Showing posts with label hypocrisy. Show all posts

0

Ang Dalawang Uri ng Tao

Posted on Tuesday, 20 June 2017

Ang Dalawang Uri ng Tao
Ni Apolinario Villalobos

Sa aking palagay at opinion, dalawang uri ng tao mayroon sa ibabaw ng mundo:

·        Abnormal- taong nakapag-aral at matino ang pag-iisip, pero hindi ginagamit ang mga ito upang mabuhay o maituring siyang normal….choice niya ang pagiging abnormal.
·        Normal- taong may diperensiya ang isip kaya ang kilos at takbo ng isip ay ayon sa kanyang kalagayan, at dahil hindi niya alam ang ginagawa, wala siyang choice.

Ang mga taong abnormal ang itinuturing kong mga salot ng lipunan dahil kahit alam nilang mali ang paggamit ng droga ay ginagawa pa rin nila. Kahit alam nilang mali ang pagnanakaw sa kaban ng bayan ay ginagawa pa rin nila. Kahit alam nilang masama ang manlamang at manloko ng kapwa ay ginagawa pa rin nila. Kahit alam nilang kaya sila nag-aral upang makatapos ay upang makatulong sa sarili at kapwa, nagpapabaya pa rin sia.


AT, DAHIL SA DAMI NG MGA ABNORMAL SA MUNDO AY NAHAWA NA RIN ANG KALIKASAN KAYA NAGING ABNORMAL NA RIN ANG PAGSAPIT NG MGA PANAHON. ANG MGA BAGYO AT BAHA AY NANGYAYARI SA MGA BUWANG DAPAT AY TAG-INIT. ANG MATINDING INIT AY NANGYAYARI SA MGA BUWANG DAPAT AY TAG-ULAN.

0

Mga Kaartehan ng mga Pilipino

Posted on Saturday, 3 June 2017

Mga Kaartehan ng mga Pilipino
Ni Apolinario Villalobos

Walang masama o problema kung mag-iinarte man ang isang Pilipino….kung kaya niya dahil super rich siya o di kaya ay may kakayahan man lang. Pero kung wala naman…siya ay isang mapagkunwaring wala sa ayos, kaya wala siyang karapatan. Ang mga maarte na wala namang karapatan ang sumisira sa magandang imahe ng Pilipino sa mata ng mga dayuhan, dahil unang-una, karamihan ng mga Pilipino ay mahirap kaya dapat sana, kung ano ang kaya ng bulsa ay siyang ipakita….huwag magmaang-maangang super rich ganoong sa iskwater nakatira, o di kaya ay huwag mag-iinarteng hindi kumakain ng tuyô ganoong, isang beses lang sa isang araw ang kayang kainin sa bahay.

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga kaartehang napansin ko, pero binubulag-bulagan naman ng karamihan….ANG TAMAAN AY HUWAG MAGALIT:
·        Ayaw kumain ng NFA rice ang karamihan ng mga Pilipino dahil hindi puting-puti ang mga butil at hindi pa mabango…. ganoong halos wala na ngang pambili kahit isang kilo man lang na ordinaryong bigas! May amoy daw ang NFA rice…isang katarantaduhang dahilan…bakit? wala bang tubig na panghugas? Kung isang kahig-isang tuka ang kalagayan sa buhay, bakit hindi mag-adjust tulad ng pinahihiwatig ng kasabihang, “matutong mamaluktot kung maikli ang kumot”?

·        Ayaw mamili ang ibang Pilipino sa ukay-ukay dahil nakakahiya daw kapag nakita ng kapitbahay o kaibigan kaya dapat ay sa mga boutique ng branded na damit sa mga malls lang upang hindi masabing “naghihirap” na! Ang mga isinusuot sa katawan ay may binabagayan, at ang mga nasasalubong ay hindi sumisilip sa brand tag na nasa kuwelyo ng damit. Kung ang isang tao ay kilalang talagang mahirap, pagsuutin man siya ng tig-sampung libong pisong damit, tingin sa kanya ay nakasuot pa rin ng tig-20pesos ang halaga! Subalit meron talagang maski hindi natin kilala, hindi nababagayan ng damit na alam nating galling sa mall. ANG KATOTOHANAN AY, ANG MGA ORIGINAL NA BRANDED NA DAMIT AY SA MGA UKAY-UKAY LANG MATATAGPUAN, MALIBAN SA AUTHENTIC AT AUTHORIZED NA MGA OUTLET.

·        Maraming Pilipino ang ayaw kumain ng gulay dahil hindi daw sila “natutunawan”. Kung di ba naman mga tanga at bobo! Ang mga hibla o fibers ng gulay ay talagang hindi natutunaw kaya nagsisilbi silang “walis” sa loob ng bituka upang tayo ay makadumi o makatae nang maluwag tuwing umaga! Ang katotohanan ay ayaw nilang magkaroon ng impression ang kapwa nila na sila ay mahirap kaya gulay lang ang kayang kainin! Ang katarantaduhang ugaling yan ng mga hangal na mga magulang ay ginagaya tuloy ng mga anak na naii-spoil sa pagkain ng hotdog, tocino, spaghetti, etc…kaya pagtanda nila, nag-uunahan ang kanser, diabetes, at sakit sa bato sa pag-develop sa katawan nila.

·        Ang gusto ng ilang magulang ay sa kilalang mga unibersidad o kolehiyo mag-aral ang mga anak sukdulan mang ipangutang nila ng pang-matrikula upang sigurado daw na makapagtrabaho agad pagka-graduate. Tanga ang mga magulang na may ganitong pananaw. Kahit sa mga ganoong uri pa ng paaralan nagtapos ang mga anak nila, KUNG LIKAS ANG KABOBOHAN, O TALAGANG BOBO hindi pa rin sila matatanggap  sa mga inaaplayan dahil sa IQ tests na ibinibigay ng mga kumpanya. Hindi nakakatulong ang pangalan ng unibersidad o kolehiyo na nakalagay sa diploma kapag nag-aaplay ng trabaho, lalo pa’t pagdating sa interview ay bulol sa Ingles. Bistado ang ginagawa ng maraming estudyante na pag-plagiarize ng nire-research nila sa internet upang makapag-submit lang ng thesis. Alam ko yan dahil nag-eedit ako ng mga thesis ng mga estudyanteng nag-aaral sa mga prestigious universities na hindi ko na lang babanggitin dahil nakakahiya sa mga kaibigan kong nag-aral sa mga iyon.

·        Ang ilang Pilipino ay ayaw kumain ng tuyô o sardinas dahil allergic daw….pero pamasahe nga lang sa pagpasok sa trabaho ay inuutang pa o di kaya ang ATM ng pension o suweldo ay nakasangla!

·        Ang isang kaartehan ng maraming Pilipino na hindi maintindihan ay ang pagtitira ng pagkain sa pinggan kahit dalawang kutsara na lang, kanin man o ulam…..BAKEEETT?!...FOR THE GODS BA? O TALAGANG KAYABANGAN LANG!....ISA YAN SA MGA DAHILAN KUNG BAKIT NAGHIHIRAP ANG PILIPINAS….DAHIL SA “GABĂ”, O “BAD KARMA”.” Ang hindi alam ng mga hinayupak na ito ay apektado ang buong populasyon ng Pilipinas ng maaksaya nilang ugali dahil  kung iipunin ang mga inaksaya nilang kanin ay aabot sa kung ilang libong toneladang sa loob ng isang taon!

·        Karamihan pa rin ng mga Pilipino ay pinipili ang  “makinis” o “makintab” na gulay sa palengke tulad ng talong at kamatis. Ang hindi nila alam, kaya nagkikintaban at nagkikinisan ang mga iyan ay dahil inilublob sa kemikal upang magmukhang sariwa kahit sa loob ng isang linggo, pero ang laman ay bulok na! ….yan ang ginagawa sa Maynila, pero sa mga probinsiya ang modus ay pag-ispray ng chemical sa bagong naaning gulay upang magmukhang NAPAKASARIWA kapag ibenenta sa palengke. Ang mga hindi hindi inilublob sa kemikal o inispreyhan ay nagmumukhang lanta pagkalipas ng isang araw, subalit may sustansiya pa rin….subalit iniisnab naman ng mga maraming Pilipino.

·        Ayaw kumain ang maraming Pilipino ng maliliit na isda tulad ng tamban, dilis, galunggong, at iba pa dahil pang-mahirap lang daw….ugali yan ng mga mahihirap na ipokrito. Bibili sila ng malalaking isda na pang-isang beses na kainan, at sa mga susunod na araw ay nakanganga dahil wala nang pera!


