Hindi Magandang Pakinggan ang "Nakakainggit Ka"
Posted on Saturday, 26 November 2016
Hindi Magandang Pakinggan ang
“Nakakainggit Ka”
Ni Apolinario Villalobos
Dapat ay tanggalin sa talaan ng pansariling
expression ang, “nakakainggit ka” dahil lumalabas ang saloobing inggit, kahit
pa sabihin ng nagsambit na ito ay biro lang. Kapag nakikipag-usap sa taong
umasenso sa tamang paraan kaya naging mayaman, dapat ang sabihin sa kanya ay,
“ang galing mo!...tutularan kita!”, o di kaya, “sana ay tumuluy-tuloy ang
pag-asenso mo”, o di kaya, “turuan mo naman ako ng paraan”. Kapag nagkataong
ang kausap mo ay talagang may layuning inggitin ka, pinasaya mo lang siya.
Maraming taong basta na lang naiinggit sa
iba. Sila ang mga tipong ayaw makakita ng mga taong masaya dahil sa tagumpay na
tinamo. Meron ding ang gusto ay sa kanila ang lahat ng biyaya at ang iba ay
walang karapatang magkaroon kahit isang piraso nito. Sila ang mga taong walang
hangganan ang pagka-sakim kaya lahat ng paraan ay ginagawa upang ang iba ay hindi
magkaroon ng pagkakataon.
Ilan na ang nakausap kong nagsabi sa akin
ng “nakakainggit ka”. Ang iba ay diretsahan kong sinasabihan ng “magsikap
ka…..huwag mainggit”. Pero ang ibang pasaway na ayaw paawat sa pag-uusisa ay
sinasagot ko ng, “gayahin mo ako….illegal recruiter na, nagbebenta pa ng shabu
at bugaw pa…at kung minsan ay holdaper at kidnaper pa, depende sa mood”. Mula
noon nginingitian na lang niya ako tuwing magsalubong kami….takot yatang
maholdap.
Discussion