0

Kailangan ng Pangulo ang "Intelligence Fund"

Posted on Friday, 25 November 2016

KAILANGAN NG PANGULO ANG “INTELLIGENCE FUND”
Ni Apolinario Villalobos

Hindi 100% na natanggal ang mga tiwali sa mga ahensiya ng gobyerno dahil sa Civil Service provision tungkol sa eligibility. Ang mga tiwaling ito ay ILAN sa mga opisyal at ordinaryong empleyadong nagsisilbing balakid sa mga programa ni presidente Duterte, kaya kailangan niya ang “intelligence fund”. Ang pondo ay magagamit na pangsuweldo sa mga taong gagawa ng palihim na pagmanman sa mga operasyon ng lahat ng ahensiya. Pwedeng gayahin ang mga malalaking department stores at grocery stores na “nagtatanim” ng tinatawag na “false shoppers” na nangangalap ng first-hand information kung sino at saang bahagi ng operasyon nila ang may palpak na serbisyo.

Ang mga taong confidential ang trabaho ay magbibigay ng first-hand na mga report kay presidente Duterte upang magkaroon siya ng ideya kung binobola lang siya ng mga itinalaga niyang kalihim at iba pang opisyal. Malalaman din niya kung ang mga datihang empleyado ay nagbago na o kung bumalik sa dating katiwalian. Kung hindi mangyayari ito, siguradong babagsak siya kahit maganda ang kanyang layunin dahil napapansin na ngayon ang kahinaan ng ilang mga opisyal na itinalaga niya dahil lang sa utang na loob.

Pwedeng gamiting halimbawa para sa pangangailangan ng “intelligence fund” ang Bureau of Customs na hanggang ngayon ay tila bumabalik na naman sa dating gawi na panggigipit sa mga importers at ang ginagamit na dahilan ay ang walang kamatayang “technical smuggling” kuno.
Ang dahilang ito ay mababaw, dahil kung regular o consistent ang kanilang paghihigpit ay hindi “palaging” nataytayming sa panahong malapit na ang pasko.


Nabisto ang modus operandi ng Bureau of Customs nang pumutok sa media dahil sa reklamo ng mga apektadong negosyante ng prutas. Dahil sa panggigipit ng Customs, inaaasahang sisirit ang presyo ng mga prutas pagdating ng Disyembre upang mabawi ng mga negosyante ang mga nagastos nila dahil sa pagka-antala ng release ng shipment nila na hindi naman nila kasalanan.

Discussion

Leave a response