Napakarami pang kaartehan ang napakaraming Pilipino kaya hindi sila umaangat mula sa mahirap nilang kalagayan….na isang kahig-isang tukâ. Pero, ang nakakatawa ay nagtataka pa sila kung bakit hanggang sa katandaan ay mahirap pa rin sila. AYAW KASI NILANG MAGPAKATOTOO!...palibhasa ay mga tanga at bobo!...kapag hindi pa sila nagising sa mga sundot ko na yan, ibig sabihin ay manhid din sila….wala nang pakiramdam dahil sa kasanayan sa pagkukunwari!

0

Any Church on Earth is Like a Nation

Posted on Tuesday, 7 February 2017

Any Church on Earth is Like a Nation
By Apolinario Villalobos

There is an adage that says, ”do not judge so that you will not be judged”. What I am doing is not judging but exposing what I see, observe and gather from researches. I have no right to judge, as I too, am a sinner but in other ways, and definitely not regarding exploitation of others. As I cannot just afford to be blind to what are happening around me, I have to let out what I feel. If it happens that some people will agree with me…fine. If the others do not…still fine, as each human who thinks sanely has all the rights to his or her opinion.

The sensitive issue on the Roman Catholic Church leaders in the Philippines has been put forward because of what for me are the unbecoming acts of her leaders, particularly, in dipping their fingers into politics which is no different from what their forerunners, the friars, did during the Spanish period during which they ran the show despite the presence of the town heads. Perhaps, they were afraid that if they showed weakness, their holdings would be taken away from them.

In general, however, the commonality between any Church on Earth and a Nation is their having human leaders, hence, with human weaknesses. That fact alone does not need any further argument as to the question on churches having corrupt leaders. Church leaders are not sons of Gods born in heaven! The frocks, whatever is the style and colors, that the leaders of the various churches wear as a a symbol of “spiritual authority” does not exempt them from committing “sins”. It is even viewed as worse, if despite their vows, they still commit unbecoming acts toward their fellowmen, because they do not only offend the latter but their God, to whom they promise their allegiance and made various vows.

One does not need to study in seminaries to know what is bad, nor in colleges and universities to know what a corrupt act is. The glaring truth is that since the conception of a new life in a woman’s womb, innate bad characteristics are already ingrained in his/her DNA, and are just waiting to be nurtured. In other words, any president, senator, congressman, mayor, priest, bishop, nun, and anybody else for that matter is born sinner and “candidate” to becoming corrupt. In this regard, if one nurtures his bad characters…. that becomes the big problem. Further to this, it must not be assumed then, that the Roman Catholic bishops who are viewed as leaders of their church, are always right in what they are doing!

The problem with these Filipino bishops today, is that they are only leaning on one side – that of the criminals who, for them should not be killed….but what about their victims that they raped, robbed, or killed! If these criminals are allowed to roam the streets, will these bishops guarantee that they will not rape more children, even senior women, rob more innocent commuters, or kill more hardworking neighbors?


These bishops are leaders of the Roman Catholic Church….but what have they done to alleviate poverty and ignorance among their flocks? Why did they allow them to become addicts? If they reply that it is not their “duty” to teach them with “earthly lessons” as they are only concerned about “spiritualities” then they must stop harassing President Duterte with unfounded accusations that are clearly tainted with politics! 

0

Ang Simbahang Katoliko, Pastoral Letter Nito, Ang Mga "Pinatay" na Krimina, at Mga "Biktima" Nila

Posted on Sunday, 5 February 2017

Ang Simbahang Katoliko, Pastoral Letter Nito,
Ang Mga “Pinatay” Na Kriminal, at “Biktima” Nila
Ni Apolinario Villalobos

BINABATIKOS SA PASTORAL LETTER NG SIMBAHANG KATOLIKO ANG MGA “PAGPATAY” SA MGA DRUG ADDICT, DRUG PUSHER, DRUG LORD AT IBA PANG KRIMINAL DAHIL WALANG KARAPATAN KUNO ANG SINO MANG PUMATAY NA ANG TINUTUKOY AY SI DUTERTE…MAY PRUWEBA BA SILA? KUNG MATINO ANG SIMBAHANG ITO, DAPAT AY HINDI ITO NANGLILIHIS O NANLILITO NG MGA TAO SA PAGBIGAY NG NAKAKALITONG MGA “UTOS” SA PAMAMAGITAN NG PASTORAL LETTER. ANG TANONG…SIGURADO BA ANG MGA LIDER NG SIMBAHANG ITO NA SILA AY MALINIS, NI KATITING AY WALANG INIISIP NA MASAMA? PAANO ANG WALANG HUMPAY NA PANGLILIKOM NG MGA “OFFERING” KUNO TUWING MISA NA DATING ISANG BESES LANG, PERO NGAYON AY DALAWA NA – IDINADAAN SA SOBRE PAGPASOK PA LANG NG MAGSISIMBA SA SIMBAHAN, AT SA BASKET SA BAHAGI NG OFFERTORY?...YAN ANG MATATAWAG KONG PANGHUHUTHOT TO THE MAX!

BAKIT HINDI ISINAMA SA PASTORAL LETTER NA YAN ANG MGA “BIKTIMA” NG MGA KRIMINAL?….MGA BIKTIMANG NAGTATRABAHO NG MAAYOS PARA SA KANILANG PAMILYA?…MGA BIKTIMANG ESTUDYANTE NA NAGING ADIK KAYA NASIRA ANG KINABUKASAN?…MGA BIKTIMANG NAWALAN NG KATINUAN KAYA NAGPAKAMATAY?….MGA BIKTIMANG PASLIT NA HINDI LANG GINAHASA KUNDI BINABOY PA ANG KATAWAN DAHIL PINASAKAN NG KUNG ANONG BAGAY ANG PUKE, O DI KAYA AY PINUGUTAN PA NG ULO???!!!

ANO BA TALAGA ANG GUMAGABAY SA MGA PARI NG SIMBAHANG KATOLIKO…DIYOS BA NILA NA DAPAT AY MABAIT O DEMONYO?....BAKIT HINDI NITO I-QUALIFY O BIGYAN NG TAMANG KAHULUGAN ANG SALITANG “PAGKAMATAY” O “PAGPATAY”?....SINO AT KUNG ANO ANG DAHILAN?....HINDI BA NILA NAIISIP NA IBA ANG IBIG SABIHIN NG “PINATAY NA KRIMINAL” KUNG IHAMBING SA “BIKTIMA NG KRIMINAL”? GUSTO BA NG SIMBAHANG KATOLIKO NA DUMAMI PA ANG NAGLILIPANANG MGA KRIMINAL SA PILIPINAS? MAY KABULUHAN PA BANG MABUHAY ANG KRIMINAL NA SUMISIRA SA KINABUKASAN NG BAYAN????!!!!

SA GINAGAWA NG MGA LIDER NG SIMBAHANG KATOLIKO, PARA SILANG PILOSOPO NA NAGSASABING, “GO TO THE WORLD AND MULTIPLY” NA PINUTOL NILA AT HINDI IDINUGTONG ANG IBA PANG MGA KATAGA UPANG MAGING KUMPLETO SANA ANG “UTOS” NA YAN NG DIYOS NILA. SA MGA HINDI PA NAKAKAALAM, ANG UTOS NA YAN AY IBINIGAY KAY NOAH PAGKATAPOS NG MALAWAKANG BAHA SA BUONG MUNDO, UPANG DUMAMI ULI ANG MGA TAO….NOON YAN. NGAYON AY HINDI NA PWEDENG GAMITIN NG SIMBAHANG KATOLIKO AT MGA PILOSOPO LABAN SA FAMILY PLANNING PROGRAM.


NGAYON, ANG MGA SALITANG “HUWAG PUMATAY” NAMAN ANG GINAGAMIT NG SIMBAHANG KATOLIKO SA PAGLITO SA MGA MIYEMBRO NILA. WALA SANA ITONG PROBLEMA, SUBALIT ANG GINAGAWA NG SIMBAHANG YAN AY NAKAKAAPEKTA SA BUONG BANSA!!!

0

Hindi na Natuto ang ILANG Obispong Katoliko

Posted on Friday, 6 January 2017

Hindi na Natuto ang ILANG Obispong Katoliko
…ang iingay pa rin na parang pusang naghahanap ng makukubabawan!
Ni Apolinario Villalobos

Akala ng ILANG mga obispong Katoliko ngayon ay may karisma sila na katulad ng kay Cardinal Sin noong panahon ng Martial Law. Totoong maingay si Sin noon, pero ang binabatikos niya ay ang Martial Law at si Marcos na hantaran kung gumawa ng katarantaduhan laban sa mga estudyante na ang pinaglalaban ay karapatan ng sambayanan. Umaga pa lang noon ay nagpapa-interview na si Sin sa mga radyo upang batikusin si Marcos. Yon ang sitwasyon na dapat batikusin ng maingay. Ang patayan noon sa ilalim ng Martial Law ay talagang WALANG KABULUHAN  dahil ang mga biktima ay mga matatalinong estudyante. Ngayon, ang ILANG mga Obispo ay maiingay na parang nagpapa-istaring lang, nagpapapansin kaya tuloy sila nababatikos din. Ngalngal sila ng ngalngal tungkol sa extra-judicial killing na pinaparatang kay Duterte ganoong wala namang napapatunayan. At, ang mga pinaglalaban nilang pinapatay ay mga kriminal naman!

