Huwag Sayangin at sa Halip ay Gamitin sa Kabutihan ang mga Biyaya
Posted on Sunday, 13 November 2016
Huwag
Sayangin at sa Halip
ay
Gamitin sa Kabutihan ang Mga Biyaya
Ni Apolinario Villalobos
Lahat ng bagay sa mundo, lalo na ang may
buhay tulad ng tao ay may mga kabuluhan batay sa mga biyayang ibinigay sa
kanila. Kung gagamitin lang sa kabutihan ang mga biyayang ito, magkakaroon sana
ng tinatawag sa Ingles na “harmony” o samahang matiwasay sa ibabaw ng mundo.
Subalit dahil ang bahid ng kasamaan ay naging bahagi na ng tao, hindi maiwasang
magkaroon ng mga mapagsamantala. Ang iba naman, dahil sa sobrang pagkakimi o
pagkamahiyain ay hindi inilalabas upang maipamahagi ang kanilang biyaya upang
kahit papaano sana ay mapakinabangan ng iba…sila ang mga mapag-imbot, subalit
hindi nila ito alam.
May isang libro ngayong tanyag na isinulat
sa Ingles, mahal ang presyo kaya hindi ko mabili-bili, at ang sinasabi ng
titulo na “Purpose in Life”, ay hindi
yata naiiba sa tinatalakay ko. Pero maski wala ang librong yan, common sense
ang magdidikta sa atin na lahat tayo ay may kanya-kanyang layunin sa
sanlibutan, dahil kung wala….hindi na tayo ipinanganak!
Ang mga imbentor ay matatalinong nilalang
na ang layunin ay gumawa ng mga bagay para sa kapakinabangan ng tao. Hindi nga
lang inasahan ng ilan sa kanila na ang kanilang inimbento ay gagamitin sa
masama, tulad ng bomba, dinamita, baril, bala, at marami pang iba. Pati ang computer
at internet na dapat sana’y para sa kabutihan ng mga tao ang gamit, inabuso at
ginamit ng mga may mala-demonyong isip para sa sariling kapakanan at pangmulestiya
ng kapwa. Ginagamit ang internet upang makapanloko ng kapwa upang magkamal ng
pera, at upang harangin sa pamamagitan ng pag-bash ang magandang layunin ng iba
na maipamahagi ang mga nasa isip nila. Kung gagamitin lamang ang kaalaman ng
mga swindler ang kanilang talento sa
maayos na paraan, marami rin sana ang makikinabang. At, kung ang mga basher ay
gumawa lang din ng sarili nilang blogs upang mailahad ang kanilang saloobin,
marami sana ang matututunan ng mga mambabasa.
Ano pa nga ba at tila hindi natatakot ang
mga taong walang pakundangan sa paggamit ng kanilang mga kaalaman upang
makapanloko, sa maaaring mangyari sa kanila ayon sa Gintong Kasabihan (Golden
Rule). Dahil diyan, ang pinakamagandang gawin na lang ng iba ay huwag magbigay
ng dahilan upang sila ay gawan ng masama, at lalong higit ay mag-ingat sa loob
ng 24/7!
Discussion