Ang Abogado
Posted on Tuesday, 22 November 2016
ANG ABOGADO
Ni Apolinario Villalobos
Ang todo-todong denial ni de Lima ay
typical na ugali ng isang abogado. Ang tagumpay ng isang abogado sa korte ay
depende sa kanyang galing sa pagsalita at pagpakita ng “ebidensiya”…at diyan
yumaman ang ILANG abogado na kinukuha ng mga drug lord at kriminal na mayaman.
Dapat ding tanggaping hindi lahat ng batas ay patas sa mayaman at mahirap. Ang ILANG
mga gumawa kasi ng mga batas ay mayayaman at kaya nga sila nagpursigeng maging
mambabatas ay upang masiguro na lalo pa silang makinabang. Ang ILANG mambabatas
na hindi mayaman ay may balak namang yumaman…huwag silang mambola sa pagsabi na
kaya sila pumasok sa pulitika ay gusto nilang tumulong sa taong bayan. Wala
ring silbi ang sinasabing “hustisya” sa korte dahil mismong ILAN sa mga huwes
ay tiwali.
Kung magaling ang abogado, kahit mali ay
napapalabas niyang tama batay sa batas na ginawa ng mga mambabatas na karamihan
ay abogado rin. Sigurado rin ang panalo niya kung ang kalaban niyang abogado ay
walang binatbat o walang kuwenta…at lalung-lao na kung ang huwes na humahawak
sa kaso ay binayaran. Dahil sa mga nabanggit ay may kasalanang “miscarriage of
justice” kung sakaling mapatunayan ng “matinong” nakakataas na huwes ang
nangyaring katiwalian, batay naman saa tinatawag na “appeal”. Sa larangan ng abogasya ay matunog ang mga
bupete o law offices na nakapagpanalo ng mga kriminal kahit obvious na may
kasalanan, pero dahil magaling sa pagsilip ng mga batas na may butas ang mga
abogado nila, sila ang kinukuha ng mga korap sa gobyerno, mga holdaper na
mayaman at drug lords.
May mga kaibigan akong abogado na kahit
hindi angkop ang utak sa abogasya ay nagpilit kumuha ng kursong ito dahil
pinagbigyan lang ang magulang. Ang iba naman ay balak lang mag-notaryo at hindi
hahawak ng kaso na pagdedebatihan sa korte dahil tanggap naman nila na mahina
sila sa Ingles lalo na sa pagsalita nito. Ang dalawa nga sa kanila ay
nagpapa-edit pa sa akin ng mga dokumentong ginawa nila.
Ang mga batas ay hindi perpekto dahil kahit
kapirasong butas ay meron sila at ito ang mga pinag-aaralan ng mga abogado.
Dahil diyan ay maraming tiwaling mambabatas na abogado dahil alam nila kung
anong batas ang pwede nilang pagkitaan, at ang iba ay sila pa ang nagpanukala.
Balik kay de Lima…..ang pagmamatigas niya ay
effort at karapatan ng mga “matataling tao”, batay sa mga kasabihang, “my word
or your word” at, “innocent until proven guilty”. Siya ay edukada at abogada,
pero ang mga witnesses laban sa kanya ay hindi nakatapos ng kurso, at yong isa
nga ay hindi nakatapos ng elementarya.
Ang blog na ito ay pansarili kong pananaw
at hindi akong nanghihikayat ng mga mambabasa upang ako ay paniwalaan o di kaya
ay mawalan ng tiwala sa korte at mga abogado. Hindi naman lahat ng abogado ay
may matuwid na pag-iisip at konsiyensiya….masuwerte ang makakakuha sa kanila.
Discussion