Itinaon sa pista ng Nazareno ang pagpalabas na naman nila ng panawagan na “huwag pumatay” at ipinipilit na hindi si Duterte ang tinutukoy nila sa kahangalang panawagan, ganoong obvious naman. PARA MALAMAN NG ILANG OBISPONG ITO, HINDI TANGA ANG MGA PILIPINO, baka sila, dahil hindi nila alam ang kahulugan ng “crime”, “criminal”, “drug lord”, “rape”, “injustice”, etc. Kung gusto nila, Tagalugin ko pa ang mga binanggit ko: “krimen”, “kriminal”, “boss ng mga drug pusher”, “gahasa”, “kawalan ng hustisya”, atbp. Kung manawagan sila, lalo pa at itinaon pa sa tanyag na pista ng Quiapo, sana ay sinabi na lang nila na, “MAGMAHALAN TAYO”…positibo pa ang dating.

Hindi na natuto ang ILANG mga obispong ito na nagmamagaling na animo ay alam ang lahat ng tungkol sa buhay. Malinaw na may kakulangan sila dahil hindi nila nauunawaan na MAS MAY KARAPATANG MABUHAY ANG MGA INOSENTENG BIKTIMA KAYSA MGA KRIMINAL NA GUSTO NILANG PATULOY NA MABUHAY SA MUNDO. Hindi yata nila nauunawaan na kapag hinayaang mabuhay ang mga kriminal na ito ay magmimistula nang impiyerno ang Pilipinas dahil sa paglaganap ng droga at ng mga kaakibat na krimen na nakakawing o nakabuntot dito.


Kaylan kaya matuto ang ILANG maiingay na obispong Katoliko? Kung sila na mismo ang maging biktima?

0

On Privacy

Posted on Sunday, 1 January 2017

On Privacy
By Apolinario Villalobos

NOBODY SHOULD FEEL OBLIGED TO SHOW HIS/HER ALL TO OTHERS JUST TO SATISFY THEIR CURIOSITY. REVELATION OF ONESELF SHOULD BE DONE WITH CARE. HESITANCE SHOULD NOT BE VIEWED AS HYPOCRISY. EVERYBODY HAS AN UTMOST RIGHT TO PRIVACY. EVEN THE COURT OF JUSTICE RECOGNIZES THIS PARTICULAR RIGHT, SO THAT WITNESSES CANNOT BE FORCED TO REVEAL INFORMATION THAT COULD IMPLICATE THEM.


WHAT ARE KEPT FROM THE KNOWLEDGE OF OTHERS MAY NOT BE BAD, BUT STILL FOR THE SAKE OF PRIVACY, THERE IS A NEED TO DO SUCH A THING TO MAINTAIN A CERTAIN SECURITY AND SERENITY IN LIFE.

0

Hindi Magandang Pakinggan ang "Nakakainggit Ka"

Posted on Saturday, 26 November 2016

Hindi Magandang Pakinggan ang
“Nakakainggit Ka”
Ni Apolinario Villalobos

Dapat ay tanggalin sa talaan ng pansariling expression ang, “nakakainggit ka” dahil lumalabas ang saloobing inggit, kahit pa sabihin ng nagsambit na ito ay biro lang. Kapag nakikipag-usap sa taong umasenso sa tamang paraan kaya naging mayaman, dapat ang sabihin sa kanya ay, “ang galing mo!...tutularan kita!”, o di kaya, “sana ay tumuluy-tuloy ang pag-asenso mo”, o di kaya, “turuan mo naman ako ng paraan”. Kapag nagkataong ang kausap mo ay talagang may layuning inggitin ka, pinasaya mo lang siya.

Maraming taong basta na lang naiinggit sa iba. Sila ang mga tipong ayaw makakita ng mga taong masaya dahil sa tagumpay na tinamo. Meron ding ang gusto ay sa kanila ang lahat ng biyaya at ang iba ay walang karapatang magkaroon kahit isang piraso nito. Sila ang mga taong walang hangganan ang pagka-sakim kaya lahat ng paraan ay ginagawa upang ang iba ay hindi magkaroon ng pagkakataon.


Ilan na ang nakausap kong nagsabi sa akin ng “nakakainggit ka”. Ang iba ay diretsahan kong sinasabihan ng “magsikap ka…..huwag mainggit”. Pero ang ibang pasaway na ayaw paawat sa pag-uusisa ay sinasagot ko ng, “gayahin mo ako….illegal recruiter na, nagbebenta pa ng shabu at bugaw pa…at kung minsan ay holdaper at kidnaper pa, depende sa mood”. Mula noon nginingitian na lang niya ako tuwing magsalubong kami….takot yatang maholdap.

0

On Acceptance of Fault and Admission of Hurting Truth

Posted on Saturday, 12 November 2016

On Acceptance of Fault and Admission of Hurting Truth
By Apolinario Villalobos

In blogging about attitude, there are instances in which I have to expose the negative aspect of my person that relate to what I am sharing. This is the best way I know to make me credible in what I write. I can’t blog about Duterte being foul-mouthed because he cusses a lot, without mentioning that I do the same, without denying, however, that I am making extra effort to control myself from being provoked. On the other hand, I know that nobody is excused from this fault…not even those who say “Oh, my God” which I find blasphemous. What I find funny is the effort of others to look sanitized, by using “OMG!” which makes them moronic because they pretend that God is not “All Knowing”, as He is Omnipresent.

My need to shout out what are in my mind, are misconstrued by some friends as unbecoming because I am supposed to be “educated”, a reason why I should employ restraint. But I am a blogger and as such, I would be an outright hypocrite if I keep on writing about faults without admitting that I have made similar regrettable acts. In doing so, I become the “mirror” of others as I am letting them know that they may have similar awful attitude. At my expense, I hope to open their eyes to let them know that they need to change. If they find me disgusting and realize at the same time that they are no different from me in some ways, they might change. Their advantage is that, they have no reason and need to open themselves up unlike me who must do such a thing for credibility’s sake due to my blogging. All they need to do are allow themselves to realize and admit their fault. Some may counter by saying that there are many ways to skin a cat, but I do not want to run around the bush. I want to get straight to the point that is why I prefer calling the spade a spade.

My being a “no holds barred” blogger has made many people uneasy…I know, because, while some are bold enough to make open comments about their feelings, others make use of the discreet email and facebook message outlets. I am grateful for their concern, but a sympathizing friend went further by echoing what I have been asking that those who do not want to read my “dreadful” and “unethical” blogs may just skip them as they will know by the title alone. That is the reason why I make the titles of sensitive issues long, as if they are the summary of the whole.

At this point, while I am thankful for many who have come to understand me, some have unfortunately become overly cautious in making comments. In this regard, I have already explained many times that comments about some of my blogs could be necessary for the benefit of viewers as what I share are only my own opinion, hence, presentation of other opinions, as long as they are relevant, could greatly enhance what I have initiated on various issues.


Finally, I find being too honest as some kind of an effort to unburden me of hypocrisy, but I do not want to set a trend, as I must admit that being brutally frank is not good to some extent.

0

The world is a Maze of Confusion and Conflict

Posted on Tuesday, 1 November 2016

The World is a Maze of Confusion
And Conflict
By Apolinario Villalobos

Here are some of my personal observations:

  1. The only “order” that can be felt and experienced in the world is the 24-hour cycle divided into night and day that further accumulates into seven days in a week, further accumulating into the 28/30/31 days in a month and finally into 12 months in a year – according to the Roman Catholic calendar, however, the Chinese, the Jews, and the Muslims have their own calendar in this regard.

  1. The long-respected Bible is now being touted as a source of various confusions, especially, because many religions have allegedly thwarted the original contents written in the original language, to serve their own purpose which is to prove their having the “true religion”. So, today, instead of being enlightened, many people become confused that they have gone to the extent of leaving the religion of their birth to become Atheist, Agnostic, or Satanic. They should not be blamed because they followed their own judgment, and nobody can rightly say that they are wrong, after having gone through the harrowing confusion.

  1. Due to survival instinct, countries have become hypocrites. Openly, leaders deal amiably with each other despite differences in ideology, and proof to this are photos splashed on the different social media where they are shown smiling at each other and shaking hands, but days after, the same leaders make pronouncements that run counter to their friendly stance shown earlier to the world. Citizens are confused which of the two “expressions” should be believed.

  1. Drugs are invented to prevent the onset of diseases and cure people of ailments but most of these drugs have contra-indications when used at the same time due to simultaneous inceptions of disorders. Even the long-traditionally used drugs, one of which is aspirin, are deemed to have negative effects on some organs. Most antibiotics today are also declared as ineffective and can harm many organs if used unabatedly, especially, without prescription. This confusion resulted to the loss of confidence to physicians by skeptic patients who have resorted to herbals, instead.

