1

Mga Problema ng Nagpapaupa ng Tirahan at ng mga Nangungupahan

Posted on Tuesday, 29 November 2016

MGA PROBLEMA NG NAGPAPAUPA NG TIRAHAN,
AT NG MGA NANGUNGUPAHAN
Ni Apolinario Villalobos

Ang problema ng mga nagpapaupa ay ang mga propesyonal na mandurugas na nangungupahan na ang style ay pagpalipat-lipat ng mga tirahan kung wala nang pambayad. Sa simula ay advance pa kunwari sa pagbayad pero pagkalipas ng dalawa o tatlong buwan ay delayed na haggang tuluyang hindi na magbayad dahil wala daw pera, pero kaya namang bumili ng mga mamahaling gadget at palagi pang nagpapainom sa bahay. Kapag malaki na ang naipong utang at pinaalalahanan ng may-ari, sila pa ang galit, at sila pa rin ang unang nagrereklamo sa barangay dahil hina-harass daw.

Ang iba namang may-ari ng bahay, apartment o kuwarto na pinauupahan ay hindi man lang tini-check ang background ng gustong umupa. Hindi man lang inaalam kung saang barangay galing, at maski tadtad na ng tattoo ang katawan, may mga hikaw pati ilong at bibig, okey lang. Magugulat na lang ang gahamang may-ari kapag may kumatok nang pulis sa pinto ng nangungupahang drug pusher pala! May isa namang nagpaupa na dahil impress sa kotse at ayos ng mga titira, lalo pa at nagbigay agad ng down payment at ilang buwang advance ay hindi na nagtanong pa tungkol sa uri ng trabaho nila. Ilang buwang makalipas ay hinuli ang mga nangungupahan sa isang grocery sa bukana ng subdivision – mga holdaper pala! Yong isa namang may-ari ng apartment ay tinanggap agad ang mga nag-apply, at hindi pa rin nagduda kahit puro lalaki ang nagdatingan na ang dala ay mga backpack lang, walang gamit pangbahay, pero maraming sasakyang ginagamit. Hindi kalaunan, ni-raid ang apartment dahil ang mga nangupahan pala ay isang grupo ng kilala at notorious na holdaper, ang “Kuratong Baleleng”.

Ang iba naman ay tinatarantado ang kubeta ng  inuupahan dahil bago sila umalis ay sinasalaksakan nila ang inudoro ng kung anu-anong bagay upang maging barado na! Ang iba naman ay kinakalikot ang electrical wirings upang magkaroon ng short circuit. Meron pang nagbabawas o nagluluwag ng besagra ng mga pinto, kaya ilang bukas-sarado lang bigla na lang silang matatanggal. Kapag ganito ang nangyayari, kawawa ang landlord lalo pa kung ito ay retirado at ang inaasahang pambili ng gamot ay ang upa.

Hindi naman lahat ng nangungupahan ay mandurugas o may bisyo. Ang karamihan ay disente lalo na yong may  maayos ang trabaho. Meron ngang tumatagal ng hanggang nagka-apo na. Ang problema naman nila ay ang switik na may-ari ng inuupahan nila pagdating sa singil sa kuryente at tubig na “common” o batay lang sa isang metro. Mataas ang singil ng mga switik na ito sa mga tenants upang silang may-ari ay makalibre na. Kapag umalis naman ang mga nangupahan, hindi binabalik ng ilang landlord ang deposito kahit walang nasirang bagay sa inupahan. Upang hindi maibalik ay kung anu-anong dahilan ang sinasabi ng mga switik na landlord sa mabait na tenant upang hindi na mabawi ang deposito. Kadalasan din ay pinapangakuan ang mga umalis na tenants na bumalik pero wala namang nangyayari hanggang tamarin na lang sila at upang hindi na magkagastos sa pamasahe.

May isang switik na landlord akong alam na na-karma kaya ngayon ay tadtad ng sakit ang katawan, lalo na ng psoriasis, isang sakit sa balat kaya iniiwasan siya. Ang isa namang “propesyonal” na mandurugas na tenant na isa palang drug pusher at nagpapagamit ng inuupahan bilang “drug den” ay nadale sa operasyon “tokhang”.




Discussion

  1. Ito ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
    mayocareclinic@gmail.com
    Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
    Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.

    ReplyDelete