Hindi na Natuto ang ILANG Obispong Katoliko
Posted on Friday, 6 January 2017
Hindi na Natuto ang ILANG Obispong Katoliko
…ang iingay pa rin na parang pusang
naghahanap ng makukubabawan!
Ni Apolinario Villalobos
Akala ng ILANG mga obispong Katoliko ngayon
ay may karisma sila na katulad ng kay Cardinal Sin noong panahon ng Martial Law.
Totoong maingay si Sin noon, pero ang binabatikos niya ay ang Martial Law at si
Marcos na hantaran kung gumawa ng katarantaduhan laban sa mga estudyante na ang
pinaglalaban ay karapatan ng sambayanan. Umaga pa lang noon ay
nagpapa-interview na si Sin sa mga radyo upang batikusin si Marcos. Yon ang
sitwasyon na dapat batikusin ng maingay. Ang patayan noon sa ilalim ng Martial
Law ay talagang WALANG KABULUHAN dahil
ang mga biktima ay mga matatalinong estudyante. Ngayon, ang ILANG mga Obispo ay
maiingay na parang nagpapa-istaring lang, nagpapapansin kaya tuloy sila
nababatikos din. Ngalngal sila ng ngalngal tungkol sa extra-judicial killing na
pinaparatang kay Duterte ganoong wala namang napapatunayan. At, ang mga
pinaglalaban nilang pinapatay ay mga kriminal naman!
Itinaon sa pista ng Nazareno ang pagpalabas
na naman nila ng panawagan na “huwag pumatay” at ipinipilit na hindi si Duterte
ang tinutukoy nila sa kahangalang panawagan, ganoong obvious naman. PARA
MALAMAN NG ILANG OBISPONG ITO, HINDI TANGA ANG MGA PILIPINO, baka sila, dahil
hindi nila alam ang kahulugan ng “crime”, “criminal”, “drug lord”, “rape”,
“injustice”, etc. Kung gusto nila, Tagalugin ko pa ang mga binanggit ko:
“krimen”, “kriminal”, “boss ng mga drug pusher”, “gahasa”, “kawalan ng hustisya”,
atbp. Kung manawagan sila, lalo pa at itinaon pa sa tanyag na pista ng Quiapo,
sana ay sinabi na lang nila na, “MAGMAHALAN TAYO”…positibo pa ang dating.
Hindi na natuto ang ILANG mga obispong ito
na nagmamagaling na animo ay alam ang lahat ng tungkol sa buhay. Malinaw na may
kakulangan sila dahil hindi nila nauunawaan na MAS MAY KARAPATANG MABUHAY ANG
MGA INOSENTENG BIKTIMA KAYSA MGA KRIMINAL NA GUSTO NILANG PATULOY NA MABUHAY SA
MUNDO. Hindi yata nila nauunawaan na kapag hinayaang mabuhay ang mga kriminal
na ito ay magmimistula nang impiyerno ang Pilipinas dahil sa paglaganap ng
droga at ng mga kaakibat na krimen na nakakawing o nakabuntot dito.
Kaylan kaya matuto ang ILANG maiingay na
obispong Katoliko? Kung sila na mismo ang maging biktima?
Discussion