  1. Confusion did not spare the foods, as many of them are not just fit for anybody. Some people get sick when they drink milk, eat seafood, beans, and even peanut. Some people vomit when they eat any fibrous vegetable or get a sniff of banana. The list of foods that are not supposed to be eaten by some people is still getting longer by the day. This deprivation is confusing, for how can sources of nutrients for the body become poison to others? Explanations are offered by experts, but the question still remains because life is supposed to be viewed as full of promises, including health and happiness. But how can it be possible if one is deprived of things needed to live happily and glow with health?

  1. Universities and colleges are supposed to breed intelligent graduates who are expected to be part of the effort in the development of their nation and betterment of society. But why are there corrupt government officials and even leaders who are supposed to have even earned Masters and Doctorates from these institutions of learning? Why are there evil-minded scientists, whose intellect and moral values have been bred in these institutions where only what’s good for mankind is supposed to be taught?


The confusion is compounded by greed that has muddled man’s mind making the upshots of his intellect become tools for his self-annihilation!

0

Mga Tanong na Sinagot ko ng Buong Giliw at Wagas

Posted on Sunday, 16 October 2016

MGA TANONG NA SINAGOT KO NG BUONG GILIW AT WAGAS
Ni Apolinario Villalobos

Tungkol sa isyu ng “sharing” o pakikibahagi ng biyaya sa kapwa, ang nagtanong ay kaibigan kong taga-government agency kung saan ay naging Consultant ako noon. Tanong niya ay simpleng, bakit daw ako nagsi-share sa mga taga-Tondo at natutulog pang kasama ang mga scavenger sa sa bangketa kung minsan. Sagot ko sa kanya pero patanong ay, “familiar ka ba sa mga salitang ‘tulong’ at ‘kahirapan’…may nakausap ka na bang tulad nila upang malaman ang kuwento ng kanilang buhay….at, nadanasan mo na bang hindi kumain sa buong maghapon?” Bilang pagtapos sa usapan namin, sinabihan ko siyang okey lang yon, dahil hindi naman nila alam ang tunay kong pangalan kaya hindi nila alam kung sino talaga ako.

Tungkol sa pagma-mountain climbing, ang nagtanong ay taga-kumpanya ding pinagtrabahuhan ko noon. Old maid siya, tuwing break time ay nagbabasa ng Bible, at atat na atat na mahatak ako sa Bible reading nila tuwing Biyerses, pero hanggang mag-resign siya ay hindi ko pinagbigyan. Tanong niya ay kung ano daw ang nakukuha ko at pati mga kasama ko sa pag-akyat ng bundok at kung ano ang ginagawa daw namin sa tuktok. Sagot ko sa kanya ay, “upang diligan ng ihi at abunuhan ng tae namin ang mga tanim sa bundok nang lumago pa sila, at pagdating naman sa tuktok ay umiinom kami ng lambanog upang lalo pang dumami ang aming ihi na pandilig sa mga damo na natutuyo doon dahil mas malapit sila sa araw kaysa mga damo sa kapatagan”… dugtong ko pa, “nature lover kasi kami kaya feeling namin tuwing iihi kami, ito ay nagkokonek sa amin sa lupang inuugatan ni Inang Kalikasan!”

Tungkol sa pagiging vegetarian ko, ang nagtanong na nang-inggit pa habang kumakain ng adobong manok at baboy ay kumpare ko. Tanong niya ay kung bakit ayaw ko daw ng pagkaing masustansiya na ay masarap pa, na ang tinutukoy ay tulad ng kinakain niya. Upang hindi humaba ang usapan tungkol sa pagkain, ang sagot ko sa kanya ay kuripot ako kaya ayaw kong bumili ng karne dahil mahal, di tulad ng gulay na mura lalo na ang mga luma at malalanta na. Alam kong hindi siya nagbubukas ng internet kaya masasayang ang pagod ko sa pagpaliwanag ng mga kabuluhan ng gulay at kung paanong nakakakuha ng sakit sa mga karne. Tinanong ko na lang siya kung nakailang balik na siya sa ospital dahil sa pagtaas ng kanyang blood pressure, lalo pa at nalaman kong na-ospital din siya ng matagal dahil sa mild stroke.

Tungkol sa hilig kong pamimili ng mga damit sa ukayan,  ang nagtanong ay isang kumpareng mahilig umutang sa akin.  Kahit naghihikahos ay maporma dahil ang mga t-shirt niya ay hindi bababa sa halagang 300pesos bawa’t isa – sale pa daw! Tanong niya ay kung bakit hindi ako sa SM mamili dahil maraming magaganda. Sagot kong patanong ay, “bubulatlatin ba ng mga makakasalubong ko ang kuwelyo ng damit ko upang malaman kung ano ang brand nito?” Sa puntong yon, pinaalalahan ko siya tungkol sa naipon niyang utang sa aking umabot na sa mahigit dalawang libo. Habang nakakapagsuot siya ng hindi bababa sa 300pesos na t-shirt, halos araw-araw ay kung sinong kumpare naman ang inuutangan para may pamasahe sa pagpasok sa trabaho!

Tungkol sa pagmumura ko, ang nagtanong ay isang kumare na miyembro ng religious group. Ang tanong ay kung bakit hindi ko na raw itigil ang pagmumura, dahil hindi ito maka-Diyos, at ugaling masama pa . Ang sagot ko ay, “mas mabuti nang nagmumura ako  pero wala namang tinutukoy na tao, kaysa manakit kung ako ay nagagalit, tulad  halimbawa ng pagsabunot ng buhok ng anak o pagpingot ng tenga niya sa harap ng ibang tao, kahit dalagita na ito”. Tiningnan niya ako nang naniningkit niyang mga mata sa galit at nagtanong ng, “ako ba ang pinapasaringan mo, pare?” Ang sagot ko ay isang matamis na ngiting tulad ng kay Mona Lisa habang nagtuturo ako sa itaas! Dahil sa nangyari, nasira ko ang araw niya…galing pa naman siya sa pagsimba dahil Linggo noon!...hindi kasi muna tumitingin sa salamin kung may dumi siya sa mukha bago tumingin sa mukha ng iba! Padabog niya akong tinalikuran at nagbubusang naglakad palayo, pero tinawag ko pa rin, at nang lumingon ay sinigawan ko ng, “Praise the Lord!”.



0

Ang Mga Magkaibang Katawagan at Expression ng Mahirap at Mayaman

Posted on Sunday, 9 October 2016

ANG MGA MAGKAIBANG KATAWAGAN AT EXPRESSION
NG MAHIRAP AT MAYAMAN
Ni Apolinario Villalobos

Sa kasalukuyang panahon, nakagawian na ibang Pilipinong Inglesin ang mga salitang para sa kanila ay garapal o “wằ klas” ang dating, lalo na ng mga mayayaman o sosyal, tulad ng mga sumusunod:

Mahirap                                               Mayaman

Araguy! / Aray!...............................     Ouch!
Nakupo!..........................................     Oh No! / Omigosh! / OMG!
Kurikong (sakit sa balat)………………    Chicken Asthma
Bakukang…………………………………….     Skin eruption
Galis o galis-aso / eczema……………    Skin allergy
Duling  (doble-tingin)…………………..     Chicken eyes
Banlag (hiwalay-tingin)……………….     Fish eyes
Ulekba / maitim………………………….      Morena (dapat ay “ebony” o kahit “dark-skinned” na lang)
Payat…………………………………………..     Slim (kahit mukhang may TB)
Mataba……………………………………….     Healthy /chubby (kahit laylay na doble na ang baba)
Bansot / pandak………………………….     Cute
Bobo……………………………………………     Average
Madaldal…………………………………….     Chatty
Mutằ…………………………………………..      eye spot
Tae / Ipot / Dumi………………………..      Echas
Kalbo / Panot………………………………     Wise guy
Kuripot……………………………………….      Thrifty
Lasenggo……………………………………      Alcoholic
Adik …………………………………………..      Drug dependent
Drug pusher ………………………………      Drug financier
Bagoong dilis …………………………….      Anchovy
Bagoong dilis (katas)………………….      Fish sauce
Bagoong alamang……………………..       Shrimp sauce
Kalabasa …………………………………..       Pumpkin
Bilbil ng lalaki …………………………..       Love handle
Bilbil ng babae            ………………………….       Unwanted fat

Madalas maringgan ng mga paeklay o pasosyal na paggamit ng Inenglis na mga salitang Pilipino ang mga mayayaman at brodkaster. Tulad na lang ng TV host ng programa tungkol sa pagluto, nang tawagin niyang “pumpkin” ang hinihiwang kalabasa na ihahalo sa recipe niyang “pinakbet. At, sa halip na bagoong isda o katas nito, o di kaya ay patis na lang ang gamitin, ang binanggit niya ay “anchovy” at “fish sauce”, kaya siguradong ang mga nanonood, na sa palengke o sa talipapa lang namimili ay nalito sa halip na matuto! Kung pumpkin pie sana ang niluluto niya ay okey, pero pinakbet! At, sana pinaliwanag niya na hindi nagkakaiba ang binagoong na dilis sa de latang “anchovy” na ginto ang presyo sa mga supermarket. At least, masasabi ng hindi mayamang nanonood na ganoon lang pala!

