATIKOS KAY MARCOS SA
KATOTOHANANG SANGKOT DIN SINA RAMOS AT ENRILE, AT IBA PANG MGA HENERAL SA MGA
PAHIRAP NOONG PANAHON NG MARTIAL LAW. HUWAG NILANG I-SENTRO LAMANG KAY MARCOS
ANG PAG-AALBURUTO NILA, LALO PA AT PATAY NA ITO. HUWAG NILANG SISIHIN ANG MGA
ANAK NI MARCOS DAHIL BILANG MGA ANAK AY HINDI SILA PWEDENG MAGBINGI-BINGIHAN SA
MGA MASASAKIT NA SALITA LABAN SA KANILANG TATAY KAYA NAPIPILITAN NA RIN SILANG
SUMAGOT.
KUNG PAPANSININ, ANG MGA TAGA-MAYNILA LANG
NAMAN ANG MAIINGAY SA PAGBATIKOS SA PATAY NANG SI MARCOS. ANG MGA NASA IBANG
PANIG NG BANSA AY TAHIMIK DAHIL GUSTO NILANG MAG-MOVE ON NA LALO PA AT MARAMING
PROBLEMA ANG KINAKAHARAP ANG KASALUKUYANG ADMINISTRASYON NA MINANA NITO MULA SA
MGA NAGPABAYANG MGA PRESIDENTE MULA KAY CORY AQUINO HANGGANG SA ANAK NIYANG SI
PNOY AQUINO. DAHIL KUNG NOON PA LANG PANAHON NI CORY HANGGANG SA MGA SUMUNOD
PANG MGA ADMINISTRASYON AY TUMULUY-TULOY LANG ANG PAGKAKASO LABAN SA MGA TAUHAN
NI MARCOS NA BUHAY PA, PATI SA PAGBAWI SA SINASABING NAKAW NA YAMAN, SANA
NGAYON KUNG MAY NATIRANG PROBLEMA AY KAUNTI NA LANG. AT, MALAMANG AY NAHARANGAN
ANG PAG-UWI NG PAMILYANG MARCOS PATI ANG BANGKAY NG PADRE DE FAMILIA NILA.
SA ISANG BANDA AY KADUDA-DUDA ANG BIGLANG
PAG-IINGAY NG MGA GRUPONG ITO NA HALATANG GUSTONG BULABUGIN LANG ANG MGA
GINAGAWA NI DURTERTE….GUSTO NILANG MAKADAGDAG NG PROBLEMA. NAGKAROON SILA NG BUTAS NA MASISILIP….AT SINO
KAYA ANG PROMOTOR????!!!
Discussion