Minsan naman ay may nag-guest sa isang TV show na isang Pilipinang model/actress na talaga namang malinaw ang ebidensiyang anak siya ng nanay niya sa Negro, lalo pa at taga-Olongapo sila, kaya itim ang kulay, hindi kayumanggi o “brown” o kahit na “dark brown”. Sabihan ba naman ng host ng show na attractive raw ang kulay niyang “morena” sa halip na sabihing “ebony” o di kaya ay tinagalog na lang sa salitang “maitim”, dahil bumagay naman sa ganda niya,  kung ayaw niyang gamitin ang “ulekba”  lalo pa at maitim naman talaga! Mabuti pa yong natalong kandidato sa pagka-presidente, tanggap niyang balat-ulekba siya. Walang masama sa kulay ng African na maitim lalo pa kung makinis, at katunayan diyan ay ang mga beauty queens ng Amerika na maitim ang balat, pero talagang magagandang hindi hamak naman. (Ulekba ang tawag sa manok o itik na may maitim na balat.)

Yong isa namang broadcaster na nagbalita tungkol sa “tokhang”, habang ang ibinabalita niya ay tungkol sa mga taga-depressed areas o iskwater, ang ginamit niyang salita ay “adik”, pero nang magbanggit na siya ng mga addict na taga-exclusive subdivisions, ang ginamit na niya ay “drug dependent”!

Yong isa pang broadcaster ay tinawag ang isang taklesang actress/TV host (galing sa mayamang angkan) na “chatty”, samantalang nang banggitin niya ang isang komedyana na magaling din namang artista, ang ginamit na niya ay “madaldal”!

Mabuti na lang at kahit papaano ay tanggap ng mga Pilipino ang mga nabanggit na kaibahan dahil pagpapakita sila ng tuluy-tuloy na “pagyaman” ng ating wika. Dahil diyan, taun-taon ay hindi bababa sa limang bagong salitang converted mula sa Ingles ang nadadagdag sa diksiyunaryo ng Wikang Pilipino. Sa paggamit, sana lang ay huwag bahiran ng pagkukunwari o “colonial mentality” tulad ng pagtawag sa “kalabasa” na “pumpkin”, para maging “stateside” ang dating ng pinakbet…dahil nasa Pilipinas tayo!


0

Ang Mga Magkaibang Katawagan at Expression ng Mahirap at Mayaman

ANG MGA MAGKAIBANG KATAWAGAN AT EXPRESSION
NG MAHIRAP AT MAYAMAN
Ni Apolinario Villalobos

Sa kasalukuyang panahon, nakagawian na ibang Pilipinong Inglesin ang mga salitang para sa kanila ay garapal o “wằ klas” ang dating, lalo na ng mga mayayaman o sosyal, tulad ng mga sumusunod:

Mahirap                                               Mayaman

Araguy! / Aray!...............................     Ouch!
Nakupo!..........................................     Oh No! / Omigosh! / OMG!
Kurikong (sakit sa balat)………………    Chicken Asthma
Bakukang…………………………………….     Skin eruption
Galis o galis-aso / eczema……………    Skin allergy
Duling  (doble-tingin)…………………..     Chicken eyes
Banlag (hiwalay-tingin)……………….     Fish eyes
Ulekba / maitim………………………….      Morena (dapat ay “ebony” o kahit “dark-skinned” na lang)
Payat…………………………………………..     Slim (kahit mukhang may TB)
Mataba……………………………………….     Healthy /chubby (kahit laylay na doble na ang baba)
Bansot / pandak………………………….     Cute
Bobo……………………………………………     Average
Madaldal…………………………………….     Chatty
Mutằ…………………………………………..      eye spot
Tae / Ipot / Dumi………………………..      Echas
Kalbo / Panot………………………………     Wise guy
Kuripot……………………………………….      Thrifty
Lasenggo……………………………………      Alcoholic
Adik …………………………………………..      Drug dependent
Drug pusher ………………………………      Drug financier
Bagoong dilis …………………………….      Anchovy
Bagoong dilis (katas)………………….      Fish sauce
Bagoong alamang……………………..       Shrimp sauce
Kalabasa …………………………………..       Pumpkin
Bilbil ng lalaki …………………………..       Love handle
Bilbil ng babae            ………………………….       Unwanted fat

Madalas maringgan ng mga paeklay o pasosyal na paggamit ng Inenglis na mga salitang Pilipino ang mga mayayaman at brodkaster. Tulad na lang ng TV host ng programa tungkol sa pagluto, nang tawagin niyang “pumpkin” ang hinihiwang kalabasa na ihahalo sa recipe niyang “pinakbet. At, sa halip na bagoong isda o katas nito, o di kaya ay patis na lang ang gamitin, ang binanggit niya ay “anchovy” at “fish sauce”, kaya siguradong ang mga nanonood, na sa palengke o sa talipapa lang namimili ay nalito sa halip na matuto! Kung pumpkin pie sana ang niluluto niya ay okey, pero pinakbet! At, sana pinaliwanag niya na hindi nagkakaiba ang binagoong na dilis sa de latang “anchovy” na ginto ang presyo sa mga supermarket. At least, masasabi ng hindi mayamang nanonood na ganoon lang pala!

Minsan naman ay may nag-guest sa isang TV show na isang Pilipinang model/actress na talaga namang malinaw ang ebidensiyang anak siya ng nanay niya sa Negro, lalo pa at taga-Olongapo sila, kaya itim ang kulay, hindi kayumanggi o “brown” o kahit na “dark brown”. Sabihan ba naman ng host ng show na attractive raw ang kulay niyang “morena” sa halip na sabihing “ebony” o di kaya ay tinagalog na lang sa salitang “maitim”, dahil bumagay naman sa ganda niya,  kung ayaw niyang gamitin ang “ulekba”  lalo pa at maitim naman talaga! Mabuti pa yong natalong kandidato sa pagka-presidente, tanggap niyang balat-ulekba siya. Walang masama sa kulay ng African na maitim lalo pa kung makinis, at katunayan diyan ay ang mga beauty queens ng Amerika na maitim ang balat, pero talagang magagandang hindi hamak naman. (Ulekba ang tawag sa manok o itik na may maitim na balat.)

Yong isa namang broadcaster na nagbalita tungkol sa “tokhang”, habang ang ibinabalita niya ay tungkol sa mga taga-depressed areas o iskwater, ang ginamit niyang salita ay “adik”, pero nang magbanggit na siya ng mga addict na taga-exclusive subdivisions, ang ginamit na niya ay “drug dependent”!

Yong isa pang broadcaster ay tinawag ang isang taklesang actress/TV host (galing sa mayamang angkan) na “chatty”, samantalang nang banggitin niya ang isang komedyana na magaling din namang artista, ang ginamit na niya ay “madaldal”!

Mabuti na lang at kahit papaano ay tanggap ng mga Pilipino ang mga nabanggit na kaibahan dahil pagpapakita sila ng tuluy-tuloy na “pagyaman” ng ating wika. Dahil diyan, taun-taon ay hindi bababa sa limang bagong salitang converted mula sa Ingles ang nadadagdag sa diksiyunaryo ng Wikang Pilipino. Sa paggamit, sana lang ay huwag bahiran ng pagkukunwari o “colonial mentality” tulad ng pagtawag sa “kalabasa” na “pumpkin”, para maging “stateside” ang dating ng pinakbet…dahil nasa Pilipinas tayo!


0

The Problem with these Global "Giats" and Brown-skinned Americans

Posted on Tuesday, 20 September 2016

THE PROBLEM WITH THESE GLOBAL “GIANTS”
AND BROWN-SKINNED “AMERICANS”
By Apolinario Villalobos

The problem with these global “giants” is that they have a narcissistic impression that only they are right…only they can tell other nations what to do…hence, nations that belong to the third world should believe and not just bow, but even kowtow to them.

First is the United Nations with its unsavory remark about the anti-illegal drug operations of president Duterte. West-based media, the likes of CNN and Reuter, took their turn in lambasting the Philippine president, followed by the United States’ president who called Duterte, a “colorful guy”. Lately, the European Union joined the bandwagon of hecklers. They believe the insignificant cluster of hypocrite Fil-Ams in America who are reportedly working for the ouster of Duterte. These hypocrites are brown-skinned Filipinos born in the Philippines, migrated to America, kissed the ass of their Uncle Sam, and earned a “citizenship”, as well as, their offspring, still brown-skinned but already born in that country. They go to the Philippines which for them has become just an exotic touristic destination, for a short vacation, speak in wersh-wersh English. That short span of time for them, makes them think that they know the archipelago by heart, so they can “authoritatively” say that Duterte who hails from the far southern island of Mindanao is not fit to be president because he cusses and “kills people”!

The United Nations through its committee that handles disputed territories among nations has shown its weakness by admitting that other than declaring its pro-Philippines verdict on the issue of the West Philippine Sea, it cannot do anything because it has no “police power” to enforce the decision. It is no surprise then that China until now does not have even a bit of trust in such committee. The unrest in the African continent that compounded the unchecked and creeping hunger has further put to fore the seeming uselessness of this organization of nations. It has not done anything to check the genocide in Eastern Europe triggered by territorial disputes, not even the European Union. Whatever action they have taken was late in coming, after thousands have been massacred and raped. The United States is not yet free from the pall of horror hovering her - the nightmare of Vietnam War that affected neighboring SEA nations, including the Philippines, after she was required to send “assistance”, hence, the PHILCAG was organized. NOW, THESE “GIANTS” WANT TO DIP THEIR FINGERS INTO THE AFFAIRS OF THE PHILIPPINES JUST BECAUSE THEY DO NOT WANT THE WAY PRESIDENT DUTERTE DOES HIS THING IN FIGHTING THE DRUG MENACE!

The earth is populated by peoples with different cultures and although, adaptation is possible, it is only to a certain extent. No other race can force another to totally absorb what it imposes. The impossibility is due to the innate “line of thinking” of different races. For instance, a Filipino may become very fluent, even more fluent than a native American in speaking English, but he will always think and feel as a Filipino. No amount of hamburger, spaghetti, and other western food can make him forget the taste of pinakbet, bagoong, dried fish and rice. It happened to the Hellenization effort of Alexander the Great of nations that he conquered, as they did not totally absorb the culture of Greece, so they remained as distinct races.

WHAT I AM DRIVING AT HERE IS THAT, WESTERN PEOPLES SHOULD NOT EXPECT FILIPINOS TO COPY THEIR WAYS, JUST BECAUSE THEY THINK THAT THEIRS IS THE BEST. IN THIS REGARD, JUST BECAUSE PRESIDENT DUTERTE IS DOING HIS FIGHTING THE DRUG MENACE IN THE WAY THAT FITS THE DETERIORATING DISCIPLINE OF FILIPINOS, DOES NOT MEAN THAT HE IS WRONG.

THOSE IN THE WEST SHOULD KNOW THAT ALL PRESIDENTS OF THE PHILIPPINES, EXCEPT FERDINAND MARCOS WITH HIS MARTIAL LAW, WERE ALL LAX IN IMPLEMENTING THE PHILIPPINE LAWS THAT AFFECTED THE DISCIPLINE OF THE FILIPINOS IN GENERAL. THERE IS A TRADITIONAL CONSCIOUSNESS IN THE PHILIPPINES WHICH IS PREDOMINANTLY POPULATED BY CHRISTIANS, THAT THE COUNTRY SHOULD BE RULED WITH UTMOST KINDNESS AND HUMANENESS THAT EVEN LED TO THE SCRAPPING OF DEATH PENALTY. IT BROUGHT FORTH THE CULTURE OF “SIGE NA LANG”, “OKEY NA YAN”, “PAGBIGYAN MO NA”, “KAWAWA NAMAN”, ETC. CORRUPTION TOOK ROOT, DISCIPLINE HAS SORT OF BECOME A MYTHICAL VIRTUE…AND, FINALLY, THE WHOLE NATION JUST GOT SURPRISED WHEN PRESIDENT DUTERTE ANNOUNCED THAT THE DRUG MENACE HAS PENETRATED EVEN THE REMOTEST BARANGAYS THAT IRONICALLY, REMAINED UNTOUCHED BY DEVELOPMENTAL BLESSING FROM THE GOVERNMENT!

On the other hand, if the European Union is doing just fine, why is one of its significantly influential members left it? If the United States has the best system ever, how can it explain the intermittent bombings and the ongoing police brutality, and the over-the-counter vending of guns that even minors can take hold of one? If the United Nations is doing its job, how can it explain the ongoing unrests and poverty around the world that may erase some races from the face of the earth?

These “giants” should emulate the church heads of the world, who are minding their own yard, especially, the most respected, Pope Francis who even has the courage to admit the misbehaving of some priests. Can these “giants” admit their shortcoming and failure?..I DOUBT IT!

There is a saying that before one minds the dirt on somebody’s face he should first look at his own on the mirror to see if he got one. Another adage says that, as one points one accusing finger at somebody, his three other fingers are pointing back at him!

FINALLY, I CANNOT IMAGINE HOW GREEN CARD OR US VISA HOLDING BROWN-SKINNED, PUG-NOSED FILIPINOS WHO BELIEVE THEY ARE AMERICANS, AND WHO LIVE IN THE FAR-OFF AMERICA, CAN HAVE THE TEMERITY TO WORK FOR THE OUSTER OF A PRESIDENT WHO JUST WANT TO HAVE A DRUG-FREE NATION FOR HIS PEOPLE! THESE BROWN AMERICANS CEASED TO BE FILIPINOS WHEN THEY GOT HOLD OF “BLESSINGS” STAMPED ON THEIR PASSPORT. 

THEY DESERVE TO BE BANNED FROM COMING TO THE PHILIPPINES!

0

Ang Pagmumura at Blasphemy

Posted on Thursday, 15 September 2016

ANG PAGMUMURA AT BLASPHEMY
Ni Apolinario Villalobos


Ang pagmumura tulad ng “putang ina”, “gi-atay”, “belatibay”, “yodiputa”,  “okenayo”, “okenanam”, “Shit”, etc. ay tumutukoy sa tao. Samantalang ang, “Oh, my God”, “Hesusmaryahusep”, “Jesus”, “Jesus Christ”, etc. ay pagbabanggit ng yon na….Diyos, at mga kapamilya niya. Malinaw sa Bibliya na hindi dapat binabanggit ang pangalan ng Diyos sa mga walang katurya-turyang bagay o basta-basta na lang, dahil ito ay itinuturing na blasphemy.

Kailangan bang banggitin ang pangalan ng Diyos kung ang isang tao ay nakakita ng babaeng baliw na naglalakad sa kalye ng hubad?...o kung nakakita ng sinasabing video ni de Lima na ang sabi ay hindi naman totoo kuno?

Kailangan bang banggitin ang “hesusmaryosep” na ang ibig sabihin ay “Jesus, Maria, y Joseph” kung nakita ng isang lola ang apo niya na tumae sa sala ng bahay?...o kung biglang kumulog o kumidlat, na sinasabayan pa ng sign of the cross?

Kailangan bang banggitin ng isang tao ang “Oh, my God” dahil nakatikim lang napakasarap na pagkain? ….at may dugtong pang “this is heaven”?

Akala ng iba, dahil hindi sila nakapagmura kahit isang beses man lang, malinis na ang pagkatao nila kung ikumpara sa mga taong nagmumura. Ang iba pang hangag na nagpapakasanto ay nagsa-sign of the cross pa kapag nakarinig ng pagmumura ng isang tao. Hindi ko ini-encourage ang pagmumura subalit dapat unawain ang mga taong nagmumura na wala namang tinutukoy na ibang tao, at ang tanging hangad ay mapaluwag lang ang naninikip na dibdib dahil sa inis at galit. Hindi kasi nila kayang magkunwari tulad ng iba na hindi nga narinig na nagmura, ang utak at puso ay halos umalagwa naman sa mga galit subalit ayaw lang nilang ilabas dahil nakakahiya daw at masabi pa ng iba na hindi sila “cultured” o “refined”….pweehhh! Para sa akin, kung ayaw nilang magmura, huwag nilang bigyan ng dahilan ang iba upang magmura!



0

The Appalling Hypocrisy that Cloaks Humankind

Posted on Wednesday, 7 September 2016

THE APPALLING HYPOCRISY THAT CLOAKS HUMANKIND
By Apolinario Villalobos

When China initiated a bold expansion of her maritime territory that practically encroached into other nations’ own, the United Nations looked the other way…the United States did not give a damn, not even Russia, Great Britain. When realization about the imminent danger to the international community was finally perceived, affected nations reacted, the United States issued warnings, but with crossed fingers behind her. The Philippines has been left with her lonely struggle to assert her rights. Big nations of the world became noisy and issued their own warnings. Despite those, China went ahead and today, is almost finished with her grand design for the West Philippine Sea. The world has been entertained by a collective hypocritical concern for a struggling nation, the Philippines who buoyantly thinks, she will succeed in her lone quixotic effort!

Despite the fact that the internet is flooded with information about the corruption of leaders of big nations, no other leader of other nations ever attempted to call their attention because it would be unbecoming and undiplomatic. So while corrupt leaders suck the life out of their suffering constituents, other leaders look on because to lift a finger is unethical, especially, if the nations concerned are almost their equal. But when leaders of third-world nations become controversial in their leadership style, their counterparts from giant nations croak their “concern”.

As a president or as a prime minister or as whatevergoddamnpositionyougot, one MUST always be “good mannered, kindly, apologetic, Godly, etc.”. To utter one brash word, a president becomes unfit to the office to which he is elected. How sure can the whole world be that leaders of other nations, big or small, don’t ever mumble the equivalent of “Shit”, “God damn you”, “To hell with you”, and othershits in their language when they are within the confines of their office and confronted with a head-breaking situation? If the goodmannereds say it is okey so long as the public does not hear them….is that not a shitty hypocrisy?

Looking back to the time of Jesus, when Herod sentenced him to die on the cross, the latter washed his hands…a blatant show of hypocrisy. Still looking back at the earlier chapters of the Old Testament, the god of the Israelites told them to kill those who would block their way to the Promised Land… is there no hypocrisy in such instruction as humans are supposed to lover each other? If their god was a powerful one, why didn’t he just strike the pagans with enlightening lightning to jolt them into a compassionate state to make them share their land with the Israelites whom he made to roam the desert for forty years?

Splinters of the Mosaic/Sinaic faith fight to death for the sake of their supposedly right teaching but act differently which led even Jesus to brand them all as hypocrites. Today, it is still happening within the so many established churches resulting to the sprouting of various new and enlightened Christian communities to which dissenting members found solace as they could no longer stand the obnoxious air of hypocrisy within the walls of their former cathedrals and chapels.

Plagiarism is a common word that has become as common as the expression, “shit”. Writers of politicians plagiarize essays to be transformed into remarkable speeches for their bosses. Students of reputable universities and colleges copy/paste uploads of authors- known and unknown… word for word, chapter for chapter, from the internet to be submitted as thesis which their professors accept trustfully. Identification cards, personal documents, land titles, etc. are forged. Enterprising people come up with fake food, fake brands of commodities, and many others. Laws are passed against them, but how many are slapped with appropriate penalties? We hate these acts, yet, the attitude is one of hypocritical and selfishness….looking the other way while hoping that they do not get worse or affect us. While the pretense prevails, the commission of such malevolent acts venture beyond control and gets worst!

At this juncture, I dare say, humanity dwells on hypocrisy….so each of us should stop asking why we are living in such a “cruel world”!


0

Just Be Yourself

Posted on Saturday, 6 August 2016

JUST BE YOURSELF
By Apolinario Villalobos


TAKE IT EASY WITH PRETENDING TO BE GODLY
 AS IT MIGHT DRIVE YOU TO BELIEVE
THAT YOU ARE AN ANGEL…
AN EFFORT JUST CRAZY!

YOUR INNATE GODLINESS
WILL NATURALLY SHOW
WITHOUT ANY EFFORT -
IN THE WAY YOU TALK
AND TREAT OTHERS;
THE VIRTUOUS AURA
WILL ILLUMINATE YOU
JUST BE YOUSELF , AND…
WITH YOUR SINCERE HEART
JUST DO YOUR BEST!




0

Mga Taong May Mala-Hayop ang Ugali

Posted on Thursday, 4 August 2016

MGA  TAONG MAY MALA-HAYOP NA UGALI
Ni Apolinario Villalobos

Ang tao ay isang uri ng hayop subalit may mataas na antas ng kaalaman, gawi, at ugali. Maliban sa mga may kapansanan sa paa, nakakalakad ito ng tiyeso o diretso ang katawan. Nakakapagsalita din siya sa halip na umungol o paggawa ng iba pang tunog. Higit sa lahat, ang malaki niyang utak ay nagbubunsod sa kanya upang makagawa ng mga desisyon mabuti man o masama.

Sa pag-usad ng panahon, ang tao ay nakitaan ng mga ugaling likas lamang sa mga hayop na may mababang uri. At, hindi lang simpleng mga ugali kundi maituturing na mala-halimaw! Ang mga ito ay lumulutang dahil sa pagkagahaman na umaabot sa panlalamang ng kapwa na pagpapakita ng pagiging makasarili.

Nandiyan ang mga makikita sa pamahalaang akala mo ay mga buwaya dahil sa ugaling gustong habhabin lahat ng magustuhan lalo na ang pera sa kaban ng bayan. Biro tuloy ng ibang magulang sa mga anak, hindi na raw kailangan pang pumunta sa Mindanao at Palawan dahil sa mga bulwagan lang ng mga mambabatas ay makakakita na nito.

Mayroon ding akala mo ay mga aso dahil sa kanilang matamis na ngiting aakalain mong inosente subalit may itinatago palang masamang balakin. May pakawag-kawag pa ng buntot! Para ring mga asong humihimod sa paa ng mga inaakala nilang makakatulong sa kanila upang makaangat sa lahat ng paraan.

Hindi rin maiiwasang makakakita ng mga hunyango lalo na sa larangan ng pulitika dahil sa ugali nilang pagpalit ng kulay upang umayon sa kulay ng nanalong presidente. Bentaha ito sa nanalong presidente dahil makukuha niya agad ang majority sa mga kapulungang may kinalaman sa pagbalangkas ng batas. Subalit ang masama lang ay malinaw ang masamang balak ng mga pulitikong ito na masigurong matatag ang pagkakapit nila sa kapangyarihan, at kasama na diyan ang pagpapayaman.

May mga taong  ang ugali ay animo sa ulupong….mga traidor. Sila yong hangga’t may mapapakinabangan sa isang kaibigan, bff sila, pero kumukuha lang pala ng tiyempo kung paanong malansi o maloko at mauto ang kaibigan kuno….traidor nga! Nangyari kay Eba ang maakit ng ulupong sa hardin ng Eden, at inakit naman ni Eba si Adan kaya pareho silang gumawa ng kasalanan….ayon sa alamat na nakasaad sa Bibliya. Ganyan ang nangyayari sa kalakalan ng droga…kanya-kanyang traiduran kapang nako-corner na!

Ang nakakatuwa ay ang animo mga pusang nalilibugan sa panahon ng kanilang pag-iinit, lalo pa kung kabilugan ng buwan. Kung walang makitang makukubabawan, ngiyaw ng ngiyaw na parang nawawalan ng katinuan ang pag-iisip. Ito ang mga pulitiko na nagmamarunong kaya talak ng talak pero out-of-tune naman dahil sa kagustuhang mapansin lang. Sila ang mga ibinoto ng mga tao dahil sa adbokasiya na wala palang binatbat kaya huli na kahit pa magsisi ang bumoto sa kanila!

Hindi dapat kalimutan ang mga animo ay toro….basta na lang nanunuwag dahil gusto yatang magpakita ng tapang pero ampaw naman ang laman ng ulo kung saan nakakabit ang mga sungay. Mayroon nito sa senado ng Pilipinas.

Mayroon pang mga animo langaw ang pag-uugali. Dumadagsa sila kung saan ay may pagkain, bulok man o sariwa. Kumpul-kumpol sila sa pagdasa sa mga opisyal o mayayaman upang makinabang ng impluwensiya o pera ng mga ito. Mga mayayabang at ambisyoso din ang mga ito na tumugma sa kasabihan sa Pilipino na….”akala mo ay langaw na nakatuntong sa kalabaw”. Ibig sabihin, nang makatuntong sa likod ng kalabaw ay pilit na hinihigitan pa nila ang nagbigay sa kanila ng “kataasan” o likod na tuntungan!

Higit sa lahat ay ang mga linta na ang ginagawa ay sumipsip ng dugo upang mabuhay. Iba naman ang taong nakikitaan ng ganitong ugali dahil ang sinisipsip ay buhay ng mamamayang nagtiwala sa kanila. Marami ang may ganyang ugali na nagpundar ng pera upang mahalal sa puwesto. Sila ang mga linta ng lipunan at bayan!





0

The "Best Seller Syndrome"

Posted on Friday, 22 July 2016

The “Best Seller Syndrome”
By Apolinario Villalobos

A very popular book store in the Philippines patronizes “best sellers”…books of foreign authors. They are prominently displayed right at the entrance of their stores. To cap their promotion effort founded on the colonial mentality of Filipinos, the establishment invites the foreign authors to come over all the way from their so-called “first world” homelands…to sign purchased books which the suckers devour with all their best literary duplicity.

Judging a book is subjective, a fact that cannot be questioned. What can be the best material for one may be trash for another. But an impression can be a very significant influencing factor. How can that fact be questioned when all it needs for a book to be grabbed at bookstores is a review made by influential people…known in their respective field, that do not necessarily show them as literary personalities. This attitude is akin to the “identified with” syndrome, too.

Some Filipinos buy popular books, especially, the hard-bound sets of encyclopedia to create an impression so they are prominently displayed in living rooms. Some friends unabashedly admit that they have not opened any volume of the set and that they are there, just for display, without of course expressing their desire to enhance the sophisticated impression that they practically try to solicit from their visitors.

When word spread about an obscure book that happened to be a favorite of a rags-to-riches business tycoon, suckers rushed to book stores to buy a copy or two, with the extra as a gift to a friend, complete with a “dedication” where the information about its being read by a famous Filipino businessman is also scribbled. I got my copy this way – from a friend who tries hard to make an impression that he is “intelligent”, just because he reads a lot. I have come across the book long before it became popular and sold for only just less than a hundred pesos, but when it got popular the tag price has soared between 300-400 pesos depending on the store selling it. I also found the book prominently displayed in offices I visited, as some kind of a coffee table book.

During one of my visits to a book store, I came across a book with a triangulized corner note about its being the fifth edition, and with sold copies running to millions. This time my sucker instinct made me buy a copy, parting with my hard-earned pesos, especially, because, as the synopsis at the outside back cover said, it was indeed a good read. In the evening when I browsed through the pages thoroughly, my blood pressure shot up because many paragraphs were enclosed with quotation marks…meaning, contents were copied with impunity though with the safety of the said literary marks and  bibliography which ate up 14 pages! I did not notice them when I bought the book because I was in a hurry, and I trusted the “best seller” come on. There went my 300 pesos! In my disgust, I burned the trash!




0

Ang Fantastic at Recycled na Goodbye Speech ni Pnoy

Posted on Sunday, 12 June 2016

ANG FANTASTIC AT RECYCLED
NA GOODBYE SPEECH NI PNOY
Ni Apolinario Villalobos

Lalong idiniin si Pnoy sa kalagayang nakakahiya dahil sa goodbye speech niya. Halatang recycled ito at talaga din namang “fantastic”. Ilang beses na niyang “ipinipilit” noon pa ang mga accomplishment daw niya na nakapaloob sa kanyang speech at ang kuwento tungkol sa ginawa daw ng kanyang tatay.

Ang tungkol sa edukasyon, sinabi niyang dumami na daw ang mga silid-aralan. Nasaan ang mga ito?...kung meron may ay malamang inilagay sa mga developed areas. Bakit nagsisiksikan ang mga bata sa mga silid-aralan sa Manila kaya nagkakaroon ng “shifting” na inaabot ng gabi? Ang mga bata sa mga liblib na lugar ay nahihirapan pa rin dahil kailagan pa nilang tumawid sa mga ilog at umuugoy na hanging bridge upang makarating sa pinakamalapit na baryo kung nasaan ang kanilang eskwela. At, aanhin ang mga silid-aralan kung kapos naman sa mga gamit kaya upang may magamit lang ay mismong mga guro ang bumibili ng mga teaching aids gamit ang kakarampot nilang suweldo. Ang tungkol sa “progress” at “development” ng bansa, tumaas nga ang GDP, pero ang nabibiyayaan ay mga mayayaman, hindi ang mga mahihirap kaya dumadami pa rin ang mga nagugutom. Ano na ang nangyri sa Maguindanao Massacre at Mamasapano Killing?

Sa panahon niya, ang smuggling at droga ay lalong umalagwa o hindi nasawata, laya lalong lumala. Napansin kasing walang ginagawa ang mga ahensiya, at mismong siya ay hindi kumikibo. Kumalat ang mga balita tungkol sa recycled drugs na bahagi ng mga kinumpiskang mga droga. Mistulang binastos na ang Pilipinas at ginago ang mga Pilipino dahil sa ginawa ng mga sindikato at mismong nagpapatupad ng batas. May mga PIlipinong “importer” na ang operating capital ay wala pang kalahati ng halaga ng kanilang in-import kaya halatang ginamit na dummy ng mga dayuhang smuggler. Ang drug lords mula sa ibang bansa, lalo na China ay dumagsa, at ang drug laboratories ay bumaha, dahil nagkaroon din ng mga “kitchen-type” laboratories. Nabisto din ang pagluto ng shabu sa loob ng Bilibid.

Sa panahon niya, hindi nakontrol ang pagsirit ng presyo ng mga pagkain na hanggang ngayon ay hindi na bumalik sa dating presyo….nakakatawang, ang kangkong kung bilhin sa palengke ay piso kada dalawang tangkay dahil ang isang tali na may sampung piraso ay limang piso, at kung bilhin sa mga tindahan ay piso isang tangkay, doble na ang presyo!...marami pang iba. Ang Telcos ay lalong lumakas ang loob sa pag-abuso sa tiwalang ibinigay ng mga gumagamit ng kanilang serbisyo. Hanggang ngayon ay wala silang ginawa sa kabila ng opisyal na pagpapatunay na talagang mahina ang kanilang mga pasilidad kaya maraming reklamo. Hantaran rin ang pagsalaula ng budget dahil sa nakakahiyang mishandling ng pork barrel funds. Dumami daw ang mga kalsadang ginawa? Nasaan ang mga ito? Ang nakita ng mga Pilipino ay ang pagsira sa mga maaayos pang kalsada upang palitan ng mga bago kaya gumamit ng malaking budget!...at ang ibang binungkal ay papitik-pitik pa ang pag-ayos kaya inabot ng tag-ulan!

Ang pinipilit niyang isyu tungkol sa “kalayaan” at ang kuwento tungkol sa ginawa daw ng kanyang tatay ay animo awit sa sirang plaka na paulit-ulit ang pagtugtog…masakit sa tenga. Hindi rin maganda ang dating ng sinabi niya tungkol sa nabawi daw na kalayaan at mga karapatan dahil BAKA MAULIT, kaya dapat maging mapagmatyag at magpagmasid ang mga Pilipino. Sino ang pinapasaringan niya?


Natupad daw niya ang mga pinangako at “panata” niya sa kanyang mga “boss”….WOW AT BOW!!

0

Ang Hirap sa Ibang Mga Moralista Daw....hindi "pangtao" ang kanilag pananaw

Posted on Sunday, 22 May 2016

Ang Hirap Sa Ibang Mga Moralista Daw
…hindi “pangtao” ang kanilang pananaw
Ni Apolinario Villalobos

Mahirap intindihin ang ibang mga moralista dahil sa pagtanggi nilang ibalik ang hatol na kamatayan. Para sa kanila, ito daw ay labag sa utos ng Diyos. Nandoon na ako sa utos ng Diyos na bawal ang pumatay pero ito ay kung para sa pansariling kapakanan tulad ng pagnanakaw kaya dapat litisin ang pumatay, lalo na ang pumatay dahil sa pagdepensa sa sarili lamang.

Subalit sa isa pang kautusang huwag pagnasahan ang kapwa o “asawa ng kapitbahay” na literal na translation ng “thou shall not covet thy neighbor’s wife” kaya humahantong sa rape o panggahasa…na sa panahon ngayon ay palagi nang ginagawa dahil sa droga, kaya pati nanay o lola ay nagagahasa na ng addict….ANO ANG MASASABI NG MGA MORALISTANG ITO? NGINGITI NA LANG BA O DI KAYA AY MAGTAAS NG MGA KAMAY SA LANGIT, SABAY SIGAW NG “PRAISE THE LORD!”?

NGINGITI NA LANG BA ANG ISANG INA O AMA O MGA KAPATID KUNG MASALUBONG NILA ANG NANGGAHASA SA KANILANGANG ANAK O KAPATID NA HINDI NALILITIS GANOONG ALAM NA NG BUONG BAYAN ANG KANYANG GINAWA, PERO NAKAKALAYA DAHIL ANAK O PAMANGKIN NG MAYOR O MAYAMANG NEGOSYANTENG MADALAS MAG-DONATE SA SIMBAHAN AT KUNG MAY PISTA SA BAYAN? AT KUNG MAKASUHAN MAN KUNO KAYA NAKULONG KUNO AT MAKALIPAS ANG ILANG BUWAN AY NAKALAYA AT NANGGAHASA ULI DAHIL TALAGANG BISYO NA NIYA ITO, LALO PA AT ADDICT PALA….ANO ANG MASASABI NG MGA MORALISTA?...”PRAISE THE LORD?”

ISANG TANONG: MAKATARUNGAN BA ANG “DIYOS” NG MGA MORALISTANG ITO?
ANG GUSTO YATA NILANG MANGYARI AY GAYAHIN NG TAO ANG ASO NA PAGKATAPOS MAGKASTA O MAKA-PANGANGKANG SAAN MANG LUGAR – GITNA NG BASKETBALL COURT O KALSADA O PLAZA O HARAP NG SIMBAHAN O LABAS NG GATE NG BAHAY, ETC. AY PARANG WALA LANG NA AALIS NA, AT BABALIK ULI SA PANAHON NG TAGLIBOG UPANG MAGKASTA O MANGANGKANG ULI NG IBANG ASO!!!